Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 20 - Chapter 19

SUMAGLIT sa ladies room si Oshema para silipin ang sarili. Naglagay siya ng pressed powder sa mukha, kunting blush on at pink lipstick. Inayos din niya ang suot na drop earring na muntikan ng matanggal kanina at nilagyan ng ipit na may maliliit na bato ang buhok na pinagsama niya sa iisang parte sa gilid ng kanyang tainga habang ang natitira ay inilugay lamang.

Whole dress ang suot niya ngayon, sidefeel off shoulder . Kulay peach at hanggang sa ibaba ng tuhod ang haba. May belt na kulay brown na gawa sa abacca fiber. Tenernuhan niya iyon ng puting blazer at ankle strap heels.

Magkasama silang lumabas ni Miriam ng faculty room at naghiwalay pagdating sa unang eskina ng pasilyo. Kinansela ang klase sa umaga pero magkakaroon ng homeroom meeting para ipaalam ang nangyari kay Mrs. Alferez at ang gagawing tribute para sa namayapang professor.

" Goodmorning, Miss Salcedo." Bati ng buong klase pagkapasok niya ng classroom.

" Goodmorning, class!" Dumako ang paningin niya sa bakanteng upuan ni Joul sa bandang likuran. Marahil nagpaiwan sa ibaba ang binata para tumulong sa paglilinis.

"Miss, totoo bang may namatay na professor?" Tanong ni Darren.

"Oo, si Mrs. Alferez. Ang English professor." Tinungo niya ang kanyang desk nang bigla na lamang bumukas ng pabalya ang pinto at pumasok si Trisha na maputlang-maputla at umiiyak.

"Miss, si Vanessa po!" Nanginginig ang boses nito. Hindi malaman kung anong idudugtong sa sasabihin.

" Bakit?" Alarmed. She turned towards Trisha. "What happened to Vanessa?" Kinuyog ng kaba ang dibdib niya. May nangyari ba sa pamangkin niya?

"Sumama po kayo sa akin." Pumihit si Trisha.

Sumunod siya sa dalaga. Lakad-takbong nilandas nila ang hallway at muntikan na siyang mahulog sa hagdan pababa ng ikatlong palapag kungsaan matatagpuan ang block ni Vanessa.

Hiningal siya ng sapitin ang classroom. Maraming estudyanteng nakakalat sa may hallway sa labas ng silid at ang iba ay nagsisisiksikan sa may pinto. Nasaan ba ang mga guro? Parang mawawasak na ang dibdib niya sa sobrang kaba at pangangapos ng hangin na maihihinga.

"Padaanin nyo kami, please!" Sigaw ni Trisha sa mga estudyanteng nakaharang sa pintuan.

Ang iba ay tumabi at binigyan sila ng daan pero ang iba ay matigas at ayaw umalis kaya itinulak na niya ang mga ito. Wala namang umangal sa mga natabig niya nang makitang siya ang nagpupumilit na makapasok.

Tumambad sa kanya pagdating sa loob si Vanessa. Nakasampa sa barandilya ng nakabukas na bintana at anyong tatalon. Nag-iiyakan sa isang tabi ang iilan sa mga kaklase nitong babae habang ang mga lalaki ay tuliro at di malaman kung anong gagawin. Gustong lumapit pero di magawa.

"My God, Vanessa! What are you doing? Get down, please!" Humakbang siya para lapitan ang dalaga.

"Ate, diyan ka lang! Wag kang lalapit kundi tatalon ako!" Banta nito na nagpahinto sa kanya.

"Van, ano bang problema? Please, pag-usapan natin. Wag ganito, okay? You're scaring everyone here." Malumanay niyang sabi na natutuliro na rin. Halos manginig ang laman niya habang pinagmamasdan ang marupok na kapit ng mga kamay ni Vanessa sa magkabilang hamba ng bintana. Ano bang nangyari? Can anybody tell her?

"Bring Joul to me! I said, bring him to me, damn it!" Sigaw nito sa mga kaklase.

