Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 51 - Chapter 50

Chapter 51 - Chapter 50

NASASABIK na pinalipas ni Oshema ang buong linggo. Magkahalong saya at kaba ang nadarama niya nang dumating ang pinakaaasam niyang araw. Tatanggapin niya ng buong puso anuman ang magiging pasya ni Jairuz pero malaki ang tiwala niya sa pagmamahal nito sa kanya. Nilapitan niya ang anak na nasa kama at mahimbing na natutulog habang binabantayan nina Pepang, Nonoy at Mimi. Hinaplos niya ang mga alaga saka tumulak palabas sa balcony ng suite ng hotel kungsaan nakahanda ang hapunan.

Inaaliw niya ang sarili sa mga makukulay na liwanag na nagmumula sa iba't ibang gusali habang hinihintay ang asawa. Saglit niyang tiningala ang langit. Wala ang buwan. Wala din siyang makitang mga bituin.

"Sorry, I'm late." Halos mapaigtad siya nang marinig ang swabeng boses ni Jairuz.

Awtomatiko niyang nilingon ang pinto. There he was. Arrestingly handsome and dashing with his usual bad boy getup. Black heavy jacket and an off-white long sleeve shirt underneath, fashioned with camouflage scarf. Black denim pants slipped in a brown boots, making him looks taller and commanding.

"Are you hungry?" Pumasok ito. "Come on, let's eat." Pinag-urong siya nito ng silya sa harap ng nakagayak na bilugang misa.

"Bakit para yatang nagmamadali ka? Aalis ka ba agad?" Natatawang biro niya na akmang yayakapin ito.

Pero tinabig nito ang mga kamay niya at umiwas. Naghuhumiyaw ang lambong sa mga mga mata nito na pilit itinatago ng ngiti. Napahinto na lamang siya.

"I'm sorry," tila natauhan ito at mabilis na hinawakan ang kanyang kamay. Marahang pinipisil. "I'm sorry, Oshema." He sincerely apologized.

Tumango siya at ngumiti ng tipid. Nag-ipon siya ng hangin sa dibdib para sa hagupit na nagbabadyang dumating.

"It's okay, kumain na__"

"I can't hold you that way anymore." He snapped. Binitiwan ang mga kamay niya kasabay ng pagpataw ng panibagong latay sa kanyang puso. "This will be the last time that I'll see you in private like this. I can't go on loving you anymore. Mikah is pregnant and I decided to marry her. Forgive me for asking you about the past pero hindi na ako interesadong malaman iyon. My life ahead of me with Mikah and our baby will be enough."

Dati na niyang sinabi sa sarili na tatanggapin niya anuman ang darating. Kakayanin niya. But how? When the pain struck more than what she could expect. Parang bagyo na walang babalang winawasak ang bawat madaanan. The world torn down upon her shutting her brain out and making her body numb. Nagsara ang kanyang pandinig at para siyang ibinaon sa ilalim ng lupa. Hindi niya maikurap ang mga matang nanlalabo. Pati mga labi ay hindi man lamang niya maibuka para suminghap ng hangin. Everything went dark and blank.

Napakapit siya sa misa nang tuluyang bumigay ang lakas ng kanyang mga tuhod. Tinamaan ang basong puno ng tubig at nabuhos sa kanya ang laman kasabay ng kanyang pagkabuwal mula sa kinatatayuan.

"Fuck, Oshema!" Raging noise and the lumpy sound of her body hitting the chair was the last thing she heard before the sphere went into complete silence.

MARAHAS na pinakawalan ni Yzack ang pinipigil na hininga at kalmadong lumapit kay Jairuz. May isang bahagi ng utak niya ang nag-uudyok na sapakin ang kakambal, kung hindi lamang nito dinadaluhan si Oshema na nakatulala habang tigmak sa luha ang mga mata. This happened before too. When Jairuz was shot during the final battle between Ragnarok and the Red Scorpion. Oshema was in total shock. Tulala. Umiiyak at hindi nagsasalita. Pagkaraan ng tatlong araw ay saka pa lamang nila nakakausap ng matino ang babae.

"Give her to me and you can go." Hiningi niya ang babaeng pangko ni Jairuz. Kanina pa siya nanggigigil na pakainin ng kamao ang kapatid. Sinaktan na naman nito ang babaeng mahal niya. "Randall!" Mabagsik niyang ungol nang hindi ito kumibo.

