Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 28 - Chapter 27

Chapter 28 - Chapter 27

Nagtulog-tulugan si Oshema nang matanaw na papalapit si Rune sa sasakyan. Dinig niya ang pagbukas ng kabilang pinto sa backseat kungsaan siya naroon.

"Sir, tumawag po si senator. Nagtanong kung tutuloy tayo sa Cebu." Sabi ng isa sa mga tauhan nito mula sa labas.

"Tutuloy tayo. Hahayaan ko lang munang makapagpahinga sandali ang asawa ko." Sagot ni Rune na ikinaismid niya ng lihim. Asawa? In his dreams.

Naramdaman niya ang pag-uga ng upuan at ang pagsara ng pinto.

"I'm sorry, Shem. Sorry for everything." Anas nito sa kanyang tabi kasunod ang buntong-hininga at ang pagdapo ng banayad nitong haplos sa kanyang pisngi.

Kahit ang palad nito ay naghuhumiyaw kung ano ito. So different from Joul's rough and thick-skinned hand screaming with indelible masculinity and strength. Ang kamay ng herodes na ito ay mas malambot pa yata kaysa sa mga kamay ng isang tunay na babae.

Nagsisi siya kung bakit pa siya nagkunwaring tulog. Gustong-gusto na niya kasi itong bigwasan nang di pa rin huminto ang pangahas nitong mga daliri sa paghaplos sa kanyang mukha. He is sorry for everything but he keeps continue being a jerk just right now. Gagawin siya nitong front? Pantapal sa pagiging closet queen nito? Bakit ba hindi na lamang nito harapin ang katotohanan at tanggapin kung anong pagkatao mayroon ito para matahimik na silang lahat? Lalaki ang gusto nito at hindi babae. He should face that reality.

Dinilat niya ang mga mata at mabilis nitong binawi ang kamay na bumababa patungo sa kanyang braso. Kumuha siya ng wipes sa loob ng kanyang bag at binuksan niya ang pinto sa tapat niya.

"Where are you going?" Natataranta nitong tanong.

"Comfort room, sasama ka?" Asik niya rito. Hindi maganda ito. Kung ganitong nasa tinig nito ang panic, iniisip nitong anumang oras ay tatakas siya. Kapag ganoon, hindi luluwag ang bantay niya.

Dalawa sa mga tauhan nito ang agad na bumuntot sa kanya habang naglalakad siya para hanapin ang comfort room ng airport. This is her first time being here. Hindi niya alam ang mga pasikot-sikot ng paliparan kaya mahihirapan siya kungsakali man susubukan niyang tumakas. Baka kungsaan pa siya mapunta.

Nagtanong siya sa gwardiya kung saan banda ang ladies room. Polite naman nitong itinuro sa kanya ang pasilyo na direktang maghahatid sa kanya roon. Nagpaiwan sa labas ang dalawang bantay niya. Inirapan niya ang mga ito bago pumasok sa looban ng toilet. May iilang mga kababaihang nakapila at naghihintay sa labas ng pinto ng mga okupadong cubicles. Pumila din siya. Kanina pa siya naiihi. Tiniis niya lang.

Muntik na siyang maapakan ng dalagang nasa unahan niya nang umatras ito dahil umatras din ang binuntutan nito. Lumabas na kasi ang nasa loob ng cubicle na pinilahan nila.

"I'm sorry," nilingon siya ng dalaga. Nakapagkit sa napakaganda nitong mukha ang hininging apology sa kanya.

"Okay lang." Ngumiti siya ng tipid.

Ngumiti din ito. Marahil ay kaedad lamang ito ni Vanessa. Maliit ang mukha nito. Light brown ang kulay ng mga mata. Matangos ang ilong parang sa manika at hugis-puso ang mga labing pinatingkad ng kulay pink na lipstick. Maputi ito at makinis. Ang buhok na nakalugay lamang ay matuwid at nangingintab. Hanggang sa baywang ang haba. She's tall and slim too. Maybe a little too slim like the ramp models. Naalala niya rito ang pamangkin na nagpakirot sa isang bahagi ng kanyang puso.

