Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 42 - Chapter 41

Chapter 42 - Chapter 41

NAPASINGHAP si Oshema nang madama ang dalawang malalakas na bisig na pumalibot sa kanya mula sa likod at kasabay niyang nasamyo ang masculine scent ng cologne na gamit ni Jairuz.

"Enjoying the view, hmn?" Dinampian nito ng halik ang kanyang tainga. Kinilabutan siya dahil sa kiliting hatid niyon.

"I'm watching the Kawasemi. They're so cute." Sabi niyang bumuntong-hininga. She should ask him now. About that thing. Maliit na bagay lang naman sana iyon pero bakit hindi siya matahimik?

"Yeah, they're so cute, like you." Pambobola nito na nagpaismid sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin? Mukha akong ibon?" Nilangkapan niya ng inis ang boses.

"Pinakamagandang ibon sa balat ng lupa." Sinabayan nito iyon ng seksing halakhak.

Napangiti na lang siya.

"Thank you for earlier. Nakita kita. And I appreciate the gesture. Tamang pagkakataon talaga ang kailangan namin ni Yzack para magkaayos at ibinigay mo iyon sa amin. Now's everything is fix and we're good." Ang ulo naman niya ang hinalikan nito.

"Sa Diyos ka magpasalamat. Siya ang nagbigay ng magandang pagkakataon para sa inyong magkapatid para maayos ang gusot." Humilig siya sa malapad nitong dibdib. The comfort in there is intoxicating. Lumapad ang ngiti niya at pumikit. "Where's Yzack? Nakita ko kanina ang girlfriend niya. Magkasama ba sila?"

"Um, iniwan ko silang nag-uusap. Mukhang may kunting problema kaya um-exit na ako."

"Okay." Tumikhim siya para alisin ang bara sa lalamunan. "May itatanong pala ako sa iyo." Hindi niya napigil ang pagpiyok ng boses.

"Hmn...what is it?" His lips in her neck is a distraction.

"May nakita ako doon sa book sa loob ng drawer mo."

"And it is...?"

"Condom," napalunok siya. "Kailan at kanino mo iyon ginamit?" Usisa niya. Umikot siya paharap rito.

"That was from last night." Naglalaro ang amusement sa mga mata nito.

Napakunot-noo siya. "From last night?" Hindi niya napansin na nakabalot pala ito.

He chuckled sexily again. " Am I that good,hmn?" Panunudyo nito.

Nag-iinit ang pisngi na sinugod niya ito ng maliliit na kurot sa tagiliran.

" Hey, wait! Itinapon mo ba?" Pumihit ang lalaki at nagmamadaling pumasok ng cabin.

She rolled her eyes and followed him hastily. "Bakit kailangan mo pa iyon itago?" Pasigaw niyang tanong.

"Remebrance, babe." Sagot nito.

"Remembrance talaga? Condom gagawin mong remembrance?"

Dinampot nito ang libro at binuklat ang mga pahina. "Where is it?"

"Nasa talampakan ng sapatos ko, dumikit." Gusto na niyang matawa sa inaasal nito.

He darted his eyes to her shoes scattered on the carpeted floor. "Bakit napunta ito dito?" Dinampot nito ang sapatos at kinuha ang condom.

"Malamang inapakan ko, di ba?" Pabalang niyang sagot. "Throw it away, Jairuz. It's gross." Utos niyang napapangiwi.

"No, let me keep it." He pleaded. Kumuha ito ng marker at sinulatan ang condom.Sumilip siya. Isinulat nito ang petsa at oras kagabi.

"Ayaw mo ba akong mabuntis?" Tanong niyang kunyari nagtatampo.

"Silly," pinindot nito ang tungki ng kanyang ilong. "Of course gusto ko. But I just thought it would be unfair when you get pregnant while I'm away. Hindi ako matatahimik doon sa Pilipinas. Gusto kong kapag nabuntis ka ay kasama mo ako para maalagaan kita."

Napangiti siya ng tipid. Huli na para doon. Iyong ginawa nila noong bagyo ay nagbunga. Although, hindi pa niya nakompirma pero nararamdaman niyang may buhay ng pumipintig sa kanyang sinapupunan.

