Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

HE LIKES YOU...

Pabalik-balik ang sinabing iyon ni Joul sa utak niya habang nakaantabay sa practice ng team sa hapon na iyon. She can't help watching Gwendel moving hyper-actively in the court. Ito ang sentro ng koponan. Gusto siya nito? Those mix signals he's giving her was a display of affection for her? Pero di niya nakuha agad. She should be more sensible.

Pumito ang referee na isa sa mga reserved players at ibinigay sa team ni Joul ang bola. Kalaban ng binata sina Gwendel at ang iba pa sa first five. Kakampi naman nito ang mga banko na manlalaro nila. Ipinasa ng kasama ang bola kay Joul. Umabante ang binata para umatake.

Tumayo siya. "Pigilan nyo siya! Tatlong beses na kayong nalusutan ni Joul! At iwas sa foul! Neil, Roven, double team, faster!" Sigaw niya. Tumingin sa kanya si Gwendel at ngumiti. Si Joul naman ay dumilim ang mukha.

Ipinasa nito ang bola sa kasama matapos masukol sa mahigpit na depensa nina Neil at Roven. Itinira ang bola pero nasupalpal iyon ni Gwendel bago pa umabot ng ring. Nakuha ni Jevee ang rebound.

"Fuck!" Malutong na mura ni Joul na mabilis na bumalik para sa depensa. "Baba na baba! Damn it!" Nakita nito ang pasa ni Jevee kay Neil. He shifted like a feather to intercept the ball. Tinamaan nito ang bola at mabilis na hinabol. Muli nitong nabawi ang laro.

"Gwendel, harangin mo! Ano ba kayo! Dapat nababasa nyo na ang mga galaw niya!" Sigaw niya. "Depensa!"

"Ano bang problema mo sa akin?" Tumigil sa tapat niya si Joul. Hindi maipinta ang mukha.

Napakurap-kurap siya. "Ha? Wala naman."

"Wala? Kanina ka pa, ah!" Asik nito.

Lumapit sa kanila ang iba at natigil ang laro.

"Captain, wag mong awayin si coach." Saway ni Neil rito na nakabungisngis.

Pinukol ito ni Joul ng nakamamatay na tingin pati sina Gwendel at Roven na tawa ng tawa.

"Shut the hell up, Fernandez! At kayong dalawa, tigilan nyo ang kakatawa kung ayaw ninyong magpulot ng ngipin sa sahig! Suckers!" Nagmartsa ito pabalik ng court. Kinuha ang bola at hinambalos sa ring.

Hindi matigil sa kakahalakhak sina Gwendel at ang iba habang bumabalik na rin sa korte. Pati siya ay napapangiting pinagmamasdan ang nakabusangot na mukha ni Joul. Ang gwapo talaga nito kahit galit. The game resumed. Bandang huli ay nanalo pa rin ang team ng binata sa abanteng isa't kalahing puntos.

Iniklian nila ang oras ng ensayo sa araw na iyon dahil may open-forum pa sila. Pinagpahinga muna niya ang mga manlalaro bago nila sinimulan ang forum. Si Gwendel ang unang nagsalita.

"Alam nating lahat na madalas tayong abutin ng gabi sa practice. Hindi ligtas para kay coach na umuwing mag-isa sa staff house kapag gabi na. Naisip ko, para matiyak ang kaligtasan niya gagawa tayo ng schedule kung sinong maghahatid sa kanya araw-araw. Mas maganda din kung pati sa umaga may susundo sa kanya kasi balita ko kursunada siya ng anak ni mayor. At may tupak iyon. Baka kung anong maisip gawin." Paliwanag nitong saglit na sumulyap sa kanya. Ngumiti siya.

"Di ba hatid-sundo siya ni captain?" Si Neil.

"Hindi natin pwedeng i-asa kay Joul ang paghahatid at sundo kay coach. May trabaho siya pagkatapos ng practice."

"Pwede ba na exempted na lang ako diyan?" Si Neil ulit na napaka-seryoso.

"Bakit?" Tanong ni Gwendel na nakaangat ang isang kilay.

"Ang lagay kasi, inlove ako kay coach, eh. Kung pagsasamahin nyo pa kami sa umaga hanggang sa hapon baka mabaliw na ako sa kanya ng tuluyan." Bulalas nitong nakabungisngis. Malinaw na nagloloko na naman.

Kinabig ito nina Jevee at Roven at pinagtulungang sakalin. Tawanan ang lahat. Sinulyapan niya si Joul na tahimik lang na nakaupo sa dulo ng bench at nakangiti. Tumingin din sa kanya ang binata. They're changing warm smiles and it melts her heart into fluid.

