Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 34 - Chapter 32

Chapter 34 - Chapter 32

Alas-sais na nang nagising ako, kinusot ko ang namumungay na mata at kinapa ang gilid ng kama. Napahinga ako ng malalim ng wala na pala akong katabi.

Umuwi na kaya sya?

Nakaramdam ako ng pagkadismaya kaya mabilis akong naghilamos at nagpalit na ng damit.

Pagkababa ko ay una kong nakita si Papa na seryosong nakatitig sa akin habang nakaupo sa lamesa.

"You owe me an explanation young lady" matigas ang pagkakasabi nya kaya kinabahan ako. Inilihis ni papa ang mata nya sa akin at ibinalik sa hawak na cellphone.

Inilibot ko ang mata sa sala at ganon na lamang ang pagkagulat ko ng makita si Vincent habang may hawak na mga plato galing sa kusina.

Nagtama ang mga mata namin at nagawa pang kumindat sa akin habang ako ay naka-awang ang labi. Sumunod kong nakita ang kapatid kong may hawak na ulam pati si mama ay may hawak din.

Sinundan ko sila ng tingin at pinanood ang paghahanda nila ng pagkain sa lamesa.

"You're awake Coligne, come on let's eat dinner" nakangiting aya sa akin ni mama, kumunot ang noo ako sa kakaibang pagtrato nya sa akin kaya binalingan ko si kuya na nagkibit balikat lang.

Sumunod na lang ako at umupo na katabi ko si Vincent habang kaharap ko si kuya nasa magkabilang dulo si Mama at Papa. Ninenerbyos akong dumampot ng kutsara at tinidor.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan magtanong.

"How's your sleep?" Bulong  ni Vincent na nakapagpalingon sa akin. Nagtataka ko syang tinitigan bago nagsalita.

"Ok lang" tipid kong sagot pagbaling ko sa plato ko ay may laman na iyon dahil hindi ko napansin na nilagyan nya kaya nagsimula na akong sumubo.

"Eat more babe" malambing ang boses nya habang nilalagyan pa ako ng kanin pagkatapos kong maubos ang una nyang nilagay. Naningkit ang mata ko nang hindi na iyon pabulong nang banggitin nya awtomatikong napalingon ako sa magulang ko.

Nakita ko ang nakangiting labi ni mama habang nakatutok parin sa pagkain, si Papa naman ay seryoso ding kumakain habang nakaigting ang panga at sa huli ay si kuya na wala namang paki-alam.

"Busog na ako Vincent " mahina kong sabi at ibinukod ang kanin pa na nilagay  sa plato ko, kinuha naman nya iyon at inilipat sa kanya.

Tipid syang ngumiti sa akin at pinag-umusan ang natitira ko pang pagkain.

"How long have you  been dating my daughter?" Ma-awtoridad na tanong ni Papa, napahinto ako sa pag-nguya at dahan-dahang tinignan ang ekspresyon nya.

Walang emosyon iyong nakatitig kay Vincent.

"Almost one month Mr. Manuel" pormal na sagot ni Vincent at walang bakas ng kaba sa mukha nagawa pa nitong ngumiti ng may paggalang kahit na bakas ang hindi pagsang-ayon ni Papa sa kanya.

Isa ito sa hinangaan ko kay Vincent, magaling syang makipag-usap sa kahit kaninong tao hindi sya nakakaramdam ng kaba at parang kayang-kaya nya itong paikutin sa kamay nya.

Bigla tuloy akong napa-isip kung ganoon naba katagal parang hindi naman.

Humaba pa ang usapan nila tungkol sa business. Tahimik akong nakikinig sa kanila hanggang sa matapos na ako sa pagkain. Napansin iyon ni Vincent at sya na ang nagkusang mag-salin ng tubig sa aking baso.

"Salamat" mahina kong sabi ngumiti lang sya at ibinalik na ulit ang atensyon kay Papa.

"Thank you for the dinner Mr. and Mrs. Manuel " huling sambit nya sa magulang ko tumango lang si Papa.

"Oh, iho you can call us Tito and Tita " nakangiting sabi ni Mama. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Kuya sa narinig.

" I'll go ahead na po Tita " paalam nya, ako na ang naghatid sa kanya palabas ng gate hindi ko namalayan na nakasunod na din pala si kuya sa amin.

"You casted your charm to my mother Ice" hindi makapaniwalang sabi ni kuya at bahagyang natatawa pa habang inakbayan si Vincent.