Saglit itong pumikit para ikubli ang anino ng galit at emosyong sumisilip sa mga mata. Saka may pag-aatubiling ipinasa sa kanya si Oshema. Maingat niyang kinarga ang babae at dinala sa loob ng suite. She's sweating a lot and her face is getting paler. The shock must have got her big time.

"I can call for a doctor." Jairuz suggested, following him. The anxiety in his voice is very evident that it annoys him more.

"Get lost, Randall. Your business here is over." Ibinaba niya sa kama si Oshema. She was like a doll unable to respond. "Come on, Shem, snap out of it! Look at me!" Hinawakan niya ang mukha nito at banayad na pinunasan ang mga luha.

Lumapit sa babae ang mga alaga nito na hindi man makapagsalita ay halatang nagtataka at nag-aalala lalong-lalong na si Pepang. Napatiim siya at mahigpit na nagkuyom ng mga kamao.

"What is happening to her, Yzack?" Naguguluhang tanong ni Jairuz buhat sa likod niya.

"Umalis ka na!" Singhal niya sa halip na sagutin ito.

"I am not going anywhere." Pagmamatigas nito na tuluyang sumagad sa kanyang pasensya.

Mabangis niyang itinulak ang kapatid. Pero tinapatan nito ang lakas niya kaya nagkasukatan sila. Muntik na niya itong masuntok kung hindi lang pumasok sina Jin at Kazuma at inawat silang dalawa.

"Nag-aalala ka sa kanya pagkatapos mo siyang saktan? Don't be such a dork." Angil niyang nagpumilit makawala sa pagkakapigil ni Jin. "Take him away! Take that bastard away from here!" Matigas niyang utos sa dalawang bodyguard.

"Try and touch me, guys or I'll charge you a free trip to hell." Mapanganib na babala ni Jairuz.

"Y-Yz-zack," pinahinto siya ng basag na boses ni Oshema.

Alertong binalingan niya ang dalaga at mabilis na dinaluhan. "Yes, baby...I'm here." Hinagkan niya ito sa gitna ng mga mata. Thanks, God! She came out of it. Akala niya makukulong na naman ito sa depression.

Suminghap ito ng hangin. "Tama na. Pakiusap, iwan nyo muna kami ng anak ko." Tumigas ang mukha nito kasabay ang pagsakop ng galit sa mga matang umaapaw sa luha.

Labag man sa loob, alam niyang wala siyang magagawa kundi ang sumunod. Kinaladkad niya palabas si Jairuz na nag-aatubiling sumama.

PAIN. A gift that nobody wants. Mabait talaga ang Diyos, alam Niya na kailangan ng taong masaktan para matuto at makatagal sa buhay. Kaya kahit walang may gusto na masaktan, maituturing pa rin na isang panalangin iyon upang malaman ng tao ang sukdulan ng mga ginagawa nito sa sarili.

Tinuyo ni Oshema ang mga luha at hinaplos ang mga alaga na nakatunghay sa kanya. Dumating na siya sa sukdulan ng kanyang pagmamahal kay Jairuz kaya tama na. Panahon na para ibaon niya sa pinakamalalim na bahagi ng kanyang puso ang lahat ng tungkol sa binata at magpatuloy sa buhay.

Bumaba siya ng kama at nilapitan ang anak. Napangiti siya ng mapakla at sinaway ang mga luhang dumungaw sa mga mata. It's time to stop crying. She cried enough for her love.

"Sorry if mommy is such a crybaby. I promise, I'll be stronger from now on." Dumukwang siya. Kinarga ang sanggol at hinagkan sa noo.

Nilipat niya sa kama ang anak at pinababantayan sa mga alaga. She tidied herself up in front of the mirror and took her phone from the sidetable. She dialed a number.

"Hey, what's up?" Mabilis na tinanggap ang tawag niya mula sa kabilang linya. It's a male husky voice.

"It's me. Pasensya ka na kung naabala kita." Naupo siya sa gilid ng kama.

"No problem. Nasa Manila ako ngayon."

"Pwede mo ba akong puntahan?"

"Of course. Where are you?"

"Manila Pen."

"Be right there. Wait for me."

The line went dead. Ibinaba niya ang cellphone at sinulyapan ang anak na napalilibutan ng mga alaga. Tumayo siya at nagtawag ng hotel crew mula sa intercom para malinis ang kalat sa may terrace. Dalawang crew ang dumating. Hindi pa tapos sa paglilinis ang mga ito ay dumating na rin ang bisita niya.

