Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 34 - Chapter 33

Chapter 34 - Chapter 33

"May checkpoint, sir." Biglang anunsyo ng sundalong driver nila. Binagalan nito ang takbo ng sasakyan.

Napatuwid naman siya ng upo. Check point?

"Akala ko ba malinis ang rota na ito?" Matigas na angil ni Joul.

"Yon din ang itinembre sa akin." Sagot ng sundalo.

"Delayed na kami sa flight, captain. Mas lalo pa kaming patatagalin ng check point na 'yan." Angal ng binata na humigpit ang hawak sa kamay niya.

Sa di-kalayuan ay naroon ang sinasabing check point. Hindi na sila nakaiwas pa. Armado ng matataas na kalibre ng baril ang mga kalalakihang humarang sa sasakyan nila sa likod ng nakahambalang na malaking check point signage.

"Ako na ang bahala." Sabi ng sundalo.

Pero umiling si Joul at bumaling sa kanya. "Dito ka lang. Kahit anong mangyari, wag kang lalabas." Instruct nito. Hinalikan siya sa noo.

Gusto niya sana tumutol at sumama rito pero magiging pabigat lamang siya. Lumabas ng sasakyan ang dalawang lalaki. Ibinaba niya ang salamin ng bintana at dumungaw sa labas.

"I'm Captain Zandro Roca of the Armed Forces." Naglahad ng identification card ang sundalo sa mga kalalakihang lumapit."Can i talk to your team leader?"

Walang sumagot pero bumukas ang pinto ng isang itim na SUV na nakaparada sa malapit at nakahambalang din sa daan. Mula roon ay iniluwal si Rune na may bitbit ding baril. Naglakad ito papalapit.

"I am getting my wife back, Mr. Gascon." Deklarasyon nito at itinutok ang baril kay Joul.

Mabilis na kumalat ang takot sa buong sistema ni Oshema at hindi na siya nag-isip pa. Lumabas siya ng sasakyan at tumalilis patungo kay Joul.

"What the hell, Oshema? Di ba sabi ko doon ka lang sa loob ng sasakyan at wag kang lalabas?" Angil nito pero di niya pinansin.

Nagpunta siya sa harap nito at iniharang ang sarili. "Ako na lang ang saktan mo, Rune. Ako na lang. Wag mo ng idamay si Joul." Sigaw niya.

"Stop it!" Hinapit siya ng binata sa baywang pero umalpas siya at tinabig ang kamay nito.

Rune's expression is clouded with rage. Hindi niya man lubos na maintindihan kung anong ipinupunto ng mga ginagawa nito pero ngayon ay kitang-kita niya kung gaano ito ka-determinado na bawiin siya. Ang mga katulad nito, sila yong handang pumatay para makuha lamang ang gusto.

"Hindi ko siya sasaktan, Oshema, just come back to me." Nagsalita ito sa mababang tono. Siguro para iwasan na matakot siya.

"You stupid girl," nanigas siya nang yakapin ni Joul mula sa likod. "What kind of boyfriend would i be if i let my girl protect me. Stand aside and let me handle this. Wag mo naman akong ipahiya sa mga nandidito." He pushed her towards Captain Roca.

Hindi niya nagawang tumutol lalo pa nabakuran kaagad siya ng sundalo. Pigil-pigil niya ang paghinga sa takot habang nakamasid sa dalawang lalaking nagsusukatan. Paano kung aksidenteng makalabit ni Rune ang gatilyo ng baril? She can't take the sight of Joul bleeding and wounded leading to much worse case scenario. Mauuna siyang mamamatay pag nangyayari iyon.

"How would you like us to settle this, Mr. Olivares?" Hindi kababakasan ng takot ang tono ni Joul. "You know, you can't fucking scare me with that toy of yours."

"Give me back my wife, Joul." It was a demand.

Humalakhak ng mapakla ang binata. "Who's wife of who, Olivares? Let me put this straight into your stupid brain, asshole. Oshema Yzabella is mine. Touch her and I'll kill you. Seriously, papatayin talaga kita."

"Talaga? Masyado kang matapang. Haven't you notice the difference of power we have right now? I can even call for additional back-ups if i want to." Pagmamalaki ni Rune na iwinawasiwas ang hawak na baril.

