Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 50 - Chapter 49

Chapter 50 - Chapter 49

AKALA ni Oshema uuwi na sila pagkatapos nilang kumain sa labas. Nagpumilit ng dinner date si Jairuz dahil bukas ay uuwi na galing Japan si Yzack at maaaring babalik na rin si Mikah mula Cebu. Mawawalan na sila ng oras para makasama ang isa't isa.

"May pupuntahan pa tayo?" Tanong niyang nagtataka nang matantong ibang daan ang binabagtas ng sasakyan ng lalaki at hindi ang kahabaan pabalik ng mansion.

Tumango ito. Ngumiti ng pilyo. "There's something that I want to show you." Sagot nito.

"Hindi tayo pwedeng magtagal. Baka hinahanap na ako ni Kyruz. Mahihirapan ang mama mo kapag sinusumpong iyon." Ungot niya. Si Madam Jemma ang nag-volunteer na magbantay muna sa bata para matuloy ang date nila. Ang totoo, malaki ang partisipasyon ng ginang sa kung ano man ang mayroon sila ni Jairuz ngayon.

"It won't take long. I just need you to see it." Pakli nitong kinindatan siya.

"Okay," tumango na lamang siya. Itinuon niya ang paningin sa daan. Pigil ang tawa na muli niyang sinulyapan ang asawang nagmamaneho nang magsimula itong pumito kasabay ng awitin sa stereo. "You've been acting weird, Jairuz. Siguraduhin mo lang na hindi ka nagloloko kundi kukurutin ko talaga 'yang_"

"balls?" He snapped cracking a hard laugh.

Natatawang hinampas niya ito sa braso. "Pervert!"

Narating nila ang MA International Tower. A 57th storey building in Ayala Avenue standing alongside the Billionaire's Row which franchise was also owned by MA International. A multi-billion company solely own by Jairuz.

Hinatid nila sa lift ang sasakyan para maiakyat sa penthouse. His car is off the markets. A $ 13 million dollar black Sweptail built by Rolls Royce. Sa pagkakaalam niya ni-request ni Roelle sa kompanya na gawin ang sasakyang iyon para kay Jairuz. It is bullet proof and comes with its custom coach work. The sunroof is fully panoramic, tapering down sharply like those of the racing yachts. Its interior is handcrafted with wood and leather and it has hidden attaché cases for holding laptops behind each door. Nothing less she can expect from the new leader of Ragnarok who is about to take his post.

Sumakay sila sa private elevator na naghahatid sa kanila sa penthouse. Pagdating roon ay nakita niya ang Sweptail sa garahe ng penthouse. Sa sobrang mahal nga naman ng sasakyang iyon, hindi ideal na doon iyon ipa-park sa basement kahit pa mahigpit ang bantay. Maari kasing pagmumulan pa iyon ng trahedya.

Binuksan ni Jairuz ang pinto ng penthouse at niyaya siyang pumasok. Sumalubong sa kanya ang maaliwalas at mabangong sala. Dominated with intimidating masculine ambiance. Naglakbay ang paningin niya sa dalawang drift couches, isang toad sofa at isang brown aster papposus sofa na nagmistulang malaking jellyfish na nakataob sa carpeted na sahig. Accompanied with haumea centerpiece and a tears cocktail table in the corner which is a combination of shaped-glass and metal.

A Panasonic 152-inch Plasma television is hovering like a solid black wall plus a Moon audio's dark star opulence on its side. DVD glass stand na may dvd player at iilang dvd tapes. Telephone table. Nahinto ang paningin niya sa native picture frame katabi ng telepono. The picture inside the frame is close-up. Jairuz and Mikah. Mukhang si Mikah ang kumuha ng shot habang nakasampa sa likod ng lalaki.

Agad niyang binawi ang mga mata nang mapansin niyang pinanonood siya ni Jairuz. Huminga siya ng malalim at lumapit sa makapal at ivory-colored curtain na dumadaloy mula sa kisame hanggang sa sahig. Hinawi niya iyon at sumilip sa labas. Skycrapers in different magnitude are swarming all over the metropolitan. Tila mga haring nakatingala sa kinaroroonan niya.

"Is this your first time coming here?" Tanong ni Jairuz at nadama niya ang kamay nito sa kanyang balikat.

Tumango siya. "Wala naman kasi akong dahilan para pumunta dito noon." What she said is partly true. Dahil hanggang sa nangyari ang trahedya taon na ang nakalipas ay nanatiling lihim sa kanya kung anong mayroon si Jairuz pati yaman na minana nito mula sa ama. It's only been a year since she was secretly informed that he is the heir to the throne of gods. The Ragnarok.

