Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 55 - Chapter 54

Chapter 55 - Chapter 54

ISANG daang buntong-hininga na yata ang napapakawalan ni Oshema habang pinapatulog si Kyruz. Pero hindi pa rin makontento ang baga niya. Tuwing naiisip niya ang nangyari kanina doon sa sala, kinakapos siya ng hininga.

Si Alexial lang ang hindi nagulat sa walang babalang pagsiwalat ni Jairuz sa sekretong kasal nila. Kahit siya ay nabigla. She never anticipated it. And he has documents on top of that to back it up.

Ang mga magulang niya ay namutla. Akala niya aatakehen sa puso ang kanyang ama. Si Yzack naman ay aburidong umalis matapos basahin ang mga dokumento at patayin siya ng tingin. Hinabol na ito ng nag-aalala niyang biyenan.

Hindi niya mahimay kung ano ba dapat ang maramdaman niya ngayon kahit naroon sa sulok ng kanyang puso ang kaligayahang magiging dahilan naman ng kalungkutan ng iba.

Para siyang isdang nakalaya mula sa pagkakakulong sa loob ng malaking kabibe pero hindi niya malaman kung saan lalanghap ng hangin para suportahan ang hininga.

Bakit kailangang magiging ganito? Wala siyang maisagot. Kasi hindi niya kontrolado ang kapalaran. Para itong dyip na walang preno. Walang pakialam sa sakay. Tumatakbo kung saan-saan. Dumadaan sa short-cut. Nahuhulog pag may bangin. Bumabangga. Sumasabog. At kusang hihinto sa hangganang walang guhit.

Muli siyang humugot ng buntong-hininga at hinagkan sa noo ang anak na natutulog. Binitbit niya ang feeding bottle para mahugasan na agad sa ibaba.

Muntik na siyang mapalundag sa gulat nang bumungad sa kanya sa labas ng pinto si Jairuz.

Nakasandal ito sa dingding sa gilid at mukhang kanina pa naghihintay na pagbuksan niya. Hindi man lamang ito kumatok. Sadyang nag-aabang lang talaga kung kailan siya lalabas ng kwarto.

"Oshema," umalis ito sa pagkakasandal sa dingding at tinangkang hawakan siya pero nagpasyang huwag ng ituloy at sa halip ay mahigpit na kinuyom na lamang ang kamao.

Hindi siya makapagsalita. Napako ang mga paa niya sa sahig at ang kanyang mga mata sa malamlam na titig ng asawa. Her intense reflection in there surfaces inspite of the pain and bleed shadowing from deep within him.

"Tulog na ba si Kyruz?" Mahina nitong tanong na sinundan ng paggalaw ng adam's apple nito.

Tumango siya. Muling ginalugad ng tingin ang bawat perpektong detalye ng gwapo nitong mukha. Just the same. Attractive and detrimental as ever even beyond his brokenness.

She can't forget him. She could never be. Asking freedom from their marriage is like asking for poison that would kill her slowly because she can't get over him forever. It would be impossible to move on when every element of his being is crafted deeply in her heart.

"Kanina ka pa ba rito? Bakit hindi ka kumatok?" Sinadya man niyang gawing malamig ang tono pero ang boses niya ay nagbabadya ng kabaliktaran.

Umigting ang mga panga nito. Hirap mahagilap ang salitang sasabihin. He tried to open his mouth but his words were just absorbed in silence. His thick and dark eyelashes are pinning the tears from escaping like mighty guards trying to subdue a weak prisoner.

Binuksan niyang muli ang pinto. "Pasok ka. Gusto mo siyang makita?" Nilahad niya rito ang looban ng silid.

Marahan itong tumango at pumasok. Napatingin naman siya sa bitbit na feeding bottle. Pwede sigurong mamaya na lamang niya hugasan ang mga iyon at papakuluan. Sasamahan muna niya ang mag-ama. Siguradong hindi naman ito magtatagal.

Sumunod siya sa asawa at napabuntong-hininga habang nakatitig sa malapad nitong likod. Nanunuyo ang lalamunan niya sa matinding hatak ng tibok ng kanyang puso.

Nagtungo siya sa sidetable at nilapag roon ang bote habang nakasunod ang paningin niya kay Jairuz na lumapit sa kama. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi niya makita ang emosyong gumuguhit sa mukha nito habang pinagmamasdan ang anak nila. Pero napapansin niya ang paggalaw ng mga muscles nito sa likod mula sa bakat ng suot nitong dusky shirt.

