Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 35 - Chapter 34

Chapter 35 - Chapter 34

HER voice is soothing. Gentle as the wind whispering in his ears. There's warmth in it. Emotions. Beauty with flying colors.

"You are my love...hmn...hmn...My love..." The singing ended and she smiled.

He gave her a lazy smirk in return. She sang twice. Translating the japanese language into english. Para siguro maintindihan niya ang kanta. Nakakaintindi naman siya ng Nihongo kahit papaano. Isa iyon sa mga wikang pinag-aralan niya noong buhay pa ang kanyang ama. It was surprising na di pa pala siya nakakalimot kahit di niya gaanong nagagamit sa pakikipag-usap ang wikang iyon nitong mga nakalipas na taon. Kapag may kliyente kasi silang Japanese si Roelle lang madalas ang nakikipag-negotiate.

Lumapit siya sa may railing at sumandal doon. Ipinasok sa bulsa ng suot na pantalon ang mga kamay.

"I need to tell you something, Ms. Jaruna." Nagsalita siya. Kasunod ang pagtiim ng mga bagang. Damn, this shouldn't be easy, right? Sino bang niloloko niya? Lakas ng loob niyang akuin ito.

"Ano yon?" She pouted. Nilagay sa likod ang mga kamay.

Tumikhim siya. Inalis ang bara sa lalamunan. "I'm not Yzack. I'm his twin brother. My name is Randall." He watched her closely for a reaction that might cause trouble or anything.

But it didn't came. Hindi dumating ang inaasahan niyang pangit na reaksiyon mula sa dalaga. Tahimik lang itong nakatitig sa kanya. Pursing her lips firmly.

Hinugot niya ang isang kamay at hinagod ang buhok na nilalaro ng hangin. She must be in shock while trying to process everything he just said.

"I'm sorry, hindi ko gustong lokohin ka. Wala sa amin dito ang may intention na gawin yon. Kahit si Ninong William, wala siyang masamang intention." He tried to explain even if it doesn't make sense anymore. The damage is done. Nandito na ito. Anumang excuse ang gawin niya, mananatili ang punto na mali talaga sila.

"Kung wala kayong masamang intention, bakit nyo ako dinala rito?" Nahimigan niya ang pinipigil na galit sa malambing nitong boses. Though the way she handles the revelation calmly is pretty impressive.

"It has to do with my girlfriend. Hawak siya ngayon ni Yzack. At mukhang nagpanggap siyang ako." Walang ligoy niyang pahayag. Saying it in a way less offending is much more crucial.

"You're lying! Yzack would never do that. I know him more than anyone. He's not like that." Sigaw nito. The hysterical reaction he's been expecting from her now started to surface. "Yzack went to the Philippines to see you. He's been looking for you. He's been very worried. That's why he'll never do that to your girl. He'll never deceive her and he'll never betray you." Pagtatanggol nito sa kasintahan.

"Okay, " tumango na lamang siya. Sobrang laki ng tiwala nito kay Yzack. Kung kokontra siya ay wala silang pupuntahan kundi sa pagtatalo. Wala siyang pakialam kung naniniwala ito o hindi. Ang mahalaga ay nasabi niya kung anong totoo. Hindi siya magsasayang ng oras at laway para kumbinsihin ito na tama siya. That's hardly the case here.

"The reason why you brought me here is to make me a hostage so Yzack will give you your girl back?" Ungot nito. Naglakad palapit sa kanya.

"That's the idea but don't worry, i never agreed to that." Sinundan niya ito ng tingin. Inihawak nito ang mga kamay sa railing at bumaling sa kanya.

"Papaano na?" Her voice cracked. Mukhang iiyak na naman.

Bumuga siya ng hangin. "Unfortunately, we have no means to send you back home right now given our current location and the resources we have at the moment. Wala kaming ibang choice than to bring you along in this journey until we reach to our destination where we could properly send you off. Don't worry, i'll keep you safe all throughout this travel so you can rest easy."

Hindi ito kumibo. Binawi niya ang paningin at tumingala sa mga bituing hindi napapagod sa pagkislap at sa pagdaan ng libong taon ay lalo pang tumingkad sa kalawakan. Para bang isinisigaw ng mga itong gaano man gayahin ng mundo ang kinang sa pamamagitan ng mga makukulay na likha ng tao ay di pa rin yon sasapat para pantayan ang lalang ng Diyos. Stars are genuine and they will rise above clones and imitations. Same goes with people.

