Isang maaliwalas at magandang umaga ang sumalubong kay Oshema kinabukasan, matapos dumaan ang bagyo. Tumingala siya pagkalabas ng bakuran at ginantihan ng matamis na ngiti ang nagniningning na liwanag ng haring-araw na bumabati sa kanya.
Nagtungo siya sa likod-bahay at kumuha ng walis tingting sa maliit na bodega. May isang oras pa siya para maglinis.
Tapos na siyang maghanda ng almusal nila ng dalawang binatang iniwan niyang tulog pa. Sa sala napiling matulog ng mga ito. Si Gwendel sa mahabang sofa, habang si Joul naman sa folding bed.
Nagsimula siyang magwalis sa may bukana ng bakuran. Masyadong makalat dahil sa mga dahon at maliliit na tangkay ng kahoy na tinangay ng hangin at doon dinala. May iilan ding basura gaya ng plastic at papel na pinadpad roon.
Maliban sa mga marurupok na tanim tulad ng saging at iba pang tanim na mababaw ang kapit sa lupa mukhang wala namang mga punong nabubuwal sa paligid. Mabuti naman at hindi malala ang pinsalang idinulot ng bagyo.
Nangangalahati na siya sa pagwawalis nang makadama ng uhaw. Pumasok muna siya ng bahay para makainum ng tubig. Inabutan niyang nagpupush-up sina Yzack at Gwendel.
"Morning," bati ni Joul na namamaos ang boses habang patuloy na inaangat-baba ang katawan mula sa sahig.
" Goodmorning, coach." Ganoon din si Gwendel na hitik sa pawis ang namumulang mukha at leeg. Mas lalo tuloy lumitaw ang pagka-mestizo nito.
"Goodmorning sa inyong dalawa." Ngumiti siya at tumulak papuntang kusina.
Kumuha siya ng tubig sa refrigerator at nagsalin sa baso. Hindi na malamig iyon. Di pa rin kasi bumalik ang kuryente. Nasulyapan niya ang dalawang lalaki na parating. Naghubad ng sweatshirt si Gwendel at isinampay nito sa balikat. Kumuha siya ng dalawa pang baso at sinalinan ng tubig mula sa pitsel.
" Pupuntahan ko sandali ang mga kuneho." Pahayag ni Joul matapos inumin ang tubig at nagsalin ulit ito. Gwendel is doing the same. They consumed three glasses of water each.
"Dalhan mo ng kangkong. Baka ubos na yong huli kong dinala." Sabi niya. Lumapit sa ref at kinuha sa loob ang huling bungkos ng Chinese kangkong. Kailangan na niyang bumili mamaya sa palengke.
Kinuha nito ang gulay na iniabot niya at tinapik sa balikat si Gwendel bago umalis.
"Balik agad, baka ma-late tayo!" Pahabol ng lalaki at dinala nito sa lababo ang basong ginamit, pati ang kay Joul. Hinugasan nito ang mga iyon.
"Maligo ka na pagkatapos mo diyan." Sabi niya at naglakad palabas ng kusina.
Pero mabilis itong sumunod sa kanya. "Tutulungan na kitang maglinis sa labas."
Inangatan niya ito ng kilay. "Marunong ka magwalis?"
Natawa ito. "Of course! Sisiw." Nagyabang pa.
Duda siya roon. He is a typical rich kid in the countryside. Prinsepe kung ituring. Kompleto sa maid at lahat ng bagay ay nakukuha sa isang pitik lang ng daliri.
"Ako na ang magwawalis at ikaw naman ang maghakot ng mga naipong kalat papunta doon sa receptacle para mabilis tayo matapos." Ibinigay niya kay Gwendel ang dustpan at balde.
Agad namang tumalima ang binata at nagsimulang hakutin ang mga pinagtipon-tipon niyang mga kalat. Nang makabalik si Joul mula sa kweba ay tumulong din ito sa kanila.
"Vanessa will be our muse." Walang gatol na deklara ni Joul. Napag-usapan nila ang pre-opening ng Christmas League habang sakay ng Lexus papuntang school.
Natuwa siya at mismong ang binata ang nag-suggest. Si Vanessa din ang inisip niyang gawing muse ng team. " She will certainly stand out just like in the invitational tournament." Sabi niyang nakangiti. Tumingin kay Joul na nasa kanyang tabi. Sumulyap ito sa kanya at ngumiti din.
