Banayad na hinaplos ni Oshema ang desk sa kanyang cubicle. Sa wakas ay matiwasay niyang nai-turn-over kay Mrs. Gonzales lahat ng kailangan. Nakapagpaalam na rin siya sa advisory class niya. Handa siya sa naging malamig na pakikitungo ng mga estudyante lalo na ang female populace na alam niyang naging pangarap ng karamihan dito ay makuha ang atensiyon ni Joul.
It was frustrating though but she will never let them affect her. She just have to look at the bright side of all this. The world reflects the harsh reality in life. Every angle, from the top to its bottom, stings. While goodness kept hidden beyond the cuts.
Dinampot niya ang kanyang bag at isinabit sa balikat. Nilibot niya ng huling tingin ang buong faculty office. Siya na lang ang nandoon dahil nasa klase na lahat ng guro. Napatingin siya sa bumukas na pinto at sa bulto ni Joul na nakatayo roon sa bungad.
"Ready to go?" Tanong nito. Nilalaro ang hawak na doorknob.
Tumango siya at humakbang papunta sa binata. Hinawakan nito ang kanyang kamay at marahang pinisil. Enough to make her feel secure in a place she became suddenly unwanted. Para siyang batang hinihila nito habang abala siya sa pag-scroll down sa kanyang contacts sa phone. She found Vanessa's number and tap the call icon.
Vanessa's phone is ringing for a while then it suddenly went dead. Pinatayan siya ng tawag ng dalaga. Ano ba kasing inasahan niya mula rito pagkatapos ng lahat? Tumingin siya sa binata na nakatitig sa kanya ng matiim. Nginitian niya ito para wag mag-alala. Ibinaba niya ang phone at hinulog sa loob ng kanyang bag.
"Would you like us to drop by at her dorm?" He suggested. Siguro para ibsan ang pag-aalala niya.
The idea is tempting though but she knew she would only end up ruining the remaining hope she has to reconcile with Vanessa. Klaro na ayaw siya nitong makausap. Kung ipipilit niya'y baka lalo lamang masaktan ang dalaga at madagdagan ang pagkamuhi nito sa kanya.
"Next time na lang. Baka nagpapahinga siya." Magaan niyang sabi.
Tumango ito at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay na para bang tatakbo siya anumang oras. Akala niya ihahatid lamang siya nito sa staff house. Pero hindi na ito umalis at tumambay na lamang sa sala habang nakikipaglaro kay Pepang.
"Umuwi ka na muna ng dorm mo para makapagpahinga ka. May trabaho ka pa mamayang gabi." Naupo siya sa sofa at hinimas-himas si Pepang na naaaliw sa kakakagat sa daliri ni Joul.
"Dito na muna ako. Sasamahan kita." Sagot ng binata.
Naupo siya at dinala si Pepang sa kanyang kandungan. Hindi siya nito iiwan dahil nag-aalala ito. She do like being with him. Hindi niya iyon ikakaila. Yesterday and today's battle is certainly distressing. Pero hindi kasali sa suspension nito ang trabaho at kailangan nito magpahinga.
"Joul, okay lang ako rito."
"Magmumukmok ka lang pag umalis ako." Kastigo nitong sumandal sa sandigan ng sofa at nilagay sa likod ng ulo ang magkasalikop na mga kamay.
"Hindi ako magmumukmok. Marami akong kailangang gawin. Maglalaba pa___"
"Give it a rest, Oshema. You can't force me to leave." He loosen his hand and tenderly stroke her hair down. "I can help you with the washing stuff." And suggested after giving her a sly wink.
Ngumuso siya. Pero nakawala pa rin ang ngiting pilit niyang pinipigilan. Pinindot nito ang tungki ng kanyang ilong at kinabig siya pahilig sa dibdib nito. She giggled and indulged herself in the comfort of his warmth and the combined masculine scent of his body and his cologne.
Lumipat sa kanyang braso ang mararahan nitong haplos at nadama niya ang halik na dumadampi sa kanyang ulo. Being with him like this is bliss against all odds. Almost surreal after all the dramas they've been through.