"In that case, then why don't we make the odds more even?" Binalingan ni Joul ang mga kalalakihang nakapaligid sa kanila. "Show him who's the boss here!" Sigaw nito, hinulog sa bulsa ang mga kamay na tila prinsepeng nagmamando sa mga tagasunod.

Ganoon na lamang ang pagkagulat ni Rune dahil sa isang iglap lang ay nakaumang na rito ang matataas na armas ng karamihan sa mga tauhan nito. Kahit sina Oshema at Captain Roca ay hindi nakahuma. What happened? Nagkatinginan sila ng sundalo.

"Mga sira-ulo! Anong ibig sabihin nito?" Galit na bulyaw ni Rune sa mga tauhan matapos agawin nong isa ang hawak nitong baril. "I'm your boss, fools!"

"They're not your men anymore,Olivares. They're mine now. Go home and stop being a nuissance. You're not a little kid anymore." Joul muttered, turning to the guys in heavy firearms. "Kayo ng bahala sa kanya. Let's go." He then swung around to her and smiled lazily.

Nangiti na lang din siya kahit hindi pa rin lubusang nag-sink in sa kanya ang nangyari. Kung papaanong bumaliktad ang mga tauhan ni Rune at pumanig sa kanila. Acknowledging Joul as their boss. She is totally disoriented. What else should this boy had to show to her?

"Sorry for that display of madness. Are you alright?" Hinapit siya ng binata sa baywang at hinalikan sa gitna ng mga mata. "We should get going, we're late on our flight." Hinatak na siya nito pabalik ng sasakyan nila. Sumunod sa kanila ang kapitan.

"Where are you going? Joul! Bumalik ka, hindi pa tayo tapos!" Nagsisisigaw si Rune. Halos magwala habang pinipigilan ng dalawa sa mga tauhan nito. "Shem, please! Wag mo akong iwan! Patawarin mo na ako! Oshema! Mahal kita!"

Sinulyapan niya ang lalaki sa huling pagkakataon bago pumasok sa loob ng sasakyan. Was that even love? He might just be misinterpreted everything. For sure.

TININGNANG maigi ni Jairuz ang mapang inilatag ni Alexial sa malaking rectangular table sa loob ng control room. The island sorrounding the Philippine Sea where they are sailing at the moment are the Halmahera, Morotai, Palau, Yap and Ulithi on the southwest. Southeast are the Marianas including Guam, Saipan and Tinian on the east, the Bonin and Iwo Jima on the northeast, the Japanese islands of Honshu, Shikoku and Kyushu on the north, the Ryukyu islands on the northwest and Taiwan in the west.

"I already scanned the nearest possible island. Here." Nagsalita si Alexial. Itinuro ang Tinian. "Unfortunately, going there will not be a pretty good option. Red Scorpion has been spotted in San Jose few days ago according to our sources. Ayaw mong madamay si Ms. Jaruna di ba?"

Tumango si Jairuz. "Anything else? What about Saipan?"

"Too far. The helicopters can't hold out."

Pabagsak na naupo ang binata sa silya at bumuga ng hangin. "So, you're saying we really have to bring her in this journey?" Pagak niyang tanong.

"Wala tayong choice, Randall. At least dito safe naman siya." Pangongonsola ng bodyguard.

"Tsk, pag nalaman niya na hindi ako si Joul baka tumalon iyon sa dagat." Angil niya rito. Hinilot ang bridge ng ilong.

"You won't let her do that." Natatawang pakli ng lalaki at niligpit ang mapa.

Isa sa mga tao nila ang pumasok matapos kumatok ng ilang beses.

"Sir, gising na po 'yong guest nyo?" Balita nito.

Nagkatinginan sila ni Alexial. Well, it's time to face her and tell the truth. Ayaw na niyang patagalin pa ang maling paniniwala ni Mikah Jaruna. Sana nga lang matanggap nito ang ipagtatapat niya. Maiintindihan naman niya kung magagalit ang dalaga. Wag lang itong gumawa ng bagay na ikapapahamak nito. Ang ninong naman kasi niya, kung gumawa ng desisyon parang walang pinagkakatandaan.

Tinanguan niya ang tauhan. "I'll be there shortly. Thanks for notifying." Kinagat niya ang dila. Telling the truth after a big lie was never easy, huh. Napailing siya at tumayo.