Nanigas siya sa kinatatayuan. Of course, si Joul nga pala. Si Joul lang naman ang pwedeng maging dahilan para magkaganito ang dalaga. Bakit ba hindi niya agad naisip iyon? Pinilipit niya ang mga daliri at mariing kinagat ang labi para pigilan ang pagtulo ng luha. Ano bang nangyayari sa kanila ng pamangkin niya? Isa ba itong sumpa? Bakit sa dinami-rami ng pwede nilang mahalin ay sa iisang lalaki pa sila nahulog?

Hindi na siya makapagsalita. Di niya rin naman alam ang sasabihin para palubagin ang loob ni Vanessa. Every word that will come out from her mouth if she tried to speak will either be lie or useless.

"He's coming, Van. Sinundo na siya. Pakiusap, bumaba ka na. Baka mahulog ka diyan." Pakiusap ni Trisha na halos manikluhod na sa sahig.

"Anong nangyayari dito?"

Halos mapapitlag siya ng marinig ang matigas pero matikas na boses na iyon. It's Joul alright. Napapikit na lamang siya. Natahimik ang buong paligid na para bang may dumaang diyos. Then she heard his gentle footsteps.

"What's going on?" Tanong ng binata. Ramdam na ramdam niya ito sa likuran niya. Sinakop ng malakas nitong aura ang buong silid at tila hinihigop siya.

"Joul, listen to me!" Nagsalita si Vanessa. Umiiyak. " I love you so much. Mas gugustuhin kong mamatay na lang kaysa patuloy mo akong babalewalain. Choose, I'll jump off and die or you take me back!"

Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng malaking bloke ng yelo sa ulo nang marinig ang sinabing iyon ni Vanessa. At mula sa kanyang ulo ay kumalat ang sakit pababa sa kanyang dibdib na nagpamanhid sa buo niyang katawan. Halos kalimutan niya pati ang huminga dahil sa sobrang sakit.

Paano pipili si Joul? Wala itong pagpipilian. Kahit siya ay wala. Who would even dare to allow a young girl to die under this kind of circumstances?

"Don't do this, Vanessa. Come on, pag-usapan natin ito ng maayos." Umapila ang binata at humakbang. Pero natigil agad ito nang sumigaw si Vanessa.

"No! Stay where you are, Joul! Tell me you take me back, tell me you love me then i will stop. Please...Joul..." She pleaded amidst her sobs.

Pumihit siya. Di na niya kakayanin pa ang susunod na sasabihin ng pamangkin. Tumingin sa kanya si Joul. Umigting ang mga panga at may nagbabadyang kakaibang panganib sa mga mata. He is giving her a warning. Para wag niya ituloy ang naiisip niyang gawin. Kinuyom niya ng mahigpit ang mga kamao at tumitig ng deretso sa binata.

" Take her back. Save Vanessa." Sinikap niyang masabi iyon ng maayos nang hindi bumibigay sa mga luhang nagpapalabo sa kanyang paningin.

Anino ng pagtutol, galit at sakit ang mabilis na lumukob sa nagdidilim na mukha ni Joul.

Hindi na hinintay pa ni Oshema ang isasagot ng binata at tumalilis palabas. Pumayag man ito o hindi, di iyon mahalaga sa kanya. Ang gusto lang niya ay makalayo sa silid na iyon bago pa siya tuluyang lamunin ng sakit na nararamdaman. Nang tanggapain niya ang katotohanang mahal niya ito, kasama niyang tinanggap roon ang posibilidad na isang araw ay masasaktan siya.

May nakakasalubong siyang mga guro na kasama ang mga police at sundalo mula sa ibaba. Pero iniwasan niyang tingnan ang mga ito sa pangambang mabasa ng kahit na sino kung anong totoong inihahayag ng kanyang mga mata sa mga oras na iyon.

May nagtanong pa pero di na niya pinansin. Pagsapit sa hallway na wala ng tao ay doon niya lang pinakawalan ang mga luha. Tinakpan niya ang bibig para mapigilan ang pagtangis at napasandal sa dingding kasabay ng pagtakas ng lakas sa kanyang mga tuhod.