"Where is it?" Tanong niya. Nakangiting nilingon ang lalaki.

Sumulyap muna ito sa picture saka tumingin sa isang direksiyon. "Follow me." Nagpatiuna ito patungo sa likod ng smoked-glass partition. Nagmadali siyang sumunod sa asawa. Nadaanan nila ang customized kitchen na kompleto din sa mga modernong kagamitan. Nahinto siya sa harap ng 72-inches side by side refrigerator and freezer. It has a glass door and stainless steel wrap. Nagmistulang vending machine iyon na puro inumin ang laman.

"Come on," tawag ni Jairuz sa kanya na bahagyang natawa.

Natawa din siya sa ginagawa. Para siyang batang napunta sa kakaibang mundo na namamangha sa mga nakikita niya.

Sa loob ng nakasaradong pinto sa may dulo ng kitchen naghihintay sa kanya ang lalaki. Nang makalapit siya ay binuksan nito ang pinto at binuhay ang ilaw sa loob.

"Come in," he moved aside.

Pumasok siya. Sumunod ang lalaki at iniwang nakabukas lang ang pinto para makapasok ang lamig ng aircon dahil nakapatay ang sariling ventilation ng kwarto. It is a spacious room. Hindi niya matukoy kung anong silid iyon dahil walang anumang mga gamit. Maliban sa malaking chandelier na nakabitin sa kisame. Pero sa gitna ng silid ay may painting stand na may canvass at nakatalikod sa gawi niya. Sa ibaba niyon ay may nakatuping puting tela katabi ng lalagyan ng mga watercolors at paintbrushes na magkakaiba ang laki.

"One month after I woke up, I started having this weird dream. A woman in a white dress. Faceless. But I was so drawn to her. Sa panaginip na iyon, nakahiga ako sa kandungan niya sa ilalim ng cherry blossoms. Kaya lang sa tuwing binabalot ng hamog ang buong paligid, iniiwan niya ako. Kahit anong paghabol ang gawin ko'y hindi ko siya naaabutan. I'll have to wake up devastated and broken-hearted. Lately, the same dream haunted me again. But unlike before, the woman who was once faceless eventually surfaces with her real appearance." Nilapitan nito ang painting at iniharap sa kanya. "Meet the woman in my dream, Oshema."

She gasped looking at the woman in the painting. Was it her? Dahan-dahang nalipat ang paningin niya kay Jairuz na nakatitig sa kanya ng may pagsuyo. Ang panaginip nito, iyon ang alaala pagkatapos nilang ikasal. Kung ganoon, hindi iyon nawala sa utak ng asawa. Naroon lang iyon at maaring nabaon lamang sa subconscious nito. Hindi iyon nabura. God! Natutop niya ang bibig. Tears started to blur in her vision.

Hinapit siya ng lalaki at niyakap. "Can I take those tears as indication that my dream has something to do with my lost memories?"

"Randall," napahagulgol na siya.

"Please, tell me everything I need to know. Kung may nakaraan tayong dalawa gusto kong malaman. Why would my mind keeps going back to that freaking dream? It's just doesn't make sense."

Napalunok siya. Binayo ng matinding kaba ang dibdib."May magbabago ba kung sasabihin ko sa iyo ang nakaraan? Iiwanan mo ba si Mikah para sa aming dalawa ng anak ko?" Bahagya niyang inilayo ang sarili kay Jairuz. Kung sasabihin nitong Oo, susugal siya at ipagtatapat niya ang katotohanan pero kung hindi, wala ring saysay na malaman pa nito ang nakaraan lalo pa at mapanganib iyon para sa utak nito.

Hindi ito sumagot. At nabasa niya ang pagbalot ng lito sa mga mata nito. Hindi ito handang ibigay ang inaasahan niyang sagot. Tinalikuran niya ang asawa at lumabas ng kwarto habang pilit sinusupil ang tahimik na pagluha.

"Oshema, wait!" Humabol ito. Naabutan siya at hinawakan sa braso.

"Mahalaga na malaman ko ang sagot mo dahil diyan nakasalalay ang katahimikan nating lahat." Nilingon niya ito.

"But do I really have to answer that now?" Apila nito.

Hinarap niya ito. "One week, tama na ba iyon para makapag-isip ka?"

Napahawak ito sa batok at bumuga ng hangin. "One week is fine." Pahayag nito.

Tumango siya at tinunton ang pinto.

"SAAN KA GALING?" Bumungad sa kanya ang madilim na mukha ni Yzack pagpasok niya ng sala.