"Need help?" Alexial suggested.

"No, thanks. I can do this." Ipinasok niya sa bulsa ng pantalon ang isang kamay at naglakad palabas ng control room.

Naabutan niya sa loob ng cabin ang dalaga na abalang-abala sa paghalungkat ng mga gamit sa loob ng bag nito. Tumingin ito sa kanya. Ngumiti tapos nag-blush. Is she always like this around his brother? Bawat sukat yata ng pagkatao nito ay pinaglihi sa hiya. Binawi nito ang mga mata at binalikan ang ginagawa. Lumapit siya.

"Did you lost something?" Tanong niya.

"My phone, I can't find it. I must have left it at home. I need to call someone." Sagot nitong palipat-lipat sa kanya at sa bag ang paningin.

"Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka?" Binuksan niya ang drawer ng side table at kinuha sa loob ang phone niya.

"No, i didn't told them. Mommy won't let me come." Sumuko na ito sa paghahanap at itinabi ang bag.

"You can use this." Inabot niya rito ang kanyang cellphone.

Saglit itong napatitig sa kanya. Nagtataka. Saka ito umiling ng mariin. She shoved the phone back to him.

"Thank you but i did not memorize Yumi's number." She draws some imaginary circles in the bed sheets while smiling at herself. She's a good girl, no doubt about it.

Ibinalik niya sa loob ng drawer ang cellphone at isinara iyon. "You must be hungry."

Napahawak ito sa tiyan at nahihiyang tumango. Bahagya siyang nangiti. Papakainin muna niya ito saka sila mag-uusap. Baka mamaya himatayin ito pag pinagtapat niya rito ang totoo nang walang laman ang sikmura nito.

Lumabas sila ng cabin at nagtungo sa foodcourt ng barko. Sinalubong sila ng dalawang kitchen crew, babae at lalaki, pagpasok nila sa nakabukas na malaking pintuang babasagin. Magalang na nag-bow sa harap nila ang dalawa. It feels awkward to be treated like royalty here. Hindi siya sanay.

"Dito po tayo, sir." Iginiya sila ng mga ito sa mesa kungsaan may mga nakahain na pagkain. Halatang bagong luto ang mga iyon. Umuusok pa. Naaamoy niya ang mabangong aroma ng bawat putahe.

"Thank you." Kiming pasasalamat ni Mikah sa lalaki na nag-urong ng silya para rito.

Sumulyap kay Mikah ang crew at namungay ang mga mata. Akala niya mga babae lang ang nagkakaganoon. Naghuhugis-puso ang mga mata. May mga kalahi din pala siyang nahahawa na. Mas malala pa.

Umikot siya sa kabila at hindi hinayaan ang babaeng crew na i-urong ang upuan para sa kanya. Goodness, hindi naman siya baldado. Medyo napahiya ito kaya tinapik niya sa balikat.

Naupo siya at nagsimula silang kumain. Nag-umpisang magkwento si Mikah ng kung anu-ano. All he could do is listen. Wala naman siyang pwedeng masabi kasi. Di niya kilala ang mga taong binabanggit nito. She is talking about a music camp in Japan.

"Why are you so quiet?" She pouted after realizing that she's the only one who did the talking all the while.

"I don't have anything to say." Sagot niya. Dinampot ang baso at uminom ng tubig. He's done.

"You're finished already?" Namilog ang mga mata nito. "Oh, wait. You should eat more. You're always working so hard and everything. You need more protein and energy. Here." Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya.

"I'm full." Hinawakan niya ang kamay nito na nagsasandok na naman ng ibang putahe.

"Madam Jemma is very worried about you." Anito sa tonong nag-aalala.

Madam Jemma? She must be talking about his mother. Nagsalin siya ng tubig sa kanyang baso ay uminom muli. The last time he saw Joul and his mother was four years ago. When his father was still with him. Kahit naghiwalay ang kanyang mga magulang at nagkaroon ng bagong pamilya ang kanyang ina nanatiling magkaibigan ang mga ito. Regular na dumadalaw ang kanyang ina at isinasama si Joul kapag walang pasok. Pero nang mamatay ang kanyang ama at kinailangan niyang magtago ay nawalan na siya ng kumunikasyon sa ina at kapatid. Nilihim niya ang kanyang kinaroroonan sa mga ito para sa kaligtasan nila.