Itinuon niya ang isang palad sa tapat ng puso nito. Ramdam niya ang pintig. Malakas at mabilis. Gaya ng sa kanya. Tila ba may sariling ritmo na sinusunod na sila lamang ang nakakaunawa. Hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay at dinala sa bibig nito. Pinatawan ng malamyos na halik. She curled her fingers and looked up to him. Nagtagpo ang kanilang mga labi.
Struggling to keep her mind in place, kumawit ang kamay niya sa batok nito para suportahan ang marupok na katawan. She pressed herself into his hard body and got to feel him more. Mas mapusok na halik ang isinukli niya at hindi niya pinigilan ang paglaya ng ungol na lalong nagpaliyab sa hiwaga ng sandaling pinagsasaluhan nila. Umaangat siya. Umaangat na naman siya patungo roon. Sa sarili nilang paraiso.
"Damn, Oshema...I want you now..." He whispered underneath a rough and heavy breath, rendering her nerves tingled in heat.
Napakagat siya ng labi. She wants him to. Wants him so bad. Kaya lang...
"Maglalaba pa ako at hapon na. Baka kanselahin mo na naman ang practice. Kailangan natin mapag-usapan mamaya ang tungkol sa pre-opening bukas, together with the team." Wika niya sa gitna ng paghingal.
Doon lang niya napansin na halos nakadapa na siya kay Joul at wala na sa kandungan niya si Pepang. Nasa sahig sa may paanan nila ang pusa at natutulog.
Tumango naman ang binata kahit mukhang bibitayin dahil sa pagkadismaya. Gusto niyang mangiti pero pinigil niya at baka mainis pa ito. Parehas muna nilang pinahupa ang init na nararamdaman bago siya nagpasya na magbihis para masimulan ang paglalaba.
ALAM ni Joul na ramdam ni Oshema ang matiim niyang titig na naglalakbay sa kabuuan nito habang naghalungkat ito sa mga labahin sa loob ng laundry basket. Tank top na green at black cotton shorts ang sinuot nito. He can't help but grinned knowing her becoming uneasy.
Damn this girl! Just when he thought he had enough of her sweetness, yet with this mere stance she gave, his system went into haywire again like a bomb waiting to explode big time. Kung may igaganda pa ito, mababaliw na siya.
Lumapit siya nang di pa rin makontento sa pagmamasid. Piling mga damit ang hinihimay nito at nilalagay sa planggana para lalabhan. Karamihan sa mga iyon ay kulay berde. Green is the color of the day.
" Need a hand?" Dinampot niya ang planggana.
She gave him a sweet endearing smile. Damn! Ulitin pa nito iyon at mapipigtas na ang pagtitimpi niya.
" Di ka ba magbibihis? Para malabhan ko rin yang uniform mo." Anito habang nagtutupi ng ibang pinagbihisan at ibinalik sa laundry basket.
Sinipat niya ang suot na uniform. He has more pairs of those in his dorm. Pero ang iisiping lalabhan nito ang damit niya ay naghahatid ng kakaibang talbog sa kanyang dibdib. That fierce ambition to build a life with her came to life again.
Nilapag niya ang planggana at nagsimulang maghubad. She pouted to conceal a smile while watching him loose the buttons of his polo shirt. Mamumula-mula ang pisngi nito na tumalikod matapos niya kindatan at dinampot ang laundry basket. Ibinalik nito sa loob ng banyo.
Kinuha niya sa loob ng kanyang duffel bag ang varsity jersey at isinuot ang shorts. He picked a black v-neck shirt to match for the top at isinama na sa mga lalabhan ang hinubad na school uniform.
Katabi lamang ng kusina ang laundry area at medyo makipot pero isiniksik niya ang sarili roon at nagpumilit na tulungan itong maglaba kahit ayaw nito. Kung di siya tutulong gagambalain pa rin naman niya ito. Yayakapin at hahalikan. Kukulitin. Isinara niya ang faucet at sinimulang banlawan ang mga tapos na nitong kusutin.