Nagtungo siya sa bed at naupo roon. Nagtatalo ang puso at isip kung ipagtatapat kay Jairuz ang totoo. Bilang ama, karapatan nitong malaman iyon. Pero ayaw niyang dagdagan ang mga iniisip nito habang nasa Pilipinas ito. Baka ikapapahamak pa nito ang pag-aalala sa kanya.

Lumapit sa kanya ang binata pagkatapos nito itago ang condom. "Come here," marahan siya nitong hinatak at dinampian ng halik sa labi. "Let's get you something to eat. Mukhang gutom ka na." Anitong natatawa nang tumunog ang kanyang tiyan.

Nasorpresa siya nang datnan sa grand dining ng barko ang buong pamilya ni Yzack. Madam Jemma Hayashi and her husband, the mayor, Akira Hayashi are there. Naroon din si Mikah. Nakaupo katabi ni Yzack.

"Jairuz,anak!" Bumuhos ang luha ni Madam Jemma at dinaluhong ng yakap si Randall.

Hindi na rin niya napigil ang emosyon sa mga mata habang nanonood sa mag-ina. She can only imagine the relief a mother could feel after five long years of so much anxiety.

Dumistansya siya ng kunti sa mga ito at naghanap ng mauupuan. Yzack offered her the vacant seat next to Mikah. Nagpasalamat siya at naupo roon.

Halos ilang ulit na tiningnan ni Madam Jemma ang buong mukha ni Jairuz pagkatapos ay niyayakap na naman ang binata. Para bang hindi ito makapaniwala at sa kabilang banda ay natatakot na maglaho na naman ang anak. Hanggang sa nagkakatawanan na lamang silang lahat.

Tumayo si Akira Hayashi at lumapit sa mag-ina. Nakipagkamay ito kay Jairuz. Naupo sa tabi niya ang binata matapos ang emosyonal na tagpo. Kinuha nito ang kamay niya. Dinala sa bibig at dinampian ng halik. Mikah is eyeing on them. Kahit pilit itong ngumiti, basang-basa pa rin niya ang kirot sa mga mata nito.

"Can you stay at our house for the meantime while you're here?" Pakiusap ni Madam Jemma habang kumakain sila.

"Don't worry, Ma, you just have to bring Oshema back and Jairuz will definitely follow without questions." Si Yzack ang sumagot at kumindat. Halatang nang-aasar.

Tawa ang isinukli ni Akira habang si Jairuz ay sinipat ng matalim na tingin ang kapatid. Silang dalawa ni Mikah ay napangiti na lang. Silence means either yes or no but at that moment it was certainly a yes.

"You've better packed yours and Jairuz' things. Siguradong hindi na iyon papakawalan ni mama." Instruct sa kanya ni Yzack pagkatapos nilang kumain.

Jairuz and Madam Jemma are in the bar having some wine with Akira. Alam niyang kailangan ng mag-ina ang mahabang oras para makabawi sa matagal na panahong pagkakawalay sa isa't isa. Hindi niya iyon ipagkakait sa mga ito kahit pa wala ng matitira sa kanya sa huli dahil papalapit ng papalapit ang araw ng pagbalik ni Jairuz sa Pilipinas.

"Okay, mauna na ako sa inyo. Excuse me." Umahon siya mula sa kanyang silya at nginitian si Mikah na gumanti naman ng tipid na ngiti.

Bago siya lumabas ng pinto ay nasulyapan niyang kinabig ni Yzack at hinalikan sa labi ang girlfriend. Sweet kisses for the lovers. She smiled happily for them.

NATAWA ng bahaw si Yzack matapos siya itulak ni Mikah palayo. Kung dati naiinis siya sa inaastang iyon ng dalaga, ngayon ay wala siyang maramdaman kundi awa para sa kanilang dalawa. They are fooling themselves.

"You're lips taste bitter and cold. Nothing like the lips of Mikah Jaruna I know. Masyado ka ng halata. Kasama mo ako pero iyang mga mata mo walang ibang nakikita kundi ang kapatid ko." Akusasyon niya.

Gumanti ng maikling tawa si Mikah. "We're just the same, Yzack. Don't pretend as if you are better than me." Sikmat nito.

Huminga siya ng malalim at tumayo. Nilingon ang bar. Randall is cracking a big smile with his step-father while their mother is laughing sweetly. They're having good times over there.

