Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 48 - Chapter 47

Chapter 48 - Chapter 47

NAPAIKTAD si Oshema nang madama ang halik ni Jairuz sa kanyang batok kasabay ang mabilis na pagpulupot ng malalakas nitong mga braso sa kanyang baywang mula sa likod.

"Do you really need to be that sexy when making snacks?" Bulong nito na nagbigay sa kanya ng kilabot. "Or, maybe you knew I was watching you, hmn?" Panunukso nito.

Napangiti siya habang hinahalo ang mga ingredients sa isang babasaging bowl. "You and your pervert mind, Jairuz." Kastigo niya sa asawa. She's wearing a black comfy shorts and a white hanging blouse. Tinakam siyang kumain ng chicken lasagna kaya nagluto siya para sa snacks.

"Dapat kang parusahan." Ungot nito.

"Sa anong kasalanan?" Kinagat niya ang labi. Nakikiliti siya sa mga labi nitong nakabaon sa kanyang leeg.

"Crime of seduction."

"Malaswa ka lang talaga mag-isip." Kinurot niya ito sa tagiliran.

He chuckled sexily. Inabot para sa kanya ang baking dish.

"Thank you. Saan ka galing?" Tanong niya.

"Hinatid ko si Mikah sa school niya." Sagot nito.

"Ang yabang mo rin, ano? Mula kay Mikah papunta sa akin?" She spreads the spaghetti sauce in the bottom of the baking dish. Cover it with the chicken mixture, and top with 3 lasagna noodles and the remaining sauce, then sprinkled it with mozzarella cheese.

"Ayaw mo?" Hinalikan nito ang kanyang tainga.

"Ayaw ko." Tinarayan niya ito. Sinundot ng siko sa tagiliran habang tinatakpan ng aluminum foil ang baking dish.

"That's futile." Hinigpitan nito ang yakap sa kanya.

Napangiti na lamang siya ng mapait. Pinababa na niya ng husto ang sarili para lang makasama ang asawa. She is the wife but she becomes the second choice. Number two, 'ika nga. At dahil saksakan ng katangahan ang puso niya, heto tuwang-tuwa pa siya.

Bakit ba kasi ganoon ang batas ng pag-ibig? Makasama lang ang minamahal, nabubulid na 'yong utak. At mangangatwiran pa rin na iyon ang tama kahit maliwanag pa sa sikat ng araw ang malaking pagkakamali.

"Aalis nga pala ako mamaya pagdating ni Yzack. Maaga siyang uuwi ngayon." Paalam niya. Wedding anniversary ng mga magulang niya bukas at pinauuwi siya ng mga ito.

"May lakad kayo?" Usisa ng lalaki.

"Sa bahay lang ng parents ko. Wedding anniversary nila bukas." Kumawala siya sa pagkakayakap nito para isalang na sa oven ang lasagna. "Invited rin kayo ni Madam." Sinulyapan niya ang asawa na sumandal sa counter matapos niya i-set ang oven ng forty-five minutes.

"Oh, okay." Huminga ito ng malalim na tila napapaisip.

"Pwede mong isama si Mikah kung hindi siya busy."

Tumango ito pero hindi kinompirma kung pupunta o hindi. Malamang hindi. Mikah would not dare to set a foot in her territory. Alam ng dalaga kung anong naghihintay doon. Maaring sa salita hindi ito uusigin ng kanyang pamilya pero siguradong hindi rin ito patatahimikin.

"Saan matutulog si Yzack?" Biglang tanong ni Jairuz na nagpaangat ng tingin niya mula sa sinisilip na pagkain sa loob ng oven. Iyon ba ang iniisip nito?

"For sure crowded ang guest rooms namin dahil sa mga kamag-anak na doon makikitulog. So, malamang sa kwarto ko." Sagot niya.

Tumikhim ito. "Pupunta ako. I'll bring Mikah." Deklarasyon nito.

Umangat ang kilay niya. "Okay," aniyang nagpipigil ng ngiti. Hinubad niya ang suot na plastic gloves at itinapon sa basurahan. Dinala niya ang bowl sa lababo para hugasan.

Lumapit si Jairuz habang naghuhugas siya pero napaatras din ito nang wisikan niya ng tubig sa mukha. Kukulitin lang siya nito at lalandiin. Hindi siya matatapos sa ginagawa niya.