"Guys, let's be serious. This is not a joke." Wika ni Gwendel matapos humupa ang tawanan.

"Wala namang problema iyon. We're on it." Sagot ni Jevee.

"Yeah, that's cool." Suporta naman ni Roven.

Sumang-ayon ang lahat. Ito ba yong paraan ni Gwendel para mapagtakpan sila laban sa mga pagdududa ng buong eskwelahan? This is basically well-planned. Gusto niya sanang magsalita para magpasalamat pero pinili na lang niyang manahimik at baka hindi niya maitago sa tono ang sundot ng kanyang konsensya. They are fooling everyone. Niloloko nila ang lahat para lang maitago ang kanilang relasyon. Alam niyang iyon din ang nararamdaman ni Joul kaya di rin ito nagsalita at hinayaan na lamang ang kaibigan. Kapag nabunyag ang katotohanan mapapatawad kaya sila ng koponan? Maaaring hindi at tatanggapin niya iyon dahil iyon ang nararapat.

Sinamahan niya ang mga manlalaro sa locker room para kunin ang kanilang duffel bags. Pagkalabas ng auditorium ay patagong hinawakan ni Joul ang kamay niya at masuyong pinisil. Nagpapaalam ito na tutuloy na sa trabaho. Gumanti siya ng pisil sa kamay nito bago sila bumitaw sa isa't isa. Sina Gwendel at Neil kasama ang iba ay nagpaalam na rin. Habang sina Jevee at Roven ang naiwan para maghatid sa kanya ayon sa ginawang schedule. Ang itim na Impreza ni Jevee ang sinakyan nila. Nasa front seat ulit siya at sa likod si Roven. Tumunog ang kanyang cellphone. May text message. Nang buksan niya iyon, nakita niyang galing kay Joul.

Him : Be careful, I'll call you later, I love you...

Napangiti siya. Kinilig.

Her : I'll be waiting then, I love you more...

"Hmn, si coach kinilig." Panunukso ni Jevee na sumulyap sa kanyang phone.

Agad niyang ibinaba iyon sa kanyang kandungan at tumikhim. "Hindi, ah!" Depensa niya.

"Sus! Halatang-halata, coach. Yong ngiti mo, 'sing-tamis ng asukal." Humalakhak si Jevee.

Nakitawa din si Roven sa likuran. " May boyfriend ka, coach?" Tanong nito.

"Naiwan mo ba ang utak mo sa court, Roven? Sa ganda niyang yan tinatanong mo kung may boyfriend? Dupe." Kastigo ni Jevee rito.

Nakita niya sa rearview mirror na napakamot sa ulo si Roven at sumimangot. Naiirita sa pangbubuska ng kaibigan.

Nakarating sila ng staff house at nagpasalamat siya sa dalawang binata. Sa gabing iyon ay ginawa niya ang usual routine niya at inalis sa isip ang mga pangamba para sa hinaharap. Nagluto siya ng hapunan. Pinakain si Pepang at dinalaw niya sa kweba ang mga kuneho at dinalhan ng maraming Chinese kangkong. Pagbalik niya ng bahay ay naghapunan siya.

Habang naghihintay sa tawag ni Joul ay pinagkakaabalahan niya ang magiging lesson para bukas. Nang matapos ay naligo na siya. Past eleven na nang tumunog ang kanyang cellphone. Tiniklop niya ang binabasang aklat ukol sa basketball at ibinaba iyon sa mesita sa kanyang harap. Dinampot niya ang cellphone.

"I thought you're asleep." May bahid ng galak sa boses ni Joul mula sa kabilang linya.

"Di ba sabi ko maghihintay ako?" Hinawi niya ang buhok at nilagay sa isang balikat. Sinuklay niya iyon gamit ang mga daliri. "Kumusta ang trabaho mo?"

"May inutos na urgent si Mr. Saavedra doon sa opisina niya." Narinig niya ang andar ng motorbike nito. Naka-headphone siguro ito. "Uuwi na ako ng dorm."

" Okay, ingat sa pagda-drive."

" Thanks, matulog ka na." Umarangkada ang makina ng motorbike nito.

"Um, goodnight, see you tomorrow." Ito at si Gwendel ang nakatukang sumundo sa kanya bukas ng umaga.

" Tomorrow, then." He chuckled sexily. Tila ba alam nito ang kanyang iniisip. " Goodnight, babe. I love you..."

" I love you too, Joul." Tinapos na niya ang tawag at napangiti na parang may sapi.

