Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 18 - Chapter 17

Chapter 18 - Chapter 17

"COACH, what's up?" Napaunat siya sa pagkakaupo nang marinig ang boses ni Gwendel na pumapasok ng kusina kasama si Joul.

"Gwendel," tumayo siya. Nabunutan ng tinik sa dibdib. Si Gwendel lang pala. Akala niya bumalik si Gerald.

" I brought his things." He threw a quick glance to Joul. "And also an emergency light. Bukas pa maibabalik ang power supply." Dagdag nitong matikas na ipinasok sa bulsa ng black maong pants ang mga kamay.

Ang pamilya ni Gwendel ang control owner ng Martirez Electric Company na nagsusupply ng kuryente sa buong siyudad at sa mga kalapit na probinsya gaya ng Rio Verona, Puerto Luiza at iilang bahagi ng La Salvacion.

"Dito siya matutulog." Anunsiyo ni Joul na itinuloy ang pagluluto sa tinulang manok.

Tumango siya. Palipat-lipat sa dalawang binata ang tingin. May usapan siguro ang mga ito. Umaliwalas ang pakiramdam niya. Kinuha niya ang malinis na kawali mula sa hanging cabinet at isinalang sa kabilang burner ng stove. Nakita niyang hinagod siya ni Joul ng matamang tingin at huminto ang mga mata nito sa kanyang legs. Wala sa loob na napatingin din siya sa kanyang mga hita.

"Di ka ba magbibihis? Palitan mo 'yang shorts mo." Nakabusangot nitong ungot sa kanya.

Narinig niyang tumawa ng mahina si Gwendel na kaagad pinukol ni Joul ng matalim na tingin. Naiiling lamang ito. Hinubad nito ang suot na jacket at isinampay sa sandalan ng silya sa harap nito. Naiwan ang grey sweatshirt na nakalilis hanggang siko ang manggas. Lumapit ito sa kanya. Nakangisi.

"Magbihis ka na, coach. Kami na rito sa kusina." Sabi nitong sinilip kung anong mga lulutuin.

" Saglit lang ako." Nginitian niya si Gwendel at inirapan si Joul na galit na naman ang mga kilay. Kulang na lang ay magsanib na.

Umakyat siya sa kanyang kwarto at nagpalit ng leggings na may maliliit na print ng bulaklak. Nilaso din niya ang buhok para hindi abala habang nagluluto. Sumalubong sa kanya sa ibaba ng hagdan si Pepang na panay ang miyaw. Naglalambing. Hinimas niya lang ang ulo ng pusa at nagtuloy na sa kusina. Saglit siyang nahinto nang marinig ang pag-uusap ng dalawang lalaking nagluluto.

"Hindi mo papupuntahin si coach sa pre-opening ng Christmas League? That is Saturday, dude. Walang klase. " Si Gwendel. " I can't believe you. You're too possessive on her. Bawasan mo yan, baka mamaya masakal sa iyo si coach."

"May remedial class siya." Sagot ni Joul.

Umangat ang kilay niya. May schedule siya ng remedial class? Bakit hindi niya yata alam iyon? Wala namang memo na dumating sa kanya.

"Your excuses are so lame." Angal ni Gwendel. "Sinong pupunta kung ganoon? May trabaho ka rin."

"You and the rest of the team will be attending the morning event. I'll catch up with you after my work later in the afternoon. Ako ang bubunot para sa unang makakalaban natin."

Pumasok siya ng kusina at tumikhim para ipaalam ang presensya niya. Napatingin sa kanya ang dalawa.

"Hindi ko alam na may remedial class ako. Walang nagsabi sa akin." Aniyang lumapit kay Gwendel. Nag-aapoy na ang burner kungsaan nakasalang ang kawali at ang mga patatas na ilalaga muna.

"Nakita ko ang memo sa desk ng administrator." Sagot ni Joul. Kinuha ang mga sahog na gulay para sa tinula at sinimulang hiwain.

"Pwede ko naman siguro i-adjust ang schedule para masamahan ko ang team." Pahayag niyang saglit na nahihipnotismo sa mga kamay ng binata. The languid movement of his charming fingers while slicing the vegetables fascinated her. They had the trace of fluidity and roughness which she finds attractive. Ganoon din ba kagandang pagmasdan ang mga kamay na iyon tuwing sinasamba ang buong katawan niya? Napakislot siya sa biglang pagbangon ng init sa gitna ng kanyang pagkatao nang maalala ang luwalhating idinulot ng mga kamay at mahahabang daliri nito.