Abala ang mga estudyante sa paglilinis sa premises ng school nang dumating sila. May mga dump truck na naghahakot ng mga basura at mga nababaling sanga ng puno na nakahambalang sa ground at sa iba pang daanan. Hindi pinapasok ang mga sasakyan at ginawang pansamantalang parking area ang clearance sa gilid ng matayog na bakod.
Tumulong silang tatlo sa paglilinis at hindi na muna siya tumuloy sa faculty room. Bakas sa mga punong nakapalibot sa buong unibersidad ang parusang inabot mula sa bagyo. Humiwalay sa kanya sina Joul at Gwendel at sumali sa mga kalalakihang pinagtulung-tulungang alisin sa parking area ang malaking sanga ng puno na nakahandusay roon.
Sa kabilang dako naman ay natanaw niya sina Darren at iba pa niyang mga estudyanteng lalaki kasama sina Roven, Jevee, Neil at iilan pa mula sa ibang department na naghahatak din ng malaking sanga papunta sa nakahintong dump truck. Girls nearby holding brooms and dust pan are giggling and cheering on with the boys.
"Ate, goodmorning!" Bati ni Vanessa sa kanya. Kadarating lamang nito kasama sina Trisha at Arlene.
"Goodmorning, Miss." Duweto ng dalawa.
"Goodmorning, girls. Where's Kimberly, Trixie and Roxanne?" Tanong niya. Nasanay na siyang makitang magkakasama ang magkakaibigan sa pagpasok.
"Kim has a fever since yesterday. Sina Trixie at Roxanne mamayang tanghali pa papasok." Sagot ni Vanessa na gumala ang paningin sa buong paligid. Tila may hinahanap. At nang makita ay sumilay sa mga labi ang matamis na ngiti kasabay ng pamumula ng pisngi. Sinundan niya ang paningin nito. Kay Joul iyon humantong.
May binubuhat na malaking sanga ng Spanish plum ang binata kasama sina Gwendel at dalawa pang estudyante mula sa ibang section. Nagtatawanan ang mga ito at kinantyawan ang isa sa mga kasama na natisod at muntikan ng nadapa.
Binawi niya ang paningin at ipinukol sa umpukan ng mga estudyanteng babae mula sa nursing department na nagsisigawan at nagtakbuhan. Kaagad siyang lumapit roon para alamin kung anong nangyari. Nakita niya si Jinkee na naiiyak at namumutla. Dinaluhan niya agad ang dalaga.
"Are you okay? What happened?"
Hindi ito makasagot at napatangis na lamang na yumakap sa kanya. Nanlalamig ang mga kamay nito at balat. Natigil sa paglilinis ang lahat at lumapit sa kanila para maki-usyuso. Umikot ang paningin niya sa mga kaibigan nito. Umaasang may magsasabi kung anong nangyari.
"Yong boys kasi, Miss. Hinagisan kami ng uod. Tinamaan si Jinkee." Nagsalita si Allyana. At itinuro nito ang grupo ng boys na nasa malapit na pawang mga kaklase lang din ni Jinkee.
Nakokonsensyang lumapit sa kanila ang boys na itinuro ni Allyana. Banaag sa mga mukha ang pagsisisi.
" Sorry, Miss, it was not our intention to scare her. Nagkakatuwaan lang po kami. Di po namin sinadyang maihagis sa kanya yong uod." Isa sa mga ito ang humingi ng despensa. Si Eleazar.
Magsasalita na sana siya para pagsabihan ang mga ito nang biglang sumulpot sina Joul at ang ibang mga players niya. Pinagbibitbit ng mga ito ang boys sa utos ng binata.
" Leave these morons to us ." Sabi ni Gwendel at kumindat.
Tumango siya. " Take them to the guidance office." Instruct niya.
Umalis ang mga ito habang si Joul ay nagpaiwan. Lumapit ito sa kanila.
"Is she alright? I can take her to the clinic." He suggested.
Kumalas sa kanya si Jinkee at namumungay ang mga matang tumingin sa binata. Narinig niya ang mahinang bulungan at hagikgikan ng mga kaibigan nitong nakapalibot sa kanila.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Joul sa dalaga.
