NAPAPANGITI si Oshema kahit may mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata habang nakatunghay sa mga litratong nilatag niya sa kama. Iba-ibang anggulo ang kuha pero lahat ay stolen shots. Hindi nakatingin ang binata sa camera. Karamihan sa mga kuha ay nakabusangot ang mukha nito. May isang litrato na nakangiti ito ng bahagya habang mayroon namang pinipigil nito ang ngiti at kinagat ang ibabang labi.
Dinampot niya ang picture at dinampian ng halik. She almost betrayed him and gave herself to someone else because she knows nothing of him. Lahat ng alam niya sa pagkatao nito ay hindi totoo. Starting with his name and the identity he was trying so hard to build up in front of everyone around him including her. Maaring pati ang damdamin nito sa kanya ay hindi totoo. Pero gusto niya pa rin itong makita at makausap kahit sa huling pagkakataon man lang bago siya magpatuloy sa buhay niya. May pagkukulang din naman siya. Nakontento siya sa kung ano lang ang alam niya. Dapat nagtanong siya. Nag-usisa. Maaring walang sinabi si Jairuz kasi pinili niyang manahimik. Inisip marahil ng binata na hindi siya interesado kaya hindi na rin ito nag-abalang magtapat.
Nag-ayos ng sarili si Oshema at lumabas ng suite. Hinanap niya ang lift ng matayog na gusali para makababa. Gusto muna niyang mapag-isa. Mahimay ang isip. Natagpuan niya ang elevator at sumabay sa agos ng mga tao na pumasok sa nakabukas na malaking platform. Tatlong lalaki at apat na babae ang nakakasabay niya. Nag-uusap sa wikang Nihongo ang mga ito. Umurong siya sa pinakadulo, malayo sa pinto at sumiksik roon. Pinipisil niya ang kanina pa nanginginig na mga kamay.
Nakarating siya sa ground floor at hinanap ang exit. Naglakad lang siya sa malawak na sidewalk. Hinayaan ang mga paang dalhin siya kung saan. The place seemed peaceful and harmonious. The people likewise are nice. May mga nakakasalubong siya na ngumingiti at nagbo-bow sa kanya. She did the same to return their famous gesture of greetings.
Tumawid siya sa tawiran at binagtas ang panibagong kalye hanggang sa humantong siya sa isang park. Yamashita Park, ayon sa malaking sign na nababasa niya. Doon na siya huminto. Iginala ang paningin.
Namamanghang pinagmasdan niya ang buong gusali ng Yokohama Intercontinental Grand mula sa kanyang kinatatayuan. Soars magnificently above the transformed city centre. Mistulang isang dambuhalang ulo ng arrow na nakaumang sa kanya ang gusali. Sobrang tayog. Tingin niya'y naaabot na nito ang ulap. Kung sa kabilang side naman ito titingnan, nagmumukha itong yate na naglalayag. Lumipat ang tingin niya sa higanteng Cosmo Clock Ferris Wheel na kung titingnan ay tila katabi lamang ng hotel pero ang totoo ay malayo pa. Tinapatan niyon ang laki at tayog ng gusali at sa gitna ay pumapatak ang opisyal na oras ng Japan.
Napaka-progresibo ng buong siyudad. Mga lansangan pa lang ay naghuhumiyaw na ang karangyaan. Ang bawat lane ay apat na beses yata ang lawak kumpara sa mga national highways ng Manila. Pero kahit maluwag ang mga lansangan ay hindi nag-o-overspeed ang mga sasakyan. Tumatakbo ang mga iyon ayon sa prescribed na bilis na inihahayag ng mga road signs. It's refreshing being outside. Seeing the magnificence this place is offering. Kaya pala, madaming gustong pumunta rito. The sights alone are more than enough.
Naglakad siya patungo sa pinakamalapit na bench para sana maupo pero hinarang siya ng dalawang lalaking kapwa nakasuot ng itim na polo shirt.
Agad siyang pinapagitnaan ng dalawa. Tingin niya ay purong Hapon ang mga ito.
"Kanojo o mitsuketa. (We found her.)" Isa sa mga ito ay nagsalita. Pero hindi sila ng kasama nito ang kinakausap. May suot itong bluetooth earphones. "Kanojo wa idesu, watashitachi wa ima modotte imasu. (She's safe. We're heading back now.)"
Baka mga tauhan ni Yzack ang mga ito at pinapahanap siya ng binata.
Sumunod na lamang siya nang akayin siya ng isa patungo sa nakaparadang sasakyan. Habang ang kasama nito ay naiwan at abala pa sa pakikipag-usap. Pero agad din naman itong sumunod sa kanila matapos siyasatin ang paligid.
Pumasok siya sa loob ng itim na van . Malayo-layo din pala ang narating niya sa paglakad-lakad kanina.
