Matagal akong nakatitig lang sa puting kisame ng kwarto ko.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko at mariing ipinikit ang mga mata.
Kahit anong gawin kong pagbabaling ng atensyon sa pagbabasa o kaya ay paggawa ng mga assignment ay hindi mawala ang huling ginawa ni Vincent sa akin.
"Mababaliw na ako." Naiinis kong sambit sa sarili at nagpagulong-gulong sa kama.
Paano ako makakapag-aral nyan kung ang pumapasok lang sa isip ko ay ang paghalik nya sa akin, kung paano nya ako hawakan sa baywang at ang mapupula nyang labi na laging nakangiti?
Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha para tignan kung sino ang nag-text.
From: Faustin
Nandito na ako.
Awtomatiko akong napatayo dahil sa nabasa. Nakalimutan kong magkikita nga pala kami para sa project research namin.
Sa sobrang pag mamadali ko ay hindi ko napangsin na may nakakalat palang extension sa baba dahilan para matalisod ako.
"Ouch!" Sigaw ko habang nakatukod ang dalawang kamay sa sahig.
Hindi ko ininda ang kaliwang paa ko kahit sobrang sakit. Nagmadali akong naligo at nag-gayak na.
Habang isinusuot ang fitted pants ay napangiwi ako sa sakit kaya mas pinili ko na lang mag-shorts tutal ay hindi naman kami pupunta ng school.
Habang pababa ako ay nakita ko si kuya na naka-higa sa couch habang nanonood ng t.v. napatingin sya sa akin.
"Date?" Nakakunot ang noo nyang tanong , umiling lang ako habang inaayos sintas ng sapatos.
"May research kaming gagawin" simpleng sagot ko, tumango lang sya at bumalik na sa panonood.
Wala pang kalahating oras ay nakarating na ako sa coffee shop kung nasaan sya.
Kahit na maraming tao ay nakita ko agad sya. Naka-upo sa bandang dulo nakapatong ang baba nya sa kaliwang kamay at ang isa naman ay may hawak na cellphone.
Sinadya kong bagalan ang paglakad para mas mapagmasdan ko sya ng maigi. Napalabi ako ng mapansin kong simple lang ang suot nya, naka-jersey short lang at puting t-shirt na may maliit na brand name sa gitna 'mizuno'. Parang bibili lang ng toyo sa tindahan dahil naka-tsinelas lang sya.
Muli kong pinasadahan ang suot kong damit. Nasobrahan ata ako sa porma dahil naka sexy shorts pa ako at off-shoulder with sneakers atleast parehas kaming naka-shorts.
Tumikhim ako bago na upo, tamad na nag-angat sya ng tingin mula sa cellphone nya.
Meron pa ring parte sa akin na kinakabahan sa tuwing nagtatama ang mga mata namin. Binasa ko ang pang ibabang labi ko dahil naalala ko na naman yung pag-iyak ko dahil lang nakita ko syang may niyakap na babae.
"Hi" tipid kong bati at iniwas agad ang tingin sa kanya.
"Hi" tipid nya ding sagot tumuwid sya sa pagkaka-upo at may kinuhang notebook sa bag.
"Ah order lang ako ng coffee anong gusto mo libre ko?" Alok ko sa kanya nakita ko ang pagtaas ng kanan na kilay nya.
"Ako na magbabayad mag-order ka na lang" walang gana nyang sabi, mabilis akong umiling at kinuha ang wallet sa shoulder bag ko.
Baka maubos ang allowance nya mahal pa naman ang coffee dito.
"Ako na sobra pa naman ang pera ko." Bahagya akong ngumiti para kumbinsihin sya pero kabaliktaran ata ang nangyari.
Nagsalubong ang dalawa nyang kilay at biglang tumayo ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Ako na ang magbabayad sabihin mo nalang ang gusto mo" malalim ang boses nyang pagkakasabi , dumukot sya sa coin purse nya habang hinihintay ang sasabihin ko.
Tinignan ko ang menu at wala akong mapili na pasok lang sa 50 pesos halos lahat ng inumin ay 100 pesos pataas gusto ko pa naman ng cake. Bigla akong nagsisi dahil ako nga pala ang pumili ng coffee shop na ito.
"Tubig nalang yung akin" pilit akong ngumiti at ibinaba na ang hawak na menu, nakita ko ang mas lalong pag-kunot ng noo nya at hindi makapaniwalang tinignan ako.