Nahihiyang tumango ito. Namula ang pisngi gaya ng pamumula ng ilong dahil sa pag-iyak.
"Samahan mo siya sa clinic para makapagpahinga." Utos niya sa binata.
Tumango ito at banayad na hinawakan sa siko si Jinkee para igiya patungo sa gusali kungsaan naroon ang school infirmary.
"Balik na sa paglilinis!" Sigaw niya. She eyed on Jinkee's friends na naghaharutan sa kilig habang nakasunod ang tanaw kay Joul.
"Shem!" Tawag ni Miriam sa kanya. Nabaling ang tingin niya sa kaibigan na papalapit. "May meeting tayo." Balita nito.
"Ngayon na?"
"Ora mismo. Naghihintay na doon ang administrator."
Para siyang sinilihan. "Gosh! Ako na lang ba ang hinihintay?" Halos takbuhin na nila ang pasilyo papasok ng building.
"Bakit hindi ka tumuloy doon sa faculty?" Tanong ni Miriam na hiningal sa bilis ng lakad nila.
"Hindi ko alam na may meeting. Tumulong muna ako sa mga estudyante sa paglilinis." Paliwanag niya. Kaya pala wala siyang nakitang ibang teachers doon sa ground.
"Emergency meeting kasi to. Si Mrs. Roselle Alferez , ang english professor ng College of Education ay natangay ng baha kahapon. Nakita siya kaninang six doon sa dalampasigan. Patay na."
"My God!" Nahinto siya at napatakip sa bibig.
"Let's go," hinatak na siya ni Miriam at wala sa loob na nagpatangay na lamang sa kaibigan.
INIWAN ni Joul sa naka-duty na nurse si Jinkee para asikasuhin at lumabas ng infirmary ang binata. Nilandas niya ang maluwang na pasilyo patungong hagdanan. Pagliko ng kanto ay nagkagulatan sila ni Vanessa na muntik na niyang mabangga.
"Joul," napahawak sa braso niya ang dalaga.
"Sorry, did I startled you?" Banayad niyang tanong rito.
"Uhm, no!" Agap nitong mabilis na umiling. Ang malikot na mga mata ay pabalik-balik sa mukha niya at sa sahig. Parang may gustong sabihin na hindi masabi.
"Okay, then. See you around." Nilagpasan niya ito matapos bigyan ng simpleng ngiti. Pero hinabol siya ng dalaga at niyakap mula sa likod. Napatingin siya sa nanginginig nitong mga kamay na nakakapit sa kanyang uniform.
"Can we talk, please?" Even her voice is shaking.
"Um, okay." Umikot siya at humarap rito. He must be very bad to turn her into someone like this. Nang una niya itong makilala, punung-puno ito ng tiwala sa sarili. Pero ngayon parang hindi nito alam ang gagawin kapag kaharap siya.
Bumitaw ito sa kanya at nagpatiuna papunta sa tagong bahagi ng pasilyo kungsaan sila makakapag-usap ng walang abala.
Sumandal siya sa dingding at ipinasok sa bulsa ng pantalon ang mga kamay. Habang si Vanessa ay tumayo sa harap niya na parang tutula o ano. Kinakabahan at pinipilipit ang mga daliri. Hindi mapakali ang mga mata. Panay ang kagat sa labi.
Hindi siya nagsalita at hinintay lang kung anong sasabihin nito. Hindi niya inalis ang mga mata sa maganda nitong mukha na unti-unting nawawalan ng kulay at pinagpapawisan. What's wrong with this girl? Parang kunti na lang mahihimatay na yata.
"Hey, are you okay?" Di siya nakatiis.
"Yzack Joul Gascon, manliligaw ako sayo!" Pahayag nitong pumutol sa sasabihin niya habang nakapikit ng mariin ang mga mata.
Saglit siyang natulala. Nakanganga. What's she mean by that? She opened her right eye. Checking out his reaction.
Tumikhim siya."What are you saying, Vanessa?" Pormal ang tonong tanong niya.
Minulat nito ang kaliwang mata at ang kanina'y maputlang mukha ay naging pulang-pula naman ngayon. Lumunok ito at pinagsalikop ang mga kamay na parang dadasalan siya.
"I want you to be my boyfriend, Joul. For real this time. Kung hindi ka manliligaw sa akin, ako ang manliligaw sayo." Matapang nitong deklara.
