Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

Buong araw na nananalasa ang masamang panahon. Pagdating ng hapon ay kumalma na ang hangin pero nagpatuloy ang patak ng ulan. Pagkatapos ng halos walang pahingang lambingan sa kama ay nakatulog si Joul. Dilat na dilat naman ang mga mata ni Oshema na nakahiga sa tabi ng binata at nakakulong sa mga bisig nito.

Magluluto siya ng maaga para sa hapunan. Baka hindi bumalik ang kuryente, mauubos ang kandila at maglolowbat ang flashlight. Maingat niyang inalis ang braso ni Joul na nakayapos sa kanya.

"Hmnn, where are you going?" Paungol nitong tanong na lalong humigpit ang yakap sa kanya at isiniksik ang mukha sa kanyang leeg.

"Maghahanda ng dinner. Hapon na." Nakikiliti siya sa hininga nito na tumatama sa kanyang balat.

"Mamaya na. Tulog muna tayo." Inaantok nitong sabi.

"Baka abutan tayo ng dilim. Walang ilaw." Argumento niya at sinubukan uli na makawala sa pagkakakulong rito. Hindi na ito nagmatigas at pinakawalan siya.

"Anong lulutuin mo? Tutulungan na kita." He rolled on his back. Nilagay sa ilalim ng ulo ang mga kamay.

"Wag na, kaya ko na iyon. Matulog ka na lang." Bumangon siya, inabot ang kaftan at tinakpan ang katawan.

Nagbihis siya ng pink blouse at board shorts na black. Lumapit siya sa dresser at sinipat ang sarili sa salamin. Sinuklay niya sa daliri ang buhok. Sinulyapan niya si Joul na bumangon at nagbihis din ng t-shirt at shorts na suot nito kanina. Ayaw nito magpaawat at talagang gustong tulungan siyang magluto.

Magkasama silang lumabas ng kwarto. Nakaakbay sa kanya ang binata habang bumababa sila ng hagdan at panay ang dampi nito ng halik sa ulo niya.

"Di ka ba uuwi ng dorm? Baka hanapin ka doon ng dorm master." Tanong niya pagsapit nila ng sala. Napatingin siya kay Pepang na nakahilata sa sofa at nag-uunat.

"Nagtext na ako. Tinext ko rin si Gwendel, telling him I'm here." Sagot ni Joul.

Tumango siya. Pagsapit ng kusina ay di niya naiwasang pamulahan ng pisngi nang maalala ang ginawa nila doon kanina. She can't believe he made love to her in the kitchen counter and she allowed it. Pinanood pa sila ni Pepang. Buti na lang di marunong magsalita yong pusa kundi malaking eskandalo kung ipagsasabi nito ang nakita kanina.

Tumingin siya sa binata at lalong nagliyab sa init ang pisngi nang matantong nakatitig ito sa kanya. Nakaangat ang isang kilay nito at may pilyong ngiti na nagbabantang sumungaw sa sulok ng mga labi. Mabilis niyang binawi ang paningin at binuksan ang refrigerator. Umabot na sa quota ang hiya niya sa araw na iyon. Tiniis niya lang.

Naglabas siya ng manok, ground pork at mga sahog. Tinulang manok at potato balls ang lulutuin niya. Nagsaing muna siya sa rice cooker. Si Joul naman ay kinuha ang mga patatas at iba pang sangkap para mabalatan. Parehas silang natigil ng lalaki sa ginagawa nang makarinig ng busina ng sasakyan mula sa labas.

"Titingnan ko muna." Paalam niya at tinungo ang pinto. Binuksan.

Nagkagulatan sila ng lalaking nasa labas na akmang kakatok. Pero mas napamulgat siya nang mapagsino iyon.

It was Gerald Madrigal standing in front of her, with his cute boyish smile. He's wearing a hooded black heavy coat and a leather boots.

"Hi," bati nito.