Naupo ito sa gilid ng kama at inabot ang paa ng sanggol. Marahang hinahaplos gamit ang daliri.

"Naguguluhan ako noong una ko siyang makita. Not because I've seen so much of myself in him but because of the strong connection hitting on me. I was even asking myself, if I should be allowed to feel that paternal bond." His broken voice sent shivers into her forcing her eyes to melt the frozen tears ni corners.

Lumapit siya sa asawa. "Hindi ko siya ipagkakait sa iyo." Wika niya matapos punasan ang mga luha.

Tumingin sa kanya si Jairuz. Bakas ang galit sa namumulang mga mata dahil sa likidong pilit nitong kinukulong roon.

"Bakit hindi mo sinabi?" Napakaraming tinutunton ng tanong nitong iyon at hindi niya alam kung alin ang uunahin.

Iniwas niya ang tingin at ibinaling sa anak. "I'm just waiting for the right time to tell you."

"When is the right time, Oshema?" Tumayo ito at marahas na bumaling sa kanya. "Hindi mo alam kung kailan ang tamang pagkakataon. Pareho nating hindi alam. Pero karapatan kong marinig ang totoo. Anak ko siya. At akin ang mga alaalang ipinagdadamot ninyong lahat."

"J-Jairuz..." Nanginginig na ang mga labi niya sa pagpipigil ng hagulgol.

"Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin ang sekretong iningatan mo dahil wala naman akong alaala tungkol doon. Pero kailan ko ba pwedeng malaman ang totoo at sabihin sa kanila na asawa kita? Kapag wala ka na sa akin? Those memories I've lost, they are mine to claim." May nakawalang butil ng luha sa mga mata nito na sinundan ng iilan pa at matikas nitong pinalis sa kamay. "I'm sorry for hurting you. Sorry for being a fool. For not able to guess the truth that you are my wife and that Kyruz is my son. I'm so sorry that I'd lost you in my memory. Hindi ko pa alam kung saan kita hahanapin pero gagawin ko ang lahat maibalik ka lang sa alaala ko. If I needed to throw away these remaining memories I have right now and empty my brain out, I will do it just so I can have yours back."

"Jairuz, hindi mo kami naintindihan. Hindi-" huminto siya sa pagsasalita nang matantong wala siyang argumentong ipaglalaban. Ito nga ba ang hindi nakakaintindi? O, baka silang lahat dahil sa pagnanais na protektahan ito.

Bumigay ang lakas ng kanyang mga tuhod at dahan-dahan siyang napaupo sa kama. Pakiramdam niya, kanina pa sumasabog ang puso niya. Hindi na niya matukoy kung saan nagmumula ang sakit.

What is she doing all this time? Bakit ba siya naduwag? Bakit siya nagtago at hinayaang bulagin ito ni Mikah ng kasinungalingan? Hawak niya lahat ng alaala ni Jairuz. Hindi iyon totoong nawala kundi nasa kanya lang. Kailangan lang ay maibalik niya iyon sa kung saan nararapat.

"Hindi ko ibibigay ang kalayaang hinihingi mo. I want you to realize that. Kahit saang hukuman pa tayo makarating, ilalaban ko ang pangalang ibinigay ko sa iyo. I will exhaust all the resources I have in hell just so I can keep you. Akin ka, Oshema. Hindi kita isusuko kahit sa langit pa. Wala man akong maalala, pero dito-" Itinuro nito ang puso. "Dito kita hahawakan. Kayong dalawa ni Kyruz." His bloodshot but gentle eyes drifted to their son.

Tuluyan na siyang pinatahimik ng walang katapusang pagbaha ng kanyang mga luha. Who would want to be free from him? Hindi magiging siya iyon.

HE WAS holding it back. Punishing himself. Holding his stupid ass painfully not to bring her into his arms and ruined his resolve now that he succeeded setting up his first base to fix what is needed.

He wanted to go slow on this. Make sure not to scare her with his persistency and rough greed. Yet, his patience snapped a great deal like a tirade of powerful explosives making him lose his mind frantically. This is his wife. The mother of his son. The woman in his dream.

Nakita ni Jairuz ang gulat sa mga mata ni Oshema nang ibuwal niya ito sa kama at sinarhan ng bigat ang tsansa nitong umalma at tumakas.

