HUMIGPIT ang hawak ni Yzack sa cellphone at matalim na sinulyapan si Jairuz na nakamasid sa kanya habang nakaupo sa couch sa loob ng kanyang opisina.
"What do you mean they're gone?" Matigas niyang tanong kay Jin. Pinasundo niya ulit sina Oshema at Kyruz sa hotel. Si Jin ang inutusan niya pagbabakasakaling sasama na ang babae.
"According to the records, they've checked out earlier last night." Balita ng bodyguard.
"Send Kazuma to the house of the Salcedos. While you're at it, secure the CCTV from the hotel and the nearby establishments." Utos ni Yzack kasunod ang mahihinang mura. May board meeting pa siya na dadaluhan. Hindi siya pwedeng umalis.
"What's wrong?" Lumapit si Jairuz.
Iritableng tiningnan niya ang kapatid. "Wala na sa hotel sina Oshema at Kyruz."
"Baka umuwi sa bahay ng mga magulang niya."
Hindi siya sumagot. Hinanap niya sa contacts ng kanyang cellphone ang number ni Oshema at tinawagan ito. Pero hindi na makakonekta ang tawag niya. Imposibleng walang signal. She must have changed her number.
Kinuha din ni Jairuz ang cellphone nito at sumubok na tawagan ang babae. The response is the same. He is there to attend the meeting as well. Bilang president ng MA International at ka-partner ng kompanya ni Yzack sa susunod na project.
Nasa meeting na si Yzack nang matanggap niya ang text ni Jin. Wala sa bahay ng mga Salcedo sina Oshema at Kyruz. At sa kuha ng CCTV, may itim na van na sumundo sa mag-ina at sa mga alaga nito sa entrance ng hotel.
...you know what to do... Reply niya kay Jin.
Napansin niya ang pag-alis ni Jairuz sa upuan nito habang may kinakausap sa cellphone.
"Roelle, I need you to find someone for me. Mobilize all our men at once." Sabi nito sa kausap bago pumakabilang pinto.
Napatiim siya. Who the hell is giving him an update?
"What are you trying to pull now? Stop making things worst. You've done enough damage already." Galit na sita niya sa kapatid pagkatapos ng meeting.
Umigting ang mga panga nito pero hindi nagsalita. Nababanas na iniwan niya ito sa loob ng conference room.
JAIRUZ kept his calm and went out from the room. He proceeded to the elevator. Bumaba sa basement ang lalaki kungsaan naroon ang kanyang sasakyan.
May kailangan pa sana siyang i-discuss kay Yzack tungkol sa susunod na project pero sarado ang utak nito sa sobrang pag-aalala kina Oshema at Kyruz. Baka magtalo lang sila. Nag-aalala din naman siya kaya gusto niyang makatulong para mahanap agad ang mag-ina.
Malaki ang kasalanan niya sa kapatid pero nanatili itong tahimik. No confrontation happened between them after that incident in the hotel. Yzack remained civil and composed. Siguro inisip nitong hindi pa siya lubusang malakas kahit pa handa siya sa anumang parusa na ipapataw nito.
In this turn of events, he really did become a villain. Hindi man lang siya makadama ng pagsisisi sa ginawa niya. Kung may pinagsisihan man siya, iyon ay ang makita si Oshema na nasaktan dahil sa makasarili niyang desisyon. Pero nagsisi man siya, hindi na rin niya hinimay ang damadamin. Duda siya na kapag sinuri pa niya ang nararamdaman, malalaman niyang mas matimbang si Oshema sa kanyang puso at baka ito ang piliin niya imbis na si Mikah.
Naudlot ang pagbukas niya sa pinto ng sasakyan nang tumunog ang kanyang cellphone. It was Kazuma.
"Any luck?"
"No, sir. But I have secured a footage from the hotel. I'll send it to your phone right now."
"Copy," ibinaba niya ang cellphone at hinintay ang video na ipapasa ni Kazuma. Sumandal siya sa sasakyan.
Dumating ang video. Kuha iyon sa may hallway ng hotel bago ang suite kungsaan lumabas sina Oshema at Kyruz kasama ang mga alaga ng babae at isang lalaki na nagdala sa crib at iba pang mga gamit. Oshema and the guy are talking casually. Saka sumulyap sa CCTV ang lalaki at nag-iwan ng matalim at nakakakilabot na titig na para bang alam nitong may nanonood. Or maybe, the guy anticipated that the video recording will soon be leaked out for someone to watch.
May nagbangong inis sa puso niya. Sino ang lalaking iyon? Pero agad niyang pinalis ang poot na nagsimulang magningas. Wala siyang karapatang magselos. Hindi niya pag-aari si Oshema. Although he must admit he's really inlove with that woman. He sent Kazuma a text message giving him an instruction to forward the video to Yzack. Kasi kung sa kanya manggagaling, mabibigyan na naman iyon ng malisya.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at sumakay. Binuhay ang makina at pinausad ang sasakyan palabas ng gusali.
