Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 33 - Chapter 32

Chapter 33 - Chapter 32

NANG kumalma na ang dalaga, bumaba sila at nagtungo sa conference room ng barko. Ipinatawag niya sina Alexial at Roelle.

"Her name is Micah Jaruna." Bulong sa kanya ni William nang mapadaan ito sa tapat niya para kumuha ng wine sa bar.

Mikah who? Sinundan niya ng tingin ang godfather. Disoriented. The girl's eyes are glued on him. Hindi na yata natanggal pa simula kanina. Para bang siya lang ang tao roon na wala itong ibang matingnan kundi mukha niya. Sisinghot-singhot ito. Sinipon sa kakaiiyak at pulang-pula ang ilong pati pisngi. Ang mga mata ay namumungay dahil sa bakas ng luha. She is wiping her nose with her frail fingers. Inabutan niya ito ng Kleenex tissue.

"Thank you," maliit ang boses nitong sabi.

Tumango lang siya at nabaling ang atensiyon sa bumubukas na pinto. Pumasok sina Alexial at Roelle kasama ang iilan sa kanilang mga tao.

"What's going on?" Tanong kaagad ni Alexial na napako ang mga mata sa bisita nilang dalaga. "Who is this lovely young lady here with us?"

Napamura siya ng mahina. "That is exactly what i am about to ask you. Did you know this?" Angil niya.

"Know what?" Nagsalubong ang mga kilay ng bodyguard niya.

"Her? Coming over here?" Napipikon na talaga siya. Everybody's acting innocent. Paano nakarating dito ang babaeng ito? Bumagsak galing sa langit?

"Ako ang nagdala sa kanya. But i can explain later. Hayaan na muna natin siyang magpahinga. Kagabi pa siya walang tulog dahil sa mahabang biyahe namin." Singit ni William.

Here we go. Umamin din sa wakas ang salarin. Tiningnan niya si Micah. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Lips are pursed like a child who is about to cry pero pinipigilan lamang. God, what a royal pain in the ass.

"You must be tired. Magpahinga ka muna." He said it in a very gentle way possible. Baka pag tinigasan niya ang boses ay bigla na naman itong magtungayaw.

"No, i'm fine. I'll stay here with you." Sa sobrang lambing ng pagkakasabi nito ay parang gusto niyang kilabutan.

"Hija, magkakaroon pa sila ng meeting. Pahinga ka na muna, okay?" Nilapitan ito ni William.

"But i wanna stay here with him." Salungat nito at nagsimula na namang magtubig ang mga mata.

What the heck is wrong with her? Napakaiyakin. Parang may palyadong gripo sa mata. Napabuga siya ng hangin at kinagat ang dila. Hands up na siya. Alexial and Roelle are both gawking at him. Amused by God knows fucking what.

"Let's go. Sasamahan kitang magpahinga. Pagod na pagod ka siguro kaya wala ka ng magawa kundi ang umiyak." Di niya mapigil na kastigo rito.

Saglit na namilog ang bilog nitong mga mata at saka sumimangot. There, much better. Kaysa umiyak.

"I'll be right back." Pahayag niya at bumaling kina Alexial at Roelle na parehong nagpipigil ng tawa. "You two, stop giggling like you have a pre-mature mental retardation. Itatapon ko kayo sa dagat." Duro niya sa mga ito na kunyari pumormal ang mga mukha.

Napatingin siya sa kamay ni Micah na humawak sa bisig niya. She has a shy smile now on her lips. Pagkalabas nila ng conference room ay tuluyang sumabog ang tawanan ng mga naiiwan sa loob.

Sige, tumawa lang kayo. Mamaya pagbalik ko pagbubuhol-buhulin ko kayong lahat. Pinagkakaisahan nyo ko ha? Maktol niya sa isip.

"Stop staring. Hindi ako mawawala." Isa pa ito. Nakayakap na nga't lahat sa kanya pero nasa mukha pa rin niya ang paningin. Anong problema ng babaeng ito?

"Ahm, sorry." Mabilis itong yumuko. "I just missed you."

Hindi siya kumibo. Ano pang panlaban niya? Alangan namang sabihin niyang I don't miss you kasi di kita kilala. Baka maglupasay ito sa sahig.