"Kindly put on your seatbelt, ma'am." Nagsalita ang lalaking sumampa sa may driver's seat. May accent ang pagsasalita nito at di masyadong mabigkas ng maayos ang bawat word.
Umayos siya ng upo at nagseatbelt. Umusad ang sasakyan pabalik ng hotel. Pero hindi ito pumasok sa underground parking at sa halip ay huminto sa harap ng lobby, sa tapat mismo ng main entrance ng reception hall.
Mabilis niyang nabuksan ang pinto sa tapat niya at bumaba. Napaligiran ulit siya ng dalawang lalaking sumundo sa kanya sa park.
The censored glass door of the reception hall opened for them and they walked in. Side by dide with the two guards.
Naglakad sila sa maluwang na pasilyong nakagayak ng asul na carpet at humantong sa isang dambuhalang pintuan. Awtomatikong bumukas din iyon nang sila'y makalapit. Napamaang siya sa gallery na tumambad sa kanya. Puno iyon ng maraming mamahalin at magagandang paintings. At may iilang mga tao sa loob na tumitingin-tingin. Palagay niya ay painting exhibit ang pinasukan nila. Nandito ba si Yzack? Gumala ang kanyang paningin.
"Kochi desuka, lady-sama." Iginiya siya ng dalawang kasama sa isang bahagi ng gallery.
Isang magandang babaeng humigit-kumulang ay nasa kwarenta ang edad at may kasamang dalawa pang lalaki na naka-polo shirt ng itim ang natanaw niyang nakatingin sa painting ng Shinsengumi. The group of legendary warriors way back 1864 in Japan history.
Agad nabaling sa kanya ang buong atensiyon ng babae nang mapansin ang kanilang paglapit. She has that beauty and elegance with which words cannot suffice to describe. Nanlamig siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. She's looking at her from head to toe. With her eyes screaming of indelible authority and bathe with aura of feminine power. She stepped forward to meet her half-way. Her fluid stride had a spell-binding grace which makes people around turn their heads towards her.
"Oshema!" Parehas silang nahinto ng babae nang dumating si Yzack. Humihingal ang lalaki at nang makalapit sa kanya ay marahas siyang hinapit at mahigpit na niyakap. "What are you doing, damn it! Where the hell have you been? You made me worried half to death!" Pagalit nitong sumbat na halos durugin siya ng yakap.
"I'm sorry, i was just taking a walk at the vicinity." Nanigas ang buong katawan niya. Ang babae ay mariing nanonood sa kanila. Naniningkit ang mga mata at tila hindi nagugustuhan ang nakikita.
"You could have at least texted me. You don't know a thing about this place." Kumalas ito at sinipat ang kanyang mukha. "Are you okay? You're not hurt, are you?" Totoong concern ang nababasa niya sa mga mata nito.
Umiling siya. "Okay lang ako, Yzack. Pasensya ka na kung di ako nagpaalam."
Tumango ito saka tinapunan ng sulyap ang babaeng nakamata sa kanila. Hinawakan nito ang kamay niya. Marahang pinisil at hinatak siya papalapit sa babae.
"Ma," hindi siya nito binitawan kahit dumukwang ito para hagkan sa noo ang babaeng saglit na napapikit sa paglapat ng halik.
But wait! He calls her Ma? This woman, could she be his and Randall's mother? She swallowed hard when meeting the woman's eyes once again. Her knees buckle.
"Kazu told me. Thank you for finding her." Nagsalita si Yzack.
Binawi ng babae ang paningin at ibinaling sa binata. "I thought you would never notice me." May bahid ng tampo sa tinig nito. "You've been here all along but you didn't even bother to see me and your father."
"I was kind of busy, Ma. I'm sorry." Mula sa kanyang kamay ay pumulupot sa baywang niya ang braso ni Yzack. Gustuhin man niyang kumawala at lumayo rito, nag-aalala siya na baka matumba lang pag kumilos siya kasi nanghihina pa rin ang kanyang mga tuhod.
Tumango ang babae kahit mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ng binata. Muli itong sumulyap sa kanya. "Who is she?" That question lingers even in her curious gaze.
Tumingin sa kanya si Yzack. Ngumiti. Anong nginingiti-ngiti ng kumag na to? Gusto niya itong simangutan.
"Babe, this is my mother, Madam Jemma Hayashi. The first lady of this city." Pinakilala nito ang ina.
Ngumiti siya at nag-bow. "Nice to meet you po, Madam."
Tumango ito. Sinisiyasat pa rin siya. "Likewise." Tipid nitong sabi.
"This is my girlfriend, Mama. Oshema Yzabella Salcedo."