Pati mga luha nito ay tila umurong pabalik kasabay ng unti-unting paglalaho ng pagtutol. Lalo siyang nagliyab. Nang ibuka nito ang bibig para suminghap ng hangin ay hindi siya nagsayang ng segundos. He invaded her moist lips and brutally capture her sweet little tongue lurking inside.

Napaungol ito. Saglit na nagmatigas pero bumigay din at tinapatan ang uhaw niya. No more holding back. Saglit niyang iniwan ang mga labi ni Oshema para mahabol nito ang hiningang ninakaw ng tamis at ibinaon sa leeg nito ang kanyang mga halik.

Muntik na niyang pilasin ang suot nitong sundress sa pagmamadali at pananabik kung hindi lamang binabayo ng sunod-sunod na katok ang pintuan.

"Shit," he cursed under a heavy breath, refusing to let her go. Who the hell was that freak outside?

"Jairuz," her small voice is pleading.

He cursed some more and pulled away. Matalim niyang sinulyapan ang pinto at napiga ang batok. Damn! He almost forgot, this is'nt his house, damn it. Kinagat niya ang dila at malagkit ang tinging binalingang muli ang asawa na inaayos ang sarili.

Her lips are bleeding red because of his kiss and some faint marks started to appear from her neck. Of course. Hindi lang ang mga iyon ang ilalagay niya sa katawan nito sa susunod. Gagawa siya ng bagong alaala at titiyakin niyang hindi iyon mabubura kahit sumabog pa ang utak niya.

"We are far from over, Oshema." Sabi niyang nagpahinto rito saglit. He smirked out desperation. Daring her to resist. Pero malambing siya nitong inirapan.

Nagdeliryo ng matindi ang puso niya. Kung hindi pa tumunog ang cellphone sa bulsa niya ay baka nakakalimutan na rin niyang huminga.

Kinapa niya ang cellphone at sinilip ang text message. Habang tinutungo naman ni Oshema ang pinto para buksan.

Roelle : We have Dr. Misuki Jaruna in custody now. Waiting for your further instructions.

Him : Well done. I'm coming.

NAKASIMANGOT na binuksan ni Oshema ang pinto. Dama pa rin niya ang nakakapasong halik ni Jairuz sa kanyang mga labi at leeg. Sabik at uhaw na uhaw. Ang hirap paniwalaang wala siya sa alaala nito kung ang bawat dampi ng mga palad nito sa kanya ay nag-uumigting ang emosyong dati pa ay ito lang ang may kakayahang magdulot sa kanya.

"May dumating po kayong bisita. Nandoon po sa drawing room. Pinapababa po kayo ni Sir Alex." Sabi ni Alma na bahagyang nakakunot ang noo.

Tumango lamang siya at wala sa loob na hinaplos ang bahagi ng leeg kung saan nag-iwan ng nagniningas na marka ang kagat ni Jairuz. Her lips is stinging. Her sheaths underneath is soaking wet. Buong katawan niya ay nagpupulso pa mula sa loob. Kung walang kumatok, malamang kanina pa niya binandera ang sarili sa asawa.

May pagsuyong nilingon niya ang lalaki na muling pinagmamasdan ng buong pagmamahal si Kyruz. Umuklo ito at hinagkan sa noo ang sanggol. He then turned to her like a sharp arrow. Nakagat niya ng mariin ang labi at inaalo ng buntong-hininga ang makulit na tibok ng kanyang puso.

"Alis na muna ako." Nagpaalam ito. "Be back later to pick you up and Kyruz."

Hindi siya tumango. Parang hindi naman kasi iyon kailangan. Papayag man siya o hindi, ang desisyon nito ang masusunod. Pinatakan pa siya nito ng halik sa pisngi bago lumabas.

Ilang saglit din siyang natulos at tulalang nakahawak sa doorknob. Pagkuwa'y ngumiti na parang timang. Pero napawi din ang ngiti nang maisip niya kung kanino ito pupunta.

Siyempre, kay Mikah. Kanino pa ba?

Padaskol niyang isinara ang pintuan at kinuha ang feeding bottle sa ibabaw ng sidetable. Tinext muna niya si Nancy para samahan si Kyruz doon sa kwarto habang nasa ibaba siya.

Hindi nag-iisa si Alexial nang puntahan niya sa drawing room. Kasama nito ang isang lalaking matangkad, matikas ang dating at kagaya nito ay nagsasabog din ng kakaibang charisma. Though this guy looks a little more gentle than Alex. Hindi niya maramdaman mula rito ang simoy ng karahasan kaya mas matiwasay tingnan ang pagkakadepina ng gwapo nitong mukha.