"That would be a wonderful idea, coach." Nagsalita si Gwendel sa kanyang tabi.

Wala sa loob na napatingin siya rito at tumango. Ano nga ba yong sinabi niya? Hinimay niya ang isip. Nakalimutan niya. Napahawak siya sa bibig na bahagyang nakabuka. What is wrong with her? Did she just drool looking at his fingers?

Her breath tangled when she caught Joul staring at her intently. Her cheeks heated without warning. Natalo na naman ng halang niyang kalandian ang matino niyang utak. Inirapan niya ang lalaki para itago ang pagkapahiya.

"It's settled then. Coach will be coming with us." Masayang anunsiyo ni Gwendel.

Bumalik siya sa katinuan. Pinag-uusapan nga pala nila ang pre-opening ng Christmas basketball league na gaganapin next week. Napangiti siya ng i-umang ni Gwendel ang malaking ngisi kay Joul para inisin ang kaibigan. Pero hindi ito pinansin ng binata at nagpatuloy sa paghiwa ng sayote.

"Kung gusto mo, captain, kami na lang ni coach ang bubunot. Wag ka na lang pumunta."

"Baka gusto mong kumain ng tinulang ikaw?" Iniamba ni Joul ang talas ng hawak na kutsilyo sa leeg ni Gwendel na humalakhak.

"Stop that, Joul!" Saway niya. "It's dangerous."

Binawi nito ang kutsilyo at sinamaan siya ng tingin. "Hindi ka pupunta ng pre-opening." Angil nito.

"I'm your coach. I need to be there with our team regardless of whatever selfish reasons you may have." Argumento niya.

The streak of gloomy atmosphere outside reflects in his furious hazel eyes. "Selfish reasons, huh!" Ibinagsak nito ang kutsilyo sa chopping plate. "Do you want us to fight over this non-sense?" Lumukob ang dilim sa gwapo nitong mukha na lalong nagpapaangat sa walang pingas nitong kakisigan.

"Ikaw, gusto mo bang makipagtalo sa akin?" Nakipagsukatan siya rito. Not unless he can justify the reason why he is against her going to the pre-opening she would never rest her case in the matter. They're maybe in a romantic relationship but outside their affair, she is the Phantom's coach and she is committed to her responsibility with her players and the team. Kung ang isyu na naman ng pag-ayaw nitong pumunta siya ay ang selos, hindi niya ito pagbibigyan. Kahit pa mahal niya ito.

"You're not going, Oshema Yzabella." There's finality in his tone.

"Pupunta__"

"Arguing with me is pointless." Agaw nito at naglakad palabas ng kusina.

Ganoon lang. Walk out ang drama ng boyfriend niya para wala siyang choice. Napapailing na ipinagpatuloy na lamang niya ang pagluluto. Gusto niyang maghimagsik at bungangaan ang lalaki. But doing that would not possibly solve anything and can only add up to her stress. Ang ganda-ganda ng buong araw niya kahit bumagyo dahil kasama niya ito at ayaw niyang masira iyon dahil lang sa maliit nilang di pagkakaintindihan. Mamaya kapag kalmado na ito mag-uusap sila ulit.

"Lover's quarrel in front of my eyes? Not a pleasant scene to watch." Gwendel broke her silence.

Sumulyap siya sa lalaki at tipid na ngumiti. She almost forgot that he's been there all along. "Sorry, you had to see that." Aniya. Binawi ang tingin.

" That guy is nearly impossible to control." Nahimigan niya ng simpatiya ang tono ni Gwendel. "I don't know about his upbringing and family background although we've been very close. Di siya nagkukwento tungkol sa family niya."

"Wala din akong alam tungkol sa pamilya niya. Di namin iyon napag-uusapan at di ko rin naisip na itanong. Masyado pang maaga para panghimasukan ko ang bahaging iyon ng buhay niya." She retorted feeling tired.

