" Anong iniisip mo?" Maingat nyang tanong, nahinto ako saglit at napatuwid ng upo, hawak nya parin ang isang kamay ko at nilalaro iyon.
"May gusto sana akong itanong sayo" diretsong sabi ko nahinto sya sa pagpisil sa kamay ko at hinarap ako ng maayos. Nakitaan ko sya ng kaunting kislap sa mata, napatingin ako sa ginawa nyang pagbasa sa ilalim ng labi nya.
"Ano iyon?" Kalmado nyang tanong habang diretsong nakatingin sa akin.
Bakit ganoon habang tumatagal ay mas lalo syang gumagwapo ?
Ipinilig ko ang ulo at pilit na inalis ang nasa isip ko.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nya. Tumango ako bago magsalita.
"Kilala mo ba si Faustin dati pa?" Mas lalo akong naging interesado dahil sa pagkagulat nya pero mabilis din iyong nagbago at napalitan ng ngiti.
Hinintay ko ang pagsagot nya pero bago pa man sya magsalita ay tumunog na ang cellphone ko.
Mabilis kong kinuha iyon sa bulsa ko, agad na napakunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Faustin.
Pati si Vincent ay napatingin na rin sa cellphone ko. Tumayo na ako para lumayo ng kaunti para sagutin ang tawag.
"Bakit Faustin?" Mahina kong tanong, saglit kong tinignan si Vincent na nakatingin din sa gawi ko.
"Nakauwi kana ?" Diretsong tanong nya.
" H-hindi pa may dinaanan pa kasi si Vincent pero uuwi na rin kami pagkatapos" mahinang paliwanag ko , kinagat ko ang pang ibabang labi ko para maibsan ang panginginig ng boses ko. Bakit ba kinakabahan pa rin ako sa tuwing nagsisinungaling.
Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang boses ng mga kaibigan na inaasar ako tungkol sa nangyari kanina.
" Sorry maingay sila kanina ka pa nila pinag-uusapan" paliwanag nya, narinig ko ang kaluskos ng mga bato senyales na naglakad sya para lumayo.
"Hindi ok lang , gusto ko sanang humingi ng pasensya sa nangyari, hindi ko kasi alam na susunduin nya ako" maingat na paliwanag ko saglit na naghari ang katahimikan sa aming dalawa.
"Tungkol nga pala sa usapan natin .. " narinig ko ang bahagyang pag-aalinlangan nya.
"Ah yon ba wag ka mag-alala tumutupad ako sa usapan" agap ko sa kanya sabay pilit na tawa ang pinakawalan ko.
"Ganoon ba ? Kung kailangan mo ng tulong wag kang mahihiyang sabihin sa akin" bahagyang nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib dahil sa sinabi nya. Ang akala ko ay papatigilin nya na ako dahil magkaibigan na naman kami.
Wala sa sariling tinignan ko si Vincent mula sa malayo, nakakunot na ang noo nya at halatang naiinis.
Napaayos ako ng pagkakasandal sa haligi ng makitang papalapit na sya sa akin.
"Sige salamat Faustin mamaya nalang ulit tayo mag-usap" mabilis kong pinatay ang tawag bago pa sya makalapit.
"Anong pinag-usapan nyo?" Tanong nya halata ang pagkainis sa tono ng boses.
"Wala tinanong lang nya kung nakauwi na ba ako" paliwanag ko sabay tipid na ngiti ang iginawad sa kanya, pero mas lalo pa yata syang nainis dahil sa pag-igting ng panga nya at ang pagtalim ng tingin nya sa akin.
"Bakit ang tagal yata ng usapan nyo?" Malamig na tonong tanong nya , humakbang sya palapit sa akin at ikinulong ako sa pagitan ng mga braso nyang nakatukod sa railings.
Napakurap ako dahil sa pagkamangha sa mukha nya. Hindi ko maitago ang pagka-aliw sa itsura nyang halatang nagseselos. Napanguso ako dahil sa pagpipigil sa sariling ngumiti. Mariin syang pumikit ng makita iyon saka muling dumilat at diretso ang tingin sa mga mata ko.
"Walang nakakatuwa sa pagseselos ko Coligne" sarkastiko at may awtoridad nyang sabi, muling umigting ang panga nya at masama akong tinitigan.
Itinaas ko ang kaliwang kamay ko para mahawakan ang panga nyang naka-igting.
Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita kong may galit sa mga mata nya ay gusto kong haplusin ang mukha nya.
