SAGLIT na tiningala ni Oshema ang higanteng ferris wheel sa Cosmo World habang nakaupo sa bench at dinidilaan ang hawak na ice-cream. Nasa tabi niya si Yzack at pinagmamasdan siya. Nakangisi ito na para bang may iniisip na namang kabalbalan. Nakatayo sa gawing likod nito si Kazu at seryosong nagbabantay. Halos matakot na rito ang mga dumadaan sa tapat nila dahil kung makatingin ito para bang isang linggong hindi pinapakain.
Ibinaba niya ang paningin at pinalo ang kamay ni Yzack na gumapang sa kanyang baywang. Ang halay talaga ng lalaking ito. Humalakhak ito dahil sa ginawa niya. He bent closer and took a big bite with her ice cream. Nanlaki ang mga mata niya. Cone na lang ang natira sa kanya.
"Bakit ba di ka bumili ng sa iyo? Gusto mo palang kumain." Sikmat niya rito at nginatngat ang natirang cone. Pinagtawanan lang ulit siya nito.
Buti na lang tapos na ang klase ng mga bata kanina nang sunduin siya ni Kazu. Pinapasundo raw siya ni Yzack. Hindi tuloy siya nakatulong sa paglilinis doon sa classroom. Ayaw niya sanang sumama pero hirap siyang ipaliwanag iyon dito sa bodyguard. Kunti pa lang ang natututunan niya sa Nihongo at si Kazu naman ay hindi makaintindi ng english kaya ang ending nandito siya sa amusement park.
Tumingala siya sa ferris wheel. Ang ganda siguro pagmasdan ng buong siyudad mula roon sa pinakatuktok. Kaya lang nahihilo siya pag nasa masyadong mataas na.
"What are you staring at?" Pagtataray niya kay Yzack na nahuli na naman niyang nakatitig sa kanya ng mariin. "Magnanakaw ka na naman ng halik?" Irap niya rito.
"Why are you so beautiful?" Seryoso ang mukhang tanong nito.
"Because I'm human." Hypothetical niyang sagot at sumimangot. Basang-basa niya ang kalokohan na iniisip nito. Bobolahin pa siya.Kung anu-ano talaga ang pumapasok sa utak.
"Gusto mong sumakay doon?" Turo nito sa ferris wheel.
Muling lumipad roon ang kanyang paningin. Natutukso na siya. Kunting push na lang. Ang totoo'y gusto niyang subukan lahat ng rides dito. Pero doon sa ferris wheel talaga siya mas na-e-excite. Paborito niyang sumakay doon noong bata pa siya pag pumunta sila ni Nancy ng amusement park.
"Gusto mo no?" Panunukso ni Yzack sa kanya. "Tara, sakay tayo!" He grabbed her hand and they went to the entrance fast. Si Kazu tuloy ay nagkukumahog sa paghabol sa kanila na akala mo'y tatakasan ng mga bihag.
There are students lining up at the entrance waiting for their turn. The girls are smiling sweetly at Yzack, giggling like fans meeting their idol and the boys are checking on her but a bit careful and hesitant. Takot mahuli ng lalaking kasama niya. There were hints of recognition in their eyes. Clearly aware who is Yzack Jewel in this place. Inirapan niya ang binata na nakangisi sa kanya. Ang yabang.
Habang naghihintay ay tumunog ang cellphone nito. Matapos nitong silipin kung sinong tumawag ay nagpaalam ito sa kanya.
"Oh, it's you?" Sabi nito habang papalayo.
"Toilet," baling niya kay Kazu na nasa likuran niya.
Tumango ito at akmang susunod sa kanya.
"No, you stay." Sinamahan niya ng senyas ang pagsasalita para maintindihan nito.
Pero di yata nito nakuha. Nagsabong ang mga kilay nito.
"Stay." Ulit niya. Para siyang nag-uutos ng tuta.
"Hai, ojou-sama." Napakamot ito sa batok.
Ngumiti na lang siya at umalis para magbanyo.
PAGKABABA mula sa ferris wheel ay isinuot ni Jairuz ang hood ng jacket nito at ibinaba ng husto ang cap. Hindering the clear view of his face from the crowd ogling at them.
Mikah's fans started swarming all around again like ants drawn by sugar. Kumapit siya sa braso ng binata at kumaway. Umani iyon ng nakabibinging tilian na nagpangiti sa kanya. But then she realized it's not something that she needs for now. She heaved a sigh. She's popular, alright, but she drew out too much attention which is not good for Jairuz.
"Sore wa Yzack ku desu ka? (Is that Yzack?)"
"Kare no yonimeiru. (Looks like him.)"
"Yzack ku kono yo ni mitekudasai! (Yzack, look at this way please!)" Hiyawan ng isang grupo ng mga teenagers.