"Phone mo yata yong nagriring." Pahayag ng babae na ang paningin ay nakadirekta sa gawi ng kusina. Nandoon ang phone niya. Iniwan niya sa may counter.
"Be right back." Dinampian niya ng maliit na halik ang balikat nito bago ito iniwan para sagutin ang tawag.
Tinuyo niya ang basang kamay sa hand towel na naka-hang sa handle ng refrigerator. Natigil ang tawag. But it resumed after a few seconds. Dinampot niya ang cellphone. Itinapat sa tainga at tinapunan ng sulyap ang laundry area.
"Something up, Roelle?" pinasadahan niya sa mga daliri ang buhok.
"Sir, they're coming to get her."
"The Olivares or the Salcedos?" Humakbang siya palabas ng kusina.
" Both, sir."
" I see." It's inevitable that they'll come after Vanessa passed down the news. But that doesn't mean anything to him. They can try with all their fucking luck but they can't take away Oshema from him. No one can unless he allows it. He would buy time from hell just to keep his girl.
"And sir, Mr. Olivares called at the office."
"Rune Olivares?" Huminto siya sa tapat ng French window sa sala at hinawi ang kurtina para matanaw niya ang bukana ng bakuran. They could be here anytime soon then.
"Exactly, sir. And he sounds badly upset."
"Should I be threatened, then?" Sumandal siya sa hamba ng bintana. The hell if freaking Rune Olivares is furious. Who gave a damn about that bullhead, anyway? "Concentrate on dealing with the Salcedos. Leave that guy to me." A shot of finality in his voice is echoing.
" The Salcedos, sir, they're not part on any of our controlled territory in Manila. I doubt if we could just__"
"Roelle, a lawyer like you should know when to play this type of game. Get in touch with our associates at the capital and wait for my further instruction. I'll call you back later." Agad niyang tinapos ang tawag at ibinaba ang phone nang mapansin ang paglitaw ng imahe ni Oshema sa pintuan mula sa kusina.
Nakakunot ang noo nito at matamang nakatitig sa kanya. Duda siya kung narinig nito ang huli niyang sinabi kay Roelle.
" May problema ba?" Tanong nitong nanatili sa may bungad ng pinto at inihawak sa hamba ang isang kamay.
"Nothing, babe." Napako ang tingin niya sa basang harapan ng suot nitong tank top. Manipis iyon at lalong humahapit sa katawan nito. Bumakat ang malalim nitong belly button. Damn all the demons! He can't concentrate. He's in fucking heat again.
"Sino yong tumawag?" Her soothing voice added the dilemma.
Pilit niyang inangat ang paningin at ibinalik sa maganda nitong mukha. "It's a little update from work." He needs diversion. Kinagat niya ang dila. The pain braces on his system but not enough to buckle him from the consuming desire swallowing his soul at the moment.
"Bakit daw?" Humakbang ito. Tatawirin ang distansiyang nakapagitan sa kanila.
"Fuck, Oshema! Stay where you are!" He clenched his jaws unable to recede. One more step closer and he'll lose it dreadfully.
Naudlot ang paghakbang ng babae dahil sa alarma sa kanyang tono. Nilamon ng pagtataka ang mga mata nito at napanguso.
"Please, just stay there and don't move." He begged like his life is on the edge.
"Bakit?" Ang pagtataka sa mga mata nito ay napalitan ng pag-aalala at hindi yata nito nakuha ang gusto niyang iparating. Tinuloy nito ang paglapit sa kanya.
Damn!
Umurong siya palayo. Bawat hakbang nito pasulong ay sinasabayan niya ng hakbang paurong. Kung may makakakita sa kanila, iisiping naglalaro sila ng game of the general. Sulong-urong.
"Joul, ano bang problema?" Nahimigan niya ng pagka-irita ang boses nito. Bumilis ang paglapit.
"Wala," mabilis siyang umatras paiwas. Pinuntirya niya ang hagdanan. Kung di talaga ito titigil, aakyat na lang siya sa kwarto at magkukulong doon.