Bahagyang natawa si Gwendel sa hindi niya malamang dahilan. "Mas masahol pa dito ang ugali niya nang una siyang dumating rito. He's in grade 12. Di mo siya makakausap ng matino. Laging nasasangkot sa gulo. Minsan nabubugbog pero madalas siya ang nangbubugbog. Walang kinatatakutan. Hinahamon lahat maging ang nasa upper class. When he's in first year college, he became the phantom to the male population of the school."

"Hindi ba siya napaparusahan sa pagbabasag-ulo niya?" Tanong niya. Nilagay niya ang mga sahog sa tinula at hinalukay ng sandok.

"There has been some several move from the teachers to expel him but the school administrator defended him. Nakitaan kasi siya nito ng potential sa maraming bagay. Malaki na ang pinagbago niya mula ng dumating ka. Umiwas na siya sa gulo at naging seryoso sa lahat ng ginagawa niya. Masaya kaming mga kaibigan niya na nakikita siyang ganyan."

Tumango na lamang siya. She can't attest if he really did change or not. Hindi pa sapat ang pagkakakilala niya kay Joul. Kung nagbago ito dahil sa kanya, nagbago rin siya dahil sa binata. Natuto siyang mas bigyan ng pansin ang sarili. Manindigan kung anong gusto niya at tama para sa kanya.

"The coach of St. Andrews is trying to hit on you, Miss." Si Gwendel na nagpaantada sa pagtikim niya sa sabaw ng tinula matapos hulugan ng seasonings.

"Si Joseph?" Agap niya. Hinayaang maiwan sa ere sa tapat ng bibig niya ang kutsara na may sabaw.

Tumango ang lalaki. "He keeps sending you flowers and cards, inviting you to lunch and dinner."

"Wala namang dumating sa akin." Hinigop niya ang sabaw. Tama na ang lasa. Tinakpan niya ang kaserola para maluto ang mga gulay.

"Hinarang kasi ni Joul."

"Gwendel, you jerk!" Dumagundong ang galit na boses ni Joul mula sa may pinto ng kitchen. His fists tightly clenched saying he's madly enraged.

"Joul," nagbabanta ang tinig niya at mabilis na humarang sa pagitan ng dalawang lalaki.

"Oh, captain, di ba nag-walk out ka na? Bakit ka pa bumalik?" Pang-aasar ni Gwendel at kumindat sa kanya.

"Stop it!" Napipikang asik niya sa lalaking sinasagad ang pasensya ng kaibigan. Kung gusto nitong patunayan sa kanya na nagbago na nga si Joul, hindi siya interesado. Ang huling bagay na gusto niyang makita ay ang magkakasakitan ng pisikal ang mga ito.

"Darn you, stupid!" Sumugod ang binata pero hindi ito nakaalpas sa yakap niya.

"I'm not stupid. And what is it with you if I told her about Joseph? Karapatan niyang malaman iyon." Matigas na wika ni Gwendel na busangot na rin ang mukha at tila papatulan pa ang init ng ulo ni Joul. "Kahit di ko sinabi sa kanya, malalaman pa rin niya kung pupunta siya sa pre-opening." Justify nito.

"Kaya nga di siya pupunta, sira!" Singhal ni Joul at nagtangkang kumawala sa yakap niya.

"Both of you, it's enough." Awat niya sa dalawa. Pero kahit si Gwendel ay di na rin nakinig.

"Kailangan siya doon, Joul. She is our coach. Stop caging her away from the people you saw as your competition. She doesn't deserve it."

"And I deserve to be betrayed by a friend that I trusted?"

"Baliw! Who betrayed you? Ayusin mo yang utak mo. Hindi na gumagana."

Kumalas siya at hinarap ang dalawang lalaking walang tigil sa pag-uumpugan. "Sabi ko, tama na!!!" She screamed at the top of her lungs.

Doon pa lamang niya nakuha ang atensiyon ng dalawa. Natigil sa pagbabangayan ang mga ito at parehong nag-iwas ng tingin bagamat ramdam pa rin niya ang tension sa ere na hirap humupa.

"Tama na, please!" Hiningal niyang pakiusap.

"I'll just go get something in the car." Kumilos si Gwendel. Hinablot ang jacket mula sa sandigan ng silya at nagtungo sa labas.

"Wag kang magtatagal. Kakain na tayo." Pahabol niya pero hindi na yata nito narinig.

Tiningnan niya si Joul na nagmumura ng