Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 31 - Chapter 30

Chapter 31 - Chapter 30

Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sumagi na naman sa isip ko ang nangyari sa loob ng sasakyan.

Dalawang araw na ang nakalipas pero parang kanina lang iyon nangyari. Pilit kong itinuon ang pansin sa mga tanong pero parang hindi pumapasok sa utak ko.

"Focus" bulong ko sa sarili habang paulit-ulit kong pinipindot ang hawak na ballpen.

Hanggang sa matapos ang pang-umagang klase namin ay magulo pa rin ang isip ko.

"Coligne kanina kapa tulala dyan" sumbat ni Marie sa akin, bumuntong hininga lang ako saka inayos na ang gamit ko.

"Ano nga pala yung sinabi ni Ma'am Flores sa inyo ni Faustin?" Tanong sa akin ni Jona inilapit pa nya nang bahagya ang kanyang mukha sa akin.

Binasa ko ang aking labi at awtomatikong hinanap ng mga mata ko si Faustin na ngayon ay seryosong nakatitig sa cellphone nya. Ibinalik ko din ang atensyon kay Jona.

"Binigyan kami ni Ma'am Flores ng research project." Tipid kong sagot, tumango lang sya at napangiwi.

"Ah, more pain in the ass. " walang gana nyang sabi saka nagkibit balikat.

"Sa library lang ako " paalam ko sa kanila saka isinukbit ang bag ko at mabilis na umalis.

Kailangan kong tapusin ang assignment ko ngayon para mamaya ay masimulan ko na ang research. Mas mainam ng maaga magsimula para hindi na ako mahirapan kapag nagsabay-sabay ang mga assignment.

Inilibot ko ang aking paningin at hinanap agad ang paboritong puwesto. Lakad-takbo ang ginawa ko para hindi ako maunahan sa upuan.

Nang makarating sa pwesto ko ay mabilis kong inilabas ang notebook ko. Bahagya pa akong nag-inat ng katawan saka huminga ng malalim bago sinimulan ang research na gagawin.

Balik sa normal na naman ang pang araw-araw na ginagawa ko sa school.

Classroom , cafeteria at library lang ang tambayan ko kung minsan ay sa school laboratory kapag maraming tao dito sa libarary.

Meron lang akong kalahating oras kaya matindi ang konsentrasyon ko sa ginagawa.

"Hindi mo man lang ako sinabihan na sisimulan mo na pala ang pinapagawa ni Ma'am Flores." Nawala ang atensyon ko sa binabasa dahil sa mapang-uyam na tinig ni Faustin.

Hindi ko man lang namalayan na naka-upo na sya sa harapan ko. Bahagyang napa-awang ang mga labi ko dahil sa biglaan nyang pagsulpot.

Umangat ang kaliwang kilay nya habang walang ganang nakatitig sa akin. Mabilis kong isinara ang naka-awang na labi at nagbaba na ng tingin sa libro.

"Sasabihin ko rin naman kapag uwian mas gusto ko lang naggagawa ng maaga." Napakunot ako habang nakatitig parin sa binabasa.

Nasaan na ba ang binabasa ko kanina?

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang hindi ko na maituon ang buong atensyon sa ginagawa.

"Mas madaling matatapos kapag sabay tayong gumawa" kalmadong sabi nya, napa-angat ang tingin ko dahil sa ginawa nyang pagkuha sa notebook ko at masinsin itong binasa.

"H-hindi ko pa naayos yan medyo magulo pa." Natataranta kong inagaw ang notes na ginawa ko nakakahiya ang pangit ng sulat ko. Hindi nya ako pinansin at inilihis lang nya iyon nang akmang kukuhanin ko.

"Mas maganda kung ilalagay mo lahat ng importanteng detalye huwag yung puro pangalan lang"  payo nya sa akin at marahang inililipat ang bawat pahina.

Simpleng pagtango lang ang ginawa ko at hindi parin inaalis ang mga mata sa kanya. Itinukod nya ang isang kamay sa lamesa habang nakasalo ang palad sa baba.