"Bakit ka lumalayo sa akin?" Nakabusangot nitong tanong. Ayaw pa rin sumuko sa paglapit. Babaeng ito, pambihira! Gusto yata talagang mamarkahan na naman.
Bumuga siya ng hangin. Naninimbang kung paano sabihin ang napakalaki niyang problema na hindi siya gaanong mapapahiya.
"See this?" Itinuro niya ang umbok sa ilalim ng kanyang shorts. "It'll hit you if you come any closer. Kaya diyan ka lang muna hanggang sa kumalma ito." He's not sure if that sounds reasonable or funny but who cares? She wants to know the problem, right?
Bumagsak ang paningin nito sa itinuro niya at saglit na pinroseso sa utak ang kanyang sinabi. Nagkagat ito ng labi kasunod ang malamyos na tawa na gustuhin man nitong pigilan ay lalong umalpas.
Nagsalubong ang mga kilay ni Joul. "Seriously, Oshema, you're laughing at me?" Kastigo niya sa girlfriend. May ideya ba ito kung gaano kahirap para sa kanya na rendahan ang sarili para wag itong hawakan? Tapos heto, pinatatawanan siya.
"Joul, loko-loko ka talaga!" Tinakpan nito ang mukha na namumula sa katatawa.
"Tss, ruthless..." Ungot niya at natawa na rin. Humigpit ang hawak niya sa cellphone nang madama ang pagvibrate niyon. Pasimple niyang sinipat ang text message mula kay Roelle habang naaaliw pa si Oshema.
09*** : Alexial here, we need to talk...
Nagtagis siya ng ngipin.
PUMIHIT si Oshema pabalik ng laundry area matapos mag-iwan ng malambing na irap kay Joul. Saksakan talaga ng kalokohan ang lalaking ito. Pinag-alala pa siya. 'Yong kamanyakan lang pala ang umiiral kaya namroblema.
Dumaan siya sa tapat ng ref at kumuha ng malamig na tubig sa loob. Nagsalin siya sa baso. Inuhaw siya sa katatawa.
Patapos na siya sa mga kukusutin nang sumunod sa kanya ang binata. Panakaw niyang sinulyapan ang umbok sa harap nito habang abala ito sa pagtatabi ng mga babanlawan sa itim na plangganang may tubig sa tapat ng faucet. Hindi na iyon gaya kanina na halos nagmukhang tent ang shorts nito. Mabilis niyang binawi ang mga mata nang tumingin ito sa kanya. Malalagot siya pag nahuli siya nitong nakamasid doon.
Natapos niya ang huling piraso ng damit na kinukusot. Isinama niya iyon sa mga babanlawan na nasa planggana.
" Ako na." Sabi nitong binawi sa kamay niya ang damit.
"Mas mabilis kung tayong dalawa ang magbabanlaw." Ungot niya. Isiniksik ang sarili sa tabi nito.
Umusod ito ng kunti para bigyan siya ng komportableng space. He brushed some strands of his hair up with his fingers. Nabasa iyon dahil basa ang kamay nito. He's very quiet. Ayaw niya pag masyado itong tahimik. Kinakabahan siya. It's either he's upset or he is anxious for something.
"Bakit ang tahimik mo?" Hindi siya nakatiis at winisikan ng tubig ang mukha nito.
Napasinghap ito. Hindi inasahan ang ginawa niya. "Don't start on me, Oshema." May naglalarong kapilyuhan sa mga mata nito nang tumingin sa kanya matapos punasan ang mukha sa suot na shirt. "Baka gusto mong magmilagro tayo dito sa laundry area." Pananakot nito.
She giggled and moved away from him when he tried to corner her against the sink. Biting his lip, he pointed a finger on her in such a very manly way that she almost drool even though it was a gesture of warning.
Natapos nito ang pagbabanlaw na tiniis ang pangungulit niya. Kinuha niya sa isang sulok ang laundry basket na lalagyan ng mga hanger at sinimulang i-hanger ang mga labada na isinasabit naman nito sa tubong sampayan.