Sinipat niya ang oras habang nagmamaneho. Malamang nasa pictorial pa si Mikah. Nangako siya sa girlfriend na susunduin ito mamaya at kakain sila sa labas. A celebration for having their first baby.
Muling tumunog ang cellphone niya.
"Yes?"
"Jairuz Randall Monte-Aragon? This is Alexial Andromida. I'm your ex-bodyguard. Pwede ba tayong mag-usap ngayon?"
His ex-bodyguard? Alexial Andromida? The name rings a bell. "Where are you?"
"Behind you."
Alertong napatingin siya sa rear view mirror at napansin agad ang itim na sasakyang nakabuntot sa likod.
May restaurant malapit sa lokasyon nila. Doon sila huminto para mag-usap. He was a bit stunned upon seeing the guy who came out from the black car.
Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang lalaking kasama ni Oshema na nasa video.
PANSIN agad ni Alexial ang galit sa mga mata ni Randall habang papalapit siya rito.
That anger accentuates Jairuz' domineering presence provoking the passersby to stop and turn his way. He appears ruthless and uncanny yet can still attract the crowd. This must be the reason why Oshema loves this supernatural rogue.
"Mr. Monte-Aragon," nag-alok siya ng kamay pagkalapit rito.
"Call me Jairuz." Tinanggap nito ang kamay niya at tinapatan ang lakas niyon. "Alexial Andromida, right? I remember where I heard that name. How are you related with the Andromida Conglomerate?" Hindi niya napaghandaan ang interogasyong iyon.
"I am a member of the clan who operates directly under that empire." Bumitaw sila sa isa't isa at magkasabay na pumasok sa loob ng restaurant.
"I see." Tumango ito. "How did you become my bodyguard? With your family status, taking a job like that is out of bounce."
Natawa siya. "It's quiet complicated but to make it simple, I am a member of an organization called Nephilims. We cater security jobs as per request of a VIP client like you."
Pumili sila ng table sa may sulok na malayo sa iba pang mga parokyanong kumakain.
"So, you're with me during my struggle for the leadership of Ragnarok?" Tanong nito matapos humila ng silya at naupo.
Tumango siya at naupo din. "We fought together." Alertong sinulyapan niya ang paparating na crew ng restaurant para kunin ang kanilang order.
"Give us the best wine you have." Utos ni Jairuz na tinanggihan ang menu na iniabot ng waiter. "Did I discharge you from your job?" Baling nito sa kanya.
"No, it's in the contract. I am automatically dismissed from my duty as soon as you rise to leadership." He cracked a slight smile. "Wag kang mag-alala, hindi ako nandito para maningil ng utang. I am well compensated. Nandito ako para ibalik sa iyo ito." Nilapag niya sa harap ng lalaki ang wedding ring na nakakabit sa silver chain.
Matagal na napatitig roon si Jairuz at nagdugtong ang mga kilay. "A ring?" Dinampot nito ang singsing.
"A wedding ring." Pakli niya. "Your wedding ring."
Naningkit ang mga matang tumingin ito sa kanya. "Wedding ring? Are you sure this is mine?"
"Walang duda." Tango niya.
"Nagbibiro ka ba? I'm married?" Umigting ang mga panga nito at ayaw maniwala.
Saglit silang natigil sa pag-uusap nang bumalik ang waiter dala ang wine. They fill their glasses and took some shots.
"Before we set out for the final battle, you got married secretly at the Catholic Church in Yokohama. The only witness you have other than the priest was me." Kwento niya at muling nilagyan ng wine ang baso. Revealing a secret like this made his throat dry. But so much for his loyalty.
"This is insane." Ayaw pa ring tanggapin ni Jairuz ang ideyang inilatag niya. Dapat yata dinala niya pati ang marriage certificate at ang lisensya. Tiningnan nito ang singsing. At napansin ang mga pangalang nakaukit sa loob. "What the hell?" Matigas nitong mura kasabay ang pagragasa ng halo-halong emosyon sa mukha.
Anger. Remorse. Pain and anguish. Desperation. All pack in one created a pool of colorless liquids in Randall's eyes.
"Kyruz is your son. Oshema had him without you knowing to prevent you from worrying about her while you were fighting for your father's legacy." Alexial narrated without showing any single sign of symphaty for his former boss. Jairuz deserves all these. To be torn down in million pieces for being so naïve.
Mahigpit na kinuyom ni Jairuz ang kamao kasama ang singsing. "Where are they? You have them, haven't you? Tell me, where is my wife and my son?" Even with broken voice, he managed to contain his authority.
Unfortunately, he was talking to Alexial Andromida and not just nobody.
"Para ano pa? Magpapakasal ka na kay Mikah Jaruna di ba? In two days, Oshema will be sending her lawyer to you along with the annulment papers."
Sinakop ng sakit ang mga mata nitong namumula sa luhang hirap itong masupil. "What did you say?" There's hatred in every edge of his rough breathing. Unexpectedly, not a sign of conceding down.
