NATANAW ni Oshema ang pagpasok ni Yzack sa dambuhalang pinto ng VIP launch kasama sina Jin at Kazuma. Dumako sa kinaroroonan niya ang paningin ng binata. Kumunot agad ang noo nito at umigting ang mga panga. Ibinaba niya ang mga mata at masuyong ibinaling sa limang buwang sanggol na natutulog sa crib sa kanyang tabi.
"Where is your escort, Oshema? Mag-isa ka na namang bumiyahe? Ang tigas talaga ng ulo mo." Nabubugnot nitong angil at umuklo. Hinalikan siya sa noo. Bumaling ito sa sanggol na nasa crib at marahang hinawakan ang maliliit at naka-gloves na mga kamay ng baby.
"Akala ko si Madam ang susundo sa amin." Malumanay niyang sagot.
"Pinuntahan niya si Jairuz." Walang ligoy nitong pakli.
Para siyang sinuntok sa dibdib nang marinig ang pangalan ng asawa. Ang asawa niya na hindi na maalala ang sumpaan nila noong araw na umalis ito. Hinamig niya ang sarili at huminga ng malalim.
"Bakit hindi ka tumawag sa akin?" Yzack darted a suspicious look on her.
Nagkibit siya ng balikat. "Alam kong busy ka. Jin told me that the partnership with Aguirre Energies has not yet been established. Ayaw kitang abalahin." Paliwanag niya.
"Do you think business is more important to me than you and Kyruz?" Mas lalo lang itong nabugnot kaysa mapahinuhod.
Napangiti na lang siya. It always touches her heart seeing how much Yzack cares for her and the baby. At nakokosensya siya kapag naiisip na hindi niya maibibigay ang kapalit na inaasahan ng lalaki mula sa kanya.
Kinarga nito ang sanggol at binitbit naman ni Jin ang crib. Lumabas sila ng VIP launch.
May seryosong pinag-uusapan sina Yzack at Jin habang tinutungo nila ang naghihintay na sasakyan. Nakabuntot siya sa dalawa at hindi inaalis ang paningin sa anak na mahimbing pa rin ang tulog samantalang si Kazuma ay abala sa bitbit nitong dictionary. Talagang nagsusunog ito ng kilay para matuto sa wika ng Pilipinas.
Gabi na nang dumating sila sa bahay dahil sa matinding traffic. Sumakit ang ulo niya at dinaig siya ng sobrang pagod. Hinayaan na lang din siya ni Yzack na magpahinga kaysa piliting sumabay rito sa hapunan. Wala din naman si Madam Jemma at doon raw matutulog sa condo unit ni Mikah. Pagkatapos niya mapadede ang anak ay dumeretso na siya sa bed at natulog.
Kinabukasan nagising siyang wala ang sanggol sa kanyang tabi. Inot-inot siyang bumangon at sinipat ang orasan sa side table. Twenty minutes down to seven. Bumaba siya ng kama at sumaglit sa banyo.
Paglabas niya ng silid ay narinig niya ang malutong na halakhak ni Yzack mula sa loob ng kwarto nito na halos katabi lamang ng silid na tinulugan niya. Nakabukas ng malaki ang pinto niyon. Another crispy laugh echoed.
Pumasok siya at nakita ang anak sa kama ni Yzack. Nilalaro ito ng binata. Natawa siya nang masipa ito ng sanggol sa bibig.
"Ang lakas manipa nito. May galit ka ba sa akin?" Pinupog ni Yzack ng halik sa tiyan si Kyruz na ikinatawa ng baby.
"Good morning," bati niya at lumapit sa dalawa.
"Good morning, how's your sleep?" Nakangiting tanong ni Yzack.
"Okay lang, nakapagpahinga akong mabuti." Kinarga niya ang anak at hinalikan sa noo. "Morning, Kyruz!" Sinundot-sundot niya sa nguso ang leeg ng sanggol. Humahagikgik ito.
"I fed him earlier." Sabi ni Yzack. Hinahaplos ang manipis na buhok ng pamangkin. "Ipapasyal ko sana siya sa garden pero umaambon kanina kaya dito na lang kami nagkulitan."
Tumango siya. "Hindi ka ba pupunta ng office?" Tanong niya.
"Later, mga ten siguro. May lunch meeting ako with some investors. Anyway, breakfast is ready, baka gutom ka na."
"Ikaw ang nagluto?" Sabik niyang wika. "Miss ko na ang tuna crepes mo."
Tumawa si Yzack. "Mabuti pa ang tuna crepes namimiss mo." Pasaring nito. "Ako ba, hindi?"
Malambing na inirapan lamang niya ito at naglakad palabas. "Shall we eat, Kyruz? I'm starving." Kausap niya sa anak na nakatingala sa kanya at tumatawa.
Pagkatapos ng agahan ay inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit ni Kyruz habang tulog ang sanggol. Nakaalis na si Yzack at siya na lamang at ang mga katulong ang naiwan sa bahay. Tumawag din kanina si Madam Jemma. Mamayang hapon pa raw ito makakauwi. At baka kasama raw nito si Randall.
