"Sa sabado nalang ulit natin ituloy yung group project " suhestiyon ni Diary. Marahan akong napatango para sumang-ayon.
Mas-maganda nga iyon para mas mahaba ang oras namin.
"Ok sige, sa bahay nyo ba ulit?" Tanong ni Marie kay Faustin. Napabaling ang tingin ko sa kanya, mula sa hawak nyang cellphone ay bumaling ang atensyon nya sa amin habang nakakunot ang noo.
"Sorry, ano nga ulit iyon?" Nagtatakang tanong nya, na sya namang nakapagpasimangot kay Marie.
Napangiti ako dahil sa itsura nya hindi ko alam pero gusto ko ang ekspresyon ng mukha nya kapag seryoso sa isang bagay. Halatang mayroon syang malalim na iniisip.
"Mas maganda siguro kung sa inyo nalang Coligne " napanguso nalang si Marie at sa akin ibinaling ang atensyon.
Kaya napakamot sa batok si Faustin at nakinig na sa pinag-uusapan namin.
Awtomatiko akong napa-iling.
"Hindi pwede Marie baka kasi magpunta ang mga kaklase ni kuya sa bahay, maingay ang mga iyon baka hindi rin tayo makagawa" paliwanag ko, pero sa halip ay nakitaan ko sya nang pagkainteresado sa sinabi ko.
"Talaga?! Mas maganda kung ganoon !" Napa-iling nalang ako ng marinig ang boses ni Jona sa likod ko.
"Buhay ka pa pala Jona akala ko, nakaburol kana" patawang sabi ni Marie sabay hampas sa balikat ni Jona.
"Shut up! Marie, so sa inyo ang meet-up sa Sabado hah! 9 am" napairap ako sa sinabi nya, marami akong ginagawa sa ganong oras lalo na at weekends.
"After lunch" pagtatama ko sa kanya pero parang wala itong narinig.
Napa-irap ako sa kanya, hindi magandang ideya na sasabay kami sa mga barkada ni kuya.
"Ok lang sa akin kung sa inyo nalang Coligne, mas maganda nga iyon at mas malapit" napalingon ako kay Faustin at wala nang nagawa kundi mapatango.
"S-sige" nauutal kong sabi.
Mabilis lumipas ang sumunod na mga araw dahil sa sobrang daming project halos lahat na ata ng subject ay mayroon.
Halos limang araw ko na din na hindi nakikita si Vincent ang huling kita ko sa kanya ay noong hinatid nya ako sa bahay at nagkwento sya tungkol sa usapan nila ni kuya. Maya't maya nya din akong tinatawagan at tinetext para tanungin kung kumain naba ako o kung ano ang ginagawa ko.
"Good morning babe " marahan kong kinusot ang aking mga mata at naghikab bago sya sinagot.
"Good morning din" mahina kong bati sa kanya narinig ko ang mahina nyang tawa, kahit hindi ko sya nakikita ay alam kong nakangisi na sya.
"Nagising ba kita?" Tanong nya mas lalo tuloy akong inantok dahil sa lambing ng boses nya, awtomatiko akong napa-iling kahit na alam kong hindi nya naman ako nakikita napatingin ako sa orasan at mabilis na napatayo nang makita kung anong oras na.
"Ayos lang naman, tanghali na din gagawa kami ng project ngayon dito sa bahay" mula sa kabilang linya ay may narinig akong malakas na pagsara ng pinto. Napakunot ako dahil doon.
"Ok ka lang?" Tanong ko ng hindi sya sumagot sa una kong sinabi, narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nya
"Sorry about that, wala lang iyon. Kumain kana muna may gagawin lang ako." napa-ismid ako sa sinabi nya.
"Hindi ka ba pupunta ngayon dito sa amin?" Tanong ko at marahang hinilot ang aking sentido nasobrahan yata ako sa pagre-review kagabi.
"Namiss mo na agad ako?" Pang-aasar nya, mas lalo akong napa-ismid. Limang araw ka kayang di nagpakita.
Hindi na ako kumibo at nagpaalam na lang sa kanya na dadating ang mga kaklase ko.
Nung sinabi nyang hindi daw sya makakapunta dahil may practice daw sila agad akong nakaramdam nang pagkalungkot.
Hindi ko alam pero nasanay na akong lagi syang nakikita. Tuwing uwian ay lagi akong naghihintay sa text nya kung susunduin ba nya ako pero lagi syang busy.
Katulad nga ng sinabi ni Jona ay alas nuebe syang dumating dito sa bahay. Una nya agad na hinanap ay yung mga barkada ni kuya. Pero agad ding nawalan ng gana ng malaman nyang mamayang hapon pa sila dadating.
Sunod na dumating si Marie at panghuli si Diary at Faustin. Nawala ang sigla ko ng makita kong sabay silang dumating dito sa bahay, hindi ko tuloy maalis sa isip ko iyon.
"Hindi ba pupunta si Vincent ngayon?" Bulong ni Faustin sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa ginugupit na papel. Napabaling ang tingin ko sa kanya.
"Hindi daw" mahina kong tugon, ang akala ko ay nakalimutan nya na ang tungkol sa usapan namin.
Tumango lang sya at hindi na nagsalita pa. Mabilis lumipas ang oras at alas tres na pero hindi parin namin natatapos ang ginagawa.
Katulad ng madalas na nangyayari, mas inuna namin ang manood ng mga movie at mag foodtrip kaya rush hour kaming nagpatuloy sa ginagawa.
"Salamat" nakangiting sabi ni Faustin kay Diary nang abutan sya ng tubig. Pinagmasdan ko silang nag-uusap at nagngingitian, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkainis. Kaya padabog akong tumayo para pumunta ng kusina sabay-sabay silang napalingon sa akin.
"Excuse kukuha lang ako ng meryenda natin" malamig kong sabi ng hindi sila nililingon.
Hanggang pagbalik ko ay nag-uusap pa rin sila, hindi man lang ako napansin na nakabalik na sa kinauupuan ko kanina.
Mas lalo na akong naiinis habang tumatagal parang gusto ko nang tapusin itong ginagawa namin para makauwi na sila.
" Coligne paabot naman ng glue, at pagdidikitin ko na itong dalawang katabi ko kanina pa magka-usap" utos sa akin ni Marie habang natatawa sa biro nya.
Hindi ko inabot ang glue sa kanya sa halip ay umirap lang ako pero hindi nya naman nakita.
Lumayo ako sa kanila at mas piniling tumabi kay Jona na kanina pa tahimik at seryosong nag-gugupit ng papel.
Kung dati ay ayoko syang katabi ,iba ngayon dahil kanina pa sya walang kibo at parang pasan nya ang buong mundo.
Nalipat ang atensyon namin sa mga nagtatawanan papasok sa sala. Nahigit ko ang hininga ko ng makita ang mukha nyang nakangiti at para bang nawala ang bigat ng kalooban ko ng makita syang nakatitig sa akin.
Parang maiiyak ako dahil parang nakahanap ako ng kakampi. Kaya awtomatikong napatayo ako at mabilis na kinain ang distansya naming dalawa para yakapin sya na parang walang ibang tao sa paligid namin.