Alas-dos ng madaling araw nang umulan ng malakas at nang sumapit ang alas-kwatro ay nagsimula namang lumakas ang hangin. Hindi na muli nakabalik sa pagtulog si Oshema. Hinanda na lamang niya ang flashlight at mga kandela sakali biglang magbrown out. Katatapos lamang niyang magrosary nang tumawag si Joul.

" Babe, nandito ako sa labas. Pwede bang pumasok?" Dinig niya sa background ng cellphone nito ang malakas na buhos ng ulan at pagbayo ng hangin sa labas.

"Pababa na ako. Saglit lang." Hinablot niya ang tuwalyang nakasampay sa may headboard ng kama at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Tinakbo niya ang hagdan pababa ng sala at patungo sa pintuan.

He was standing at the side of the doorway leaning against the jambs when she opened the door. Wearing a black leather jacket and a nike fex cap, he is soaking wet from head to toe.

"God, Joul, you're crazy. Anong ginagawa mo dito?" Hinatak niya ito papasok sa loob ng bahay.

" There's a storm, we're in signal number two according to the news." Nilalamig nitong sagot na tumayo sa may basahan para doon mapunta ang tubig na umaagos mula sa basa nitong mga kasuutan.

"That's exactly the point. Bumabagyo tapos pumunta ka rito. Ang lakas ng hangin sa labas. Paano kung tinamaan ka ng mga nagliliparang bagay? " Tinanggal niya ang suot nitong cap at pinunasan ng dalang tuwalya ang basa nitong buhok.

"Nag-aalala lang naman ako sa iyo." Ungot nito, bakas sa mukha ang pagkatuwa dahil sa ginagawa niyang pag-aasikaso.

"Where's your motorbike?" Wala kasi siyang nakita sa labas noong pagbuksan niya ito.

"Iniwan ko sa dorm. Tumakbo lang ako papunta rito."

Nahampas niya ito sa braso. "Ikaw talaga, pasaway!"

Natawa lamang ito at hinuli ang kamay niya. "Di ako matatahimik hangga't di ko natitiyak na maayos ka at ligtas." Tumitig ito sa mga mata niya. That's one thing she loves about him. He can easily make her blood boil like this.

Napapiksi siya nang yakapin nito. "Ano ba? Mababasa ako."

Napahalakhak ito sa tuwa at lalo pa siyang tinukso na yayakapin. Natawa na lang rin siya na lumayo rito. Lumigid siya sa bandang likuran nito at tinulungan itong hubarin ang jacket.

"Take off your shirt and your pants."

Mabilis naman itong sumunod at naghubad. Naiwan ang suot nitong boxers na itim. Kinuha niya ang mga hinubad nitong kasuutan at dinala sa may sofa. Isinampay niya ang mga iyon sa sandalan at pinaandar ang electric fan. Itinapat roon.

Iniwasan niyang tumingin rito. Pero sadyang taksil ang mga mata niya. Paulit-ulit pa na humahagod sa katawan nitong sinusuyo ng mga butil ng tubig. Parang gusto na rin tuloy niyang matunaw at maging tubig na lang. Halatang banat sa trabaho ang katawan nito. His muscles are nicely toned. Kailangan din nito iyon dahil sa basketball hindi maiiwasan ang sukatan ng lakas.

"Pati ba ito huhubarin ko na?" Pabiro nitong tanong na akmang ibababa ang boxers.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. Agad itong umayos at humalakhak. Lumapit ito sa sofa at nilaro saglit si Pepang na nakahilata roon at tulog na tulog.

"Tayo na sa taas para makapagbihis ka." Nagtungo na siya sa hagdan at bumuntot ito sa kanya. May mga damit ito sa kanyang cabinet. Dala nito noong huling dito ito natulog kasama sina Neil at Gwendel.

Kumuha siya ng bihisan nito sa cabinet habang sumaglit naman ito sa shower. Black shorts at dark blue na t-shirt. Nilapag niya iyon sa kama at tinungo ang bintana. Sumilip siya sa labas. Kahit wala siyang halos makita dahil sa dilim ramdam niya pa rin ang malakas na pagbayo ng hangin kasama ng ulan.

Lumabas ng banyo si Joul. Sinulyapan nito ang bihisan na nasa kama habang pinapasadahan ng daliri ang basang buhok. Pinulot nito ang shorts at isinuot. Saka ang tuwalya niyang ipinantapis sa ibaba ay ipinunas sa buhok. Lumapit ito sa kanya.

"Hindi ba papasukan ng tubig ang kweba kapag umaapaw ang ilog?" Tanong niya. Bigla niyang naisip ang mga kuneho. Nag-alala siya.