Tatakas siya at palilipasin na muna ang sakit. Dahil tiyak niya namang hindi rin sila magkakaayos ni Vanessa kung ipipilit niya ngayong sariwa pa ang sugat na dinulot niya sa dalaga. Pagdating ng araw, pagdating ng tamang panahon, haharapin niya muli ang lahat, ang kanyang pamilya at hihingin niya ang kapatawaran sa pagkakataong handa ng maibigay ng mga ito.

Muntik na naman siya maapakan ng dalaga nang umurong itong muli. "I'm sorry," hingi ulit nito ng despensa. Embarrassment is on her pretty face this time.

Tumango lang siya at ngumiti. Pansin niyang di ito mapakali. Panay ang linga nito sa pinto sa likod nila habang pinipilipit ang mga daliri. Para bang may hinihintay na pumasok.

"Are you okay?" Tanong niya. Gusto niyang matawa sa sarili. Siya itong may problema at hindi okay tapos ang ibang tao ang tinatanong niya. May gana pa siyang mag-alala sa iba sa sitwasyong kinasasadlakan niya.

"My boyfriend, I asked him to bring me some wipes here." Sagot ng dalaga. Humahaba ulit ang leeg sa kakalinga sa gawi ng pintuan.

"Baka nasa labas siya. Bawal pumasok rito ang mga lalaki." Sabi niya.

Tumango ito at nanlumo. Nakonsensya naman siya kung bakit sinabi niya pa iyon kasi para na itong maiiyak.

"You can have some of mine." Ibinigay niya rito ang dala niyang wipes. "Tirhan mo lang ako ha?"

Nagliwanag ang mukha nito. "Thank you, ma'am. By the way, I'm Mikah." Naglahad ito ng palad na agad naman niyang tinanggap.

"Oshema." Nagpalitan sila ng matamis na ngiti.

" You're so pretty."

Natawa siya sa compliment nito. She gets that a lot though. Mikah's turn came. Mabilis lang ito sa loob. Umihi lang yata hindi gaya ng mga nauna sa kanila.

Pagkatapos niyang umihi ay hindi muna siya tumuloy sa exit. Naglakad-lakad siya sa loob ng airport. Tinitingnan kung makakaya niyang iligaw ang kanyang mga bantay. Nakasunod pa rin sa kanya ang dalawa at tutok na tutok ang atensiyon sa bawat galaw niya. Binilisan niya ng kunti ang lakad. Hinaluan na niya ng takbo. Humabol sa kanya ang dalawa. Sa pagkaabala niya sa mga ito hindi niya nakita ang edge ng konkretong banting sa isang tabi ng nilalandas niyang pasilyo. Sumabit ang isang paa niya roon at bumagsak siya. Buti na lang naitukod niya ang mga kamay. Hindi siya tuluyang sumubsob sa sahig. Pero kumuryente agad ang sakit mula sa kanyang tuhod.

On-lookers who saw her had the combined awe and concern reaction on their faces. Pero walang nagtangkang lumapit para tulungan siya kasi nandito naman ang dalawa niyang bantay. Sinubukan siyang hawakan ng isa sa braso para itayo pero tinabig niya ito at inangilan.

"Don't you dare touch me!" She tried to stand but her knees disappoint her. They're numb. Napasama yata ang tama ng mga iyon sa sahig.

"Get your filthy hands off her, jackass!" That voice from a distance echoed in her brain.

Napangiti siya ng hilaw. Iyon panigurado ang sasabihin ni Joul kung nandito lang ang binata.

"I said, get your hands off her!" Umalingawngaw muli ang mabangis na boses. "You are harassing my girlfriend!"

Napakurap siya. No. It was not her imagination anymore. That's Joul's voice. Napalingon siya sa gawing likod niya.

Joul! It's Joul! Her Joul! God, he came. He came to get her. Bumuhos ang luha niya. Nakatulala sa lalaking naglalakad papalapit sa kanya. Pinilit niyang tumayo. Hindi siya pinigilan ng dalawa niyang bantay dahil ang mga tao sa paligid nila na nanonood lamang kanina ay masama na ang tingin sa mga ito. Naniwala sa sinabi ni Joul na hina-harass siya.

