Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 29 - Chapter 28

Chapter 29 - Chapter 28

Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya, naramdaman ko ang marahang paghagod nya sa likod ng aking ulo.

Mas lalong tumindi ang nararamdaman ko, gusto kong umiyak pero hindi pwede. Ayokong makita nila akong umiiyak at mahina.

Ayoko mang aminin sa sarili ko pero nagseselos ako. Naguguluhan na ako hindi wala akong gusto kay Faustin.

Paulit-ulit kong iniisip iyon para pakalamahin ang nararamdaman ko.

Kung hindi ko pa narinig ang madramang pag-tikhim ni kuya ay hindi pa ako hihiwalay sa pagkakayakap kay Vincent.

Nag-angat ako ng tingin kay kuya at nakailang beses na lumunok dahil sa pagkapahiya.

Nakita ko ang pagka-disgusto sa mukha nya at matalim akong tinignan.

"Are you ok?" Basag ni Vincent sa katahimikan, halata ang pag-aalala sa kanyang mukha ,marahan lang akong tumango at pilit na ngumiti.

"Mamaya na yang momentum nyong dalawa, makakapaghintay yan pero yung group reports natin hindi"  pabirong kantyaw ni Johnson sa amin

Tumawa lang ang iba nilang kasama at sabay-sabay nang umalis papunta sa kwarto ni kuya samantalang si Vincent ay naiwan kasama ko.

"Let's talk later babe" malambing nyang sabi at mabilis akong hinagkan sa pisngi, hindi maalis ang matamis na ngiti nya. Hindi ko alam ang itutugon kaya simpleng pagtango lang ang nagawa ko.

Pinagmasdan ko syang tumakbo papunta sa taas, ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang mga kaklase ko.

Ilang segundo akong nakatulala, hanggang sa makarinig ako nang impit na pagtawa.

"Edi ikaw na may boyfriend na gwapo at sweet" kinikilig na biro ni Marie sa akin, bumalik nalang ako sa tabi ni Jona .

Saglit kong sinulyapan si Faustin at napigil ko nalang paghinga ko ng makitang matiim itong nakatingin sa akin pero mabilis ding nag-iwas at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

"Bilisan na natin para matapos na tayo malayo pa ang uuwian ni Faustin" diretsong sabi ni Diary, pinilit kong huwag umirap sa sinabi nya at pinalitan nlang ng pagkagat sa labi dahil sa pagka-inis.

Medyo nahirapan kami sa ginagawa at naka-ilang oras kami bago matapos iyon. Nagpahinga muna sila habang kinukuhanan ko sila ng meryenda.

Ano na kayang ginagawa nila?

Tapos na din kaya sila?

Mahina akong napamura nang makitang umaapaw na ang sinasalin kong juice sa baso. Mabilis akong kumuha ng basahan at pinunasan iyon.

"Spacing out?" Mabilis akong napalingon sa gilid ko dahil sa lamig nang boses ni Faustin.

Hindi ko sya masyadong pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawa. Pero diko inaasahang tutulungan nya ako sa ginagawa ko.

" S-salamat , pasensya na naabala kapa" nahihiya kong sabi nagkibit balikat lang sya at dire-diretsong pumunta sa sala habang dala ang juice. Mabilis kong nilagyan ng palaman ang mga tinapay.

"Oh para sa amin ba iyan? Thanks Coligne" nakangising sabi sa akin ni kuya napahinto ako sa paglalagay ng palaman at awtomatikong kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

Hindi pa ako nakakapag salita ay tinalikuran na nya ako, kaya napasigaw ako para marinig lang nya.

"Sa mga kaklase ko to kuya!" Sigaw ko sa kanya.

"Ganun ba sige ipaghanda mo na rin kami! Thanks!" Pasigaw din nyang sagot at mabilis na tumakbo.

Napalabi ako sa tinuran nya, kaya dinagdagan ko na din ang hinanda kong meryenda.