"Hindi. Don't worry, Nonoy and Mimi will be fine. This is not the first time a storm hit this area. Mas matindi pa nga yong huli. Category three." Isinampay nito sa balikat ang tuwalya at niyakap siya mula sa likod.

Umikot siya paharap rito. " Wala sigurong pasok ngayon." Itinukod niya sa matigas nitong dibdib ang mga kamay at pinindot-pindot ang masel doon. Nasamyo niya ang liquid soap niya sa katawan nito at ang aloe vera shampoo na ginamit nito. His fresh breath as well.

" The school president issued a suspension of class for all levels just a while ago before I came here. The dorm master announced it." Bumaba ang mukha nito sa kanya.

Her heartbeat started racing. Ang mga paru-paro sa kanyang tiyan ay nagising. Lumapat ang mga labi ni Joul sa kanya habang umatras ito papuntang kama. Pabagsak na naupo ito doon at hinapit siya pasampa sa kandungan nito. Hindi naghihiwalay ang mga labi nila. His expert tongue went in and sucked her sweetness. Napaungol siya.

Nagsimulang humaplos ang nagbabaga nitong mga kamay at naglakbay sa kanyang katawan. Bawat daanan ng hagod nito ay parang natutupok. Kung gaano kalamig sa labas ganoon naman kainit ang nararamdaman niya. Ang puso niya ay sumasabay sa lakas ng hampas ng hangin na tila mawawasak na ang kanyang dibdib.

Iniwan ni Yzack ang kanyang mga labi at bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Hinubad nito ang suot niyang puting negligee at hinagis iyon sa sahig.

Kinilabutan siya sa unang dampi ng palad nitong banayad na humaplos sa kanyang dibdib habang pinapatakan nito ng maliliit na halik ang kanyang balikat paakyat sa kanyang leeg at pababa sa kabilang balikat niya.

Ibinuwal siya nito sa kama at sinakop ng bibig nito ang isa niyang nipple. He teased it with his tongue and teeth, giving her a violent sensation. Napakapit siya sa buhok ng binata.

"Ahhh...Yzack..." Napasigaw siya sa sarap. It's tormenting.

Bumaba ang halik nito sa kanyang pagkababae at nagtagal sa paglalaro doon. Sunod-sunod na ang sigaw na pinakakawalan niya. He pulled away and took his shorts off . Pakiramdam niya umusok ang mukha niya sa sobrang init at kahihiyan habang pinagmamasdan ang nag-uumigting nitong simbolo. He is huge.

Nalukot ang mukha niya sa unang bugso ng pagpasok nito sa kailaliman niya. Magkahalong sakit at sarap ang umalipin sa kanya.

Sa labas ay patuloy na pinarurusahan ng nag-aamok na hangin ang walang muwang na kalikasan.

Pasado alas-otso na nang magising si Oshema. Ginising siya ng pagkalam ng kanyang sikmura. Kinapa niya si Joul sa kanyang tabi. Wala ito roon. Napatingin siya sa nakasinding kandela sa maliit na kandilero sa study table at napatingin din sa nakapatay na ilaw sa ceiling. Brown out pala. Bumangon siya at inabot ang kanyang cellphone sa side table. Pakiramdam niya nasa loob pa rin niya ang pagkalalaki ni Joul. Inabot niya ang negligee na nakasampay sa may headboard at isinuot. Hinagilap niya sa sahig ang tsinelas.

Nagtungo siya sa cabinet at kumuha ng kaftan. Ipinatong niya sa suot na negligee para hindi siya gaanong lamigin. Nag-isip pa siya kung magsusuot siya ng underwear. But in the end she decided not to, thinking it would be useless. Huhubarin din iyon ni Joul.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Napatingin siya roon. Joul appeared with a tray of food in his hands and a striking smile on his lips. Ngumiti siya pabalik. Sinipa nito pasara ang pinto at tinunton ang mesita.

" Brown out. How was your sleep?" He asked, putting down the tray on the centerpiece.

"Ginising mo sana ako para natulungan kita sa kusina." Lumapit siya rito. Avocado toast with egg, bacon, rice with corn beef, boiled egg at isang baso ng banana smoothie. Napanguso siya. Lahat ng nakahain ay nagbibigay ng sumisipang enerhiya. Anong gustong palabasin ng lalaking ito?

" Kain na, alam kong gutom ka na." He picked a piece of bacon and feed it to her.

Ibinuka niya ang bibig at kinagat ang kalahati ng bacon. " Pumunta ka ba talaga rito para alamin kung ayos lang ako o para ayusin yang init ng puson mo?" Inirapan niya ito habang nakangusong ngumunguya.