"Come in, Alex." Nginitian niya ng tipid ang lalaking nakatayo sa labas ng pinto.

Pumasok si Alexial. Gumala agad ang mga mata nito. Siniyasat ang buong silid at nahinto ang mala-agilang titig sa sanggol na natutulog sa malaking kama. His lips curved in a lazy smile and went ahead to the baby. Isinara niya ang pinto at sumunod rito.

"He's getting big." Komento nito habang nakatunghay sa sanggol.

"Yeah, so fast. He started taking his first step." Napangiti siya ng bahagya.

Tumingin sa kanya si Alexial. Nanunuri. "And you? How are you doing?" Tanong nito. Humagod ang mga mata nito sa kabuuan niya.

Huminga siya ng malalim at umiling. "I will be okay. I should be."

Tumango ito. Kinabig siya at isinandal sa dibdib nito. "Things were tough but you're doing far more great. Well done."

Nag-init ang sulok ng mga mata niya kasabay ang sunod-sunod na pagpatak ng kanyang mga luha. "Alex..."

"You've tried your best. Wala kang ginawang mali."

"Naisip kong tama na. Hayaan na natin siya." Napahikbi siya.

"No, Oshema. I can't allow you to give up like that. I told you, I won't let anyone bully my little boss for not having a father to protect him someday. Leave everything to me. It's time you sit back and watch a good show."

Alexial Andromida is certainly a reliable friend and bodyguard. Kung hindi dahil sa lalaki baka patay na si Jairuz. Noong nangyari ang trahedya, hindi sumuko ang lalaki. He banged the hospital to save Jairuz. When everyone loses hope, he remained calm and steadfast.

Kahit silang dalawa ni Kayruz ay hindi nito pinababayaan. Even when he was dismissed from his duty as Jairuz' close in, he is still there for her and her son. Constantly communicating with her, protecting Kyruz from the shadows like he did to Jairuz.

"Ang gusto ko lang ilaban ay ang karapatan ng anak ko, Alex. Huwag na nating pilitin si Jairuz na kilalanin ako." Pahayag niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo, mauungkat pa rin ang lahat. We should let Jairuz decide after we reveal everything to him. Besides, it's his right to know the truth."

Alexial stayed with her the whole night giving her an account for the suppose plan he was in mind.

Pero ayaw na niyang makagulo pa kina Jairuz at Mikah. Kahit malaman pa ni Jairuz ang nakaraan, wala pa rin namang katiyakan na babalik sa kanya ang asawa dahil burado na siya sa utak nito. Imposibleng talikuran nito si Mikah dahil lang sa isang kwento at kapirasong papel na nag-uugnay sa kanila.

Kinabukasan ay bumalik sa hotel si Yzack para sunduin sila ni Kyruz pero hindi siya sumama. Bigong umalis ang binata. Hindi niya ipagkakait si Kayruz sa pamilya ng ama nito pero sa ngayon ay mahirap para sa kanya ang magkunwari at bumalik sa mansion. She wanted to be healed, not quickly though because she knew it requires enough time to do it.

Katatapos lang niya mag-shower nang tumunog ang kanyang cellphone. Jairuz' caller ID appears on the screen. Pinipiga ang puso niya habang nakatitig roon.

"Hello?" She should change her number soon.

"Oshema?" Boses ni Mikah ang nasa kabilang linya. "I wanted to talk to you since last night but I don't have your number so I borrowed Jairuz' phone."

"Anong kailangan mo?" Malamig niyang tanong.

"I'm pregnant. Sana sapat ng dahilan ito para isuko mo na siya sa akin. I love him so much more than you do."

"Really? Huwag kang mag-alala, matagal ko na siyang isinuko. 'Yan lang ba ang kailangan mo?"

"Wait! Sana, huwag mo na ring tangkain pa na sabihin sa kanya ang nakaraan. He is not yet stable. I don't want him to relapse if he..."

"He found out the truth? Ang sabi ko lang matagal ko na siyang isinuko, regardless if he knows the truth or not. Ama siya ng anak ko. Hindi ko isususko ang karapatan ng anak ko. Kaya ihanda mo lagi ang sarili mo. One of these days, my son will be knocking at your door to say hellow to his father." Pagkatapos sabihin iyon ay tinapos niya na ang tawag. Sinulyapan niya ang anak na nasa crib at naglalaro kasama si Pepang.

Nagsisikip ang dibdib na nilapitan niya ang bihisang damit at nagbihis.