Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 30 - Chapter 29

Chapter 30 - Chapter 29

"Uuwi na ako Coligne" paalam sa akin ni Jona, bakas sa mukha nya ang pagod at pagkalungkot, tinanong ko sya kanina kung may problema ba

Pero marahan lang syang umiling.

"Sige mag-iingat ka " sagot ko ,ngumiti lang sya ng tipid at ibinaling ang paningin kila Faustin, Marie at Diary.

"Hindi pa ba kayo uuwi? " tanong nya sa tatlo,mabilis na tumayo si Marie habang sila Diary at Faustin naman ay nagliligpit na ng mga kalat.

"Sabay-sabay na tayo !" Sigaw ni Marie habang palapit sa amin. Nagsimula ng maglakad si Jona papuntang sala para tulungan silang magligpit .

Tahimik ko syang pinanuod, agad syang napahinto sa paglakad ng makasalubong nya si Kobe. Saglit lang na dumapo ang mga mata nito kay Jona at dirediretso ng naglakad palabas ng bahay.

Hindi ko napansin na kasunod nya pala si Vincent at kanina pa nakatingin ng masama sa akin.

Ano na naman bang problema nya?

"Lets talk outside" mariin nyang sabi at mabilis na hinawakan ang palapulsahan ko para dalin sa labas.

Dire-diretso nya akong hinila palabas ng gate kaya napa-kunot ako at magpoprotesta na sana nang bigla nalang kaming huminto sa isang puting montero sport. Kumatok sya sa bintana at agad naman iyong bumukas.

"What?" Nakakunot ang noo ni Kobe habang nakatingin sa aming dalawa, hindi ko napansin na nandoon na pala sya.

" Can I borrow your car for a moment?" Seryosong sabi ni Vincent, matagal silang nagkatitigan bago umangat ang sulok ng labi ni Kobe saka mabilis na lumabas sa sasakyan at inihagis ang susi kay Vincent.

"No need, we're just going to talk" sabi ni Faustin at pabalik na inihagis ang susi kay Kobe.

Binuksan nya ang pinto ng backseat .

"Get in " matigas nyang sabi habang ang mga mata ay nanatiling malamig.

Sa takot ko sa ekspresyon na ipinapakita nya ay hindi na ako nagdalawang isip pa at mabilis na pumasok.

Ang akala ko ay didiretso na sya sa driver seat kaya nagulat ako ng pumasok din sya at naupo sa tabi ko, padabog na isinara nya ang pinto hindi ko maiwasang mapapikit para pigilan ang pagkagulat.

" Vincent.." pabulong kong tawag sa kanya, pinasadahan nya ang mukha gamit ang mga kamay . Sa sobrang liit ng espasyo dito sa loob ay naririnig ko ang mabibigat na paghinga nya.

Pinagmasdan ko syang mabuti , nakatikom ang mga labi nya habang ang perpekto nyang mga panga ay paminsan minsang gumagalaw. Ang mahabang pilikmata nya ay mas lalong nadepina dahil sa mariin nyang pagpikit.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para mapakalma sya.

Kusang umangat ang kamay ko at marahang dumapo sa panga nya.

Dahan-dahan syang dumilat at bumaling sa akin. Sinakop nya ang likod ng palad ko saka iyon ibinaba at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak.

"I'm sorry." Malambing kong sambit kahit hindi ko alam kung para saan, Sorry hindi para sa nangyari kanina.

Sorry dahil alam kong mas masasaktan pa kita ng higit pa dito.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sariling maisatinig ang nasa isip.

Lumambot ang ekspresyon nya na parang natunaw na isang yelo dahil sa paghaplos ko sa kanya.

Kinagat nya ang pang ibabang labi bago nagsalita.

"Don't be sorry babe, I should be the one apologizing here. " inabot nya ang isa ko pang kamay at hinawakan din iyon ng katulad sa isa. Nagbaba ako ng tingin para panuorin kung paano nya iyon haplusin gamit ang dalawa nyang hinlalaki.

"I just want you to keep a distance from that boy" pagpapatuloy nya sa sinabi, marahan ko syang tinanguan ng hindi tumitingin sa mga mata .

"Look at me Coligne" matigas nyang utos na nakapag-paangat ng aking mga mata at diretso syang tinitigan. Nangungusap ang kulay ng kanyang mga mata.

"Pero hindi ko pa rin maiiwasan na magkasama kami dahil kaklase ko sya at higit sa lahat kaibigan" pagadadahilan ko ng ulitin nya ang tanong sa akin. Awtomatikong nagsalubong mga kilay nya at napakunot ang noo.

"Then ignore him" bakas sa mukha nya ang pagkainis habang sinasabi iyon sa akin.

"O-ok, susubukan ko" mariin kong pinaglapat ang labi ko para pigilan pa ang sarili sa pangangatwiran. Hindi rin naman ako mananalo rito.