Balak sana niyang sumaglit sa mga magulang para makamusta ang mga ito pero baka iisipin ni Madam Jemma na iniiwasan niya si Jairuz. Sa ngayon, inosente si Jairuz para sa lahat. Kung may mga bagay man itong nagagawa na lubhang ikinawasak ng kanyang puso, iyon ay dulot ng kasalukuyan nitong karamdaman.
Jairuz Randall is suffering from selective amnesia. Tinamaan ng bala ang utak nito, isa't kalahating taon na ang nakararaan. He survived through surgery. Pero dahil doon, isang bahagi ng utak nito ang nagtamo ng matinding pinsala dahilan para mawala ang mga alaala nito sa nakalipas na tatlong taon sa buhay nito.
At doon sa mga alaalang iyon ay naroon siya. Ang kwento ng pagmamahalan nila. Ang sumpaan nila.
Matagal na dapat siyang umuwi rito pero naduwag siyang magpakita sa asawa. Naduwag siyang humarap sa lalaking hindi na siya maalala. Sa lalaking buong puso niyang minahal pero ngayon ay hindi siya makilala. Sa lalaking nangako sa kanya ng habang-buhay na pag-ibig pero ngayon ay ibang babae ang kasama.
Natatakot siyang baka sa muli nilang paghaharap ay maisumbat niya rito ang mga alaalang nabura sa utak nito. Sa pagkakaalam niya bawal na ipaalala rito ang nakalimutang mga bagay. Makasasama raw sa kasalukuyan nitong kondisyon. Sa ngayon ay kailangan niyang harapin ang katotohanang wala na siyang lugar sa buhay nito, hindi man nila parehong ginusto iyon. Kung ipipilit niya ang sarili, baka siya pa ang magiging dahilan na tuluyang masira ang mga natirang alaala sa utak nito.
"Oshema?" Nahinto siya nang marinig ang pamilyar na boses.
Agad lumipad ang paningin niya sa nakabukas na pinto kungsaan nakatayo ang kanyang bisita.
"Nancy?" Dinaluhong niya ng yakap ang kapatid.
Buntis si Nancy ng apat na buwan at halata na ang impis nitong tiyan sa suot na damit. Nagtubig ang kanyang mga mata habang nakakulong sa komportableng yakap ng kapatid.
"Kumusta ka na? Nasaan ang pamangkin ko? Patingin!" Nasasabik nitong apura.
Pinunasan niya ang mga luha at natatawang inakay si Nancy patungo sa crib.
"God, he's beautiful." Namilog ang mga mata nito habang nakatunghay sa sanggol. "Ano ba iyan, Shem, wala man lang siyang namana sa iyo kahit kunti." Panunukso nito na ngumuso pa.
"Hindi kasi ako magaling mag-drawing." Napabungisngis siya. Nagkatawanan sila pero agad ding natahimik nang kumislot ang baby.
"Suplado," komento ni Nancy.
Nagtungo sila sa sofa at naupo. "Paano mo nga pala nalaman na dumating kami?" Tanong niya.
"Nagkita kami ni Yzack sa office ni Edward. Sinabi niya sa akin." Inabot ni Nancy ang kamay niya at pinisil. "Kumusta ka na?"
"Okay lang ako." Ngumiti siya para alisin ang pag-aalala ng kapatid. Alam niya kung anong gusto nitong tumbukin. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang masaya siya. Pero hindi rin tama na magpapakalunod siya sa lungkot ngayong mayroon siyang anak na nangangailangan sa kanya. Abot-langit ang pasasalamat niya sa Diyos dahil dumating si Kyruz sa kanyang buhay kahit na ang kapalit niyon ay ang pagkawala naman ni Randall.
"Are you going to stay here?" Hinaplos ni Nancy ang kanyang pisngi. "Pwede ka namang umuwi doon sa bahay. Siguradong matutuwa sina Papa at Mama." Banaag niya ang simpatiya sa mga mata nito.
Ngumiti siya. "Susubukan kong kausapin sina Madam at Yzack. Pero nasisiguro kong di papayag ang mga iyon."
"Hindi ka nila pwedeng itali rito, Shem. Masyado ka ng nasaktan sa mga nangyayari. Hindi man lang ba sila naawa sa iyo?" Nasa tinig ni Nancy ang antagonismo. "Kahit alam nilang mali, wala silang nagawa sa sitwasyon. Hinayaan lang nilang bulagin ng kasinungalingan ni Mikah Jaruna si Randall. They did not even consider your feelings."
"Nancy, calm down." Alo niya sa kapatid. "Naiintindihan ko sila. Mas mahalaga ang kaligtasan ni Randall. Hindi naman nila ako pinababayaan at pamilya ang turing nila sa akin. 'Wag kang mag-aalala, maayos na ako ngayon. Nalampasan ko na ang pinakamasakit na parte."
"Kasalanan lahat ito ng malanding singer na iyon." Akusasyon ni Nancy.