"Niloloko mo ba ako Coligne?" Seryosong tanong nya at mariing pinaglapat ang mga labi.
Gusto kong batukan ang sarili ko dahil tumango ako pero mabilis na binawi iyon.
"I mean no!" Pasigaw na sabi ko habang umiiling. Hindi nagbago ang seryoso nyang titig na parang binabasa kung ano ang gusto ko talaga.
Huminga sya ng malalim at tinignan ang relo.
"Ako na ang bahala kung ganon" mabilis syang tumalikod para magtungo sa counter napabuntong hininga nalang ako dahil sa kagagahan.
Saglit lang ay nakabalik din agad sya na may dala nang dalawang kape at isang plate ng cake. Sinundan ko ng tingin yon habang inilalapag nya iyon. Kusang gumana ang utak ko at nag-estimate kung magkano ang nagastos nya, kulang 500 iyon. Hindi nalang ako nagsalita at nagsimula na kami sa gagawin.
"Wala tayo ng librong kailangan para dito, sinubukan ko ng maghanap sa school library pero wala akong makita kahit sa internet" paliwanag ko sa kanya marahan syang tumango habang seryoso sa pagsusulat.
"Try natin sa NBS " sagot nya, tumango nalang din ako at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Ako nalang ang bibili para hindi kana gumastos." Kalmado kong sabi, naramdaman ko ang paghinto nya sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa akin kya nag-angat din ako ng tingin sa kanya.
"Hindi ba dapat ay share tayo? " nakakunot nyang tanong, nag-iwas ako ng tingin at inayos na ang nakakalat na mga notebook dahil saktong natapos naman na ako.
"Hindi ako na siguradong mahal iyon" alanganin kong sabi bago ibalik ulit sa kanya ang tingin ko, mas lalong nalukot ang noo nya sa sinabi ko.
"May pera naman ako Coligne" naaasar nyang sabi at nagligpit na rin ng gamit. Mag-iisang oras na din pala kami dito buti nalang at konti nalang ang kailangang tapusin.
"Hindi ako na tutal ay nilibre mo naman na ako kanina" hinintay ko syang matapos sa sinisinop nya bago ako tumayo at nauna ng naglakad.
"Huwag kang mag-alala may pera akong sobra para sa mga projects" pahabol nya hindi na ako kumibo at hahaba pa ang usapan bahala na, sya na nga ang inililibre eh.
Sumabay sya sa paglakad ko at mabilis na kinuha ang hawak kong laptop.
"Ako na" sabi nya ng hindi lumilingon, kusang umangat ang sulok ng labi ko pero pilit ko pa rin na pinigilan at baka makita nya.
Dumiretso kami sa mall para pumunta sa NBS pero nahirapan parin kaming maghanap ng librong related sa research. Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng paa ko dahil sobrang tagal din naming naglakad. Binagalan ko ang paghakbang at halos hindi ko itapak iyon sa sahig, nauuna ng maglakad si Faustin kaya hindi nya ako napapansin.
Last na bookstore na lang ang natitira sana naman ay may makita na kami. Napangiwi na ako sa sakit hindi ko na talaga kaya. Naghanap ako ng mauupuan at sinigawan sya para sabihin na magpahinga muna kami.
"Ikaw na lang muna ang pumunta sa bookstore last naman na iyon masakit na ang paa ko eh" pag-amin ko magpapabebe pa ba ako kahit na gusto kong tumulomg sa kanya sa paghahanap ay diko na talaga ipipilit pa.
Bumaba ang tingin nya sa paa kong kasalukuyang hinihilot. Wala syang sinabi at mabilis na lumuhod ang kanan na tuhod habang ang isa ay nakasuporta lang. Inalis nya ang kamay kong nakahawak doon at walang sabing tinanggal ang sapatos ko.
Babawiin ko sana ang paa ko sa pagkakahawak nya dahil nakakahiya baka may amoy pero hinigpitan lang nya ang pagkakahawak na nakapag pangiwi sa akin.
"Wag kang malikot" suway nya sa akin at tinanggal na din ang medyas dahil namamaga na talaga ang paa ko.
Umigting ang panga nya habang tinitignan iyon.
"Anong nangyari dito?" Tanong nya sa akin habang hindi parin inaalis ang mata sa paa ko.