Napakurap siya at saglit na hindi nakahuma. Nakabalik na ang binata? Akala niya bukas pa ito darating. Buti na lang hindi siya pumayag na ihatid pa ni Jairuz. Hinamig niya ang sarili at ngumiti ng matamis.

"Welcome back, Yzack." Tumingkayad siya para bigyan ito ng halik sa pisngi.

"Tigilan mo ako, Oshema. Saan ka galing?" Matigas nitong tanong na iniwas ang mukha. Sa hangin tuloy napunta ang mga labi niya.

Napanguso siya. He is seriously upset. Hindi umubra rito ang pagpapa-cute niya. "Hindi ba sinabi sa iyo ni Madam kung saan ako pumunta?"

"Malamang hindi, magtatanong ba ako kung sinabi niya?" Pabalang nitong sagot na nag-uumigting ang mga panga.

"Kumain ako sa labas." Nilagpasan niya ito at nagtuloy sa hagdanan.

"'Wag mo akong tatalikuran, kinakausap kita!" Angil nitong sinaklit siya sa braso.

Napangiwi siya sa sakit. Ang lalaking ito, walang pakundangan kung gumamit ng lakas. Gusto yatang basagin ang mga buto niya.

"Hindi mo ako kinakausap. Gusto mo akong awayin! 'Yan ba ang pasalubong mo sa akin galing Japan? Init ng ulo?" Sikmat niya rito.

"Sinong kasama mo? Si Jairuz?" He roared like a lion ready to devour his prey.

"Yzack, he is the father of my son." Pilit niyang binabawi mula rito ang braso pero lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Yzack's face is getting dimmer by a second. Naaawa siya habang pinagmamasdan ang binata na alam niyang ginagawa ang makakaya para intindihin siya. Bakit ba kasi gusto niyang magpakatanga? Wala namang sweldo iyon.

"Tell me what I should do to make you listen? Why won't you hear me out, Oshema? He might be Kyruz' father but how many times will you have to give him a chance and he'll just blow it off? He deceived you. He left you behind and now he can't remember you. Haven't you had enough of all his tricks?" Dalawang bisig na niya ang hinawakan nito na para bang iyon na lang ang natitirang paraan para makumbinsi siya sa katwiran nito.

"Naiintindihan kita, Yzack. Pero hindi ko inaasahang ganyan mo pala tinitingnan ang kapatid mo. Bukod sa akin, ikaw ang mas dapat na nakakaalam sa dahilan ng mga ginagawa niya. Kung nagkamali man siya, hindi niya ginusto lahat ng iyon." Malungkot niyang pahayag na hindi itinago ang pagkadismaya.

Natauhan ang binata at hindi sumagot. He let her go and looked away. Shadows of mixed emotions are running out from his eyes.

Iniwan niya ito at umakyat sa dambuhalang hagdan. This is all her fault. She made the twin brothers turned against each other. Tumuloy siya sa nursery. Mahimbing na ang tulog ni Kyruz sa crib habang binabantayan ni Madam Jemma.

"Good evening, Madam." Hinagkan niya sa pisngi ang biyenan na nakangiting sumalubong sa kanya.

"Good evening, hija. How was your dinner? Did you both enjoy?" Sabik nitong usisa.

Natawa lamang siya at tumango. Sinilip niya ang anak. "Salamat po sa pag-aalaga sa kanya habang wala ako."

"Don't mention it. Next time, don't hesitate to ask me; I'll be very happy to tend to my grandson."

"Thank you, Madam." Kinarga niya ang sanggol. Dumoble na ang bigat nito. Mas lumikot na rin ito at dumadami na ang ngipin. Nakakapagod ng bantayan lalo na sa tulad ni Madam Jemma na tumatanda na.

"Nagkausap ba kayo ni Yzack?" Tanong ng ginang na nag-aalala.

"Oo at galit na naman. Iniwan ko siya doon sa ibaba." Nagpapasalamat siya at hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa kanya ng biyenan kahit saksi ito sa sigalot na dinulot niya sa magkapatid mula pa noon.

"I had no idea he's coming back today. Kasama niya ang daddy niya." Marahan nitong hinaplos ang ulo ng batang karga niya. "He also brought your pets." Ngumiti ito.

"Really, Madam? Oh, that's great!" Nakadama siya ng pananabik. Nandito ang mga alaga niya! Doon sa Japan kapag nagtitimpla siya ng gatas at nasa garden sila tumutulong ang mga iyon sa pagbabantay kay Kyruz. They've been part of her life like a family. She can't wait to see them.

Related Books

Popular novel hashtag