"Yzack?" Ungot nito sa boses na sobrang lambot.

Napapikit siya. What is she? Some kind of a ghost? "Hmn?"

"Why are you so cold? Are you angry with me?"

And there it goes again. Pwede sigurong wag na lang sumagot. Wag na lang muna. Saka na lang.

Narating nila ang kanyang silid. Yeah, his room. Kasi sigurado naman na mangungulit lang ito kung sa ibang cabin niya dadalhin. Wala siyang ibang ginawa kundi tatango at iiling lang sa mga tanong nito. Kung gaano ito kahinhin at kamahiyain, ganoon naman ito kadaldal.

Nilibot nito ang mga mata sa buong silid at ngumiti ng matamis. Ano kayang nakita nitong maganda roon na nagpapangiti rito? Isang kama, isang mahabang sofa sa sulok, centertable at walk- in closet lang ang naroon. Dumapo sa kama ang mga mata nito at nagkulay kamatis bigla ang mga pisngi. Parang nagblush-on ng sandamak-mak.

"Is this your room?" Tanong nito.

Tumango siya. Pinisil ang kaliwang braso. Kumirot na naman ang sugat. Napatingin ito sa injured niyang balikat. Lumapit ito at marahang hinaplos yon.

"Masakit pa rin ba? Ano bang nangyari, Yzack?" Usisa nito.

"Magpahinga ka na muna. Mamaya ipaliliwanag ko sayo kung anong nangyari." Inakay niya ito patungo sa kama.

Damn! Patindi ng patindi ang pagkirot. Parang sinusunog ang laman niya sa sobrang hapdi.

"You should rest too." She suggested stroking the wounded part of his shoulder as if it could stop the pain.

"I'm fine, but yeah, i should relax for a while. Pahinga ka na." He gave her a lazy smile. Sumandal siya sa may headboard at pumikit.

Napadilat siya nang yumakap ito sa kanya at humilig sa kanyang dibdib. Ingat na ingat na wag masagi ang kanyang sugat. Kung itutulak niya ito palayo gagamit na naman siya ng pwersa. Lalong sasakit ang sugat.

"Can i stay here with you? I'd like to stay here." Malambing nitong ungot.

No fucking way, lady. You can't. "We're not in a cruise if that's what you're thinking."

Pumikit siyang muli at pinahinga saglit ang utak.Nanganganib na nga ang buhay nilang lahat tapos nagdadagdag pa ng pasanin.

"Yzack, can i kiss you?" She said it almost in a whisper pero sakto pa rin para marinig niya.

Tumikhim siya. "Matulog ka na. Pagod lang yan."

"You smell so nice." Di pa rin maawat ang kadaldalan nito.

Ano raw iyon? He smells nice? Hindi nga siya naliligo, anong nice smell sa kanya? Barado na talaga ng sipon ang ilong ng babaeng ito. Nag-malfunctioned ang pang-amoy. Hindi naman sa mabaho siya pero anong mabango sa kanya?

She hummed a lullaby. Too soft. Di niya pamilyar ang tono. Pero masarap sa tainga ang boses nito. Malamig. Malinis at nakakaantok.

Naidlip si Jairuz at nagising sa mahihinang katok mula sa pintuan.

"Tsk," napakislot ang binata. Saglit na tumitig sa ceiling at ipinatong sa noo ang isang kamay. His head is throbbing again. Parang bumalik yata ang sinat niya. Those synthetic meds are useless.

Nahulog ang paningin niya sa babaeng nakahiga sa kanyang dibdib, yakap-yakap siya. Kaya pala may mabigat. Napamura siya nang sumigid ang kirot sa kanyang balikat. Who is this girl again? Oh yeah, her name is Micah. Micah Jaruna.

Napatingin siya sa pinto nang marinig ulit ang mga katok. Maingat niyang tinanggal ang mga braso ng dalaga na nakapulupot sa kanya at nilipat sa malaking unan ang ulo nito. Kumilos ito. Bumaling sa kabila at niyakap ang isa pang malaking unan na nandoon. Idinantay pa nito roon ang makinis na binti dahilan para umangat ang damit nito. It flew upward showing a full view of her butt in a black bikini and her long, ivory legs glistening with sensual perfection enough for men to desire.