Napakurap ako nang makitang binasa ng kanyang dila ang pang ibabang labi kaya mas lalo itong pumula.

Bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko? Wala namang akong hika pero bakit parang hirap akong huminga.

Bahagyang gumalaw ang kanyang panga bago nagsimulang magsulat.

Medyo matagal din akong nakatitig sa kanya kaya napagpasyahan ko nang ibalik ang atensyon sa ginagawa.

Pero hindi ko maiwasang paminsan-minsan syang sulyapan. Kusa akong napapangiti kapag nakikita kong nagsasalubong ang makakapal nyang kilay habang nakatitig sa libro. Bakit ang gwapo nya?

Marahas akong napasinghap ng bigla syang mag-angat ng tingin sa akin.

Shit ! nahuli nya akong nakatingin sa kanya.

Nakakunot ang noo nya at mariing magkalapat ang mapupulang labi.

"May itatanong kaba?" Malalim ang boses na tanong nya sa akin.

"A-ano malapit nang mag-start yung klase bukas nalang natin ituloy." Napangiwi nalang ako dahil nagkakanda-utal ako habang sinasabi iyon.

Nawala ang kunot sa noo nya at isinarado na ang librong hawak.

Tumingin muna ito sa relo nya saka marahan na tumango.

Mabilis lumipas ang oras at uwian na naman. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung sino ang nag-message. Katulad ng dati ay puro galing iyon kay Vincent hindi kona kasi naasikasong mag-reply dahil ang dami kong ginawa kanina.

'Babe ,kain kana wag ka magpapagutom 😘'

'Babe ano nang ginagawa mo?'

'Babe 😢 ...'

'Susunduin kita mamaya. Love you babe❤ '

Kusang umangat ang gilid ng labi ko dahil sa mga messages nya. Ganito pala sya ka-clingy. Nadaig pa nya ako sa paggamit ng emoji.

Kagat ko ang pang ibabang labi ko habang nagtitipa ng isasagot sa kanya.

'Sige'

Napahinto ako saglit sa ire-reply ko sana. Agad ko din iyong binura at nag-isip ng mas mahabang sagot.

Pero sadyang wala na akong maisip na ibang salita, tama naman ang isasagot ko siguro dagdagan ko nalang.

'Sige maghihintay ako'

Napanguso ako sa pangalawang naisip matagal ko munang tinitigan iyon. Pipindutin ko na sana ang send button ng bigla nalang may nagsalita sa likod ko.

"Pati ba naman reply sa boyfriend mo napaka-pormal like eww" maarteng sabi nya sabay kumpas ng kanan na kamay sa ere.

Inirapan ko lang ito at mabilis na binura ang message.

"Ano ba dapat?" Sarkastiko kong tanong sa kanya humalakhak muna sya bago inagaw sa akin ang cellphone at nagsimulang magtipa.

Lumapit ako sa kanya para tignan ang gagawin nya.

'Ok , I'll wait babe 😘 ' 

Nanlaki ang mata ko sa ni-reply nya. Akmang sisigawan ko palang sya ng bigla nyang itinaas ang isang kamay para pahintuin ako sa sasabihin.

"Hep! Hep! Shut down " pigil nya at ikinumpas ang kamay para paupuin ako.

"Shut up Jona " pagtatama ko sa sinabi nya. Seryoso itong nakatingin sa screen ng cellphone habang hinihintay ay magiging reply ni Vincent. Pero wala pang sampung segundo ay tumunog ito

Malakas ang pagtili ni Jona ng makitang tumatawag si Vincent kaya mabilis kong inagaw ang cellphone ko at medyo lumayo sa kanya bago sinagot ang tawag.

Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Bakit ka tumawag?" Kalamado kong tanong sa kanya. May narinig akong malalakas na pagtawa sa kabilang linya bago nagsalita si Vincent.

"G-gusto ko lang marinig yung message mo" mahinang sabi nya mas malakas pa ang pagbuntong hininga na ginawa nya.