"Ba't ka nagseselos sa kanya ? Ikaw naman ang boyfriend ko " pilya kong sabi sa kanya na ikinataas lang ng isang kilay nya. Marahan kong hinaplos ang panga nya para palambutin ang ekspresyon nya pero mas lalo lang dumilim ang ekspresyon nya.
"Boyfriend mo nga ako pero ikaw at ako lang ang nakakaalam" malamig nyang sabi.
Mali, hindi lang tayo idagdag mo pa si Faustin sa mga nakaka-alam. Tugon ng isip ko.
Sa halip na isatinig ang nasa isip ko ay hindi nalang ako kumibo, kaya inalis nya ang pagkakalapat ng kamay ko sa mukha nya at mabilis akong tinalikuran.
Awtomatikong napakunot ang noo ko sa biglaang pag-alis nya.
"Vincent " malumanay kong tawag sa kanya habang tinatawid ang distansya naming dalawa, dahil malalaki ang hakbang nya ay hirap akong mahabol sya kaya wala akong choice kung hindi hablutin ang laylayan ng damit nya.
Nakabusangot ang mukha nya ng lingunin ako.
"Inaantok ako magpapahinga lang ako sa loob pagkatapos ay uuwi na tayo." walang emosyon nyang sabi sabay pagtanggal nya sa kamay kong nakahawak sa damit nya at tuloy tuloy na pumasok sa loob.
Sandaling napakurap ako bago sya sundan sa loob.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti nang makita ko syang nakatalukbong ng kumot hanggang ulo. Agad akong lumapit at tinabihan sya.
"May problema ba Vincent?" Malambing kong tanong sa kanya kahit na alam ko naman na ang dahilan.
Hindi sya sumagot kaya napabuntong ako ng hininga. Minsan ay naiisip kong mas matured pa akong mag-isip kaysa sa kanya.
Dahan-dahan kong hinila pababa ang kumot na nakatakip sa kanya kusang napangiti ako ng makitang nakapikit sya ng mariin, halatang pilit iyon.
"Vincent.." tawag ko ulit sa pangalan nya at marahan kong pinisil ang balikat nya, bahagya syang gumalaw para talikuran ako at humarap sa tagiliran nya.
Inalis ko ang pagkakabalot ng kumot sa kanya at marahang humiga sa tabi nya. Iniyakap ko ang mga braso ko sa kanyang baywang at isinubsob ko ang mukha sa likod nya.
Naramdaman ko ang pagkaalerto nya at ang pagbilis ng paghinga nya sa ginawa ko.
"Galit ka ba sa akin?" Malungkot kong tanong, pasimple kong nilalanghap ang panglalaki nyang pabango hindi iyon matapang kaya hindi nakakasawa ang amoy.
" Hindi" mahina nyang sabi bahagya nyang inilayo ang katawan sa akin, pero dahil desidido akong lambingin sya ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kaya.
"Galit ka eh" nakangisi kong tukso sa kanya, iniaangat ko ang ulo ko malapit sa leeg nya para silipin kung ano ang reaksyon nya pero hindi ko masyadong makita dahil nakatagilid sya kaya bumulong ako sa tenga nya.
"Hindi daw galit pero ayaw naman akong pansinin" pang-aasar ko pa
Marahas syang humarap sa akin kaya kitang-kita ko na ang mukha nyang namumula hanggang leeg pati ang kanyang tainga. Magkasalubong ang makakapal nyang kilay at tila nahihirapan syang kontrolin ang sariling emosyon.
"Ayoko na ng ganito Coligne! Gusto ko ng maging legal tayo sa lahat, gusto kong sabihin na girlfriend kita para wala ng ibang lalapit sayo." bahagyang akong nagulat sa pagtataas nya ng boses pero pilit pa rin nyang pinipigilan ang pagka-inis dahil halata iyon sa pag-igting ng panga nya.
Mariin na napatikom ang labi ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot dito.
" Sorry, hindi ko sinasadyang masigawan ka " biglang umamo ang kanyang mukha at marahang hinaplos ang pisngi ko.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya pakiramdam ko ay nalulunod ako sa ginagawa nyang pagtitig sa akin.
"Selfish akong tao Coligne,gusto ko ako lang ang yayakapin mo ng ganito" marahan nyang ipinalupot ang braso sa akin at mahigpit akong niyakap.
Mariin akong napapikit sa init ng yakap nya.
Selfish din ako Vincent, kasi kailangan kitang saktan.