Nakita ko ang pilit nyang pagngiti bago ako ikinulong sa mainit nyang yakap.

"I missed you" bulong nya sa akin sabay isiniksik ang mukha sa gilid ng aking leeg. Ang mainit nyang labi ang una kong naramadaman sa aking balat kasabay ng hangin na nagmumula sa kanyang paghinga.

Dinama ko ang init ng kanyang katawan, kung kanina lang ay kasing lamig sya ng yelo ngayon naman ay para itong nilalagnat sa init na idinudulot nito sa aking katawan.

Hindi ko na sya nasagot at napangiti nalang. Nawala na ang bigat na nararamdaman ko kanina. Aaminin kong ang presensya ni Vincent ang nakatulong sa akin para makalimutan  iyon.

Ginantihan ko ang pagyakap nya sa akin at mas lalo pang humigpit, bumaba ang kamay nya mula sa likod ko papunta sa aking baywang. Ang kanyang labi ay pinapaulanan ang aking leeg ng maliliit na halik pataas sa aking panga hanggang sa aking tainga.

Paulit-ulit kong kinakagat ang aking labi habang dinadama ang basa nyang paghalik. Hindi ko maiwasang pagpawisan ng malamig ang aking noo at ang ibabaw ng aking tiyan.

Hindi ko na maipaliwanag ang sensasyong nararamdaman dahil masyadong okupado ang isip ko sa kanyang ginagawa.

Isang impit na ungol ang pinakawalan ko dahil sa sunod-sunod nyang pagpisil sa ilalim ng aking dibdib. Tila ba sinasadya nya ang paminsan-minsang pagsalat ng kamay doon.

Gustong magprotesta ng aking isip at sabihing itaas pa nya ng bahagya ang kamay nya. Napasabunot ang dalawa kong kamay sa buhok nya para sumuporta.

"Vincent.." mahinang tawag ko sa kanya pero dahil sa sobrang hina ay nagmukha lamang itong ungol na nakapagpatawa sa kanya.

"What?" Ramdam ko ang pilyo nyang ngiti dahil mariin itong nakalapat sa aking tainga. Ungol lang ang aking naisagot dahil sinakop nya ng buo ang aking dibdib. Kahit na may manipis na telang nakaharang ay ramdam ko ang init ng kanyang palad.

Marahan nya itong hinahaplos na parang pinasasabik nya lang ako. Gusto ko na syang batukan dahil doon.

Napangiwi ako sa sariling kagustuhan.

Hindi na ako nakuntento sa ginagawa nya kaya ako na ang nagdala ng kamay nya sa ilalim ng aking blusa.

Mas lalong tumindi ang sensasyong naramdaman ko kumpara kanina, para akong napaso ng lumapat iyon sa aking dibdib.

Kung kanina ay marahan pa ang paghaplos nya ngayon ay parang may karera itong sinalihan at gigil na gigil.

Napapasinghap ako sa ginagawa nyang pagkagat sa aking leeg at tainga habang ang kamay ay hindi na umalis saking dibdib. Hindi ko akalain na ganito pala ang sarap na dulot ng bawat haplos nya.

"Time's up" walang ganang sabi ni Kobe habang walang ekspresyon ang mga mata. Naiinip na nakamasid ang mga mata nya sa aming dalawa habang nakatukod ang isang kamay sa pinto ng sasakyan.

Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat bahagya pang naka-awang ang mga labi ko na agad ko ring itinikom.

"Shit!" Mura ni Vincent at mabilis na inalis ang kamay sa akin saka inayos ang nakaangat ko nang damit.

"Sorry to disturb your sizzling and hot make out but I really need to go" walang gana nitong sabi saka kami tinalikuran at pumasok sa driver's seat.

Hindi ko alam kung may ipupula pa ba ang mukha ko. Nakita nya ba ang itsura ko habang sarap na sarap sa ginagawa ni Vincent? O kaya narinig nya ang mga ungol ko?

Mababaliw na ata ako sa kahihiyan, bakit hindi ko naramdaman na binuksan na nya ang pinto. Napatakip ako ng mukha at pilit ipinoproseso ang nangyari.

"Thanks dude" sarkastikong sambit ni Vincent at mabilis akong hinila palabas.

Narinig ko pa ang malakas na pagsara nya sa sasakyan. Kinabahan agad ako baka isumbong nya kami kay kuya.

Napa-iling ako huwag naman sana.

This is wrong. Pilit na pinapangaral ng utak ko. Mariin akong napapikit dahil hindi iyon mawala sa sistema ko.

Madali lang sa akin ang pagmememorya, makita ko lang iyon ng saglit ay matatandaan kona. Pero mukang ngayon ko isusumpa ang kakayahan kong ito dahil paulit-ulit iyong naglalaro sa aking isip.