"Well .." tumingin sa akin saglit si Vincent habang nakangisi. "I guess you can leave us alone" malinaw na pagkakasabi nya na nakapagpahinto kay kuya sa pagtawa.

Mabilis namang inalis ang kamay nito sa balikat at umikot ang mata sa amin. Halos matawa ako sa ekspresyon nya pero mas pinili ko nalang na ngumiti.

"Now you're smiling" namamanghang sabi nya na nakapagpalaho sa ngisi ko.

"Thank you" nahihiya kong sabi sa kanya at nag-iwas ng tingin. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya at mabilis akong ikinulong sa bisig nya.

"You're welcome?" Patanong nyang sabi na nakapagpatawa sa akin.

Kakaiba talaga ang trip nya. Tumawa din sya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Inilayo nya ang sarili at naniningkit ang matang tumingin sa akin.

"Akala mo ba makukuha mo lang ako sa thank you?" Seryoso nyang sabi at hinawakan ang kaliwa kong pisngi.

Nagtataka ko syang tinignan at hindi alam ang isasagot. Pinasadahan ng dila nya ang pang-ibabang labi kaya kusang bumaba ang tingin ko doon.

"Wala ng libre ngayon" pabulong nyang sabi saka mabilis ang paghila nya sa akin palabas ng gate.

Magrereklamo palang sana ako nang bigla nalang nyang sinakop ang labi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko baka may makakita sa amin. Nang mapansin kong natatakpan kami ng pader at nasa bandang gilid kung saan madilim ay saka lang kusang pumikit ang mata ko.

Marahan nyang ginalaw ang labi sa akin. Damang-dama ko ang init ng halik nya at ang mabibigat nyang paghinga. Mas lalo nyang idiniin ang pagkakahawak sa batok ko para palalimin ang halik namin. Itinaas ko ang kamay para ipalupot iyon sa batok nya at hinayaan syang sakupin ang aking sistema.

Napaungol ako nang ipasok nya ang dila sa bibig ko at mataimtim na nilalasahan ang bawat sulok ng labi ko.

Shit! Hindi ko alam ang gagawin. Kahit pangalawang beses na nya akong hinalikan sa labi ay parang hindi ko parin alam ang gagawin. Hinayaan ko lang sya na gumalaw habang nakabuka lang ang bibig ko.

Mabagal ang paggalaw ng labi at dila nya sa akin pero parang hinihingal na ako. Napasabunot ako sa buhok nya at bahagya kong ibinaluktot ang binti ko para isandal sa pader. Nanlalambot ako sa ginagawa nya, mabilis na gumalaw ang kaliwa nyang kamay at inihawak sa aking baywang para mas lalo pa akong idikit sa kanya.

Kusa na syang huminto at lumikha ng tunog ang paghihiwalay ng  mga labi namin. Parehas na naniningkit ang mga mata namin at habol ang paghinga. Pinagpatong nya ang noo namin at nakita ko ang pag-ngiti nya saka muli akong hinalikan.

Mababaw na ang halik na iginawad nya at itinuon nalang sa pang ibabang labi ko. Bahagya nya iyong kinakagat at pinanggigigilan.

"V-vincent" tawag ko sa pangalan nya, masyado na kaming natagalan baka makahalata sila mama at papa. Mabilis naman syang huminto at inilayo ang sarili. Narinig ko ang mahinang mura nya saka tinulungan akong ayusin ang nagulo kong buhok

Dinilaan ko ang pang-ibabang labi ko dahil pakiramdam ko ay basang-basa iyon dahil sa ginawa nya.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya at pulang-pula ang buong mukha ko habang sya ay malaki ang ngisi. Ibinulsa nya ang isang kamay at dinampian ng halik ang aking noo.

Inilapit nya ang bibig sa aking tainga "Good night babe, I love you" malambing nyang bulong na nakapagpabilis nang tibok ng puso ko.

Hindi pa ako nakakabawi sa paghalik nya kaya napasinghap ako. Nakatulala akong nakatitig sa kanya na parang hindi makapaniwala sa sinabi nya.

Nawala ang ngiti sa labi nya at parang hinihintay ang isasagot ko. Nanginginig ang labi kong sumagot.

"I l-love you too " napapikit ako ng mariin hindi ako makatingin sa mga mata nya ng matagal.

Ito na ba yon? napa-ibig ko na sya ang kailangan na lang ay makipaghiwalay ako sa kanya para matapos na.

Pero bakit parang hindi ko na yata kaya?