NARINIG ni Jairuz ang pag-alma ng lock ng pinto kasunod ang pagbukas niyon. Ilang saglit pa ay pumuno sa buong silid ang halimuyak ng pabango ni Mikah kasabay ng pagsabog ng liwanag mula sa mga ilaw.
Bumangon ang lalaki mula sa hinihigaang couch at tumayo bitbit ang basong may alak at nagtungo sa kitchen. Mikah was standing few steps away, surprised to see him.
"Jairuz," humabol sa kanya ang dalaga. "Anong nangyari? Akala ko nasa meeting ka pa rin. Nangako kang susunduin mo ako at kakain tayo sa labas." Nagtatampong sita nito.
"Masama ang pakiramdam ko, pasensya na." Inubos niya ang laman ng baso at nilagay iyon sa sink.
Lumapit sa kanya si Mikah. But he can't even afford to look at her. The pain and anger inside him is consuming. Baka sumabog na lang siya basta ng walang babala. Kailangan niyang isipin ang anak na nasa sinapupunan ng babaeng ito.
Pero, talaga kayang buntis ito? Sa lahat ng kasinungalingang sinabi nito sa kanya, mahihirapan na siyang maniwala pa rito.
"Masama ang pakiramdam mo tapos umiinom ka? Hindi ba sinabi ng doctor mo na bawal kang uminom?" Hinawakan nito ang kanyang braso at pilit na hinuhuli ang kanyang paningin.
"Could you please stop acting like you really care? It's disgusting. You are not my wife." Kusa na lang lumabas iyon sa kanyang bibig.
Mikah was stunned. Napabitaw sa kanya ang dalaga na tila napapaso. Terrified and confused.
Can't help it somehow. It was his anger talking. Kailangan na niyang tumahimik kung hindi mas masahol pa ang masasabi niya. He needs to be calm and should deal the situation objectively.
Iniwan niya ang nakatulalang dalaga sa kusina at pumasok ng kwarto. He collected some stuff, his laptop and his phone and went to the guest room. That night, Mikah never tried to get near him again.
Tulad ng sinabi ni Alexial sa kanya, makalipas ang dalawang araw bumisita sa opisina niya ang abogado ni Oshema dala ang annulment papers.
"Tell my wife if she wants an annulment she needs to come to me and ask for it personally." Pinagpupunit niya ang mga papel at itinapon sa basurahan sa ilalim ng kanyang desk.
Hindi nakahuma ang abogadong nagulat sa ginawa niya at umalis ng walang anumang salita.
Ibinagsak niya ang likod sa sandalan ng swivel chair at kinuha ang kanyang cellphone. Hinanap niya ang picture nilang tatlo ng kanyang mag-ina. He set it into his phone's wallpaper and screensaver.
Throbbing pain strucked him from the core. Making his chest numb. Kyruz was smiling brightly while holding his chin. Oshema's smile was glued with reserveness and beauty. Nakahilig sa balikat niya ang babae. Kinapa niya ang wedding band na nasa kwintas. He'll definitely wear it around his finger for everyone to see that he is belong to this woman.
Nag-angat siya ng tingin nang may kumatok sa pinto at maangas na pumasok si Yzack. Natanaw niyang nagpaiwan sa labas sina Jin at Kazuma. Bahagyang yumukod ang dalawa sa kanya baho muling nagsara ang pinto.
"You don't have guards outside your door? You're inviting for trouble." Kastigo ng kakambal.
"That's hardly none of your business." Pagod niyang sagot at tumayo. Kinuha mula sa sulok ang mga nakarolyong blueprints. "Six copies. Ikaw na ang bahalang mag-distribute sa board for reference."
"Nag-away kayo ni Mikah?" Tanong nito habang sinisilip ang isa sa mga nakarolyong papel.
Naupo siyang muli at hinilot ang sentido. Tatlong gabi na siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kung papaano siya hihingi ng tawad kay Oshema. Sa sobrang laki ng kasalanan niya sa asawa kahit siya mismo ay hirap mapatawad ang sarili. He committed concubinage.
"Tumawag sa bahay si Mikah kaninang umaga. Nagtatanong kung may nangyaring hindi maganda sa meeting noong isang araw."
"Wala iyon. Just a simple misunderstanding." Aniyang umikot at binuksan ang mini-ref sa gawing likod. It reveals the hard liquors stored inside. Kumuha siya ng isang bote at kumuha rin ng dalawang wine glass mula sa connecting cabinet ng ref.
"Hard yan, ah! Hindi ba pinagbabawalan ka ng doctor mong uminom niyan?" Naupo sa couch si Yzack at binalik sa pagkakarolyo ang malalaking mga papel.