Binawi niya ang tingin at ibinaling kay Mikah na hindi maipinta ang mukha. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

Bago dumilim ay nagyaya ng umalis ang mga magulang niya. Gaya ng inaasahan ay sumama sina Jairuz at Oshema. Kasama rin ang bodyguard ni Jairuz na nakilala niya sa pangalang Alex. Hindi siya sigurado kung ito ang tinutukoy ni Jrex na kasamahan sa Nephilims. But the aura of this man tells it so. Dangerous and mysterious.

Pagdating nila ng mansion ay masaganang hapunan na naman ang sumalubong sa kanila. Tumanggi na siyang kumain pero pinilit siya ng ina para samahan si Jairuz na tikman lahat ng Japanese cuisines na pinahanda nito.

Para hindi ito magtampo at malungkot ay pinagbigyan nila ang ina. Iilang tikim pa at bumigay na si Randall. Sinulyapan niya sina Oshema at Mikah na parehong nagpipigil ng tawa.

Isa sa mga nakaugaliang tradisyon sa Japan ang flower viewing tuwing kasagsagan ng pamumulaklak ng cherry blossoms. Nagyaya si Yzack na magtungo sila sa Sakura garden. Maliwanag ang buwan at tila umuulan ng cherry blossoms nang pumasok sila. Napakagandang tanawin.

"We should hit some of the night clubs while you're here." Suhestiyon niya. "Kurand Sake is one of the bests here."

"That won't be necessary." Sagot ni Jairuz matapos tikman ang tea na ibinigay ng katulong.

"Bait-baitan tayo? Palibhasa nandito si Oshema. Pero noong di mo kasama nakipag-date ka kaagad sa iba." Nang-aalaskang paratang niya. Palihim niyang kinindatan si Oshema.

"If you have your brain intact, you would know that wasn't a date." Depensa ni Jairuz saka sumulyap sa dalagang naniningkit ang mga mata.

Humalakhak siya. This is getting interesting. "Defensive, are we? It is because my brain is intact that I know it was a date. Maniwala ka sa akin, Oshema. Nakita ko sila doon sa Cosmo World." Sumbong niya sa dalaga.

"Parang bata." Kastigo ni Jairuz sa kanya. "Iniisip mo bang makakaisa ka pag siniraan mo ako sa kanya? Losser."

"Totoo ba iyon?" Tanong ni Oshema na nakaangat ang isang kilay, nagbabadya ng disgusto. Sinakyan ng dalaga ang sinimulan niya.

Habang si Mikah ay sinisipat siya ng naiinis na tingin. Napabungisngis na lang siya.

"Naniniwala ka sa ulol na iyan?" Padarag na dinuro siya ng kapatid.

Tumigas ang mukha ni Oshema. "Ulol ba ang nagsasabi ng totoo?"

He has to give her a best actress award later.

"Namasyal lang kami ni Mikah. That was not a date." Jairuz explained tyring not to throw a punch on his face.

"Hindi ka tatabi sa akin mamaya. Walang kiss, walang hug. Wala lahat." Angil ng dalaga.

Doon na siya bumunghalit ng tawa. Si Mikah naman na halatang kumakampi kay Jairuz ay namumula ang mukha sa inis. Dapat talaga ang dalawang ito ang ginawang soul mate. Nagkamali sa pagririto ang tadhana.

"That's not fair!" Angal ni Jairuz.

"Malamig ang gabi mo ngayon, bro." Kantiyaw niya at humalakhak. "Tabi na lang tayo mamaya, gusto mo?"

"Shut up! Gusto mong maging bungal?" Tumayo si Jairuz at dinamba siya. Nagpambuno silang dalawa. Pagulong-gulong sa ground na nalalatagan ng mga sakura. Parang mga batang nag-wrestling.

ARAW ng pag-alis ni Jairuz. Tinamad bumangon si Oshema. Gusto niyang magsakit-sakitan para hindi matuloy ang pag-alis nito.

"Babe, bangon na. May pupuntahan tayo." Lumapit ito sa kama at dumukwang. Hinalikan siya.

Ngumuso siya. Inabot rito ang mga kamay. Natatawang hinawakan nito ang pulso niya at hinila siya.