Huminga ng malalim si Alexial. This Ragnarok king is certainly tough. Dapat siguro mas naging malupit pa siya. But there is always next time for everything.
"I have to go." Tumayo na siya para umalis.
"Andromida," Tumayo rin ito. Puno ng determinasyon at nagbalik ang kumpyansa sa sarili. "I will get them back, that's a promise." It was clearly a declaration of war.
"Come and try." He dared.
KATATAPOS lamang maghanda ni Oshema ng hapunan nang dumating si Alexial. Sinalubong niya ang lalaki na may dalang mga prutas at mga gamit ng bata. He shopped for some personal stuff of Kyruz.
"I can smell the delicious dinner you've prepared. Sakto lang pala na hindi ako kumain bago umuwi." Nilapag ng lalaki ang mga paper bags sa couch. "How's my little boss doing?" Nilapitan nito ang batang nasa crib at naglalaro.
Tumingala si Kyruz at tumingin sa kanila. Tapos ngumiti ng malaki. Showing the set of his sparkling baby teeth in front. May papikit-pikit pa ito ng mata.
Nagkatawanan sila ni Alexial.
"Tapos ko na siya pakainin." Natutuwang sabi niya habang tinutungo ang kitchen bitbit ang isang basket ng mga prutas.
"Kaya pala maganda ang mood kasi busog na." Sumunod sa kanya ang lalaki. Kumuha ito ng tubig sa refrigerator at nagsalin sa malinis na baso.
"Maupo ka na diyan, maghahain na ako." Hinanda niya ang hapag para sa hapunan.
Narinig nila ang matinis na boses ni Kyruz mula sa sala na tila may pinagagalitan. Kinulit siguro ng mga alaga. Sinilip ito ni Alexial at humalakhak na naman ang lalaki.
"Bakit?" Natatawang tanong niya.
"Kaya pala nagalit, inagawan ni Pepang ng laruan." Bumalik ito sa mesa at naupo. He checked her menu.
Tinulang isda na may scallops at shrimps, adobong manok, menudo at caesar salad.
"Kain na." Naupo siya sa kaibayong silya. She recites a short prayer.
"I had a quick chat with your husband before coming here." Pahayag nito habang naglalagay ng pagkain sa plato pagkatapos ng dasal niya.
Naudlot ang pagdampot niya sa pitsel na may tubig at napatitig kay Alexial. "Sinabi ko na di ba? We can't force him to choose me and Kyruz, lalo na ngayong magkakaanak na sila ni Mikah." May bahid ng pagkadismaya sa kanyang tono. She picked up the jug and fill her glass with water.
"Kung gusto mo siyang isuko bilang asawa, hindi kita pipigilan pero huwag mo siyang isuko bilang ama ni Kyruz. Sinabi ko na sa iyo, hindi ako papayag na talikuran niya ang bata."
Pinakawalan niya ang buntong-hininga. "Ayaw kong gamitin ang anak ko para lang bumalik siya sa akin, Alex. Pumayag ako sa plano mo dahil sabi mo magtiwala ako sa pagmamahal niya. Na kahit nawala ako sa alaala niya, hindi ako mabubura sa puso niya. Pero sa huli, pinili pa rin niya si Mikah. Ayaw ko ng magpakatanga."
"You are his wife, Oshema. Hahayaan mo na lang ba na patuloy siyang lokohin ng mga tao sa paligid niya? His doctor is Mikah's uncle. Paano ka nakatitiyak na tama lahat ng sinasabi sa kanya lalo na ang tungkol sa pagpapaalala sa nakaraan?"
Nawalan siya ng kibo. May punto si Alexial. Paano kung kasabwat ni Mikah ang doctor? Magkadugo pa rin ang mga ito.
"May kapatid akong doctor. He is one of the bests in his field. We can ask him to help Jairuz."
Tumango siya. Larawan ng pagsuko habang pinapanood si Alexial na kumakain.
"Why are you so good to us?" Naitanong na lang niya sa lalaki.
Saglit itong natigilan saka natawa. "You mean; you can't tell why?" Makahulugan nitong pakli. "Kung ganoon, huwag mo ng alamin. Let me have the pride to keep it to myself." Anitong kumindat.
Inirapan niya ito. Dinampot nito ang tubig at uminom.
"May gusto ka ba sa akin?" Pabiro niyang tanong.
Nasamid sa iniinom na tubig ang lalaki. Agad siyang tumayo at dinaluhan ito habang ubo ng ubo.
"Okay ka lang? Nagbibiro lang ako." Aniyang nagpipigil ng tawa.
Tumikhim ito matapos ang walang humpay na pag-ubo. "I didn't expect you to be this candid. Kung sasabihin ko ba sa iyo na gusto kita, maniniwala ka?"
"Magkakagusto ka na lang, sa babae pa na may asawa. Hindi ka naman bulag." Napailing siya sa naisip na kalokohan.
Humalakhak si Alexial at tinuloy ang pagkain. Bumalik siya sa kanyang upuan at kumain na rin.