Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 23 - Chapter 22

Chapter 23 - Chapter 22

Halos 15 minutes ang naging byahe namin bago makarating sa bahay nila Faustin.

Malaya kong inilibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay nila. Simple lang iyon hindi malaki at hindi rin maliit, pangkaraniwang bahay lang ito na makikita sa mga normal na pamilya. Konkreto naman ang dingding , malaki ang bakuran at maraming puno ng mangga at buko. Ngayon ko lang nakumpirma na hindi nga sila mayaman.

"Wow ang galing may sarili kayong swimming pool !" Pang-aasar ni Jona sabay halakhak ng malakas, dahil doon ay ibinaling ko ang paningin sa tinutukoy nya. May batis sa gilid ng bahay nila kung saan may duyan at natatanaw mula roon ang malawak na bukirin.

"Ano ka ba Jona lahat nalang ay pinuna mo!" Suway ni Diary kay Jona, dahil sa sobrang paghanga sa nakita ay diko na pinansin ang pangungutya ni Jona at dumiretso na agad sa batis.

"Sana dito nalang din ako nakatira" nakangiti kong pahayag sa kanila, mahinang tumawa si Marie at Jona sa sinabi ko.

"Bakit hindi Coligne ? Kaya ngayon palang simulan mo nang pikutin si Faustin para ikaw ang mapangasawa nya " payo ni Jona sa akin habang isinusuot ang sunglasses na nakasabit sa damit nya agad naman akong pinamulahan sa sinabi nya.

"Ilagay nyo nalang sa loob ng sala ang mga bag nyong dala, magluluto lang ako ng kakainin natin" napa-angat ang balikat ko dahil sa biglang pagsasalita ni Faustin,hindi ko namalayan na nasa likod na pala sya ni Jona. Saglit syang sumulyap sa akin habang seryoso ang mga tingin bago nagsimulang maglakad papasok sa bahay.

Inabala ko ang sarili sa pagkuha ng litrato ng paa kong nakalubog sa tubig. Ipo-post ko ito sa mga social media accounts ko.

" I love this water against my skin. 🏞"

Iyon ang inilagay kong caption.

Pagkatapos kong ipost ay pinanood ko ang mga kaibigan kong may kanya kanyang ginagawa.

Si Jona ay nagseselfie kasama si Marie sa gitna ng bukid habang si Diary ay nasa duyan at nagpapahinga. Ilang minuto lang ay lumabas narin si Faustin.

Diretso ang lakad nya palapit sa akin at ng makalapit sya ay umupo sya sa tabi ko.

"Gusto mo ba sa mga ganitong lugar?" Halos pabulong nyang tanong sa akin.

" Oo, gusto ko sa mga tahimik na lugar kagaya nito" nakangiti kong sabi sa kanya, nag-iwas lang sya ng tingin bago nagsalita ulit

"Pwede kang bumisita ulit dito kahit kailan mo gusto, sabihin mo lang sakin para masundo kita" bahagya akong nagulat dahil sa alok nya, mariin kong itinikom ang labi ko at nahihiyang tumango.

"S-sige Salamat Faustin " nauutal kong sabi at nginitian sya ginantihan din naman nya ko ng ngiti saka tumayo na.

"Kakain na !" Sigaw nya kila Jona at Marie agad namang tumakbo pabalik ang dalawa at tumayo narin si Diary.

"Mas maganda kung sa labas tayo kakain " suhestiyon ni Marie at itinuro ang lamesa sa ilalim na puno, hindi naman nagreklamo si Faustin at pumasok na sa loob para kuhanin ang mga pagkain tinulungan naman sya ni Diary. Tutulong din sana ako kaso sabi nya ay kakaunti lang naman iyon kaya kahit isa nalang ang tumulong.

Napasimangot ako sa sinabi nya.

Nang inilalapag na nila Diary ang dalang pagkain ay nakaramdam agad ako ng pagka-sabik dahil sa mga ulam.

Mayroong Litson at pinritong manok at saka soup.

" Hmmm ang sarap mo naman Faustin !" Masayang sabi ni Jona habang kumakagat sa fried chicken na syang nakapag patigil sa aming tatlo sa pagsubo, lahat kami ay napatingin sa kanya habang si Faustin ay nasamid sa narinig.

Sinamaan ko ng tingin si Jona at agad na naglagay ng tubig sa baso para iaabot iyon kay Faustin pero naunahan ako ni Diary dahil magkatabi silang dalawa sa upuan. Hindi ko pinahalata ang pagkadismaya na naramdaman ko.

"I mean ang sarap ng luto mo Faustin lasang Jolibee!" Bawi ni Jona sa sinabi nya saka malakas na tumawa.

"Oo nga etong litsong manok lasang Mang Inasal ! ang sarap " segunda ni Marie.

Napatingin ako kay Faustin, napansin ko kaagad ang pamumula ng tainga nya.

"Hindi ako marunong magluto, inorder ko lang yan sa Jolibee at Mang Inasal " pag-amin nya sabay kamot sa batok. Nasamid sila Jona at Marie sa sinabi ni Faustin.

Lumungkot ang mukha ko sa narinig, akala ko sya talaga ang nagluto nito. Si Vincent kaya marunong?

Speaking of Vincent, nakatanggap ako ng text messages mula sa kanya.

'Where are you?'

'Coligne, I'm with your brother and he said that you went somewhere and yet you didn't bother to tell me '

Magre-reply pa lang sana ako pero dahil sunod-sunod agad ang natanggap kong message mula sa kanya. Nag-isip muna ako kung ano ba ang sasabihin ko.