"Let's stop assuming the doctor knows everything." Nagsalin siya sa dalawang baso at tumayo. Ibinigay sa kapatid ang isa.
"Your girlfriend's right, you are acting strange." Puna nitong tinanggap ang inumin.
His girlfriend who founded their love based on lies. Nagbangon ang poot na pilit niyang pinalalamig. He wasted months for his ignorance. How can a guy like him who stood at the top of the dome of gods being manipulated by a girl? It's unforgivable.
Dinampot niya ang kanyang baso at ibinuhos ang laman sa bibig. Muli siyang nagsalin. Tumayo si Yzack at pinigilan siya sa tangkang paglagok ng panibagong shot.
"Hinay-hinay lang. Para kang galit sa alak." Kinuha nito sa kamay niya ang baso at nilapag sa desk. "Something is not right with you. Ano bang problema, Jairuz? Are we gonna go back to square one? Magtataguan ng sekreto?"
He shrugged Yzack's hand off from his shoulder, glaring him detrimentally. "Nahanap mo na si Oshema?" Iritadong dinampot niya ang baso at inubos ang laman.
Hindi na muling tinangka ng kapatid na pigilan siya kahit sunod-sunod ang tungga niya ng alak.
"You're such a klutz, Jairuz. Si Oshema ba ang dahilan kaya ka nagkakaganito?" Pinagtawanan siya ni Yzack. "She is not even yours to begin with, so stop acting like a hopeless moron."
"She is mine!" Sumabog ang baso pati na ang alak na laman niyon nang ibagsak niya sa desk. "Oshema is mine. Isaksak mo 'yan sa makitid mong utak, Joul." Sinakal niya sa kwelyo ang kapatid na hindi nakahuma.
"What do you mean she's yours?" Nang makabawi ay sapilitan nitong tinanggal ang kamay niya sa kwelyo nito at inayos ang nagusot na damit. "You are getting married. Gagawin mo bang mistress si Oshema? Give me a break. Kahit mahal ka niya, hindi ko siya hahayaang magpakatanga sa iyo." Binitbit ni Yzack ang nakarolyong mga papel at naglakad palabas ng opisina, iniwan siyang nagpupuyos sa galit.
Ibinagsak niya ang mga kamao sa desk at paulit-ulit na nagmumura. Kailangan na niyang mahanap ang kanyang mag-ina kung hindi ay mababaliw siya.
Itinabi niya ang alak at nilinis ang kanyang desk. Bumalik siya sa pagtatrabaho at isinubsob ang sarili sa mga dokumento para makalimot sa nadaramang sakit at galit. Kung hindi pa pumasok ang sekretarya niya at nagpaalam na uuwi na, hindi niya mapapansing gumagabi na pala. Pasado alas-sais na nang tingnan niya ang oras.
Umalis siya sa kanyang upuan at lumapit sa floor to ceiling window. Binuksan niya ang blinds. Kakalubog lamang ng araw. Nag-iwan iyon ng makukulay na pinta sa langit. Matingkad pero hindi masakit sa mata. Isang palatandaang nagtapos sa maganda ang buong araw at uukit ng magandang alaala. Parang ngiti ng asawa niya noong gabing una niya itong nakita doon sa mansion.
Right, she smiled at him. Genuinely. He is wondering now how could she ever do that? Sa kabila ng pagkalimot niya at pagtataksil. Sa sakit na maaring dinulot niya rito? Sa kawalang-hiyaan niya at pagsira ng pangako.
A tear fell from his eyes.
Kinapa niya ang singsing sa kanyang dibdib. He must retrieve his memories back.
Tumunog ang kanyang cellphone. Bumalik siya sa desk at sinilip kung sinong tumawag. He tossed a heavy breath looking at the caller's name.
"Mikah," malamig niyang sagot.
"Anong oras ka uuwi? Nandito ako sa mansion. Pinagluto ka namin ni Auntie ng paborito mo."
"Hindi ko alam. Mayroon pa akong inaasikaso rito." May kumatok sa pinto at dumungaw sa awang si Kazuma. Senenyasan niya ang bodyguard na pumasok. "You can have your dinner without me."
"Jairuz, wait..." Habol ni Mikah pero ibinaba na niya ang cellphone.
Lumapit si Kazuma at may nilatag na mga pictures sa ibabaw ng desk. It was Mikah and his doctor talking. Ang ilan ay nasa loob ng restaurant, ang iba naman ay nasa hospital.
"She went to the hospital yesterday and today she met up with him at the restaurant near her school." Report ni Kazuma.
Tumango siya. "Still, this doesn't prove anything. I need concrete evidence to frame them." Dinampot niya ang isang picture at nilamukos.
"I will continue investigating." Pahayag ng bodyguard.
