Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 24 - Chapter 23

Chapter 24 - Chapter 23

"V-vincent" nauutal kong tawag sa pangalan nya,halos pabulong lang iyon.

Hindi sya nag-abalang lumingon sa akin, diretso lang ang tingin nya kay Faustin habang naka-igting ang panga.

Tumayo na rin si Faustin na seryoso din ang mukha, sumulyap ito saglit sa akin bago ibinalik kay Vincent.

Mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak nya sa pala-pulsuhan ko,napangiwi na lang ako sa sakit.

"Hindi ko alam na isasama mo din pala ang boyfriend mo dito Coligne" kalamadong tanong nya sa akin habang ang mga mata ay hindi sa akin nakatingin.

"Pasensya na hindi ko din inaasahan  pupunta sya dito" nahihiya kong paliwanag , nakita ko ang pagtataka sa mukha ng mga kaibigan ko habang nakatingin sa amin.

"Let's go "  matigas na pagkakasabi ni Vincent at tila walang paki-alam sa mga nakatingin sa amin.

Nagmatigas ako at pabalik na hinablot ang kamay ko pero dahil mas malakas sya ay hindi man lang ito lumuwag.

Magkasalubong na ang kilay nya at halata ang galit sa mga mata habang ang mga labi ay mariin na nakatikom.

"M-may gagawin pa kaming project hindi pa kasi namin nasisimula. " nakita ko ang pagtalim ng tingin nya sa akin pababa sa katawan ko.

Mapang-uyam syang ngumiti sa akin bago nagsalita.

"Akala ko tapos na, kasi mukhang nagsasaya na kayo" nag-iwas ako ng tingin sa kanya,hindi ko kinaya ang mapanghusga nyang titig na para bang may ginawa akong masama.

"Kami na ang bahala doon Coligne mauna na kayo baka magalit na ang kuya mo " napabaling ang atensyon ko kay Diary, habang ang dalawa naman ay nakakunot ang noo at nakatingin sa kamay kong hawak pa rin ni Vincent .

Tinanguan lang ako ni Faustin upang ipaalam na okay lang na mauna na ako. Hindi ko na nagawang magpasalamat dahil halos kaladkarin na ako papasok sa sasakyan ni Vincent.

Walang sabing pinaharurot nya ang sasakyan kahit hindi pa ako nakakapag-seatbelt.

Hindi ko alam kung bakit parang galit na galit sya , wala naman akong ginagawang masama. Saglit ko syang tinignan at napakagat ako sa labi ng makitang blangko parin ang ekspresyon nya. Siguro ay mamaya na lang ako magtatanong.

"Akala ko ba ay ihahatid mo na ako sa bahay?" Kahit nagtataka ay lumabas na rin ako sa sasakyan.

Malalaki ang hakbang nya habang nakapamulsa. Lakad takbo ang ginawa ko para makapantay sya sa paglalakad.

Huminto sya sa isang kubo at may kinausap na matandang lalaki.

"Sige diretso lang kayo doon sa taas may bakante pang isang floating gazebo doon" sabi ng matanda at may inabot itong papel na may numero.

Nanlaki ang mata ko nang mahulaan ko kung ano ang ginagawa namin dito.

Napasinghap ako nang humarap sa akin si Vincent na seryoso ang mukha habang nakatingin sa suot kong damit na basang basa pa.

Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpalit dahil bigla nalang nya akong hinila.

"Kukunin ko lang mga gamit sa kotse , sa taas kana magbihis"

Tumango nalang ako dahil gusto ko ding makita ang itaas ng bundok na iyon.

At dahil hindi pa ako napupunta dito kahit na mas malapit ito kumpara sa bahay nila Faustin ay sobra ang pagkasabik ko.

Sabi ng mga kaklase ko ay may malaking lawa daw sa ibabaw ng bundok na iyon. Medyo matarik nga lang ang aakyatin buti na lang ay may ginawa na silang hagdan papunta sa taas.

"Inarkila mo ang Gazebo na ito ?" Manghang tanong ko sakanya habang inililibot ang mga mata sa paligid, pumasok sya sa loob ng gazebo.

Hindi katulad ng mga normal na gazebo ang inupahan ni Vincent dahil may pinto ito di tulad ng iba na open lang at walang dingding.