Napalunok si Jairuz. "Shit." Mahina niyang mura. Inabot ang hem ng damit nito at tinakpan ang tukso. He tugged the silk sheets and covered her lower half. Saktong bumukas ang pinto at dumungaw si Alexial.

"Everyone's waiting." Sabi nito sa kontroladong tono. At lumipad ang tingin sa natutulog na dalaga. May bahagyang ngiti na sumungaw sa sulok ng bibig nito.

Tumikhim siya at sinuklay sa daliri ang buhok. "Sorry, i dozed off." Aniya habang palabas ng cabin.

"Wag mong masyadong sobrahan, baka mabinat ka." May ibinabadyang kung anong kalokohan ang pahayag ng bodyguard.

He tossed him a perillous eye. "Watch your word, Alex. Baka hindi kita matantiya. I maybe injured but i'm not disabled. Kayang-kaya ko pang basagin yang panga mo."

Pero ang banta niyang iyon ay umani lamang ng malutong na halakhak mula rito. Lalo lang siyang nabanas.

Tumayo ang mga nasa loob ng conference room nang pumasok sila. Napapailing na lamang siya nang mapansin ang mapaglarong ngiti sa mukha ng mga ito. Pumunta siya sa kanyang silya at naupo.

"Let's start hearing your explanation, Ninong. Because i don't fucking like even a bit of this." Baling niya kay William na huminga ng malalim at tumango.

"The girl's name is Micah Jaruna. She's a singer in Japan and your brother's girlfriend." Simula ng lalaki. Tumikhim ito. Nag-aalangan sa sunod na sasabihin. " I just thought we can use her as ransom to get your girl back."

Tumingin siya kay Alexial. Wala ba talaga itong alam? Si Roelle ay klarong inosente kasi nakatulala ito kay William at nasa mukha ang kababalaghan. He is clearly having a trouble believing that William would resort to such underhanded tactic. Pero si Alexial. Walang plano na pwedeng makalusot rito kahit pa pailalim iyon.

Dismayadong tiningnan niyang muli ang kanyang ninong. " You fooled that girl into believing that i am Yzack. Your plan is to make her a hostage so my brother will release Oshema, is that it? I understand your whole purpose on this. But i think we did exactly what our enemies are doing just right now. Ibalik nyo ang babaeng yon kung saan siya galing. Ayaw kong madamay siya sa gulo."

"Come on, Randall, chill. William is just trying to cheer you up." Alexial butted in.

"I wish i have time to do that, Alex, but i don't. Bawat segundong sinasayang ko may panibagong biktima ang mga kaaway."

"Pasensya ka na, Randall, nag-aalala lang ako sayo. You've been very down lately. I just thought, only Oshema can get you back around your senses." Paliwanag ni William na sinundan ng buntong-hininga.

"Ayaw kong mandamay ng inosente, Ninong. If i want to get Oshema back, i' ll do it fair and square. Pero sa ngayon ayaw ko ring nandito siya. I don't want her to be expose in imminent danger. Mas ligtas siya kung saan man siya naroon ngayon."

"Your twin brother is deceiving your girlfriend. Aren't you even worried?" Nagsalita si Roelle matapos ang pananahimik at timbangin lahat ng narinig.

Sumandal siya sa sandalan ng upuan. "I'm worried. Worried as hell, but that doesn't give me the right to deceive his girl in return. Maaring ginamit ko ang pangalan at katauhan niya pero hindi kami magkatulad. I wouldn't do it anyway under normal circumstances."

Tumayo si Alexial. Iiling-iling na lumapit sa kanya. Petting his head like he is a little lost puppy.

"So much for being a good boy." Itinuon nito ang isang kamay sa table."What's the plan then? Palalanguyin natin si Ms. Jaruna patungong Japan?"

"Shut up, Alex." Asik niya rito. "Be reasonable. That's not even an option."

Ngumisi lamang ito. " We're too far from the next stop, Randall. There's no more islands nearby where we could refuel the helicopters either."

"I think Ninong has a back up plan for this since he was the one who brought that girl."

Bumaling ang lahat kay William. Nag-aabang.