Hindi ako kumibo at kinagat na lang ang pang ibabang labi. Huminga sya ng malalim at nag-angat ng tingin sa akin. Nakita ko ang pagbaba ng tingin nya sa hita ko kaya pinamulahan ako ng mukha dahil nagtagal ang titig nya doon. Itinagilid nya ang ulo kaya nakita ko ang mariin na pag-galaw ng panga nya.
"Sige na hihintayin nalang kita dito." pagkumbinsi ko sa kanya dahil mukhang wala syang balak na iwan ako dito at nakaluhod pa rin habang nakapatong ang paa ko sa hita nya.
Huminga muna sya ng malalim at kinuha ang panyo nya sa bulsa saka inilatag iyon sa hita ko bago tumayo.
"Saglit lang ako huwag ka munang tatayo" matigas nyang sabi , tumango lang ako at binigyan sya ng isang tipid na ngiti.
Pinanood ko syang tumakbo papunta sa bookstore. Hindi ko maiwasang kiligin dahil sa pag-aalala nya. Nilibang ko ang sarili sa cellphone at nagbukas ng Facebook account.
Napahinto ang daliri ko sa pag-scroll dahil sa post na nakita. Awtomatikong napakunot ako dahil sa picture at caption na nakalagay.
Ice Vincent Guison was tagged by Darriet Gabriel
Happiest Birthday to me :) Thanks for the love @Ice Vincent Guison💕 .
Naka-akbay ang dalawang kamay ng babae sa leeg ni Vincent nakatagilid ito kaya hindi ko makita ang mukha dumagdag pa na nasa bar sila at madilim. Lumipat ang tingin ko sa kamay ni Vincent na nakapalupot sa baywang nya at nakatingin din sa kanya.
Walang pag-aalinlangan na pinindot ko ang pangalan ng babae sa picture ganon na lang ang pagkirot ng kung ano sa dibdib ko nang makilala kung sino iyon.
Hindi madaling kalimutan ang hitsura ng babae dahil kakaiba ang ganda nya. Ito din yung kayakap ni Faustin sa tapat ng school mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nalaman. Biglang natuyo ang laway ko at sumakit ang paglunok.
Napapitlag ako ng maramdaman na may humawak sa paa ko, mabilis kong itinago ang cellphone dahil si Faustin lang pala iyon.
"Ang bilis mo naman" mahina kong sabi at pinanood ang ginagawa nya sa paa ko.
Hindi ko magawang mapangiti dahil sa nakita. Marahan nyang hinaplos ang namamagang parte ng kaliwa kong paa saka nag-angat sa akin ng tingin.
"Masakit ba?" Kalmado nyang sabi habang ang mga mata ay diretso ang tingin sa akin. Napalunok ako at marahan na tumango.
Masakit , sobrang sakit.
May kinuha sya sa paper bag na dala nya at may kung anong ipinahid doon saka binalutan ng benda.
Tahimik ko syang pinanood habang hirap na hirap sa ginagawa.
"Sorry hindi ko alam ang gagawin sabi kasi sa akin kapag may naipit na ugat huwag na lang daw galawin at ipatingin na lang sa clinic" paliwanag nya habang inaayos pa rin ang pagtatali sa benda, hindi ako sumagot kaya nag-angat sya ng tingin sa akin.
Hindi ko namalayan na matagal akong nakatitig sa kanya nabaling lang ang mata ko sa labi nya dahil sa ginawang pagbasa nya doon.
"Ako na lang ang tatapos nito ihahatid na lang kita sa inyo" tumayo na sya at dinampot ang paper bag.
"S-sige salamat pero kaya ko naman umuwi mag-isa" yumuko ako para isuot ulit ang sapatos ko pero mabilis nya iyong binawi at inilapag ang bagong bili na tsinelas.
Napatingin ako doon, kulay pink na may design na hello kitty.
Hindi na ako nag-inarte at yun na lang ang sinuot. Naiisip kong magpasundo na lang kay kuya pero siguradong ipapasa nya lang iyon kay Vincent.
Inihakbang ko ang paa ko pero paika-ika lang ako dahil bawat lakad ko ay kumikirot lang lalo.
"Isasapan nalang kita." Alok ni Faustin sa akin akmang uupo na sya ay pinigilan ko agad.