Sumunod ako sa kanya papasok sa loob, mayroong malaking katre na may kutson at isang maliit na lamesa sa gitna na may upuuan. Simple lang iyon pero nagmukha itong sosyal dahil sa mga dekorasyon.

" Bakit mo nga pala ako dinala dito?" Mahinahon kong tanong at umupo sa tabi nya. Huminto sya sa ginagawang pagkalkal sa gamit ko at tinitigan ako, naka-igting ang panga nyang inabot sa akin ang damit na hawak.

"Magbihis kana" malalim ang tono ng boses nya saka itinuro ang maliit na pinto sa likuran ko. Napabusangot ako dahil kanina nya pa ako sinusungitan kaya padabog akong

nagpunta sa banyo at nagpalit na.

"Sigurado kaba na kaya mo ? Medyo mabigat iyan at mahirap dalhin sa bandang gitna" narinig kong sabi ng matandang lalaki na kausap ni Vincent inabutan pa sya nito ng dalawang life vest.

"Opo manong wag po kayong mag-alala" lumapit ako sa kanila para mas maintindihan ko ang pag-uusap nila , napatingin silang dalawa sa akin bago ulit nagsalita

"Oh sya sige, itatali ko na lang ang balsa, sumenyas ka nalang kapag gusto nyo nang pumarito" ngumiti lang si Vincent bago kinuha ang mahabang kawayan na nakalubog sa tubig ang kalahati. Bago kami talikuran ng matanda ay makahulugan itong tumitig sa akin hindi ko nalang iyon pinansin.

"Huwag mo sabihing ikaw ang magsasagwan n'yan ?" Nag-aalala kong tanong,muli hindi sya sumagot at nagsimula na ngang magtulak gamit ang kawayan. Palayo na kami ng palayo sa pinanggalingan hanggang sa nasa gitna na kami ng lawa ay huminto na sya.

Mula dito ay tanaw ko ang maraming tao na nasa kanya kanya din nilang gazebo.

Ang akala ko ay hindi nya na ako papansinin buong araw kaya nagulat na lang ako ng bigla nyang hinapit ang baywang ko at niyapos ako patalikod.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa nya, heto na naman ako at naapektuhan sa bawat pagsalat nya sa akin.

"Akala ko ay galit ka kaya hindi mo ako sinasagot kanina bakit ngayon ay kung makayakap ka parang hindi mo ako sinungitan" sarkastikong pahayag ko sa kanya, mariin nyang isinubsob ang mukha sa leeg ko at humigpit ang pagkakayapos nito sa akin.

"Kasi nagseselos ako" malumanay nyang sabi ng hindi iniaangat ang mukha kaya bahagya akong nakiliti ng gumalaw ang labi nyang nakadikit sa leeg ko.

Napanguso ako para pigilan ang pagngiti sa sinabi nya. Ganito pala ang pakiramdam na nagseselos ang boyfriend mo, kinikilig ako.

"Bakit ka naman magseselos eh magkaklase lang naman kami" mahina kong sabi, dahan-dahan syang kumalas sa pagkakayakap at ihinarap ako sa kanya at matamang tinitigan.

"Hindi ko alam" huminto sya saglit at hinawi ang hibla ng buhok ko na nakaharang.

"Gusto ko ako lang ang titignan, ngingitian at hahawakan mo ng ganoon" maingat nyang sabi at ikinulong ang magkabila kong pisngi sa palad nya at marahang hinalikan ang noo ko bago ako ulit niyakap ng mahigpit.

"Kumain kana ba?" Tanong nya sa akin bago humiwalay at ang kamay ko naman ngayon ang hawak nya.

" Oo kumain kami bago maligo sa batis" nakita ko ang pagtango nya bago kami umupo.

Bigla tuloy akong na-curious kung paano nya nalaman kung nasaan ako.

"Paano mo nga pala nalaman kung nasaan kami?" Napabaling sya sa akin, saglit syang natahimik bago nagsalita.

"Nakita ko sa post mo" simpleng sagot nya bago binasa ang labi saka nag-iwas ng tingin, napatango na lang ako kahit medyo nakulangan sa sagot nya.

Magkahawak lang ang mga kamay namin habang nakatanaw sa mga bundok na nakapaligid sa amin.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa naisip. Ano ba talaga ang ginawa mo kay Faustin at bakit gusto nyang makita kang nasasaktan?