"Paliguan mo ako." Panlalambing niya.

"Hindi tayo makakaalis kung gagawin ko iyan." Hinaplos nito ang buhok niya.

"Tinamad kasi akong maligo." Ungot niyang sumimangot.

"Huwag ka ng maligo, okay. Come on, now. We need to go. Importante ang pupuntahan natin." Para itong nakikiusap sa isang bata.

Bumaba siya ng kama at padaskol na nagmartsa patungong banyo. Saan ba kasi sila pupunta? Kung hindi siya maliligo, manlalagkit siya mamaya.

Iniwan niyang nakabukas ang pinto habang nagshower. Pero isinara iyon ng binata. Iiling-iling pa ito habang nakangiti. Sarap batuhin ng scrub.

She found him waiting patiently when she came out from the shower. Nakonsensya tuloy siya. Sinadya pa naman niyang magtagal sa paliligo. Sobrang mahalaga nga siguro ng pupuntahan nila.

"Mahigit isang oras ka sa loob, 'yan ba ang tinamad maligo? Paano na lang kaya kung sipagin ka." Komento nitong nakangisi. Inorasan pala siya nito.

Lalo siyang na-guilty.

"Hmn, can I choose your outfit for today?" Niyakap siya nito mula sa likod habang pumipili siya ng maisusuot.

"Okay, if you may." Pinagbigyan niya ito.

He picked an all white cocktail dress for her. Ito din ang pumili ng sapatos na iteterno niya sa damit. Binilisan niya ang pag-aayos ng sarili. Pinatuyo niya ang buhok gamit ang blower at sinuklay. Hinayaan niyang nakabagsak lamang iyon. Naglagay din siya ng kunting make-up. Nang makontento ay humarap siya sa lalaki para ipakita ang hitsura.

"Stunning," sabi nitong pigil ang paghinga.

Ngumiti siya.

Isang Catholic Church sa may kabisera ng Yokohama ang pinagdalhan sa kanya ni Randall. Sa may entrada ng simbahan ay natanaw niyang naghihintay si Alexial at ang pari. Doon lang nag-sink in sa kanya kung anong nakatakdang mangyari.

Ikakasal siya.

Hindi niya napigil ang pagbukal ng mga luha. Akala niya basta na lamang aalis si Jairuz at iiwan siya nang walang panghahawakan. Parang sasabog ang puso niya at masakit dahil sa matinding kaligayahan.

Ginanap ang sagradong seremonya. Alexial handed the ring over to Jairuz. Kinuha ng binata ang isa sa mga singsing at isinuot sa kanyang daliri habang binibigkas nito ang panunumpa.

"I, Jairuz Randall Monte-Aragon vow before the Lord to take Oshema Yzabella Salcedo as wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part." "

Kinuha niya ang isa pang singsing at isinuot sa daliri nito habang binibigkas din ang kanyang panunumpa.

"I, Oshema Yzabella Salcedo, vow before the Lord to take Jairuz Randall Monte-Aragon as my husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."

"May the Lord in His goodness strengthen your consent and fill you both with His blessings.Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have-the gifts of your lives united. I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride."

Pumikit siya at ini-angkla ang mga braso sa batok ni Jairuz habang ninanamnam at iniukit sa kanyang alaala ang pinakamasarap na halik sa buong buhay niya.

Galing ng simbahan ay tumuloy sila sa isang mamahaling restaurant at doon nananghalian. Pagkatapos kumain ay naglibot-libot sila at gumala sa iilang tourist spot ng siyudad. Huli nilang pinuntahan ang Yamashita Park.

"Jairuz, it's time."

Narinig niyang sabi ni Alexial habang namamahinga sila sa lilim ng malaking cherry blossoms. Mula sa pagkakahiga sa kanyang kandungan ay bumangon si Jairuz.

"Let's go." Hinalikan siya nito sa noo at itinayo.

Hindi na sila dumaan ng mansion at sa halip ay tumuloy kung saan nakadaong ang barko. Nandoon na rin sina Yzack, Madam Jemma at Mayor Hayashi.

"Anak, pwede bang huwag ka na lang umalis? Natatakot ako. Hindi ko kakayanin kung may mangyari sa iyong masama." Pakiusap ng ginang na umiiyak. Kinailangan na itong lapitan ng asawa para pakalmahin.