Pabalyang yumakap siya sa binata at umiyak sa dibdib nito. He stiffened. But recovered hastily.

"I thought I'd never see you again." Napahikbi siya.

"Oshema Yzabella." His jaws tightened. "Hush now, baby. I'm here. Everything will going to be alright now. Let's go, our ride is waiting for us outside." He whispered, kissing her hair.

Saglit niyang nilinga ang bantay niya na may kanya-kanyang kausap sa two-way radio. They are notifying Rune about what's going on right there. Inalerto rin marahil ang ibang mga tauhan na naroon sa labas. Kailangan nilang makalayo. Ayaw niyang magkagulo doon dahil sa kanya. Baka masaktan pa si Joul.

Nagpatangay siya sa lalaki at hinayaan itong dalhin siya kungsaan man naroon ang sasakyang sinabi nito. Pero sa pagtataka niya, hindi sila nagtungo sa kahit anong exit ng airport. Instead, dinala siya nito sa VIP lounge. Iilang mga importanteng tao na marahil ay naghihintay ng oras sa flight o may hinihintay mula sa biyahe ang naroon at nakamata sa kanila nang pumasok sila. Hinatid siya ni Joul patungo sa bakanteng sofa.

"Stay here." Instruct nito.

Tumango siya. Sinundan ito ng tingin. Nilapitan nito ang isang lalaki na nasa sulok at kinausap. He's a bit different today. His hair is brush up in a clean cut. He's wearing a black pants, a dark brown coat and a formal black long sleeves shirt underneath with stripe black and white necktie. He did not usually wear his outfits like this. It looks refreshing though but still she loves his bad boy charm. Nasanay siya sa ganoong dating nito. Messy and hot combined.

Binalikan siya nito matapos kausapin yong lalaki. "Let's go." Naglahad ito ng kamay.

Humawak siya doon at ngumiti. Akala niya aalis na sila pero panibagong silid na naman ang pinasukan nila. Tingin niya ay isang pribadong waiting room iyon na reserved para lamang sa napaka-importanteng personalidad. May dalawang mahahabang couch. Isang centerpiece. Wall television, forty inches more or less. Ornamental plants in the corners. Bakit sila nandoon?

"We will stay here for a while." Pahayag nito. Isinara ang pinto.

"Hindi pa tayo aalis?" Tanong niya.

Umigting ang mga panga nito. "We will, soon as we're clear from Rune and his men. My friends are on their way acting as the decoy." Itinuro nito ang mahabang sofa sa sulok. " Take some rest. It's barely three in the morning. I know you're tired. I'll wake you up soon as we're ready to roll." He's so formal. It's a little strange. Baka dala lang ng antok at pagod kaya ganoon ang naging dating nito.

Tahimik na lumapit siya sa couch at naupo. Saglit silang nagkatitigan ng lalaki. Ngumiti na lamang siya ng tipid. His friends are acting as a decoy? Sinong mga kaibigan? Sina Gwendel ba at ang iba? They're helping them? Marami siyang gustong itanong. Kung kumusta si Jevee. Nasaan sina Pepang at ang mga kuneho? Pero ayaw niyang sirain ang focus nito sa ngayon kaya tinikom niya ang bibig. Makapaghihintay naman ang mga tanong na iyon kapag maayos na ang lahat at makakalayo na sila.

"Are you okay?" Tanong nito. Lumapit sa kanya.

"I'm okay. I'm just happy you came for me."

Gumalaw ang adam's apple nito. Lumunok yata ng laway o ano at di niya alam kung guni-guni niya lang ang nakitang saglit na galit sa mga mata nito na binura agad ng paglamlam niyon.

"Of course, I will come. What would you expect me to do? I'm not going to hand you over to anyone, remember that." Inalalayan siya nito para makahiga sa couch.

Ngumiti siya ng matamis. "Thank you." Inabot niya ang panga nito at banayad na hinaplos.

Saglit na naman itong natigilan pero binalewala niya. "I love you." Anas niya.