"Fuck!" Nagmura si Gwendel na mabilis siyang sinalo bago pa man siya tuluyang bumagsak. Tulalang napatitig siya sa binata habang walang tigil ang alon ng luha sa kanyang mga mata. Niyakap siya nito at hinayaang umiyak.

" I should stop loving him. But i don't know how." Pumiyok ang kanyang boses na hindi mapigil ang paghagulgol.

Hindi nagsalita si Gwendel at hinahaplos lamang ang kanyang buhok pababa sa kanyang likod. Nagdudulot iyon ng gaan sa kanyang pakiramdam pero hindi nakabawas sa kirot ng kanyang puso.

Mahal niya si Joul. At nakahanda siyang ipaglaban ito kahit ipamukha pa sa kanya ng buong mundo na mali ang nararamdaman niya. Pero hindi basta ang mundo ang kalaban niya. Si Vanessa. Na handang ibuwis ang buhay para lang makamit ang pagmamahal ng binata. Si Vanessa iyon. Ang pamangkin niya. Na nagtiwala sa kanya pero nagawa niyang pagtaksilan. Patong-patong na ang naging kasalanan niya sa dalaga. Kung hahayaan pa niyang may mangyaring masama rito, kahit ang Diyos ay di na siya makakayang patawarin.

Kaya bibitaw na siya. Bibitawan niya si Joul.

"Can you stand?" Maamong tanong ni Gwendel sa kanya matapos humupa ang silakbo ng kanyang pag-iyak.

Tumango siya at tumayo ng tuwid. Pero hindi siya nito tuluyang binitawan. Nakahawak ito sa kanyang braso at baywang para alalayan siya.

" Anong inaasahan mong mangyari pagkatapos mong sabihin yon kay Joul?"

Napatitig siya sa mga mata ni Gwendel sukat sa sinabi nito. Hindi niya matukoy ang damdaming nakapaloob roon. Disappointment? Anxiety? But why?

"Gwendel, it's the only way. I can't risk Vanessa's life." Katwiran niya. Iyon ang lohikang sumasakop sa kanyang utak. Kahit tingin nito ay hindi tama pero iyon lang ang magsasalba kay Vanessa.

" You really don't know a thing about Joul, do you? He is not the type of guy who would just do what you told him even if somebody's life is on the line." Naiiling nitong pahayag. "He's not like that, Miss. He is a twisted person who don't seem to care about everything so long that he is doing what he thought was right for him."

" I know, pero kung talagang mahal niya ako__"

"Dahil mahal ka niya kaya gagawin niya kung anong tama sa tingin niya. At gagawin niya iyon kahit ikasira pa ng buhay niya." Matigas na agaw ng lalaki.

"W-what do you mean?" Hindi niya lubusang maintindihan ang nais nitong iparating.

"Just wait and see." Ibinaba ni Gwendel ang paningin at ibinaling sa malayo.

Pinilipit niya ang mga daliri. Masyado nga siguro siyang nagpadalos-dalos? It had been more proper if she allowed Joul to deal with the situation first before she made a hasty declaration like that. Pero hindi na niya mababawi pa ang ginawa niya. Kaysa magsisi, ang dapat niyang gawin ay panindigan iyon.

" I AM INLOVE WITH OSHEMA YZABELLA SALCEDO!"

Natahimik ang lahat at nakatulala kay Joul. Pati si Vanessa na nakatayo sa harap ng binata matapos nito maibaba mula sa sinampahang bintana ay hindi makapagsalita.

Everyone is stunned after hearing his confession.

"I'm sorry, I can't take you back, Miss Torres. I'll save you once again if it's necessary because you're important to the woman I love, importante ka na rin sa akin dahil doon, but that's all there is." His tone is veiled with gentleness and rough determination. He throws a quick glance around the room. Found few of the teachers. Nakipagtitigan sa mga ito. He heaved a sigh then, before turning towards the door and went out.

"Vanessa!"