" I'm sorry to disappoint you but Alex is right. We don't have a means for now to send her back to Japan. As for the time being, we will bring her to the next stop over and maybe , just maybe from there we could device a plan."

"That's one screwed up plan." Iritableng ungot niya. "Dapat kasi, kinonsulta nyo muna ako bago kayo gumawa ng hakbang na gaya nito."

Nagkatinginan ang tatlo na parang hindi naman apektado sa kung anong inaalala niya. Lalo lang siyang nabubugnot. Inurong niya ang silya at tumayo. Walang lingon-likod na lumabas ng conference room.

NAGULAT na lamang si Oshema nang apurahin siya ni Joul na maghanda. Hindi tuloy siya magkandaugaga sa pagliligpit ng mga personal niyang gamit. Aalis sila pero di sinabi kung saan sila pupunta. May kutob lang siya na matutuloy na ang paglipad nila papuntang Japan kasi nabanggit ng binata ang tungkol sa flight nila.

Sinipat niya saglit ang sarili sa salamin. White shirt-dress, black skinny jeans and a pair of black Chelsea booties. Itinali niya ng high ponytail ang buhok.

"Ready?" Tanong ni Joul na nakatayo sa may bungad ng pinto matapos siya hagurin ng tingin.

Tumango siya. Dinampot ang hand-carry bag na tanging bagahe niya sa biyaheng iyon. Napakiusapan na niya si Nancy na ipadala na lang kasunod niya ang kanyang mga credentials at iba pang mga importanteng dokumento.

Kinuha ng binata ang dala niyang bag at ito na ang nagbitbit.

"I don't like how you wear those pairs. Kung hindi lang tayo nagmamadali, pagbibihisin kita ng ibang damit." Pintas nito na nakabusangot.

Sinipat niya ang sarili at pinahaba ang nguso. Nagmamadali kasi siya kanina kaya kung anong nahila niya mula sa loob ng bag iyon na ang isinuot niya. Masyado naman kasi itong apurado.

"Pangit ba? Hindi bagay?" Tanong niyang napapangiwi. Pero magbibiyahe naman sila. Ang importante komportable siya sa kanyang suot di bale na kung pangit sa paningin ng iba.

Hinapit siya ni Joul at hinalikan sa noo. "I don't like it because you're so damn hot right now. Boys will notice you." He whispered hoarsely and groaned in frustration.

Kinagat na lamang niya ang labi para pigilan ang ngiti. Humalakhak ang lalaki nang kurutin niya ito ng pino sa tagiliran. Akala niya kung gaano na kaseryoso, iyon pala'y nagloloko lang.

Isang lalaki na matangkad at malaki ang katawan, singkit ang mata at nakasuot ng military uniform ang sumalubong sa kanila sa labas ng elevator na naghatid sa kanila sa basement parking. Bumati ito sa kanya saka may ibinulong kay Joul.

Tumango-tango ang binata. "Thank you." Tinapik sa balikat ang lalaki.

Sumakay sila sa itim na van na pumarada sa kanilang harapan. 'Yong lalaki ang nagmamaneho. Papunta sila ng airpor sa kahabaang binabagtas nila pagkalabas ng hotel premises.

" Kumusta nga pala yong hinahanap nyo? Nakita nyo ba?" Kanina pa niya iyon gustong itanong kay Joul.

"Hindi pa pero may lead na kami kung nasaan siya." Sagot nitong saglit siyang sinulyapan at ibinalik din agad sa daan ang paningin.

May follow-up question pa sana siya pero tinikom na lamang niya ang bibig. May pakiramdam siyang ayaw ng binatang pag-usapan ang tungkol doon. Ibinaling niya sa labas ng bintana ng sasakyan ang mga mata. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang mga bagay sa labas na matuling dumaan sa kanyang paningin at hindi niya halos masundan. Pero sa kabila ng lahat, kahit malabo ang naging imaheng naiiwan, nanatiling buo ang mga 'yon ayon sa alaalang ni-rehistro ng kanyang utak.

Hinawakan ni Joul ang kanyang kamay at marahang pinisil. Napatingin siya sa lalaki. Dinala nito sa labi ang kamay niya. Dinampian ng masuyong halik. Nginitian niya ito ng matamis at humilig sa balikat nito.