Natatawang nagpunas ang lalaki at may pagbabantang tinititigan siya ng malagkit.

"RANDALL! RANDALL, WAKE UP!"

Narinig ni Jairuz ang tinig pero hindi niya matukoy kung saan nanggaling. Sa taas? Sa ilalim ng lupa? Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa babaeng nakatunghay sa kanya. Ang mukha nito na dating hindi niya nakikita, ngayon ay unti-unting lumilinaw. Ang mga mata na nakangiti. Ang matangos na ilong. Ang mga labing may naglalarong ngiti. OSHEMA YZABELLA?

Napasinghap siya at binuksan ang mga mata. Bumangon na hinahabol ang hininga. Ang sakit ng dibdib niya. Para siyang napunta sa ilalim ng tubig.

"Okay ka lang? Umuungol ka. May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Mikah na pinupunasan ang pawis niya.

Binawi niya muna ang paghinga saka umiling. "I'm okay." Nilibot niya ang paningin sa buong silid.

Nasa condo nga pala sila. Sinundo niya ang dalaga kanina at dito na sila tumuloy dahil sa matinding traffic.

"Water?" Tanong ni Mikah.

Tumango siya at minasahe ang sentido. Nagmamadaling lumabas ng kwarto ang dalaga para ikuha siya ng tubig. Sumandal siya sa may headrest at napailing. Si Oshema. She is the woman in his dream. Ang babaeng walang mukha.

Bumalik si Mikah dala ang isang baso ng tubig. Naupo ito sa gilid ng kama at ibinigay sa kanya ang tubig.

"Thank you, babe."

"You're having nightmares again. Siguro dahil 'yan sa pagod." Anang dalaga na hindi nawala ang pag-aalala sa mukha.

"Okay lang ako. Wala lang ito. Sabi ng doctor, di ba? This is normal because of the trauma." Hinaplos niya ang mukha nito at ibinigay niya rito ang baso na wala ng laman na nilapag naman nito sa side table. Kinabig niya ang kasintahan at niyakap. "I'm sorry, nadisturbo ko na naman ang tulog mo."

"Okay lang iyon." Dinampian nito ng maliliit na halik ang kanyang dibdib paakyat sa kanyang leeg.

"Hey, go back to sleep. Maaga ka pa bukas." Malambing niyang sabi rito. Baka kung saan na naman sila mapunta, mapupuyat lang ito. "Let's have it another time, hmn?" Umayos siya ng higa sa kama.

Tumango ito at matunog na hinalikan siya sa labi saka nahiga yakap siya. Mabilis na nahimbing muli ang dalaga. Maingat siyang kumawala mula sa yakap nito at bumangon.

Lumabas siya ng silid. Nagtungo sa storage room. Nilapitan niya ang tinatagong painting at inalis ang cover. Matagal niyang pinagmamasdan ang babaeng nakaguhit roon. It makes sense to him now. Ang attraction na nararamdaman niya para kay Oshema ay may basehan. Hindi lamang utak niya ang nagsasabi kundi pati katawan niya ay kilala ang babae.

Kinuha niya mula sa likod ng canvass ang mga gamit sa pagpipinta at sinimulang gawan ng mukha ang babaeng nasa canvass. Bakit ito naroon sa kanyang panaginip? Ang panaginip na iyon ay maaaring isang alaala mula sa nakaraan na kanyang nakalimutan. Anong bahagi ni Oshema sa kanyang nakaraan? Ano ang naging papel nito sa kanyang buhay?

Natapos niya ang pagguhit. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita habang pinagmamasdan ang canvass. There is no doubt, the woman is really Oshema Yzabella. Bakit hindi niya agad napansin ang pisikal na mga detalye sa painting niya na klarong nagtuturo sa babaeng iyon? Ang katawan. Ang mga braso.

Ibinaba niya ang hawak na paintbrush at hinaplos ang babae sa canvass. "Sino ka bang talaga, Oshema Yzabella?"

INIRAPAN ni Oshema si Yzack na tawa ng tawa habang nanonood sa kanyang hindi maisuot kay Kyruz ang diaper. Ang likot kasi ng sanggol dahil nilalaro nito. Sinisipa tuloy ni Kyruz ang diaper. Nagmistulang bulating gumigiwang-giwang ang puwit ng bata sa kalikutan.