Sinulyapan niya ang mga iyon na halos maglupasay na sa kilig. She can't help the struck of jealousy caressing her core. Hindi ganito ang nararamdaman niya dati kay Yzack. Nagseselos din naman siya dati pero hindi ganito katindi na pati mga fans niya ay naiinis siya. This is more than what she can handle and she's scared she might lose control of her own emotion. She has to get him out from this place.
"Sorry about that." Humihingal na pahayag niya nang makapagsolo sila sa isang bahagi ng park na walang gaanong tao.Tumakbo sila papunta roon kasi ayaw sila tigilan ng mga fans niya at hinabol pa sila.
"There's no need to apologize." Sagot nitong nagpapahupa din ng hininga. Kinapa nito ang cellphone. Nagbasa ng mga texts.
"May problema?" Tanong niya nang mapuna ang pagdilim ng mukha nito at pagtalim ng mga mata habang nakatuon sa cellphone.
"Nothing." Ibinalik nito sa loob ng bulsa ng pantalon ang cellphone at sinuyod ng tingin ang buong paligid saka tumingala sa kawalan. "It's getting dark, we should head back." Sabi nito kasabay ng buntong-hininga at bumagsak ang paningin sa kamay niyang nakahawak sa braso nito.
Hindi siya kumibo at tinitigan lamang ito. Hindi rin siya bumitaw. She wants to stay with him a little while longer. Just a little longer. Tumingala siya. The Indigo sky is turning darker signaling the park's colorful garden of lights to open. Wala na siyang maidadahilan pa para mapanatili si Randall kasama siya kahit sandali lang.
"Ihahatid ka na namin ng driver ko." Alok na lamang niya.
"Don't bother, i'll just take a cab." He refused curtly. "Thank you for showing me around, i had fun." Bawi nito nang mapansin ang pagsimangot niya. He patted her head gently wiping away the frown on her face.
Ngumiti siya ng matamis. This guy should stop treating her like this or she will really fell harder than she already is now. Pero kahit ano pa yatang trato ang gawin nito sa kanya, mahuhulog pa rin siya.
"Randall___"
"Now, now, if it isn't my girlfriend and my dear little brother cheating on me." Binulabog sila ng matigas na boses ng lalaking sa loob ng mga nakalipas na araw ay pilit niyang iniiwasan.
Yzack Joul. Oh, no! Kabadong napatingin siya sa binatang papalapit sa kanila ni Jairuz. The gloomy expression on his face is telling her he's definitely furious. Agad niyang iniharang ang sarili sa pagitan ng magkapatid. Madaming mga tanong na rumaragasa sa kanyang utak. Mga tanong na panlaban niya sa nakaambang galit ng boyfriend. Pero hindi niya alam kung sapat para mapaamo ito.
"Mikah," she felt Randall's gentle hand on her shoulder, gesturing her that he's leaving. He walked passed her completely ignoring Yzack's presence. Almost telling its in-existence.
"Running away again, numbskull?" Panunuya ni Yzack sa kontroladong tono pero bakas ang pinipigil na galit. " Is that how you greet your twin brother after four long years of disappearing?"
Jairuz stopped, leveling Yzack shoulder to shoulder and peering him intensely in the corner of his eye, shuttering anger over his dominion. Enough to convey the message he is trying to declare in silence.
"Don't fuck with me, asshole!" Ungol ni Yzack sa papalayong kapatid. "Kung may oras ka pala para magbulakbol sana man lang binisita mo si mama kahit saglit lang! Wala kang kwenta!"
"Yzack, tama na." Awat ni Mikah sa boyfriend. "Leave him alone. You don't know what he's been through."
"Oh, really?" Marahas na bumaling sa kanya si Yzack. Nagliliyab ang galit sa mga mata. "Siya ba, alam niya kung anong pinagdadaanan namin ni mama noong bigla siyang nawala?" Sigaw nito sa kanyang mukha.
Napaurong siya. It suddenly dawned to her, iba ang pinanggagalingan ng galit nito. Hindi ito nagseselos. Galit ito dahil sa pagbabalewala ni Jairuz. Matagal nitong hinanap ang kapatid. Nag-alala. Tapos ngayon sa muling pagkikita ay ganoon lang? Ni hindi pinatulan ni Randall ang pang-aasar nito na para bang isa itong estranghero na napadaan lamang.
Kinabig niya ang lalaki at niyakap. "I'm sorry, Yzack."
"Siya ba ang dahilan kaya mo ako iniiwasan?" Parang hampas iyon na bumagok sa kanyang utak. Cornering her with no escape.
Kumalas siya sa binata at tumitig sa mga mata nito. "I was just confused. I don't know what to do." Ayaw niyang umiyak pero di niya mapasunod ang mga luhang mabilis na bumukal. "I'm so sorry, i think i'm falling in-love with him." Nabasag ang kanyang boses at nauwi sa hagulgol.