Pumikit siya at hinayaan ang sariling tangayin sa mahiwagang huni ng kalikasan. Ang hampas ng alon na sumasabay sa pito ng hangin at humahalo sa kakaibang himig na likha ng mahihinang ungol ng barko. Parang haplos na marahan na pinapawi ang di kaaya-ayang ingay ng makina.

"It's getting cold out here. We should go down." Nagsalita si Mikah.

Binuksan niya ang mga mata at napatingin sa kamay ng dalaga na humawak sa braso niya.

"Um," tango niya.

Tinungo nila ang hagdanang bakal at bumaba.

TINANGUAN ni Yzack si Oshema na dumeretso sa loob ng banyo. Finally, they're home. That was a long heck ride back there. Mahigit tatlong oras sa eroplano at isa't kalahating oras sa bullet train. Malamang pagod na pagod si Oshema bukod sa inaantok pa. Di ito nakatulog alin man sa dalawang biyahe nila dahil panay ang kwentuhan nila. Just so freaking damn how accurate all of Jrex informations. Hindi siya nagka-problema kahit kunti sa mga pinag-usapan nila ng dalaga dahil nasasabayan niya ito. Hulog na hulog na siya sa pagpapanggap.

Hinubad ng binata ang suot na black heavy coat at hinagis pasampay sa sandalan ng sofa. Binuksan ang unang apat na butones ng suot na itim na long sleeves shirt at niluwagan ang scarf na nakapulupot sa leeg. They're in one of the first class suites of Yokohama Intercontinental Grand Hotel. Dito niya piniling tumuloy para hindi mabulabog sa mansion nila kung uuwi siya doon na may kasamang ibang babae.

Lumapit siya sa floor to ceiling window at hinawi ang makapal na kurtina. Pinagmasdan ang nagtatayugang mga gusali na itinanim sa lambak ng makukulay na mga neon lights. This is Yokohama City. His territory.

"Hurry up, Randall. Come and get her. Hurry up or else it'll be too late for you."

Narinig niya ang kaluskos mula sa banyo at ang malamyos na boses ni Oshema. Tinatawag siya.

Pumihit siya. Pinuntahan ang babae. May hinihingi ito pero di niya marinig ng klaro kahit bahagyang bukas ang pinto dahil sa ingay ng shower.

"Louder! I can't hear you." Aniyang nakatalikod sa tapat ng awang ng pintuan.

Sinara nito ang shower. " Sorry, i forgot to bring my hygiene kit. Pakikuha naman sa loob ng bag, please..."Nilangkapan nito ng lambing ang boses.

"In a minute." Paalis na siya nang may pahabol pa ito.

"And underwear too."

Muntik na siya masamid sa nilulunok na laway. Underwear? Seriously, this girl is really asking for trouble now. Hinalungkat niya ang bag nito na nasa couch. There's nothing much inside except for few of the dresses, shoes and sandals he bought for her the other day. Nahanap niya agad sa malaking side pocket ng bag ang hygiene kit na sinabi nito. He started digging for the undies. He found it underneath the jeans packed in a small tote bag and neatly folded like colorful sausages.

Napangisi siya. Ihahambing na lang ang panty sa pagkain pa.

"What an absolute shit stupid me." Kastigo niya sa sarili.

Kumuha siya ng isa at napakamot sa ulo. Baka di nito magustuhan ang kulay na pinili niya. He should let her pick the color of her choice. Binitbit niya ang kit at ang tote bag at dinala sa banyo.

"Stuff deliveries!" He shouted from outside the half-opened door.

Bumukas ng malaki ang pintuan at tumambad sa kanya ang dalaga. Soaking fresh. And smells like a thousand flowers combined. Her hair are down on her shoulder blades, dripping wet like a flowing river of black diamonds glitters against the light. Her eyes are sleepy behind those thick misty eyelashes flipping like gentle wings of a butterfly. Her moist lips are in lustful bright red which fullness makes his insides churn. A skimpy white towel is hugging her body making it looked so offending to the eye.