"He's the one I told you about. My brother." Ani Alexial sabay ahon mula sa inuupuang couch.

Tumayo din ang lalaki at naglahad sa kanya ng kamay. "Lyam Andromida, nice meeting you, Mrs. Monte-Aragon."

"Call me, Oshema. Nice meeting you too, Lyam." Ngumiti siya ng matamis at ibinigay rito ang kanyang palad.

Iminuwestra niyang muli sa mga ito ang couch para maupo at nagtungo siya sa kabukod na sofa.

"He's a doctor, Shem. And he is willing to help." Binuksan na agad ni Alexial ang usapin. "By the way, I was able to get your husband's medical records from the hospital and this one," hinagis nito patungo sa ibabaw ng centerpiece ang isang big envelope.

Napatingin siya roon. Curiosity got her. She took the envelope to check what's inside.

"Straight from the vault of Dr. Misuki Jaruna. Jairuz' confidential files. Records from the hospital are all dummies. Iyang hawak mo ang totoo."

Kinuha niya ang mga dokumento sa loob at binasa ng tahimik. Maraming mga medical terminologies roon ang hindi niya maintindihan. As well as some findings and diagnosis.

Head injury. Severe brain trauma. Concussion. Internal hemorrhage. Inflammation of the Vagus nerve. Hematoma. Other terms are vague and very hard to interpret even to articulate.

"I've made a quick ran down before you came in." Nagsalita si Lyam.

Saglit niyang inangat ang paningin mula sa binabasa para makinig sa sunod na sasabihin nito.

"Hindi bawal na ipaalala sa asawa mo ang nakaraan. Basta huwag lang bibiglain. The amount of memory should be light enough for his brain to handle. Sasakit ang ulo niya. But that is normal. His brain cells is still adjusting from the trauma. Matagal nito makalimutan ang pinsalang tinamo. Pero nagre-regenerate naman ang cells kaya hindi magtatagal ang sakit." Paliwanag nito.

Tahimik siyang tumango. Dama ang pagbangon ng antagonismo. Silang lahat ay nauto ni Mikah Jaruna. Napaniwala sa isang kasinungalingan. Hindi man lang nila naisip na humingi ng second opinion mula sa ibang doctor. Nakontento na lamang sila sa huwad na impormasyong ibinibigay ng babaeng iyon.

"Ano itong intracranial hematoma?" Tanong niya. Hindi matanggal ang mga mata niya roon. Upper-cased and encircled. Seemed one of the most vital findings.

Saglit na nagkakatinginan ang dalawang lalaki. Nag-usap ang mga mata. At nagbigay sa kanya ng kaba iyon kahit wala siyang maintindihan. Her gut is telling her this term means serious. Tumango si Alexial. Gesturing Lyam to tell her.

"A collection of blood within the skull, most commonly caused by rupture of a blood vessel within the brain. The blood collection can be within the brain tissue or underneath the skull, pressing on the brain. Sa pagsisikap ng ibang bahagi ng utak niya na huwag maabot ng pinsala, lumikha ito ng bukol mula sa dugo ng nasirang mga tissues. Kasamang nakain ng bukol ang ilan sa mga maliliit na nerve na konektado sa mga mata ni Jairuz. Kung hindi siya ma-operahan agad, mabubulag siya."

Para siyang hinampas ng latigo sa kanyang ulo. Her system turned numb. Mabubulag si Jairuz?

"In a week, he has to undergo the operation or else, he will lost his eyes. He's been long overdue. Sa kasalukuyang kondisyon niya wala ng pag-asa. Pero susugal ako. At pinapangako ko sa iyo, magtatagumpay ang operasyon."

Tumango siya kasabay ng masaganang mga luhang nagpulasan mula sa mga mata. Ano pa ba ang kailangang pagdaanan ng lalaking mahal niya? From selective amnesia, tapos ngayon ay nakaambang mabubulag? Ang latay ng sakit sa kanyang puso ay tumagos na. Cutting her soul deep.

"Right," umusod si Alexial papalapit sa kapatid at inakbayan ito. "My brother here will conduct the operation to save your husband's eyes. But...in one condition, Oshema." Ang tono ng lalaki ay nagbabadya ng kababalaghan pero binalewala niya.

"Kahit ano, gagawin ko." Walang ligoy niyang pahayag.

"Coming from your immaculate lips, baby. Ditch him and marry me then." Kumindat ito at ngumisi. "Deal?"