Kinabig siya nito at niyakap. "Don't be sorry, we are on the same page right now. But still, i want to believe this is just a passing feeling. Let's try fixing things first before blowing everything off like what you want." he suggested while stroking her back tenderly.
Passing feeling? Really? Kung ang nararamdaman niya ngayon para kay Randall ay isang uri ng emosyon na lilipas lamang, bakit sa bawat araw na dumadaan ay tila lalo siyang pinahihirapan nito sa halip na mabawasan ang intensidad nito. Kung lilipas lang ito, bakit lalong lumalala ang pagnanais niyang makasama si Jairuz? Hindi ito basta ganoon lang.
"Seriously,Mikah, you're thinking way too much. Loosen up a bit, okay?" Tinapik nito ang tuktok ng kanyang ulo gaya ng nakagawian nito.
Tinuyo niya ang mga luha at kumalas sa lalaki.
"Where's Randall's girlfriend? Di mo ba kasama?" Tanong niya.
"She's with me a moment ago. But she's probably on the way home now with Kazu. Na-bored yata sa akin." Kumindat ito.
"You're into her." Paratang niya. Kaya nito nasabi kaninang nasa iisang pahina lang sila.
"Nothing permanent. This will pass."
"I'm not against it. Randall does not hate me."
"But that doesn't mean he likes you. Don't be stupid. I know his gear on this area."
Naiiritang inirapan niya ito. Para na rin nitong sinabi na hindi siya kailanman magugustuhan ng kapatid nito.
BUMALIKWAS ng bangon si Oshema matapos matanto ang hindi pamilyar na kwartong kinaroroonan. Saan siya naroon? Kinidnap ba siya? Ang huli niyang naalala ay nasa loob siya ng ladies room at naghuhugas ng kamay pagkagaling umihi nang bigla siyang makaamoy ng kakaiba. Kasunod ang pagbigat ng kanyang ulo at pagdilim ng kanyang paningin.
Oh, God! Napahawak siya sa tumatahip na dibdib at pilit ikinalma ang sarili. She's literally been kidnapped. But what for? And in this place? Is it Rune? Natunton ba siya ng lalaki? Wala siyang ibang maisip na gagawa ng ganitong kabulastugan kundi si Rune lang.
Iginala niya sa buong silid ang mga mata. Nasa hotel ba siya? The room's furnishing is certainly like that of a typical five star hotel suite. Kompleto at maaliwalas ang ambiance. No trail of terror. Bumaba siya sa kama at naglakad patungo sa bintana sa likod ng makapal na peach tailored pleat curtains.
Pero agad siyang nahinto at naudlot ang paghawi sa kurtina para masilip ang labas nang marinig ang pag-alma ng lock ng pintuan. Umilap ang mga mata niya. Naghanap ng pwedeng gamitin para depensahan ang sarili kung sakali may masamang binabalak ang taong nasa labas. Wala siyang makitang pwede niyang madampot liban sa mamahaling crystal vase na nakapatong sa maliit na mesita sa malayong sulok. Dinakma niya iyon at mabilis na nagtago sa likod ng tentadong partition.
"What are you thinking bringing her here? You're crazy." Humalo ang matigas na boses sa pag-ingit ng pinto.
Sinundan iyon ng malutong na halakhak. Parang nag-lock ang kanyang mga tuhod. Niyakap niya ng mahigpit ang vase. Dalawang lalaki ang pumasok sa kwarto.Can she takes them on alone with this vase?
"I'm just keeping my promise."
"Keeping your promise, huh? How lame. It took you this far to do it." There's something peculiar on one of those voices. It sent a familiar shiver on her cells but somehow warm and throbbing in a different way making her heartbeat raced double time.
Another chuckle boomed around the four corners of the room. "She's not here. I see. She's hiding from you now. Poor you."
"You're an asshole. Stop laughing! This isn't funny!"
"Kawawang, Ran___"
"Shut up, Alexial! I'll kill you!"
Pinigilan niya ang paghinga. She curled her sweaty toes on the floor carpet and robbed her moist hands on both sides of her arms while embracing the vase tightly.
" Oh, they're here! Goodluck with your little family reunion."
Narinig niya ang pagbalya ng pinto. Hindi niya alam kung may iba pang pumasok o may lumabas. Pero kasunod noon ay katahimikan na binabasag ng mga mumunting kaluskos. Humugot siya ng malalim na hininga pero naudlot ang pagbuga niya ng hangin nang maramdamang may malambot na bagay na lumingkis sa kanyang binti. Muntik na niyang nabitawan ang yakap-yakap na vase nang makita ang pusa niyang si Pepang.
Si Pepang? Few steps away, nakamata sina Nonoy at Mimi. At bago pa man niya nabawi ang sarili mula sa pagkabigla, narinig niya ang pagtikhim ng lalaking lumitaw sa pinto ng partition.