"Baby, behave ka na, please. Naghihintay na sa ibaba ang mga ninong mo." Aniya sa anak na tumatawa pa. Kanina pa sila niyaya ni Nancy na bumaba na. Naghihintay na raw ang mga ninong ni Kyruz at sabik ng makita ang bata. Mula noong binyagan, ngayon lang ulit makikita ng mga ito ang inaanak.

"Mas nakakatawa ka pang panoorin kaysa kay Kyruz. Kulang na lang makipagrambol ka sa anak mo." Kastigo nitong nakatawa. "Ako na rito. Go fix yourself." Kinuha ni Yzack mula sa kanya ang diaper.

Kinurot niya ito. "Ginugulo mo kasi."

"Tingnan mo, ako pa ang nasisi. Kulit mo kasi." Kausap nito sa sanggol na naglilikot na naman dahil kiniliti nito ang talampakan.

Natatawang iniwan niya ang magtiyuhin at nagtungo sa harap ng tokador para mag-ayos. Sinuot niya ang damit na ginamit niya noong kasal nila ni Jairuz. Sobrang iningatan niya ang damit na iyon. This will be the third time she'll wear the dress. Ang una ay noong kasal nila, tapos sa binyag ni Kyruz.

She started putting on some make up while listening to Yzack's crispy laugh. Napapahalakhak na rin tuloy siya. Inayos niya ng high pony tail ang mahaba at kulutang buhok.

Lumapit sa kanya si Yzack, karga-karga si Kyruz. "That's enough or else I will be in trouble later. Baka makahanap ako ng rambol sa ibaba 'pag sinobrahan mo pa." Pabiro nitong sabi.

Her make up is darker than usual. Inirapan niya ang lalaki at nginitian naman ng matamis ang anak na namimilog ang mga matang nakatingin sa kanya. Kulang na lang talaga rito ay magsalita at tanungin siya kung anong nangyari sa mukha niya't may mga kolorete.

Inayos niya ang necktie ni Yzack at ang buhok nitong nagulo ng bahagya. Hinawakan ng lalaki ang kamay niya at dinampian ng halik. Iningusan niya ito na sinagot nito ng mahinang halakhak. May kumatok sa pinto. Malamang si Nancy na naman.

"Let's go?" Tinungo nila ang pinto.

Si Vanessa ang napagbuksan niya kasama ang mga ninong ni Kyruz. Neil, Jayvee, Roven and Gwendel. Nagmistulang mga bata ang mga ito na sabik na nakasilip mula sa likuran ng dalaga.

Napangiti siya.

"Hindi na sila makapaghintay kaya umakyat na kami rito." Sabi ni Vanessa.

"Coach! Kumusta?" Ani Roven na kakaway-kaway. Umamba itong papasok sa pinto pero napaurong nang dakmain ni Gwendel sa batok at kinaladkad pabalik sa labas.

"Behave, asshole." Angil ng lalaki.

Natatawang binuksan niya ng malaki ang pintuan. "Pasok kayo." Itinabi niya ang sarili.

Pumasok ang mga ito. Yzack welcomed them with a rough high five and shake hands. Sila naman ni Vanessa ay nagpalitan ng halik sa pisngi. Matapos ang batian ay pinagkakaguluhan na ng mga ito si Kyruz. Tanging si Gwendel ang hindi nakigulo. Tahimik itong naupo sa sofa at nahuli niyang matiim na nakatitig sa kanya. Umigting ang mga panga nito nang ngitian niya ng tipid.

Binawi niya ang paningin at nilinga si Yzack na lumapit sa kanya at inakbayan siya habang itinuturo sa nguso si Kyruz na gigil na nginatngat ang ilong ni Neil. Natawa na lang siya.

"He's still into you until now?" Pasimpleng bulong ni Yzack.

"What?" Hindi niya makuha ang punto nito.

"Ongpauco." Pinisil nito ang balikat niya. "He's not over you until now."