Napamura ako sa isip ko, pahamak talaga si Jona. Kaya ganon nalang ang pagkagulat ko ng lumingon ako sa likod at nakitang nakangisi si Jona at Marie habang nakatutok ang tenga malapit sa cellphone ko.

Hindi ko alam kung naririnig ba talaga nila ang pinag-uusapan namin o sadyang inaasar lang nila ako.

Mariin kong pinaglapat ang mga labi ko bago magsalita.

"Hihintayin nalang kita sa harap ng school" malumanay kong sabi.

"No, I want to hear the exact phrase babe." Malambing din nitong sabi halata sa tono nya na nakangiti na ito ngayon. Kaya naman mariin akong napapikit at nasapo ang aking noo.

Masama kong tinignan si Jona 'You bitch ' bulong ko sa isip. Nag-sign of the cross po ang bruha, mabilis akong tumalikod sa kanila at lumayo ng bahagya.

"Ok, I-i'll wait babe" halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. May narinig pa akong malakas na paghampas sa kabilang linya.

"I can't here you.." bakas sa tono nya na nasisiyahan sya sa narinig. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi.

"Hindi ko na uulitin Vincent, kung gusto mo ay tatadtarin na lang kita ng ganoong text message" mariin kong pagkakasabi narinig ko pa ang pagtawa nya kaya mabilis kong pinatay ang tawag.

Binalingan ko ang dalawang tsismosa na malakas na tumatawa sa narinig. Mabilis akong lumapit kay Jona at hiniklat ang kulot na buhok nya.

Napatili si Jona habang si Marie naman ay mas lalo pang napalakas ang pagtawa.

"Coligne ! Baka maunat ang buhok ko" sigaw nya habang pilit na tinatanggal ang kamay ko, agad ko din naman binitawan.

"Wag kang O.A. natural ang pagkakulot ng buhok mo" nang-aasar kong sabi sa kanya ngayon ay sya naman ang tinawanan ko.

"Tara na" aya ni Diary sa amin inayos muna nito ang salamin bago isinukbit ang bag.

"Oh nasaan na si Faustin?" Nagtatakang tanong ni Marie saka inakbayan si Diary pero agad naman iyong inalis.

"Nauna na may lakad daw sya ngayon." Simpleng sagot nya kaya nagdiretso na kami palabas agad din naman silang nag-paalam dahil nandoon na ang sundo nila.

Dahil ako nalang ang mag-isang naghihintay napagpasyahan ko ng tumawid sa kabilang kalsada. Habang naghihintay sa sundo ko ay bumili muna ako ng softdrinks.

Napakunot ang noo ko ng makita si Faustin na nakaupo hindi kalayuan sa waiting shed. Seryoso itong nakatingin sa cellphone nya at paminsan- minsan tumitingin sa paligid.

Akala ko ba nauna na sya dahil meron syang lakad. Binilisan kong ubusin ang iniinom ko saka pinasadahan ang medyo magulo ko nang buhok bago magsimulang lumakad para tumawid ulit.

Pero bigla syang tumayo at nakangiting tumakbo napakunot ang noo ko kaya sinundan ko sya ng tingin. Awtomatikong napahinto ako sa paglalakad at nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko kung gaano kahigpit ang pagyakap nya sa babaeng kabababa lang ng kotse.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag at mariin na pinaglapat ang aking labi. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kakaibang sakit na nakapagpabilis nang tibok ng puso ko.

Bakit parang may iba sa mga ngiti nya kumpara sa unang ngiting ibinagay nya sa akin. Kahit malayo ay nakita ko ang pagkamot nya sa batok at ang pamumula ng tainga nya nang maghiwalay sila sa pagkakayakap.

Ngayon ko lang mas natitigan ang itsura ng babae. Wala akong laban sa ganda  nya.

Mapakla akong napangiti dahil hindi ko pa nga alam kung ano itong nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sya pero bakit nasasaktan na ako.

Pilit kong pinipigilan ang emosyon na gustong kumawala sa akin.

Hindi pa nga ako nagsisimula talo na agad.