"Ma, hindi po ba napag-uusapan na natin ito? Don't worry, mag-iingat po ako." Niyakap nito ang ina.

"Be careful out there. If you need anything just call us." Sabi ng mayor.

"Thank you, Uncle." Nakipagkamay si Jairuz sa step-father.

"I will be sending tomorrow the additional troops that you've requested." Sabat ni Yzack. "Mag-iingat ka, I won't forgive you if you messed up."

"Thank you, I'll certainly keep that in mind." Tinapik nito sa balikat ang kapatid. "Ikaw na muna ang bahala kay Oshema. Pero hindi ko siya iniiwan sa iyo para palitan mo ako sa buhay niya. Babantayan mo lang siya para sa akin." Babala nito na ikinatawa ng mga naroon.

Kahit gusto niyang makitawa din pero hindi niya magawa. Walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha at napahagulgol na siya nang yakapin ng asawa. Oo, asawa na niya ito.

"Mag-iingat ka doon. Mahal na mahal na mahal kita, Jairuz Randall. Mamahalin kita habang ako'y nabubuhay."

"Tatandaan ko iyan lagi. Pangako, babalik ako sa iyo. Hintayin mo ako." Pinunasan nito ang mga luha niya at hinagkan siya sa mga mata, sa ilong at sa mga labi. "Mahal na mahal din kita, Oshema." Nag-aalangan pa itong bitawan siya pero sinundo na ito ni Alexial para umakyat na sa barko na kanina pa sumisignal.

Hindi na siya halos makahinga dahil sa kaiiyak habang tinatanaw ang papalayong barko at kahit alam niyang hindi na siya makikita ni Jairuz ay kaway pa rin siya ng kaway habang hinahaplos ng kabilang kamay ang tiyan.

"Don't tell me you're pregnant." Pabulong na sabi ni Yzack.

Tumingin siya sa binata at ngumiti kahit umiiyak. "Tama ka, buntis ako."

Nakita niya ang saglit na pagbalong ng hapdi sa mga mata nito pero agad din naglaho iyon at napalitan ng pagtataka.

"Hindi niya alam?"

"Hindi." Iling niya.

"Bakit hindi mo sinabi?"

Tinanaw niyang muli ang barko na tuluyan ng nilamon ng malawak na distansya. "Gusto kong mag-concentrate siya kung anong dapat niyang gawin. This baby will be my gift for him when he comes back."

Kinabig siya ni Yzack pasubsob sa dibdib nito. "He will be fine. Dahil alam niyang may babalikan siya."

Tumango siya. Kahit papaano ay napanatag ang isip.

NAGTUNGO sa bar si Jairuz at nagbukas ng inumin. Dalawang shot ang sunod-sunod na ibinuhos sa bibig. Kinapa niya ang singsing na nakabitin sa platinum gold chain sa ilalim ng kanyang shirt. Hindi dapat ganoon kasimple at ka-pribado ang kasal na pinangarap niyang ibigay sa babaeng pinakamamahal. Engrande dapat. Dapat saksi ang buong mundo para malaman ng lahat kung gaano siya ka-swerte. Pero sa kasalukuyang estado niya iyon lang ang makakaya niyang ibigay.

"Can I join you, handsome?" Malamyos na boses ng isang babae ang humagod sa kanyang pandinig kasabay ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang balikat.

For a second he was lost for words. Unable to react, looking right to the eyes of the girl he didn't expect to see aboard the ship again.

"Need some company? I'm free." Malandi nitong ngiti.

Nagtagis siya ng bagang. "What the hell are you doing here, Mikah Jaruna?"

"I'm going with you." She pouted. Flaunting her pink kissable lips.

"Alex!!! Alexial!!!!" Dumagundong ang boses niya sa buong bar.

"Here!" Sumulpot ang bodyguard na hindi rin maipinta ang mukha. "Binugbog ko na ang nagpapasok niyan."

"What? Call the bridge, right now. We need to turn back." Utos niya.

"Negative." At walang anumang paliwanag na tinalikuran siya ng bodyguard.

"Damn it!" Tulirong napaupo na lamang siya sa stool, tutop ang noo. This is not happening again.