Nangunot ang noo niya at napasulyap kay Gwendel na nakamasid sa kanila. Lumapit rito si Vanessa at may sinabi. Tumingin ito sa dalaga. Napansin agad niya ang paglamlam ng mga mata nito at ang damdamin na bumalong roon. Damdaming hindi na para sa kanya kundi para sa babaeng nasa harap nito.

"You're wrong," bumaling siya kay Yzack. "He's in-love with Vanessa."

Sigurado siya sa kanyang nakikita. Gwendel and Vanessa are in-love with each other. Maaring hindi lamang iyon napapansin ng iba.

Vanessa is the current manager of Phantoms and Gwendel is the captain and she heard the playing coach too since the recent coach has resigned two months ago.

"Whatever. I can handle one more rival. Just don't make me jealous or else there will be a reckoning." Yzack growled.

"You're over-thinking." Pakli niya.

"Tama na iyan! Akin na ang baby, napapagod na iyan sa inyo." Kinuha ni Vanessa si Kyruz mula kay Jayvee at dinala kay Gwendel.

Humabol si Jayvee. "Teka, kakakarga ko pa lang sa kanya." Angal ng lalaki.

"Ayaw sa iyo ni Kyruz, mukha ka raw mushroom." Kantiyaw ni Neil.

"Shut up, uhuging unggoy!" Ganti ni Jayvee. "Ikaw, mukhang kamates?"

"Magsitigil kayo! Mga bilog ang utak. Akin si Kyruz." Singit ni Gwendel na binakuran si Vanessa para walang makalapit.

"Talaga naman, captain! Pati dito umiiral 'yang pagka-selfish mo? Gumawa ka kaya ng sarili mong Kyruz. Magaling ka lang sa basketball, eh, pagdating sa kama bano ka. Sabi ni Lumina 'di ka raw maka-shoot." Kastigo ni Roven.

Isang kutos ang inani nito mula kay Gwendel. Sumabog ang tawanan. Habang nag-aasaran ang magkakaibigan at nag-aagawan kay Kyruz, natanggap ni Oshema ang text message ni Nancy. Pinapababa na sila.

"Guys, let's go down to the party." Aniya matapos silipin ang cellphone.

Magkakasama silang bumaba. Karga ni Gwendel si Kyruz habang inaaliw ni Vanessa. Si Yzack ay nakaakbay pa rin sa kanya. Ayaw siyang pakawalan. Hindi siya makapiglas dahil maglilikha lang iyon ng eksena na maaring ikasira ng gabi niya.

Sinalubong siya ng kapatid pagsapit nila sa party venue. Napilitan si Yzack na bumitaw at sumama sa iba papunta sa kanilang mesa. Habang siya ay tinangay ni Nancy sa isang sulok.

"Look over there." Itinuro nito sa nguso ang isa sa mga nakareserbang table malapit sa dingding.

Tumingin siya roon. Jairuz is there with Madam Jemma and Jin. Wala si Mikah. She didn't expect him to come without his girlfriend. Tumingin sa gawi niya ang asawa at nagtagpo ang mga mata nila. Hinagod siya nito ng mariing titig na para bang binibilang nito ang mga buto niya sa katawan. Ngumiti siya ng matamis. Gumanti ito ng tango at seksing kindat na nagpakilig sa kanya. Para siyang pakawalang dalaga na nilalandi ang crush ng bayan.

Binawi nito ang paningin at tumayo. Hinugot ang cellphone at may sinagot na tawag habang naglalakad patungo sa isang tabi. He's wearing a black button down long sleeves shirt and a dark maong pants tucked in a striking brown boots. Ipinasok nito ang kamay sa bulsa ng pantalon at muli siyang pinukol ng tingin. God! He's very handsome. Nagkakaroon lamang ng kahulugan ang salitang iyon kapag tinitingnan niya ang lalaking ito.

"You are hopeless, Shem. Hanggang ngayon para kang teenager na natutulala sa kanya. Just like them." Puna ni Nancy na itinuturo ng tingin ang mesa ng mga dalagang nakaantabay ang mga mata kay Jairuz. "They're ogling at him eversince he came."

Sinulyapan niya ang kapatid. "He's taken, Nancy. Kindly tell your friends." Taken as in married, with her. Nakadama siya ng piping pagmamalaki kahit na sa mata ng lipunan ay pag-aari ng iba ang asawa.