Malalakas na busina ang nakapag-pabalik sa aking wisyo.
Halos mabingi ako sa sunod-sunod na narinig.
"Put*ng ina ! Kung magpapakamatay ka huwag ka nang mandamay!" Sigaw ng matandang lalaki habang nakadungaw sa minamanehong jeep.
Galit na galit ito , kaya hindi ko na napigilan ang paghikbi. Mabilis akong tumakbo, hindi ko na narinig ang iba pang sumisigaw sa akin. Hindi pa ako tuluyang nakakatawid ay pinaharurot na nila ang kanya-kanyang sasakyan.
Nakayuko ako habang ang isang kamay ay nakatakip sa aking bibig para pigilan ang malakas na paghikbi.
Ano na ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?
Napa-angat ang ulo ko nang may naramdaman akong humawak sa kamay ko at mabilis akong hinila hanggang makatawid sa kalsada.
Nanginginig ang buong katawan lalo na ang mga binti ko. Pigil ang hininga ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman.
Nang humarap ang humila sa akin ay mas lalong tumindi ang pag-iyak ko.
Nagtataka man ay bakas parin ang matinding pag-aalala sa kulay abo nyang mga mata.
"V-vincent" tawag ko sa pangalan nya habang humihikbi mabilis nya akong ikinulong sa kanyang mga bisig at paulit-ulit na hinagod ang aking likod.
"Ssshh.. please don't cry I really don't know what to do." Bakas ang pag-garalgal ng kanyang boses hindi ko alam pero mas isinubsob ko ang mukha sa dibdib nya at niyakap sya ng mahigpit.
Patuloy lang ako sa pag-iyak hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili ang matinding sakit na nararamdaman. Ilang minuto din ang tinagal ng pagpapatahan nya sa akin kaya ako na ang nagkusang bumitaw sa pagkakayakap kahit hindi pa tumitigil ang paghikbi ko.
"Okay na ako t-tara na" Girls biggest lie. Pinilit kong magsalita ng maayos habang humihikbi.
Tinitigan nya muna ako bago tumango at pinagsalikop ang dalawa naming kamay.
"Gusto mong magpahangin muna?" Tanong nya sa akin habang nagmamaneho, alam kong kanina pa sya kating-kati na tanungin kung bakit ako umiiyak pero mas pinili nyang manahimik nalang muna. Hindi man ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang pagsulyap nya sa akin.
"Gusto ko ng umuwi." Simpleng sagot ko. Mas-gugustuhin kong magkulong sa kwarto at pagnilayan ang sariling katangahan.
Malalim ang buntong hininga nya at tumango nalang sa sinabi ko.
Pagkadating namin sa harap ng bahay ay inayos ko muna ang sarili dahil halata ang pamumugto ng mata ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang makita ang sariling itsura.
Pinagbuksan ako ni Vincent ng pinto at marahang inabot ang kamay ko.
Hindi ko pinansin ang mga mata nyang titig na titig sa akin habang bahagyang pinipisil ang aking kamay para makuha ang atensyon ko.
Pagpasok namin ng bahay ay bumungad sa amin si kuya na nakahalukipkip at mukhang may sasabihin.
Mabilis kong iniwas ang mata sa kanya nakita ko ang pagbaba ng tingin nya sa kamay namin ni Vincent na magkahawak.
"Ice Let's talk" mabilis na nag-angat ang mata ni kuya kay Vincent sinamantala ko iyon para makawala sa pagkakahawak nya sa akin at mabilis na naglakad palayo.
"Later Cole, let me talk to your sister first " narinig ko pang sabi nya bago nagmadaling habulin ako.
"Just talk Ice Vincent " banta ng kapatid ko, isasar ko na sana ang pinto ng kwarto nang pigilan iyon ni Vincent at mabilis na nakapasok.
Masyado na akong pagod para pagalitan sya kaya dire-diretso ako sa kama pata humiga tinanggal ko lang ang sapatos ko at mariin na ipinikt ang mga mata.
Naramdaman ko ang presensya nya sa gilid habang nakatayo kaya tinakpan ko ang mga mata ng sariling braso.
Ilang segundo din syang hindi gumalaw ang buong akala ko ay aalis nya sya dahil hindi ko sya pinapansin.
Ganun na lang ang pagkagulat ko ng maramdaman ang paglundo ng kama kaya napa-angat ang braso ko na nakapatong sa aking mata.
Bahagya kong iminulat ang mata ko para tignan kung ano ang balak nya. Nakaupo sua at maingat na inaalis ang medyas sa paa ko.
Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin at pinood ko lang sya sa gingawa. Hindi na ako nagulat ng magtama ang mata naming dalawa. Ang kulay abo nyang mata ay nangungusap, andaming emosyon gustong ipakita sa akin.
Sya na ang naunang nag-iwas ng mata at marahang hinila ang kumot para takpan ang kalahati ng katawan ko.
"Just rest babe, you'll be okay " malambing nyang sabi. Sinapo nya ang kanan kong pisngi at marahang hinaplos iyon.
Idinukwang nya ang kanyang mukha kaya kusa akong napapikit hinintay ang pagdampi ng labi nya sa aking noo. Binasa ko ang labi ko at mariing pinaglapat iyon para pigilan ang sariling magkwento ng nangyari.
Mas sanay akong sarilihin ang problema at kalungkutan.
I'm better this way.
Nang inilayo na nya ang labi ay saglit nya pa akong tinitigan saka ngumiti pero bago paman sya makatayo ay mahigpit kong hinawakan ang kamay nya para pigilan sya.
"Please stay.." saglit na katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa. Pinasadahan nya din ang kanyang labi bago nagsalita.
"Okay" tipid syang ngumiti at hinawakan ang kamay ko. Bahagya naman akong gumilid para magkasya kami, tinginan ko sya at sinenyasan na tumabi sya sa akin. Bakas ang pagkagulat sa mukha nya pero agad ding napawi at mabilis na tumabi sa akin.
Hindi sya humiga pero nakasandal ang likod nya sa headboard habang hawak ang kamay ko. Ako na ang kumilos para mai-unan ang ulo sa hita nya, tumagilid ako at niyakap ang bewang nya.
Masuyo nyang hinahaplos ang buhok ko ng paulit-ulit.
Ipinikit ko na ang mata ko nang makaramdam ng pagkapagod. Narinig kong kumakanta sya sa mababang boses kaya lihim akong napangiti.
"Tell me I'm wrong.. tell me girl, tell me, be honest I know I'm not perfect, but I'm working on it..."
Ito ang unang beses ko syang narinig na kumanta hindi ako interesado sa music pero alam ko ang kinakanta nya ngayon. 'Better by Attom'
Unti-unti nang kumalma ang nararamdaman ko at hinila na ako ng antok.
I feel safe and comfortable with him.