"Kazuma, I respect the boundaries of your loyalty but I want you to keep everything hush-up." Paalala niya.
"I won't tell anyone, boss. No need to worry."
Tinapik niya sa balikat ang lalaki at huminga ng malalim. "I'm screwed up, Kazu. I should have been doing my damn ass to get my memories back instead of allowing myself to be fooled around by these people."
"Matagal ko na gusto sabihin sa iyo totoo, boss. Awa ako sa mag-ina mo." Mistulang telegrama na pahayag ni Kazuma.
Kinuyom niya ang mga kamao at matalim na tumitig sa lalaki. Alam ng lahat ang katotohanan. Siya lang ang hindi. Nakakagalit. Ang maging biktima ng dinidikta ng lipunan.
"WHAT should I do, Alex?" Nalilitong tanong ni Oshema kay Alexial nang makaalis ang abogado matapos ihatid ang negatibong resulta ng pakikipag-usap nito kay Jairuz.
Huminto ang lalaki sa pakikipaglaro kay Kyruz at lumapit sa kanya.
"That guy is desperately inlove with you. Hindi iyon papayag na hiwalayan mo." Komento nito at naupo sa kanyang tabi. "He is setting a trap for you. Kung pupunta ka sa kanya ngayon, siguradong hindi ka na makakaalis."
"What should I do then?" Ulit niya. Kahit ang desisyon niya ay buo na, may bahagi pa rin ng kanyang puso ang hinaplos ng galak dahil sa sinabi ni Alexial. Hindi niya maikakailang patuloy na kumakapit ang puso niya sa pag-asang mabubuo ang kanilang pamilya.
"Your husband is determined to get you back and he isn't the type that we can understimate. I am certain by now, alam na niya kung nasaan kayo ni Kyruz." Tugon ni Alexial at marahang hinaplos ang buhok niya. "Let's just wait for his next move."
"Sa tingin mo makakaya niyang talikuran sina Mikah at ang anak nila?" Tanong niya.
"Si Mikah magagawa niya. Pero hindi niya tatalikuran ang bata. Kung ganoon siyang klaseng lalaki, hindi mo siya mamahalin."
Nakadama siya ng pagmamalaki dahil sa narinig. Pero hindi siya kumbinsido na basta na lang magbabago ang damdamin ni Jairuz kay Mikah at babalik ito sa kanya nang walang pag-aalingan.
Tumunog ang cellphone ni Alexial na nasa centertable. Nilapitan iyon ng lalaki at kunot-noong pinindot. Ni-loud speaker.
"Alex," boses ng lalaki ang nasa kabilang linya.
Pinuntahan niya si Kyruz at kinuha mula sa crib para hindi mag-ingay habang may kausap ang ninong nito.
"Here," sumulyap si Alexial sa kanilang dalawa ng anak niya.
"Our crisis control team received a complaint against you from the Ragnarok boss. Did you just hi-jacked his wife and his son, you jerk?"
Nahinto siya sa narinig at namilog ang mga mata. Hi-jacked or kidnapped? Habang si Alexial ay bumunghalit ng tawa.
"Do you think this is funny, Alexial?" Matigas na wika ng lalaki sa kabilang linya.
"Sorry, I just find this hilarious." Kinindatan siya ni Alexial. "Baka itinanan ang ibig mong sabihin."
Kinagat niya ang labi at pinandidilatan ito. Ikinatuwa pa yata nito ang masamang balita at nakuha pang magloko?
"He is giving us an ultimatum. Hheven will be very furious on this. Huwag mo ng hintaying malaman niya ito. Kung totoong hawak mo ngayon ang mag-ina ng Ragnarok na iyon, ibalik mo na. Declaring a war against them is not part of your mission."
"Don't worry, Kai. I'm just waiting for Lyam to arrive and this whole thing will be over before you knew it. Nandiyan ka naman lagi. Ikaw na muna ang bahala kay Hheven. Hold it off for me." Seryosong sagot ni Alexial.
Tinapos nito ang tawag at lumapit siya sa lalaki. "Anong gagawin mo?" Balisa niyang tanong.
"Hihintayin natin si Lyam. Kailangan ko ang tulong niya." Hinaplos nito ang ulo ni Kayruz. He make a face and the baby laughed playfully.
"Alex, baka naman nilalagay mo na sa alanganin ang pamilya mo dahil sa amin ng anak ko."
Matagal siyang tinitigan ng lalaki at ang ulo naman niya ang hinaplos nito. "Let me just finish what I have started, okay? Huwag mong alalahanin ang pamilya ko."
Ngumiti na lamang siya ng tipid at tumango. She can only trust Alexial right now. Kapag nakialam siya, siguradong hindi pa rin siya pagbibigyan ng kanyang puso.