Hindi niya alam kung saan ito humuhugot ng tapang gayong tila hihiwalay na ang kaluluwa nito sa katawan dahil sa nerbiyos.
Tumingala siya at bumuga ng hangin. "Vanessa, you are only hurting yourself in this." He murmured. Napapagod sa paulit-ulit nilang eksena na ganito. She is confessing her feelings and he is rejecting her. Then she will cry and he will try to comfort her because of guilt.
Ganoon palagi ang pupuntahan nito.
Gustong-gusto na niyang sabihin na si Oshema ang mahal niya at girlfriend niya. Parusang malaki para sa kanya ang ilihim sa lahat ang relasyon nila. Ang hindi maipakita ng malaya ang pagmamahal niya para sa kasintahan.
"I don't care. Handa akong masaktan. Just give me a chance to love you, Joul, please." She begged like her life depends on it.
Naaawa siya kay Vanessa. But hell, it's no use. Mercy alone can't fixed anything. " I'm sorry, I really can't love you back. I'm in love with someone else." Masokista ba ito? Bakit gustong-gusto nitong saktan ang sarili?
"Was it Jinkee? Kung mahal mo siya bakit hindi mo siya niligawan hanggang ngayon?" She broke down. There goes the crying again.
"Because it isn't her." Lalong sumama ang pakiramdam niya habang tinitingnan itong umiiyak na naman dahil sa kanya.
"Who then? Sino, Joul? Sino?" Hindi na ito magkandaugaga sa pagpupunas ng luhang walang tigil sa pag-agos.
"Hindi mo na kailangang malaman pa yon." Dumukot siya ng panyo at inabot rito pero tinabig nito ang kanyang kamay.
"Gusto kong malaman." Napahagulgol na ito at tinakpan ng mga kamay ang mukha. "Tell me, please...or else___"
Hinapit niya ang dalaga at niyakap na lang. God, this is nuts! How can he ever stop the pain he caused her?
Panay ang silip ni Oshema sa kanyang cellphone habang naglalakad sa pasilyo kasama ni Mr. Saavedra. Papunta sila sa opisina ng school administrator para pag-usapan ang ilang pagbabago ng kanyang work load. Kanina pa niya tinext si Joul kung kumusta na si Jinkee pero hindi pa rin nagreply ang lalaki.
Maikli lang ang naging meeting nila sa conference room kasama ang ibang guro. Pinag-usapan nila ang gagawing tribute para sa namatay na college professor at kung ano ang maitutulong nila sa pamilyang naiwan. May dalawang anak yong professor na parehong nasa junior high pa.
Nakapasok na sila sa opisina ni Mr. Saavedra ay wala pa rin ang inaabangan niyang reply mula kay Joul. Kaya sumuko na siya sa paghihintay at itinago ang cellphone sa bulsa ng kanyang blazer. Baka busy ang binata at hindi napansin ang text niya.
"Sit down, Miss Salcedo." Iminuwestra ng administrator ang isa sa malalaking easy chair sa tapat ng desk nito.
"Thank you, sir." Naupo siya.
Naupo din ito sa high-backed swivel chair at pinagsalikop ang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng makintab nitong desk.
"Regarding your remedial class, Miss Salcedo, I apologize for not notifying you earlier about it." Simula nito. "But I have sent the memorandum to your table."
"Okay lang po yon, sir. Naintindihan ko." Maaring nakalimutan nitong ipaalam sa kanya sa dami ng kailangan nitong asikasuhin. Balita niya hindi madalas pumasok ang school president kaya ito ang sumasalo sa lahat pati mga problema ng school na kailangan ng agarang solusyon.
"One more thing, I had a short talk with the school president early this morning and he suggests if you can add World Literature to your subject load." Napakamot ito sa kilay gamit ang daliri.
"World Literature, sir?"
"Ang subject na iniwan ng namatay na professor. Nursing 2nd year group 3, Education 2nd year group 2, 3 and 5 ang papasukan mo." May kinuha itong folder at sinilip pero di yata related sa pinag-uusapan nila ang nakapaloob roon kasi itinabi din nito kaagad.
"Okay, sir." Pansamantala lamang marahil ito. Kapag nakapag-hire ang school ng bagong English professor ay babalik din sa dati ang work load niya.