Humalakhak ito. "Both." Anitong kumindat.

Sinimangutan niya ito at naupo. "Kumain ka na?" Inabot niya ang banana smoothie at tinikman. Masarap. Tamang-tama lang ang tamis ng gatas.

"Tapos na." Nagtungo ito sa may bintana at sumilip sa labas. "Pinakain ko na rin si Pepang. Lalo siyang tumaba ngayon." Komento nito.

Talagang tataba iyon, tulog at kain lang naman ang ginagawa. Kumain siya ng rice na may corn-beef at dinampot ang boiled egg na binalatan niya. Kinagat niya iyon. Tinikman din niya ang avocado toast.

Umalis sa may bintana ang binata at binalikan siya. Naupo ito sa kanyang tabi at pinanood siyang nilimas lahat ng pagkaing nasa kanyang harapan. Di niya malaman kung nasasarapan siya o sadyang sobrang gutom lang.

Kinagat-kagat ni Joul ang labi habang nakangiting pinanood si Oshema na sinisimot ang pagkain. He's glad she liked it, kahit quick prepared meal lang ang mga iyon. Not the best that he can offer. Hinagod niya ng tingin ang babae na inubos ang banana smoothie. She's so damn beautiful.

Hindi niya alam kung sapat siya sa ngayon para maging karapat-dapat sa tiwala at pagmamahal nito pero ilalaban niya kung anong mayroon sila ngayon para sa kanilang bukas. Damn! Kahit buong taon pa magbabagyo ay ayos lang basta't kasama niya ito.

"Ako na ang maghuhugas nito sa ibaba." Tumayo ito at binitbit ang tray.

"Sasamahan na kita." Kinuha niya ang tray mula rito at siya na ang nagdala.

She pouted and then smiled. It sent shivers down to the very last nerve in his body. Bumigat na naman ang paghinga niya. Ganito pala pag nagmahal. Napakahirap huminga palagi. Minsan, pakiramdam niya lumalaki ang puso niya at di na magkasya sa loob ng kanyang dibdib at kapag sobra siyang masaya ay kumikirot. Di niya maintindihan. Pero kahit ganoon ay gusto niya pa rin.

Magkasama silang bumaba ng hagdan habang nakakapit ito sa braso niya. Minsan ay humihilig sa kanyang balikat. Sana laging bumagyo. Bumitaw ito pagdating ng sala at yumukod para haplusin ang ulo ni Pepang na sumalubong sa kanila. She giggled with the cat's returning the affection by brushing its body into her.

Nagtuloy sila sa kusina kasama ang pusa. Ibinaba niya sa baldosa ang tray at agad naman itong pumwesto sa tapat ng lababo para maghugas ng mga pinagkainan. Pinanood niya uli ito ng walang kasawa-sawa. Habang abala ito sa paghuhugas ng mga pinggan, si Pepang ay abala rin sa pagpupunas ng mukha gamit ang paa na dinidilaan. Napangiti siya.

Pagkatapos maghugas ay nagpunas ito ng kamay sa kitchen towel na nakasabit sa handle ng refrigerator at sinuyod nito ng tingin ang buong kitchen. Buti na lang naglinis siya kanina pagkatapos niya magluto. She finally turned to him after checking the kitchen out. Nananantiya ang titig nitong may kakayahang pasabugin ng walang pasubali ang kanyang libido. Unti-unting pumungay ang mga mata at malambing na umirap.

Damn! He knew that signal. She liked what she saw. That turns him on really bad. Hinapit niya ito sa baywang at siniil ng halik sa labi. Damn it! She is addicting. Her lips. Her smell. Her skin. Her softness. Everything. Nalalango siya.

Hinubad niya ang suot nitong kaftan at isinampay sa sandalan ng silyang pinakamalapit sa kanya. Binuhat niya ito at isinampa sa kitchen counter. Ibinaba niya ang strap ng suot nitong negligee.

"Joul, si Pepang nakatingin." Puna nito na nakanguso sa pusang nanonood sa kanila.

Nilingon niya ang alaga nito. Nakatingin nga. "Nahihiya ka ba kay Pepang?" Tanong niyang sinundan ng malutong na halakhak. Really? She is ashamed with the cat watching them make out?

"There's nothing funny about it." Pinalo siya nito sa dibdib. Her cheeks are flushed brightly makes her so damn irresistible.

Sa halip na tuksuhin at inisin pa ito lalo ay muli niyang hinagkan ito ng mapusok sa labi at sinimulang sambahin ng haplos ang dibdib nito. Umungol ito at marahas na umarko ang katawan.