Napakurap siya. What just did he say? Girlfriend? Is he crazy? Bumulusok paakyat ang inis niya. Walang pinagkaiba kay Rune ang lalaking ito. Pati sa sariling ina magsisinungaling.
"Your girlfriend? Then how about Mikah? Did you two broke up?" Nalilitong tanong ni Madam Jemma na palipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Yzack.
"No, Madam. He's just kidding." Nagkaroon siya ng pagkakataong makawala mula sa lalaki. Napansin niya ang agad na pagdilim ng mukha nito at ang nagbabantang tingin. But she ignored him. Itinuon niya ang mga mata sa ina nito. "I'm Jairuz Randall's girlfriend, Madam."
The woman had trouble comprehending after hearing her confession. Nagulat siya nang hablutin ni Yzack ang kanyang braso.
"You are my girlfriend, Oshema, not his." Matigas nitong ungot sa kanya.
Lalo siyang sumabog. Matapang niyang hinarap ang binata. "What is your problem? You're just like Rune." Gigil niyang sikmat.
"Don't you dare compare me with that lunatic. I'm nothing like him." Sigaw nitong namumula sa galit. Humigpit ang hawak sa kanyang braso. Napangiwi siya sa sakit.
Sinubukan niyang pumiglas pero hindi siya makawala. "But you are acting jerk just like him." Nakipagsukatan siya rito.
"That's enough!" Awat ni Madam Jemma. "Stop fighting in front of me. You are causing a scene here. Para kayong mga bata."
Para siyang binuhusan ng tubig. God! She totally forgot where she was at the moment. Sa sobrang kahihiyan ay gusto niyang matunaw na lang at sipsipin ng sahig. Hindi siya dapat nakikipagtalo kay Yzack sa harap ng ina nito. Where did her sanity go?
"I'm so sorry, Madam." She humbly conceded trying to compose herself.
"Tell me the truth. Whose girlfriend are you again?" Mariin ang titig ng babae sa kanya.
"I told you, Ma. She's my girlfriend." Yzack butted in, losing his patience. She could just rolled her eyes in disappointment. He never gives up, is he? What is this show all about?
" I'm asking her not you, Yzack." Sansala ni Madam Jemma na hindi inaalis ang paningin sa kanya.
"Girlfriend po ako ni Jairuz Randall Monte-Aragon." Taas-noo niyang amin. Sinulyapan si Yzack at tinikwasan ng isang kilay saka inirapan.
His jaw clasped. Eyes darkened with burning rage.
MAHIGIT isang oras ng naglilibot sa buong barko si Mikah dala ang cellphone ni Jairuz. Narating na niya ang Aqua Theater sa likurang bahagi ng barko, pati ang Central Park neighborhood na may magagandang landscapes ng mga kahoy at bulaklak. Pero hindi niya na-enjoy ang ambiance doon dahil nakatuon ang atensiyon niya sa screen ng cellphone. Dapat kanina pa niya tinatawagan si Yzack para itanong ang matagal na niyang gustong malaman. Ang kaso, bigla siyang nawalan ng ganang kausapin ang boyfriend. Na-realize niyang wala namang dahilan si Randall para magsinungaling sa kanya. Maybe, Yzack did really had that woman with him.
Bumalik siya sa looban ng mga cabin at state rooms ng barko matapos buo ang isip na wag ng kausapin si Yzack. Tinunton niya ang direksiyon patungo sa kwarto ni Jairuz para isauli ang cellphone. Malapit na siya sa cabin nang matanaw niya ang bodyguard ng binata na papasok roon. That's Alex, kung tama ang pagkakaalala niya. The guy is extremely handsome but a menacing sight as well. Like he is a very dangerous person inside and out. But more than anything, he is very protective with Jairuz. Handa itong pigtasin ang kahit na sinong mananakit sa binata.
Nahinto siya sa paghakbang nang tumingin ito sa gawi niya bago buksan ang pinto. Nakita pa niyang parang ngumiti ito ng bahagya bago pumasok at iniwan na nakabukas lang ang pintuan. Mamaya na lang siguro niya ibabalik sa binata ang cellphone. Baka may mahalagang pag-uusapan ito at ang lalaking iyon.
Pero tulak ng matinding curiosity, hindi niya magawang umalis at sa halip ay nagpatuloy siya sa paghakbang papalapit sa cabin. Few steps away, she heard the two deep male voices. Talking. Nag-alangan siyang tumuloy. She is certainly eavesdropping. Lagot siya pag nahuli siya. Pero hindi pa rin niya magawang umalis. Ang mga paa niya ay patuloy na umabante.
"I've got the weather update. A storm is coming in our way. Makakasalubong natin sa susunod na dalawang araw." Balita ni Alex. "The captain suggested that we should dock at the nearest remote island to hide and basically avoid the storm til it passes us."