Tumango ito. Dumukwang at hinalikan siya sa noo. "Have some sleep, okay?"

Mabilis umepekto ang sobrang pagod at antok sa kanya. Segundos pa lamang ang lumipas ay tinangay na siya sa mahimbing na pagtulog.

INIWAN ng lalaki si Oshema na payapang natutulog at lumabas ng silid. Sumalubong sa kanya ang isa sa mga bodyguards niya at iniabot ang dalang cellphone.

"Jin?"

"Sir, they're on the move now."

"Right, how's Mikah? Still crying?" Tanong niya.

"Yes, sir. I can't tell her to stop."

Huminga siya ng malalim. "Get madam to talk to her then."

"Roger that, sir. By the way, you will miss your flight if you don't hurry." Paalala ng kausap.

Sinipat niya ng tingin ang nakasarang pinto at hininaan ng kunti ang boses. "You can go without me, Jin. Bring Mikah with you and please take good care of her for me. I'm not yet done here and I don't think it's going to be done so soon."

"I understand. But please, be extra careful. Your father will gonna burn me to hell."

"Jin, you're talking to your boss and not just any clumsy boy." Putol niya. He ended the call and tap for another contact. Mabilis na sinagot ang tawag niya.

"Yzack Gascon?" Baritonong boses ng lalaki ang nasa kabilang linya.

"I'm afraid it is, Jrex." Humakbang siya palayo ng pintuan.

"What's up?"

"Wonder if you could do me a favor."

"Fire out."

"Could you do some quick check about the location of the Olivares people from your vantage point?"

"Senator Olivares' forces?"

"Exactly. I'll text you the coordinates and few details."

"Alright, are you in trouble, Yzack?" Pahabol nitong tanong bago nagtapos ang pag-uusap nila. Hindi na niya iyon sinagot. Itetext na lang niya kung anong nangyari. Baka magising si Oshema.

Binalikan niya sa loob ng silid ang babaeng mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ito at matamang pinagmamasdan. Malakas ang aircon ng silid pero pinagpapawisan ang noo nito at ilong. Humugot siya ng panyo mula sa bulsa ng pantalon at marahang pinunasan ang pawis nito. She's more beautiful in person than in the picture. Natuon ang titig niya sa mapupula nitong mga labi na bahagyang nakaawang. No lipstick and naturally red. Like cherries in its perfect season. Mabuti na lang at mabilis niyang na-recall kanina sa utak ang pangalan na nagmamay-ari ng magandang mukhang ito. Oshema Yzabella.

" I have your girl now, twin brother. What a bounty for using my name and my identity without my permission. I wonder what you would do to get her back." He mumbled on himself.

"Joul," kumislot si Oshema.

Bahagya siyang natawa at umiling. Is she dreaming that boy who had his name? Nakakainsulto lang. Pinapantasya nito sa panaginip ang lalaking ginamit ang pangalan niya nang wala ang kanyang pahintulot.

Hindi niya alam kung anong pakulo itong ginagawa ng kapatid niya para gamitin ang pangalan niya at katauhan. Bata pa lang sila nang magkahiwalay. Their parents broke up. Pinaghatian silang kambal. Si Jairuz ay napunta sa kanilang ama, siya naman ay sa kanilang ina. Nagpunta sila ng kanyang ina sa Japan at nakapag-asawa itong muli doon. Isang Japanese, si Akira Hayashi, ang kasalukuyang mayor ngayon ng Yokohama City.

Four years ago, they received the news about his father's death and the confirmation that Jairuz went missing. Ginawa nila ng kanyang ina ang lahat para mahanap ang kapatid. Even his step-father aided them using all the connections they can tap around Asia. But luck was never on their side. Until they commissioned the help of the organization called the Nephilims, three months ago. Jrex, one of the members was assigned to do the job of finding his twin brother.

Ngayon ay klaro na sa kanya ang rason kung bakit di nila ito mahanap-hanap. Jairuz used his name and identity in all his official accounts. Simply unforgivable. Unless that jerk came out with a very reasonable explanation. Yet again, there will never be a reasonable explanation that could satisfy him.