"Are you drooling on me, Joul? What are you doing?" Piningot ni Oshema ang kanyang ilong kasabay ng malamyos na tawa. Kinuha nito ang kit. "Bakit mo dinala lahat ng panty? I only need one to wear. Ikaw talaga." Saka kumuha ng isang underwear sa loob ng tote bag na hawak niya.

Tumikhim siya. Dama ang unti-unting pag-aapoy ng kanyang mukha. Shit. Yzack, you moron. Get a grip of yourself. Ilang beses ba niya kailangang ipahiya ang sarili sa harap ng babaeng ito?

"Thank you, saglit na lang ito." Just that and she slammed the door closed right on his face.

Fuck! Hindi man lang siya nakabawi. What would she thinks of him now? Ganito din ba si Randall? Was his brother acting stupid too around her? O baka siya lang.

Nagtungo siya sa couch na nakaigting ang mga panga at ibinagsak roon ang sarili. Pagod din siya at inaantok pero may kailangan pa siyang asikasuhin pag nakatulog na si Oshema. Agad siyang napatuwid ng upo nang matanaw ang paglabas ng dalaga mula sa banyo.

"God, i'm so tired and sleepy. Anong oras na ba?" Tanong nitong humihikab. Nakasuot na ito ng robe at pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok.

Napangisi siya. "Quarter to two."

Dumeretso sa kama ang dalaga at naupo sa may paanan. She can barely open her eyes. Tumayo siya. Nilapitan ito. Kinuha niya ang tuwalya at siya na ang nagpunas sa buhok nito.

"You can't sleep with your hair wet." Ungot niya. Pasaway din ito. Sarap parusahan ng halik.

"Hmnn...so sleepy." Angal nito. Anyong hihiga na pero pinigilan niya.

"Masisira ang mata mo." Pagalit niyang sita rito.

She giggled. "What are you now? An ophthalmologist?" Panunukso nitong sinundan pa ulit ng malamyos na tawa.

Damn that laugh. Kahit patay yata titigasan pa pag narinig ang tawa nito.

"Di ka ba maliligo?" Tanong nito. Tumingala sa kanya na parang batang may hihingin. Namumungay na talaga sa sobrang antok ang mga mata nito.

"Why? Did i stinks?" He teased, laughing roughly.

Ngumuso ito at umiling. Napawi ang tawa niya at napatitig sa mga labi nito. Someone should stop him now before his logic abandoned him completely.

"Are you going to kiss me?" Tikwas ang isang kilay na untag ni Oshema na nagpatigil sa kanya.

He was caught off-guard back there.

"Ayaw mo?" Umuklo siya. Nilapit ang mukha rito. Malapit na malapit para magsanib ang bawat hininga nila. Amoy niya ang cherry flavor ng toothpaste na ginamit nito.

"Ayaw ko." She pouted. Matamang tumitig sa mga mata niya. Her sleepy eyes are twinkling, expressing something like she is teasing him.

"Really?" He bent down more, pinning her in between his two arms braced on the bed. "Then maybe you could try pushing me away, hmn?" He whispered hoarsely and pressed his mouth into hers.

She did not dodge it when his lips brushes gently in her pretty, half-opened mouth. He bit. Leaked and sucked her. Deepen the kiss. Gumanti ang dalaga. Pero binulabog ng pagtunog ng cellphone ang mainit na pagkakahinang ng kanilang mga labi.

Napilitan siyang tumigil. Napamura ng mahina. Hinugot niya ang cellphone. Unknown number? "Sasagutin ko lang to." Baling niya kay Oshema na panay ang hikab.

Tumango ito. Nagpunas muli ng buhok. Look at that! Walang epekto rito ang halik niya? This woman is an ego bomber. Naglakad siya palabas ng suite.

"This better be important or else i'll rip your throat away from your neck whoever you are." Asik niya sa taong nasa kabilang linya kasabay ng pagsara niya sa mabigat na pinto.

"Y-Yzack?" Mikah's soft voice crept inside his eardrum.

He froze. "Mikah?" Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. " What the hell, Mikah! Where are you?" Mabilis ang mga naging sunod niyang hakbang. Nilandas ang malawak na pasilyo palayo sa suite.

"Don't worry, I'm fine. Ikaw, nasaan ka na?"