Umiling siya. "We can't blame Mikah. Ginawa niya lang kung anong tama sa tingin niya. Siya ang kasama ni Randall sa mga panahong nasa panganib ito. Siya ang nandoon at nag-aalaga. Marami akong mga pagkukulang na siya ang pumupuno."
"Pinagsamantalahan niya ang pagkakataon. Bakit hindi niya sinabi ang totoo? Nagsinungaling siya at hindi ninyo maitama ang mga kasinungalingan niya dahil makakasira sa utak ni Randall ang katotohanan? Anong kalokohan iyon?"
Natahimik siya. Nanlabo ang mga mata dahil sa likidong nagbabantang bumagsak. Randall was in the state of coma for almost eight months. When he woke up, Mikah was there on time to tell him the missing memories he is trying to retrieve. Unfortunately, the memories she fed on him are all fake and there's no way for any of them to correct the mistake because the doctor declared that it would be fatal for Randall's unstable mind. Kung anong pinaniniwalaan ng asawa niya ay kailangang hayaan na lamang iyon at huwag ng baguhin kundi maglilikha iyon ng pagkalito na maaring sumira sa pag-iisip nito.
Leaving her with no choice, it ends everything. Her hope. His love. Her right to fight for the one she loves. The right of her son for a father's love. Sabay-sabay na nawala sa kanya. Kasamang nabura ng alaala ni Randall.
Niyakap siya ni Nancy at napahagulgol siya sa balikat ng kapatid. Akala niya wala na siyang iluluha pa.
JAIRUZ pulled out the white linen covering the painting which sits at the stand in the far-end corner of the room. Hinulog niya sa sahig ang tela at matagal na pinagmamasdan ang painting.
Nagsikip ang kanyang dibdib na para bang kinakapos sa espasyo ang kanyang puso. Naghahabol siya sa babaeng nakatira lamang sa kanyang panaginip at hindi niya alam kung saan niya pwedeng hanapin oras na nagigising siya. Inabot niya ang canvass at may pagsuyong hinahaplos ang bawat detalye ng babaeng nakaguhit roon. Kahit walang mukha, maganda pa rin ito para sa kanya.
It was the faceless and the nameless woman. Putting her in this canvass is a longing that made his heart more restless. Throwing it away is like losing his soul. So, he decided to keep it hidden here in the store room. Kapag may oras siya dadalhin niya iyon sa penthouse.
Mabilis niyang dinampot ang puting tela at itinakip sa canvass nang makarinig ng mga yabag papalapit sa kanyang kinaroroonan. Ang kanyang ina ang lumitaw sa bungad ng pinto.
"So you're here, I've been looking for you. Anong ginagawa mo dito?" Tanong nitong nilibot ang paningin sa makipot na store room.
He shrugged. "Just looking for something." He can't afford even to tell his own mother about his faceless woman.
"I'm going home, hindi ka ba sasama?"
Yeah, right. Sinabi nga pala niyang sasama siya sa bahay nila para makita ang pamangkin niya na dumating kahapon galing Japan.
"Maybe next time, Ma. Mikah's not feeling well. Hindi ko siya pwedeng iwan." Naglakad siya palabas.
Biglang nagreklamo ng pagkahilo si Mikah kanina. Siguro dahil sa stress. Kaliwa't kanan ang rehearsals nito para sa concert at music video. Photo shoots para sa promotions at mga endorsements. Tapos nag-aaral pa ito.
Tumango si Madam Jemma. "I thought you're thrilled to meet Kyruz." Bahagya itong natawa.
"I am." He chuckled hoarsely, thinking what could be his nephew looks like. Malamang nagmana kay Yzack pati sa kalikutan.
"Hindi mo na gugustuhing umalis oras na makita mo siya." Natutuwang pahayag ng ginang.
"Mahirap yan. Kailangan ko na rin palang makabuo kundi magtatampo si Mikah kung hindi na ako umuwi sa kanya dahil kay Kyruz."
Natahimik ang kanyang ina. Pero bumawi ito ng maikling tikhim. "Hindi ba pinagbabawalan ka ng doctor mo?"
"I'm perfectly fine, Ma."
"Still, you need to be very careful. Hindi ka pa lubos na magaling." Paalala nito.
"I know," kinabig niya ang ina at inakbayan.
"Uuwi na po ba kayo, Auntie?" Habol ni Mikah mula sa pinto ng kwarto nila.
"Yes. But I will be back tomorrow." Kaswal na sagot ni Madam Jemma.
"Mag-iingat po kayo." Ngumiti ang dalaga pero nanatiling seryoso ang mukha ng ginang na tumango lamang.
"Ihahatid ko lang si mama sa ibaba." Paalam niya sa kasintahan.
Lalapit pa sana si Mikah para humalik pero naglakad na palabas ng unit si Madam Jemma. Napailing na lamang siya. Halata ang disgusto ng kanyang ina kay Mikah. Kahit hindi niya maintindihan kung bakit, hindi na lang siya nagtanong. Hangga't hindi sila pinagbabawalang magsama, igagalang niya ang opinion ng magulang.