At dahil hindi naka- vibrate ang cellphone ko ay nagtatakang timingin sa akin ang kaibigan ko.

" Sino yan Coligne?" Nakakunot na tanong ni Diary sa akin , binasa ko ang pang ibabang labi ko bago sya sagutin.

"S-si Kuya kinukulit lang ako " hilaw ko syang nginitian at bago ibalik ang atensyon sa cellphone ay napatingin ako kay Faustin na blanko ang ekspresyon agad din akong nag-iwas ng tingin.

To Ice Vincent:

I'm sorry hindi agad ako nakareply busy lang sa ginagawang project.

Wala pang minuto ay nakareply agad sya.

From Ice Vincent:

'And who's with you?'

To Ice Vincent:

'I'm with my groupmates'

Simpleng sagot ko at ibababa na sana ang cellphone ng biglang nag-ring ito. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kung sino ang tumatawag.

"Sasagutin ko lang" pagpapa-alam ko sa kanila at agad na tumayo para makalayo ng bahagya.

'Who's with you?' Rinig ko ang pagkataranta sa tono ng boses nya.

Napapikit ako dahil sa pag bungad na tanong nya.

'Sinabi kona sa iyo na mga ka-grupo ko ang kasama ko' medyo maingat kong sabi at pilit itinago ang pagkainis sa kakulitan nya.

'Be specific Coligne' ngayon ay halatang naiinis na sya sa sagot ko, humalukipkip ako at napa-irap sa kawalan.

'Si Jona, Marie, Diary at Faustin' isa-isa kong banggit, mula sa kabilang linya narinig ko ang malalim na pag buntong hininga nya pagkatapos kong sabihin kung sino ang mga kasama ko.

'Are you in Camp Martin?' Malamig ang boses nyang pagkakasabi, napakunot ang noo ko.

Paano nyang nalaman kung saan ako nagpunta wala naman akong sinabihan kahit kay kuya.

Tatanungin ko palang sana sya ng bigla akong pinatayan ng tawag. Napa-iling nalang ako sa ginawa nya at agad na bumalik sa upuan ko.

"Tara nang maligo" masayang pahayag ni Marie sabay hila kay Jona.

Nakapag-palit na pala sila ng damit na pang-swimming. Mga nakasando at maikling short sila Jona at Marie habang si Diary ay naka-long sleeve.

Hindi na ako nagpalit ng damit dahil pwede naman na itong pangbasa. Hinubad ko ang suot kong sapatos at sumali na sa kanila.

Hindi malalim ang batis at hanggang baywang lang iyon kaya umupo ako para mabasa ang buong katawan ko.

"Faustin hindi ka ba maliligo?!" sigaw ni Jona kay Faustin na tahimik kaming pinapanood habang nakaupo sa ilalim ng puno.

"Mamaya na kaliligo ko lang kasi " sagot nya, nakita ko ang pagbusangot ni Jona at Marie.

"Halika na ang KJ mo naman pala , sige ka babasain ka na namin" pilit pa ni Marie, sabay silang umahon sa tubig ni Jona at may dalang mga tabo.

Biglang naalerto si Faustin at napatayo, nang buhusan nga sya ng dalawa at tuluyang nabasa ang suot nyang damit.

Natawa ako sa ginawa nila dahil nakakunot na ang noo nya at nanlaki ang mata ko ng bigla syang maghubad.

"Maliligo na ako " iiling-iling na sabi nya habang isinasampay ang nabasang damit, si Jona at Marie naman ay bumalik na sa tubig habang tumatawa.

Itinuon ko ang sarili sa paghahanap ng mga may kulay na bato at iniipon iyon sa hawak kong tabo.

"Eto pa " napasinghap ako at napatingin sa kanya. Bigla nalang kasing sumusulpot, inilagay nya ang mga nakuhang puting bato sa lalagyan ko.

Hindi ko maiwasang pagmasdan sya habang seryosong naghahanap ng bato. Napababa ang tingin ko sakatawan nyang nakahubad, at dahil medyo naiilang ako ay medyo lumayo ako sa kanya, pero sumunod pa rin sya.

"Magdamit ka nga hindi bagay sayo, nakikita na ang ribs mo " naaasar kong sabi napatingin sya sa akin bago sa katawan nya.

Ang totoo ay hindi naman talaga sya payat, sakto lang ang katawan nya walang abs ang totoo nga nyan ay medyo halata ang bilbil nya dahil nakaupo sya.

"Puro abs nga eh" sabi nya sabay pisil sa tiyan nyang may bilbil.

Napatawa ako sa biro nya habang sya naman ay nakangiti.

"Saan wala naman ah?" Natatawa kong sabi habang sinusundot ang tiyan nya.

"Hindi kasi dyan" natatawa nya ding sabi at inalis ang kamay ko sa tiyan nya at inilipat iyon sa bandang dibdib nya.

Napanguso ako dahil wala naman talagang abs puro laman lang.

"Sus! Wala eh mas may dibdib kapa kesa sa akin " tukso ko sa kanya habang nakalapat ang dalawang kamay ko sa dibdib nya.

Nakita ko ang paniningkit nang mata nya at napababa ang tingin sa dibdib ko, binasa nya ang labi nya habang nakatitig pa rin doon. Mabilis na namula ang mukha ko ng magproseso ang sinabi ko. Nakakahiya.

Magsasalita palang sana ako nang may biglang humablot ng kamay kong nasa dibdib ni Faustin at puwersahan akong hinila patayo.

Sabay kaming napatingin ni Faustin sa humila sa akin.

Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahang pupunta sya rito.

"V-vincent" nauutal kong tawag sa pangalan nya,halos pabulong lang iyon.