Pagkatapos ng nangyari kanina ay naging tahimik na sya at napapansin ko ang pag-iwas nya ng tingin sa akin.
Pagkatapos kumain ay agad din kaming umalis at hinatid na ako sa bahay.
Ang akala ko ay aalis na sya pero nagulat ako nang nakasunod lang sya sa akin at mukhang malalim ang iniisip.
"Magpahinga kana muna " malumanay na sabi nya at hinalikan ako sa noo. Kusang napapikit ang mga mata ko at dinama ang mainit na labi nya, nasasanay na ako sa paghalik nya sa noo ko na parang normal nalang iyon sa kanya.
Nagtataka ko syang tinitigan.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Kunot ang noo kong pinagmasdan sya, sa halip ay ngumiti lang ito at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
Bago pa man sya makasagot ay naagaw na ni kuya ang atensyon nya.
"Ice Vincent " tawag sa lamig na boses ni kuya pati ako ay napalingon sa banda nya. Seryoso ang mukhang nakatingin kay Vincent habang nakahalukipkip.
Bumilis ang tibok ng puso at natuyo ang lalamunan ko. Nakita ba ni kuya ang paghalik ni Vincent sa noo ko?
"K-kuya .." tanging nag-iisang salita ang lumabas sa bibig ko.
"Go upstairs Coligne" matigas na pagkakasabi nya sa akin at matalim ang titig na ipinukol sa akin pagkatapos ay kay Vincent naman.
"And you, let's talk " tango lang ang isinagot nya kay kuya at saka hinarap ako.
"Ako ang bahala sa kuya mo, magpahinga kana muna" isang matamis na ngiti ang iginawad nya sa akin bago ako talikuran pero agad kong hinawakan ang palapulsuhan nya para pigilan sya.
"Sasamahan kitang magpaliwanag kay kuya" desidido kong sabi mabilis syang napailing bakas ang kaba sa mukha nya.
"No just rest babe, okay?" Binawi nya ang kamay sa akin at sumunod sa kwarto ni kuya.
Napilitan akong pumunta nalang sa kwarto at pinakikiramdaman kung ano na ang nangyayari sa pag-uusap nila. Pabagsak kong inihiga ang katawan sa kama at tulalang nakatingin sa kisame.
Bakit ba ako nag-aalala kung ano ang kahihinatnan nito?
Makalipas ang kalahating oras ay nakatanggap ako ng text mula kay Vincent.
From : Ice Vincent
Just got home babe , Don't worry too much . Goodnight ❤️ i love you always.
Kusa akong napangiti nang mabasa ang message nya sa akin. Bigla akong pinamulahan ng pisngi at mahinang binigkas ang huling salita na nabasa.
"I love you always" habang binibigkas iyon ay mabilis akong nagtipa para mag-reply.
To:Ice Vincent
Goodnight din ☺️
Matagal kong pinag-isipan ang irereply. Pero nauwi din ako sa simpleng goodnight. Napabuga ako ng malalim na hininga at humiga na.
Pagkagising ko pa lang ay bumungad na agad ang nakakunot na noo ni kuya.
"Sumabay kana sakin dalian mong gumayak" bahagya akong napakurap at nag-inat pa bago tumango para gumayak na. Naging mahaba ang byahe para sa aming dalawa.
Hindi ako mapakali dahil magmula kanina hanggang sa maihatid nya ako sa school ay hindi sya nagsalita at parang malalim ang iniisip. Medyo nagulat pa ako ng binilinan nya akong umuwi ng maaga dahil sya na daw ang susundo sa akin.
Bigla akong kinabahan, ano kaya ang nangyari sa usapan nila kagabi?
Agad kong kinuha ang cellphone at tinawagan si Vincent, saglit lang iyong nag-ring bago nya sagutin.
"Kamusta ang pinag-usapan nyo kagabi ni kuya? Anong sabi nya?" Pambungad ko sa kanya , mula sa kabilang linya ay narinig ko ang paghikab nya bago sumagot.
"Good morning too babe, ok lang naman " napatikom ang bibig ko dahil sa pagkahiya,mukhang bagong gising pa ito at ako pa ang nanggising sa kanya tapos iyon pa ang ibinungad ko sa halip na batiin ng good morning.
"G-good morning ,sorry nagising ata kita" nahihiya kong sabi, narinig ko ang medyo paos nyang pagtawa.
Bakit ang sarap pakinggan ng boses nya kapag bagong gising ,parang iba ang timpla.
"It's ok, babangon na din naman ako. Let's talk later ok ? " napahigpit ang hawak ko sa cellphone, paano ko sasabihin na susunduin na ulit ako ni kuya mamaya.
"O-ok ,medyo agahan mo nalang ng kaunti mamaya" mahina kong sambit narinig ko pa ang pagtawa nya bago nagpaalam.
Kakausapin ko lang naman sya pagkatapos ay pauuwin na din kapag dumating na si Kuya.
"Ano gaano kalalim?" Hindi ko namalayan ang pagtitig ni Jona sa akin, nagtataka ko syang binalingan.
Irap lang ang itinugon nya at mahinang bumulong.
"Pa-virgin coconut oil kapa , landi neto" sabi nya sa maarteng boses, hindi ko alam pero agad na nag-init ang ulo ko sa narinig.
Pero pilit kong pinigilan ang sarili na huwag ng sumagot sa sinabi nya.
"Magkwento ka naman about dun sa epic na paghila sayo ni Ice sa bahay nila Faustin. " medyo pabulong nyang sabi at inilapit ang mukha sa akin, pati si Marie at Diary ay napalapit na rin sa kinauupuan ko.
Mariin kong ipinikit ang mata bago sinimulan magkwento sa kanila.
"What?! Yun na yon ? " eksaheradang tanong ni Jona, napabuga nalang ako ng hangin dahil sa reaksyon nya.
Samantalang si Diary ay tumango lang sa sinabi ko.
"So walang rated spg na nangyare?" Nakangusong tanong ni Marie, agad ko naman naalala ang nangyari sa gazebo. Hindi ko sinabi ang parteng dinala nya ako sa gazebo ang sinabi ko lang ay kung paano naging kami.
Marahan akong umiling at iniwasan ang mata ni Marie.
"Kung ganoon paano na si Faustin?" Tanong ni Diary na nakapagpahinto sa akin. Pati si Jona at Marie ay sunod-sunod na tumango at hinintay ang sagot ko.
Napakunot ang noo ko sa tanong nya.
Mariin kong ipinaglapat ang mga labi ko at pilit na inaalala kung anong meron sa amin ni Faustin. Malalim ang hinugot kong paghinga bago sila sinagot.
"Wala naman akong gusto kay Faustin" pilit kong nilalakasan ang boses ko pero halos ayaw nitong lumabas.
Nakita ko ang seryosong pagtitig ni Diary sa akin bago sya marahang tumango.
Dumating na ang teacher namin kaya nagsibalikan na sila sa upuan napatingin naman ako sa banda ni Faustin na ngayon ay busy sa pagsusulat.
Hanggang sa matapos ang klase ay yun pa rin ang iniisip ko. Hindi ako mapakali sa tanong ni Diary. Palihim akong napapatingin kay Faustin at Diary na magkatabi sa upuan at nasa harap ko pa.
"Ok ka lang Coligne?" Bulong ni Marie sa akin , wala sa sariling napatango ako at uminom ng tubig.
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Tama pa ba ang ginagawa ko?
Nagiging normal nalang sa akin ang pagsisinungaling.