Wala siyang marinig na background mula sa telepono ng dalaga. Liban sa payapa nitong paghinga. Kumatok siya sa pinto ng isa sa mga suites sa dulo. Pero base sa paghinga nito, hindi naman ito mukhang takot.

"You're not hurt, are you? Fuck! You make me fucking so worried!Where the hell are you, baby?" Bumukas ang pinto sa harap niya at sumungaw si Jin. He's a tall, big man in early forties. A Filipino- Japanese. His bodyguard since kid. Agad itong tumabi at pinapasok siya. Senenyasan niya ito tungkol sa kausap kasi magtatanong na sana.

"Nasa Japan ka na ba?" She clearly dodge his question.

Damn it! May pumipigil ba rito na sabihin ang kinaroroonan? Was it him? Randall? Is he with Mikah now? That bastard.

"Nandito na ako, baby. How about you? Where are you?" Seneyasan niya si Jin na buksan ang laptop. Kung ayaw sabihin ni Mikah ang lokasyon nito, siya ang aalam.

"Yzack, i need to go." Paalam ng dalaga imbes na sagutin siya ng deretso sa tanong na kanina pa niya inulit-ulit. Nagmistula na siyang sirang plaka.

"Fuck, no! Mikah, not yet, please baby, talk to me more, i miss you..." Kinalikot niya ang laptop. "Right, Jin's here and he has something to tell you." Tiningnan niya ang bodyguard na nakakunot ang noo at iiling-iling. Pinandidilatan niya ito ng mata. Parang hindi sanay na lagi namang napapasubo. Ngayon pa aayaw.

"Si Jin? Anong sasabihin niya?" Tanong nito.

Napangisi siya. Nice one. Mukhang kakagat. "Here, talk to him." Ibinigay niya ang cellphone sa bodyguard. Gesturing him to prolong the conversation.

He started tweaking the laptop soon as Jin starts talking to Mikah. He got the other phone and hit for Jrex digits.

"What now, Yzack?" Bagot na nagsalita ang lalaking nasa kabilang linya.

"Where are you?" Di siya tumigil sa pagkalikot sa laptop. "Out on a mission?"

"No, at the headquarters, why?" May slow music sa background nito. This guy is slacking off, huh.

"Good." Saglit niyang binalingan si Jin na hindi magkandaugaga sa pag-aalo kay Mikah ng mga kwentong hindi niya alam kung saan nito napulot. "Is this connected?" Tanong niya rito.

Tumango ang bodyguard. "Gomenasai, hime-sama." Muli nitong baling sa dalagang kausap.

"Jrex, I need you to track a call. It's from Mikah."

"Mikah, your girlfriend. I've told you already, she's with Randall. Tracking their location is not possible so give up already." Walang ligoy nitong sansala sa kanya.

"Bullshitt, Jrex!" Napamura siyang di kusa.

"Don't curse at me, boy. I'm not one of your dogs." Matigas nitong ungol.

"I want her back! You hear me! I want my girlfriend back." Di niya pinansin ang babala sa tono nito. Fucking hell if that made him upset. Kailangan niyang maibalik si Mikah.

"Is that so? Then you might as well try to release Randall's girl to make it even."

Lalong uminit ang ulo niya sa suhestiyon nitong iyon.

"Why the fuss, Nephilim? Di ba kaya mo namang alamin kung nasaan sila?" He taunted the guy.

"Maybe. But there's someone with them that i hate dealing with. Alexial Andromida. My brother. Hindi mo gugustuhing makabangga siya. Madudurog ka lang."

Nahinto siya sa ginagawa sa laptop. Couldn't be. Kaya ba inabot sila ng siyam-siyam sa paghahanap sa kapatid dahil isang Nephilim ang nagtatago rito? "What do you mean? Randall's got one of you?"

"Precisely." Jrex sighed at the other end. " Stood as his bodyguard right now is one of the fiercest member of Nephilims. Reason why our commander told me to stop meddling. Kung gusto mong bumalik ang girlfriend mo, isauli mo muna ang syota ng kapatid mo. I need to hang up now. May gagawin pa ako." Di na ito naghintay ng madramang goodbye mula sa kanya. The line went dead and all he could do is curse.