Several more minutes and she finished up her food. Natapos din itong kumain sa gitna ng kadaldalan nito.

LIHIM na pinagalitan ni Mikah ang sarili nang mahuli na naman siya ng lalaking kasama na nakatitig sa mukha nito. Kagagaling lamang nilang foodcourt at niyaya siya nitong umakyat sa top deck ng barko. May pag-uusapan daw sila. Halos mapaiktad siya nang tumikhim ito.

"Is there something strange on my face?" Tanong nito.

Napakurap-kurap siya. "Ahm, no." Pumiyok ang kanyang boses. Ang suplado naman nito.

"Then stop staring and watch your steps instead. Baka bigla ka na lang madapa diyan." He frowned.

Umusok ang pisngi niya. Bakit ba gustong-gusto nitong nakabusangot lagi? Para itong robot na uniform ang mukha kasi kulang sa emosyon. Mula ng dumating siya isang beses pa lang yata niya itong nakitang ngumiti. Halos pilit pa at hindi bukal sa loob.

Anyway, he must be thinking strange of her. Maybe she annoys him too. Pero di niya kasi maiwasang pagmasdan ito. Hindi siya makapaniwalang hindi ito si Yzack. Physically, wala talagang pagkakaiba ang kambal. Siguro ang hairstyle may kunting kaibahan pero hindi iyon mapapansin kung di pagtutuunan ng atensiyon. Yzack always have this clean cut hair while this guy's brush up is a little unkempt and messy making him look ruggedly handsome and hot. Yon bang klase na gustong iwasan ng mga babae kasi nakakatakot ang dating pero lihim na pinapantasya.

Nang makita niya ito doon sa top deck kaninang umaga akala niya talaga ito si Yzack kaya halos lamunin siya ng sobrang pag-aalala nang malamang nasaktan ito at nakita ang benda sa balikat nito. At kahit ilag sa kanya ang lalaki ay di niya pinansin. Kahit ang paraan ng pagsasalita nito na medyo may pagkabalasubas ay binalewala niya.

Kanina nang magising siya at wala ito ay nagtanong siya sa bantay ng pinto sa labas ng cabin. The man told her this guy's name is Jairuz Randall. Doon niya naalala na may kakambal si Yzack at ito ang lalaking iyon.

Madalas ito i-kwento sa kanya dati ni Madam Jemma. May picture pa nga ito kasama si Yzack noong mga bata pa. Nasabi din sa kanya ng madam na bigla na lang daw itong nawala at hindi nila mahanap.

At nitong mga huling buwan lamang ay may nakapagturo na sa kinaroroonan nito sa Pilipinas kaya nagpunta sila doon ni Yzack para makita ito. Kaya lang may ibang nangyari at nagbago ang plano ni Yzack. Pinauwi siya.

Tingin niya ay wala naman itong balak na linlangin siya gaya ng ginawa ng William na yon. He was not even trying to act as her boyfriend much less pretend like Yzack. Nothing like the real one. He is blunt and intense yet elusive. She can't hardly contain everytime his spellbinding eyes glided into her. Para bang may ibang pagkatao pa itong itinatago sa loob na kung susubukan niyang kilalanin ay pagsisisihan niya.

She can't wait to tell Madam Jemma the news about meeting her other son. The son she misses so much. Sayang at naiwan niya ang kanyang phone.

Narating nila ang top deck. Binati agad siya ng malamig na ihip ng hangin. Saang bahagi ng karagatan na ba sila naroon? Tumingala siya at napamaang sa ganda ng mga bituing nagkalat sa langit. Animo'y mga lampara sa malayo na sumasayaw sa ritmo ng bawat kislap. Walang buwan pero sapat pa rin ang ningning ng mga iyon para bawasan ang dilim na bumabalot sa mundo.

Nilingon niya si Randall. He is looking intently into the darkness. Hihintayin niyang aaminin nito ang totoo. Sasabihin ang dahilan kung bakit siya nandoon. Hindi siya magtatanong. Maghihintay lang siya.

Inalis niya ang bara sa lalamunan at huminga ng malalim. With her eyes closed and hands strecth out into the dark she started singing.