"Sobrang dami na nyan baka hindi namin maubos" napa-angat ang tingin ko kay Faustin na nagtatakang nakatitig sa mga tinapay na may palaman.

"Ipinaghanda ko na din ng meryenda sila kuya" paliwanag ko sa kanya saka pinaghiwalay ang dadalhin sa itaas.

"Ikaw na ang magdala nitong sa atin ako na mag-aakyat nito sa taas" iniabot ko ang isang tray nang tinapay  sa kanya.

"Tulungan na kita dyan hindi mo kayang mag-isa iyan,hintayin mo ako ilalagay ko lang ito sa sala" paalam nya sa akin at mabilis na umalis.

Hindi na ako tumutol para hindi na ako bumalik pa , hindi ko naman kasi kaya pagsabayin ang pitsel at ang tray masyadong mabigat.

Agad din syang bumalik , tahimik kaming umakyat sa taas hindi ko na nagawang kumatok dahil mahihirapn lang ako sa bitbit ko kaya agad ko ng binuksan ang pinto.

Pinamulahan ako ng maalala ang huling tagpo dito sa kwarto ni kuya, ipinilig ko ang ulo ko para maalis ang nasa isip.

Sabay-sabay silang napalingon sa amin ni Faustin maliban sa lalaking nakaharap sa laptop at may salamin sa mata, Kobe ata ang pangalan nya  naalala kong nabanggit sya sa akin ni Jona.

Inilibot ko ang paningin para maghanap kung saan ilalagay ang meryenda habang si Faustin ay nasa likod ko. Hindi ko maiwasang magtama ang mga mata namin ni Vincent.

Nakita ko ang pag-ayos nya ng pag-upo sa kama habang ang likod ay kalmadong nakasandal sa headboard.

"K-kuya san ko to ilalagay? " nauutal kong tanong dahil ramdam ko parin ang titig nya sa akin.

"Sa side table nalang ng kama" sabay turo nya pa sa bandang gilid kung saan nakapwesto si Vincent .

Tumango lang ako at pasimpleng binasa ang labi para maibsan ang kaba.

Bakit ba ako kinakabahan kapag nakatingin sya ? Marahan kong inilapag ang tray habang si Faustin ang sumunod na nag baba ng mga baso at pitsel.

"Ayos kalang? " bulong sa akin ni Faustin habang inaayos ko ang pagkakasalansan ng mga baso , bahagyang nakalapit ang mukha nya sa tainga ko. Tipid lang akong ngumiti at tumango.

Naramdaman ko ang pag sarado ni Vincent sa hawak nyang libro kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Nakita ko ang magkasalubong nyang kilay at ang naka-igting nyang panga habang nakatingin sa akin.

" Are you two dating?" Basag ni Johnson sa katahimikan pero halata ang sarkastimo sa boses nya. Sabay kaming napatingin ni Vincent sa kanya pati si kuya ay nag-angat na ng tingin.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya pero kay Faustin sya nakatingin at ibinalik sa akin.

Akmang magsasalita palang si Vincent ay naunahan na sya ni Faustin.

"Hindi po, magkaibigan lang kami" magalang na paliwanag ni Faustin sabay tingin sa akin, nginitian ko lang sya dahil totoo naman iyon. Hindi nya ako gusto at isa pa si Vincent ang boyfriend ko at ang alam ko ay nasabi nya na ito sa mga kaibigan nya.

"You look good together " sabay halakhak pa nito, pasimple lang syang sinaway ni kuya at tumigil naman agad.

Pinagmasdan ko ang madilim na mukha ni Vincent habang masamang nakatitig kay Johnson na halatang natutuwa sa pang-aasar sa kaibigan nya.

Mariin syang pumikit habang nakaigting parin ang panga saka muling ibinalik ang mga mata sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa klase ng titig nya sa akin, bakas ang sakit at pagtatampo sa kulay abo nyang mata.