Nag-init ang pisngi ko dahil sa mga sinabi nya, pakiramdam ko ay hindi ko deserve ang lahat ng ito.
Napapikit ako ng halikan nya ako sa noo.
"I'll talk to your brother later" paliwanag nya na nakapagpadilat sa akin.
"P-pero.. " agad nya akong pinutol sa pagsasalita at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Sssh , don't worry babe ako ang bahala sa kuya mo " nakangiti nyang sabi sa akin, napansin ko ang pagbaba ng tingin nya sa labi ko, wala sa sariling binasa ko iyon dahil pakiramdam ko ay tuyong-tuyo na iyon.
"May usapan kami ng kuya mo" paos ang boses nyang sabi,dumapo ang hinlalaki nya sa labi ko at marahan iyong sinalat. Seryoso ang mukha nya at tila malalim ang iniisip.
Mas lalo tuloy syang gumagwapo.
Ibinaling ko din ang atensyon ko sa mapupula nyang labi, unti -unti kong inangat ang kamay ko para hawakan ang kamay nyang nakahawak doon.
"Ano naman iyon?" Wala sa sariling tanong ko, napansin ko ang pagsinghap nya sa ginawa kong paghawak at mabilis na hinawakan ang kamay ko at dinala iyon sa labi nya.
Bahagya akong nagulat dahil sa ginawa nya ang akala ko ay tatanggalin nya iyon ng tuluyan pero ganon na lamang ang pagbigat ng paghinga ko nang paulanan nya ng masusuyong halik ang palad ko.
Tila nabato ako sa hindi maipaliwanag na sensasyon sa aking katawan. Mas lalo pang tumitindi iyon habang pinapanood ko syang ginagawa ang paghalik sa palad ko.
Huminto sya saglit at sinulyapan ako ng namumungay nyang mga mata. Binasa nya ang pang ibabang labi nya gamit ang dila bago nagsalita.
"Can I --" agad kong kinain ang distansya sa aming dalawa at inilapat ang labi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ba humalik ng katulad sa mga napapanood ko kaya nakapikit lang ako at hinihintay na sya ang unang gumalaw. Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang marahang paggalaw ng mainit nyang labi at ang paghawak nya sa likod ng batok ko para mas lalo pang palalimin ang halik.
"Shit.. I broke my promise Cole" mahinang mura nya sa pagitan ng paghalik nya sa akin.
Bago lang sa akin ang init na nararamdaman hindi ko alam kung paano iyon ilalabas sa katawan ko pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin. Isang impit na ungol ang pinakawalan ko. Ang isang kamay nyang taas baba sa aking likod tila pinapakalma ako.
Bahagya akong napaatras ng maramdaman ang dila nyang pilit ipinapasok sa labi ko.
'What the hell?' Bakit kailangan ipasok ang dila?!
Hindi ko hinayaan na gawin nya iyon pilit kong tinikom ang labi at huminto pero parang wala syang paki-alam at patuloy lang sa ginagawa.
Napasinghap ako ng maramdaman ang padaplis na pagsalat ng kamay nya sa dibdib ko, nung una ay akala ko hindi nya sinasadya pero muli akong napasinghap at napa-ungol ng sunod-sunod na nya itong haplusin dahilan para mapabuka ang bibig ko kaya sinamantala nya iyon para ipasok ang dila nya.
Magpoprotesta pa sana ako pero habang tumatagal ay nagugustuhan ko na rin ang ginagawa nya. Ikanawit ko ang dalawa kong braso sa balikat nya at sinabayan ang bawat galaw na ginagawa nya.
Hindi ko namalayan na nakaibabaw na pala sya sa akin at nakatukod ang isang kamay sa gilid ng ulo ko habang ang isa ay malayang naglalakbay sa ilalim ng blouse ko.
Napapaliyad ako sa bawat paghaplos nya sa gitna ng dibidib ko pababa sa puson ko. Hindi ko alam kung paano ba tutumbasan ang ginagawa nyang ito dahil wala pa akong karanasan sa ganito.
Muli akong napaungol ng bumaba ang labi nya sa leeg ko at masuyong hinahalikan iyon, napasabunot ako sa ulo nya nang pasadahan nya iyon pababa sa ibabaw ng dibdib ko. Kahit na may tela pang nakaharang ay ramdam ko ang init na nagmumula sa labi nya tila mas higit pa doon ang gusto ko.
Bigla akong naalarma ng itaas nya ang blouse ko at matamang tinitigan ang katawan ko, mabilis kong itinakip ang dalawa kong kamay sa dibdib ko kahit na may bra pa akong suot.
Namula ang pisngi ko dahil hindi parin nya inaalis ang titig sa akin, at mas lalo akong kinabahan ng kumunot ang noo nya. Alam kong hindi malaki ang dibdib ko hindi katulad ng mga naging girlfriend nya.
"Sorry" nakita ko ang pag-aalala sa mukha nya at mabilis na umayos para umupo, ibinaba nya ang nakataas kong blouse. Nakita ko ang mariin nyang pagpikit at ang mabibigat nyang paghinga.
Napatikom ang bibig ko dahil sa kahihiyan, bakit sya huminto ? At bakit sya nag-sorry?
Ibig sabihin ba ay hindi nya gusto ang nangyari ? Na turn-off ba sya sa katawan ko? Bigla akong nakaramdam nang pagka-inis.
Nakita ko ang pagtalikod nya sa akin at napahilamos sya sa mukha nya bago ako ulit hinarap.
"Kumain ka muna" hindi pa ako tumatango ng bigla nalang syang tumayo at dirediretsong nagtungo sa banyo.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa puso.
Pakiramdam ko ay na-reject ako. Iniisip ko palang na mas may karanasan sya sa mga ganitong bagay at ako ay wala, lalong sumakit ang puso ko. Napatakip ako ng kumot dahil sa pagkadismaya sa sarili.