"Miss Salcedo, may isang bagay pa akong gustong i-konsulta sa iyo, although, I believe this is a little personal." Tumayo ang lalaki. Nagtungo sa may bintana at sumilip sa ibaba.
"Ano po yon, sir?" Bigla siyang kinabahan. Ayaw niyang isipin na may napapansin na itong kakaiba sa kanilang dalawa ni Joul. Hindi maiiwasan iyon kahit pa ingat na ingat sila. Mahirap kontrolin ang damdamin tuwing magkasama sila ng binata. Kahit anong pigil niya sa kanyang sarili.
"Kinausap ako ni Gerald Madrigal. You know him? The mayor's son. He's an engineering student too. One of the bests we have here. He is also the student council president. Nagpaalam siya sa akin kung pwede ka niyang ligawan."
Laglag ang kanyang panga. That guy really did it? Talagang kinausap nito ang administrator para lang doon? Is he serious? God, what on earth that guy was thinking?
"It is unethical to entertain affection from your students."
Hindi siya umimik. Alam niya iyon. Mali. Pero ginawa niya. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit, ang masampal sa katotohanan o ang makulong sa perpektong pamantayan ng lipunan.
" But boys this time doesn't care about ethics and code of conduct. We're in the millennial's age. Breaking the rules is their game." Bumalik sa likod ng desk si Mr. Saavedra at naupong muli sa swivel chair. " So, what do you think? Can you handle this guy?"
"Sir? What do you mean?" Nalito siya sa tanong.
"If he courted you, what would you do?"
"Bakit po, pinayagan nyo ba na manligaw sa akin?"
Natawa ang lalaki. "Do you believe I can stop him? At nagpaalam naman siya ng maayos kaya walang dahilan para di ako pumayag."
"Sir," hindi siya makapaniwala. Kaya pala panay ang bisita ng grupo ni Gerald sa building nila. Lumakas ang loob kasi nakuha ang bendisyon ng administrator. Masasadlak siya lalo sa teritoryo nito.
"I trust that you are a good judge of character, Miss Salcedo. Think carefully, okay? At mag-iingat ka sa batang iyon. He is not the kind that would accept no for an answer." Paalala ng administrator.
Lutang ang isip ni Shem nang lumabas ng opisina. Gerald Madrigal, the student council president. That means he's on top. But knowing her Joul, hindi ito papasindak sa lalaking iyon. Hindi siya dapat mag-alala.
Kinapa niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang blazer at sinilip kung nagreply na ang binata sa huling message niya. Napangiti siya nang makita ang message notification galing rito. Two messages iyon.
Him : Yeah,she's okay, I've left her with the nurse...
Him : Sorry, iniwan ko sa bag ang phone kanina, done with your meeting?
Nagtype siya ng reply habang nilandas ang hallway patungo sa faculty office.
Her : Yup, just now, where are you?
Him : Back in the ground...
Her : Be careful with the cleaning stuff...
Him : Sure ...
Pumasok siya ng faculty room. Naroon halos lahat ng mga kasamahan niyang guro at pinag-uusapan ang nangyari sa english professor. Nakinig lang siya habang inaayos ang ibang mga gamit at libro sa kanyang cubicle. Lumapit sa kanya si Miriam.
"Shem, may remedial class ka pala? Nabasa ko ang memo." Tanong nito.
"Um, mayron. Ngayon ko lang din nalaman." Dinampot niya ang memo at pinasadahan ng tingin. Tatlong group ng engineering ang papasukan niya tuwing Sabado para sa remedial class.
"Nakakapagod yan, Shem. Makakapagpahinga ka pa ba?" Nasa tono nito ang pag-aalala.
"Susubukan ko na lang muna, Yam. Pag di kayanin, sasabihin ko kay sir." Nginitian niya ng tipid ang kaibigan.
Medyo nakakapagod na nga kung iisipin. Paparating na ang Christmas League, magiging subsob ang ensayo ng team at kailangang naroon siya palagi. Kailangan na yata niyang magdagdag ng vitamins para di bumigay ang resistensiya niya.
Pinatunog ang bell kahit masyado ng late sa eksaktong oras ng klase sa umaga para mapaakyat na ang mga estudyanteng nasa ground pa rin ng eskwelahan. Dumating na kasi ang mga police at sundalo para tumulong sa paglilinis.