"Vanessa, no!"

Dinig ni Joul ang sigawan ng mga kaibigan ni Vanessa. Pero di na niya tinangkang lumingon pa. What he did was enough. She's safe now. At nandoon na rin ang mga police. Di na susubok ang dalaga na gumawa ng kapangahasan na ikapapahamak ng sarili nito.

Some girls really are nothing but trouble. Kung ibang babae iyon at hindi si Vanessa hahayaan niya iyon na tumalon na lang. Why would he fucking care anyway? But it's Vanessa. Her pain would mean Oshema's pain. Hindi siya papayag na masaktan ang babaeng mahal niya sa ganoong paraan.

Hinugot niya mula sa bulsa ng pantalon ang cellphone at binuksan. He searched for a particular digits and hit the call.

"Sir?" Boses ng lalaki ang sumagot.

"Meet me at the conference room. Need you to do some stuff. NOW." Nagsalita siya sa tono na kontrolado pero puno ng awtoridad.

"Copy that, sir."

He ended the call and directed his steps towards the conference room.

" THANK YOU, GWEN." Tipid na ngiti ang ibinigay ni Oshema kay Gwendel pagsapit nila sa classroom niya. Nagpumilit ang binata na ihatid siya hanggang doon. Hindi na siya nakaayaw pa.

"No more crying, okay?" Banayad nitong pinunasan sa likod ng daliri ang natitirang bakas ng luha sa ibaba ng kanyang mata.

Tumango siya at binuksan ang pinto. Bago pumasok ay nilingon niya pa ito. He is waving a hand habang paurong na humahakbang paalis.

" Miss, anong nangyari kay Vanessa?" Sinalubong agad siya ng tanong ni Darren pagkapasok niya ng silid-aralan.

"May kunting problema lang sila ni Joul, but it's settled now." Sagot niyang tinago sa simpleng ngiti ang kirot sa puso.

Tumunog ang kanyang cellphone. It is a text message based on the ring tone. Lalong humapdi ang puso niya nang maisip na baka galing iyon kay Joul. Atubiling kinapa niya ang cellphone at binuksan. Nakagat niya ng mariin ang labi. Di nga siya nagkamali.

Binuksan niya ang mensahe ng binata.

Him : I did what you want, Vanessa is safe now...

Nagtype siya ng reply. Pero bago pa niya iyon nai-send ay panibagong message ang dumating.

Him : Can we talk, please...

Parang piniga ang dibdib niya.Ibinaba niya ang cellphone at naupo sa kanyang silya. Para ano pa? Wala na silang dapat pag-usapan. Malinaw ang sinabi niya kanina at ginawa nito kung anong gusto niya. Doon na matatapos iyon. They cannot go on anymore. Vanessa is back in his life now.

"Miss, ayos ka lang?" Tanong ni Darren na lumapit sa kanya. "Ano po bang nangyari?" Muling usisa ng binata.

Umiling lamang siya. Ayaw niyang magpagod na ikwento ang nangyari dahil mamaya paglabas nito ay tiyak kalat na sa buong university ang ginawa ni Vanessa.

Muling tumunog ang cellphone niya. A call. Joul is calling. Hinayaan niya lang iyon hanggang sa kusang huminto ang pagkanta.

Wala sa loob na tumingin siya sa buong klase. "You may take your break now. We will be having our homeroom meeting this afternoon after your lunch." Sabi niyang pilit na siniglahan ang tono.

Tahimik na sumunod ang mga estudyante at naglabasan ng classroom. Pero si Darren ay nagpaiwan at ang iilang girls na madalas nitong kasa-kasama. Abala sa pagtitext sa cellphone nito ang binata. Maaring nagtanong ito kay Trisha.

UMALIS sa may bintana ng conference room si Joul habang hindi inaalis ang mga mata sa screen ng kanyang cellphone. Oshema ignored his call. Di rin ito nagreply sa text niya. Lumapit sa isa sa mga silya ang binata at naupo. Nginusuan si Mr. Saavedra na nakaupo katapat niya at kanina pa talak ng talak. Parang nanay lang ang dating.