"Do what you think is necessary for our safety. May kasama tayong guest dito sa barko. Ayaw kong may mangyaring di maganda habang nandito siya." Sagot ni Jairuz.
Napahawak sa kumakabog na dibdib si Mikah. Siya ba ang tinutukoy ng binata?
"Sigurado kang gusto mo siyang ibalik sa Japan? Alam mo, bagay kayong dalawa." Obvious ang panunuksong iyon ng bodyguard.
Nakagat niya ang labi at nag-init ang kanyang pisngi. Palakas ng palakas ang pagyanig ng kanyang puso habang hinihintay ang isasagot ni Jairuz.
"Don't start on me, Alex." He evaded the question. "What are you grinning at? You find this funny?"
A chuckle echoed.
"Tigilan mo nga ako."
Di niya maintindihan ang sarili kung bakit nakadama siya ng pagkadismaya sa hindi direktang sagot nito. Gusto ba nitong manatili siya doon sa barko?
"I think you have a visitor outside. Lalabas na ako."
Nataranta siya nang marinig iyon. Alex knew she's there. Nong sulyapan siya nito kanina bago ito pumasok, he must be anticipating that she'll sneaked in to listen their conversation. Yan lang ang posibilidad na naisip niya.
Nahihiyang nginitian niya ang lalaki na lumabas sa pinto. He just smirked and proceeded at the hallway. Inayos niya ang buhok at sinipat ang sarili. Kahit bukas ang pintuan ay kumatok pa rin siya.
"Come in." Jairuz' voice thunders.
Pumasok siya. At isinara ang pinto. Jairuz is standing near the edge of the bed, holding a bottle of mineral water and the empty foil of medicine. Binuksan nito ang bote ng tubig at uminum.
Napako ang tingin niya sa adam's apple nito na tumataas-baba tuwing nilulunok nito ang tubig. She find it so sexy. She must be out of her mind. Roughly, he wiped his mouth with the back of his hand and turned to her. Mula sa kanyang mukha ay bumagsak ang mga mata nito sa bitbit niyang cellphone.
"Done?"
Tumango siya. Lumapit at ibinigay rito ang cellphone. "Here. Thank you for letting me use it."
"Anytime." Inabot nito iyon at dinala sa sidetable. Doon nilapag katabi ng lamp shade.
Pumasok ito sa banyo at hindi nag-abalang magsara ng pinto. Dinig niya ang mga kaluskos nito mula sa loob. Mukhang nag-toothbrush at kung anu-ano pa. He must be cleaning up.
Pinilipit niya ang mga daliri. Ano bang ginagawa niya? Dapat lumabas na siya. Wala na naman siyang kailangang sabihin. Pero nakakainis ang mga paa niya. Ayaw makisama. Ayaw umalis doon. Pagkalabas ng binata ay may hawak na itong face towel na ipinupunas nito sa mukha.
"Find yourself a seat, Miss Jaruna. Para kang kandelang itinulos diyan sa sahig." Magaspang nitong sabi. Hinubad ang shirt sa isang hilahan lang mula sa likod.
Parang magnet ang katawan nito na kahit ayaw niya ay hinihigop ang kanyang paningin. His muscles are well-contoured just like Yzack's. Pero mukhang mas matigas. Nababalot pa rin ng benda ang balikat nito pababa sa isang bahagi ng malapad nitong dibdib. Parang sinilihan ang pisngi niya nang sumulyap ito sa kanya at huling-huli siyang nakamasid.
"Nakausap mo ba si Yzack?" Tanong nito. Kumuha ng bihisan sa closet. Gray shirt. At isinuot.
"No, i didn't. Hindi ko siya tinawagan." Ipinilig niya ang ulo nang mapadaan sa tapat niya ang binata. Nagtungo ito sa centerpiece at dinampot ang mga papel na nasa ibabaw. He smells nice. Like musk, earth and citrus combined.
"What makes you change your mind?" He glared at her.
Nakangusong lumapit siya sa couch at naupo. "I just realize you have no reason to lie." She watched him scanned the papers.
"Really?" He mused. Brows shut.
Nilagay niya ang mga kamay sa kandungan at huminga ng malalim. Maybe asking him wouldn't be that bad.
"Would you like me to stay here? Because i will do that if you ask me. I'll help you get your girlfriend back." Isang alok iyon na nakahanda siyang panindigan anuman ang mangyari. Hindi dahil naaawa siya rito kundi dahil naniniwala siya sa binata.
Jairuz looked at her intently, trying to connect her point. Then she saw a faint tenderness in his eyes as he smiled sadly.
"Thank you, but i can't have her. Not now."
Gusto niyang itanong kung bakit pero tinalikuran na siya nito at may pakiramdam siyang natatapos na doon ang usapang iyon.