"Hellow, Gerald." Kaswal niyang sagot at ngumiti. "Anong ginagawa mo rito?"

"I'm just checking out if you're okay. I joined the city disaster rescue team and we're doing some few rounds all over this area." He explained quickly. "Ayos ka lang ba rito? Mag-isa ka lang." Dagdag nito at hinagod siya ng malagkit na titig.

Bigla siyang nagsisi kung bakit board shorts ang napili niyang isuot. Ramdam niya ang talim ng tingin ni Joul mula sa kusina sa kabila ng distansya nila. Parang gusto na tuloy niyang pagsarhan ng pinto si Gerald pero napakabastos naman niya pag ginawa niya iyon. Naturingan pa naman siyang guro.

"Okay lang ako rito. I can handle myself." Humigpit ang kapit niya sa doorknob.

"Right," tumango ito. " Di na ako magtatagal. Naghihintay na ang mga kasama ko." Nagpaalam na ito.

"Salamat, Gerald." She trailed of out of courtesy.

He just waved a hand and gone with the rest of the rescue team. Isinara niya ang pinto at napasandal roon. Pinukaw siya ni Pepang na ipinilupot sa binti niya ang buntot. Ni-lock niyang mabuti ang pintuan at binalikan sa kusina si Joul.

Nakasalang na sa stove ang kaserola at ang manok na papakuluan. Kasalukuyang hinuhugasan ng binata sa lababo ang binalatang patatas at ibang gulay.

"Ako na niyan." Lumapit siya rito. Di naman ito nagmatigas at umusod sa tabi. Sinilip ang nakasalang na manok. Tumalikod ito at sumandal sa baldosa. Ikinatang din nito roon ang mga kamay.

"He's drooling over your legs." Komento nito na ikinahinto niya saglit.

"Hindi ko naman alam na pupunta siya rito. Kung alam ko di ako magsusuot nitong shorts." Katwiran niya. Sinulyapan niya ang lalaki na nakatitig sa kanya. Nananantiya habang galit ang mga kilay.

"What's he doing here?" Matigas nitong tanong.

"Sumama siya sa rescue team ng city disaster. Tiningnan nila kung may pinsala sa lugar." She resumed washing the vegetables pero pasulyap-sulyap siya kay Joul.

"Nagpapa-good shot sa iyo." Nakasimangot na konklusyon nito.

"Yzack, he was just___"

"Other than being the mayor's son, what else do you know about that guy?" He snapped, irritated.

"Wala na." She pursed her lips. Alam niya kung anong pinupunto ng binata. Pero hindi naman sa kinakampihan niya si Gerald. Hindi lamang siya sang-ayon na agad itong pag-iisipan ng di maganda dahil napadaan at kinamusta siya.

Nang sumunod na mga saglit ay wala na silang imikan. At ang katahimikan nila ay binulabog ng busina ng sasakyan na muli ay nanggagaling sa labas ng bahay. Sa pagkakataong iyon ay naalarma na siya. Tumingin siya kay Joul na nag-aabang sa manok na pinalalambot sa kumukulong tubig. Nakaiwas ang mga mata ng binata pero banaag niya roon ang dilim at galit. Ang nag-uumigting nitong mga panga ay gumagalaw sa higpit ng gitgitan ng mga bagang nito.

At wala siyang nagawa nang humakbang ito palabas ng kusina. Nanghihinang napaupo na lamang siya sa kalapit na silya at sumubsob sa mga palad. Gusto niyang umiyak pero walang luhang lumalabas sa mga mata niya. This is her choice. She chose to love him. Anong karapatan niyang umiyak? Wala. Dahil sa simula pa lang ay alam na niyang mali.

Para siyang papel na nahahati sa pagitan ng sinasabi ng kanyang utak at ng bulong ng kanyang puso. Sa dalawang sistema na ang isinisigaw ay parehong tama sa makasariling pamantayan.