" Are you even listening to me?" Ulit nito sa mas malakas na tono.

Ibinaba niya ang cellphone sa mahabang conference table sa harap niya at humilig sa headrest ng silya.

"I'm listening. Speak." Hinilot niya ang sentido. Galit ba si Oshema sa kanya? Ito pa ba ang may ganang magalit pagkatapos siya nitong ipaubaya na lamang basta kay Vanessa? Ganoon lang? Ibibigay siya nito sa iba na parang wala lang? Di ba nagmamahalan sila?

"Do you really have to do that?" Namumula ang mukha ni Mr. Saavedra sa pagpipigil ng inis.

" Do what?" Mula sa kanyang sentido ay ibinaba niya ang kamay sa kanyang batok at iyon naman ang minasahe.

"Your cheesy confession!" Matigas nitong atungal na bahagya pang hiningal.

Napangiwi siya. "Manage your temper, Saavedra. Baka atakehen ka mawawalan ng sustento ang mga kabit mo." He shot the administrator a lazy glare.

"My private affair is hardly none of your concern." Nanggalaiti ito.

"So was mine. Quit the preaching part. I know what I'm doing. I don't regret telling the whole school that I love her."

"Really, huh! Are you prepared for the consequences then?" Sigaw nito. Sobrang nakukunsumi na sa kanya.

"Tone down your voice, old man. I'm not deaf." Umayos siya ng upo at binigyan ng nakamamatay na titig ang kausap. "What's the deal anyway? You traditional people should start giving up your sick norms."

Napailing ito. Di malaman kung anong gagawin. "I am very disappointed with you." Nanghihina nitong pahayag.

"Can't do anything about that, can i?" Dinampot niya ang cellphone. Binuksan. Wala pa rin. Nagtype siya ng panibagong text message.

Him : Babe, talk to me, please...

"Mula ng dumating ang dalawang yan dito ay nasira na ang balansi ng pag-iisip mo. Kailangan ko na silang alisin dito sa university."

"Do what is necessary but don't do anything stupid like that." Matigas niyang sagot ng di tinitingnan ang administrator.

"But, sir___"

"Bullshit!" Marahas na ibinagsak niya ang mga kamao sa table. "I am your superior, Roelle! Follow my orders, that's what you're here for!"

Napailing itong muli tanda ng pagsuko. " Yes, sir." Pagpaparaya nito.

Napatayo siya at ibinulsa ang isang kamay habang palakad-lakad na minamasahe ulit ang batok. Oshema's not answering his texts. She's fucking ignoring him. Damn it! Can't take this. Hindi lilipas ang araw na ito na hindi sila nagkakaayos ng girlfriend. Hindi siya papayag.

"What about the PTA? Siguradong hihingi sila ng paliwanag sa nangyari."

" When did you become such a coward, Saavedra?" Marahas na baling niya sa lalaki. "Hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot ang university sa isang eskandalo. Let our people complain. Let them speak their mind and criticize us. But never allow their screwed up opinion to affect your disposition as their head."

Ano bang pakialam niya sa sasabihin ng mga magulang ng mga estudyanteng wala namang ibang magawa kundi tingnan lang ang pagkakamali ng ibang tao? Mga taong akala sa sarili ay santo at hindi marunong magkasala. Tingin sa sarili ay sila lang ang may monopoliya kung anong wasto sa mundong ito kasi sila ang maalam at matanda. Nauna sa duyan. Abante ng iilang yapak. The hell with those people.

"I know, Mr. President. I understand." Tumayo si Mr. Saavedra at lumapit sa intercom na nakakabit sa dingding. May pinindot na button doon at nagsalita. " Mrs. Gonzales, notify Ms. Vanessa Olivia Torres, Mrs. Divine Garcia, Dr. Roselle Alegado, Dr. Annaliza Monterola and Ms. Oshema Yzabella Salcedo. I need them here in the conference room right now."

"Noted, sir." Sagot ni Mrs. Gonzales.