Kung nasa mood ako ay baka tuwang-tuwa pa ako ngayon pero hindi ko muna gustong lumapit sa kanya.
"Huwag na kaya ko naman" pagtanggi ko at nagpatuloy sa paglakad, nagulat ako ng kinuha nya ang bag ko at inalalayan ako sa braso. Hindi na ako kumontra dahil nakatulong iyon.
"Isesend ko nalang sa email mo kapag natapos ko na para mabasa mo naman." Napalingon ako kay Faustin habang nakasakay sa escalator. Binitawan na nya ang braso ko kaya humawak na lang ako sa railings.
"Sige" walang gana kong sagot nang malapit na kami sa baba ay mabilis nyang inilagay ang kamay ko sa balikat at ipinalupot ang braso nya sa baywang ko. Hindi ko namalayan ang bahagyang pag-angat nya sa akin para makalundang sa escalator dahil sa pagkagulat.
Nakatitig pa rin ako sa kanya , hindi ko inaasahan ang pagbalik nya ng tingin sa akin sobrang lapit ng mukha nya. Kitang kita ko ang kulay abo nyang mata na mas lalong kuminang dahil nasisinagan ng araw.
Bahagyang naningkit ang mata nyang nakatitig pa rin sa akin. Napigil ko ang paghinga dahil sa sobrang lapit nya.
Mabilis kong inilihis ang mukha sa kanya at napansing nasa labas na kami ng mall. Matagal kaming nag-aabang ng masasakyan na jeep pero laging punuan kaya matagal din na nakapalupot ang braso nya sa baywang ko.
Pinagpapawisan na ako dahil sa sobrang init sa labas kaya pinunasan ko ang leeg ko gamit lang ang kamay.
Napatingin sa akin si Faustin pababa sa leeg kong basang basa na ng pawis.
"May panyo kabang dala?" Tumango ako sa tanong nya at sinabing nasa bag ko agad naman nyang kinuha at inabot sa akin.
"Mag-jeep na lang tayo mahal ang pamasahe pag nag-tricycle tayo pauwi sa bahay" tutol ko nang tumawag sya ng tricycle hindi dahil sa wala na akong pera kundi dahil alam kong sya na naman ang magbabayad ng pamasahe ko.
"Ako na ang bahala" simpleng sagot nya hindi na ako nakipagtalo at sumunod nalang sa kanya hindi tuloy ako makakuha ng pera dahil hawak parin nya ang mga gamit ko.
Tulala ako habang nakasakay sa tricycle,iniisip parin ang nakita kanina.
Mariin akong nagpikit ng mata. Kaya pala hindi man lang ako naka tanggap ng text magmula kaninang umaga.
Alas-syete na nang makarating ako sa bahay dahil sobrang traffic sa daan.
"Salamat sa paghatid" inalalayan parin ako ni Faustin pagbaba nalak pang ihatid ako hanggang sa loob pero pinigilan ko lang dahil hinihintay sya ng tricycle.
Kumuha ako ng 300 sa wallet at inabot iyon sa kanya agad na kumunot ang noo nya at ibinalik iyon sa akin.
"Ako na magpahinga ka na lang at magpatingin ka bukas sa clinic" napa-nguso ako at kay manong nalang inabot ang pera.
"Kulit" naasar na ang tono nya at binawi kay manong ang pera saka iyon ibinigay sa akin.
Napakamot lang si manong at nakangisi sa amin.
"Nako! Pate hayaan mo na ang boyfriend mo ang magbayad ganoon talaga!" Parehas kaming napalingon sa kanya, tatanggi na sana ako nang biglang magsalita si manong.
"Narinig mo iyon?" Nakangising tanong nya sa akin na may halong pang-aasar, mabilis syang tumalikod at sumakay na saka kumaway bilang pamamaalam.
Hindi ako agad nakasagot at pinaandar na ni manong ang tricycle kaya sumigaw na lang ako.
"Ingat ka Faustin!" Alam kong narinig nya iyon dahil inilabas nya ang isang kamay at kinaway iyon.
Nakangiti akong humarap sa gate namin pero agad din nawala ng makita ko kung sino ang nakasandal sa pintuan habang nakahalukipkip at madilim ang mga matang nakatingin sa akin.
//Merry Christmas! December pa naman hindi pa ako huli para sa pagbati haha . Salamat sa pagbabasa.