Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 13 - Chapter 12

" I'll rate him 9 "

Bored na sabi ni Diary sabay ayos ng eyeglass nya

" Oh c'mon goody greedy " naiinis na sabi ni Jona kay Diary at inirapan sya

" Look hindi ko alam kung may filter ba yang salamin mo sa mata at ni-rate mo sya ng mataas ni-hindi nga lalagpas ang physique nya sa 3 eh, plus he's not even a 9 inches holder" pagpapatuloy nya sa sinasabi sabay tapon nya sa hawak na litrato.

Natawa na lang ako sa ginagawa nilang pag-rate sa mga litrato ng mga basketball player sa campus namin.

Napasulyap ako sa screen ng cellphone ko ng makitang may nagtext sa akin.

From : Ice Vincent

Hey baby.

Simula ng nangyari kagabi ay kinuha nya agad ang cellphone number ko at sinabi nya din sa akin na huwag ko daw munang sabihin sa kuya ko ang tungkol sa aming dalawa dahil baka daw magwala iyon at maaga akong mabyuda. Pumayag ako roon dahil wala naman talaga akong balak na sabihin iyon sa parents ko dahil alam kong di naman kami magtatagal.

"Kanina kapa nakatitig dyan sa cellphone mo , bakit may gwapo ba dyan patingin nga " mabilis kong ni-lock ang cellphone ko ng biglang lumapit si Jona sa akin, nginitian ko lang sya at ipinagpatuloy ang pagbabasa ko.

" Hmm may porn kaba na pinapanood at parang takot kang makita ko kung sino man yang pornstar na nasa cellphone mo " pilya syang ngumisi at sabay na tinaas baba ang kilay nya, umangat ang gilid ng labi ko dahil sa ideya nyang iyon.

" Hindi berde ang utak ko Jona " nakangisi kong sabi sa kanya at inirapan sya, kahit kailan talaga ay hindi masasala ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Jona. Isang malutong na tawa ang pinakawalan nya halos maagaw nya ang atensyon ng lahat sa loob ng classroom namin.

" Hayaan mo Coligne at kapag nagkaboyfriend ka ng mala- Johnny Sins hindi lang utak mo ang magiging berde pati ang dugong nananalaytay sa katawan mo lulumutin na din "

Natatawa nya pang sabi , binato ko sa kanya ang hawak kong libro pero agad din syang nakalihis at tumakbo,

" Don't worry hindi naman lulumutin ang reproductive organ mo !" Hiyaw nya bago lumabas ng classroom , napatakip nalang ako ng mukha dahil sa pagkainis sa kanya halatang halata tuloy ang pamumula ko dahil sa mga sinabi nya.

Muli akong napatingin sa cellphone ko ng tumunog iyon.

From : Ice Vincent

I'll fetch you later.

Hindi ko maiwasang ma-excite sa sinabi nyang iyon.

'Should I say yes ?' Napaisip ako kung may gagawin ba ako mamaya, agad sumagi sa isipan ko ang plano naming pagpunta sa game ni Bench.

To : Ice Vincent

Wag na, may lakad kami ng mga kaibigan ko mamaya.

Wala pang sampung segundo ay nagreply na sya agad.

From : Ice Vincent

Where?

Agad akong nagreply pero hindi pa man ako natatapos ay nakareceive na naman ako ng message mula sa kanya.

I'll call you

Bigla akong nataranta ng mag-ring ang cellphone ko buti nalang ay wala pa ang teacher namin.

'Hi ' mahina kong sabi ,napakagat ako sa pang ibabang labi ko.

'Where are you going ? Can I join ? '

Napamura ako sa isipan ko dahil sa malambing na boses nya.

' Manonood kami ng laro ni Bench ' narinig ko ang pagbuntong hininga nya mula sa kabilang linya.

' I'll fetch you and your friends then '

'Akala ko ba ay hindi ka makakapunta .. narinig ko kahapon sa usapan nyo'

' Ayaw mo ba akong makita? '

Ramdam ko ang bahagyang pagtatampo nya sa tono ng pagkakasabi nya. Kaya wala na akong nagawa at pumayag nalang ako ,sinabihan ko na din sila Diary, Marie at Jona na may susundo sa amin.

" Girl pahiram ng cellphone mo dali"

Sabay agaw ni Jona sa hawak na cellphone ni Marie.

Nasa cafeteria kami ngayon at nagla-lunch. Napakunot ang noo ko ng kuhanin din nya ang sa akin

" Buksan mo dali " utos nya sa akin buti nalang at may password ang cellphone ko.

" Ano na naman ang gagawin mo " nagtatakang tanong ko sa kanya nginusuan lang nya ako at sapilitang kinuha ang kamay ko.

" Saglit lang may titignan lang ako " itinapat nya ang daliri ko sa scanner agad nyang inopen ang Facebook account ko .

Pinanood ko sya habang nagtatype sa search box.

" Stalker " akusa ko sa kanya ng makitang tinitignan nya ang profile ni Kobe.

"What the ?!" Napasigaw ako ng makita kong ini-add nya iyon at pinusuan pa ang profile picture nito.

Pilit kong inagaw ang cellphone ko sa kanya pero tumayo lang ito sa upuan at pilit na inililihis ito sa akin.

" Stop it Jona " saway naman sa kanya ni Diary.

"Look Jona in-accept ni Kobe yung friend request!" Napabaling kay Marie ang atensyon namin ,agad namang bumaba si Jona sa upuan at isinauli sa akin ang cellphone ko .

"What the hell ?! Bakit ako ayaw nyang i-accept tapos naka-block ako sa kanya !" Inis na sabi nya at napasabunot pa sa buhok nya ,

Malakas akong napatawa dahil sa reaksyon nya.

Sa aming apat ay si Jona ang pinaka center of attraction dahil sa mature nyang pananamit , Sex Appeal daw sabi nya . Never pa syang tinanggihan ng mga lalaki kaya ganon nalang ang pagkatuwa ko.

Napatingin ako sa cellphone kong tumunog dahil sa notification,mas lalo akong napangisi dahil in-accept din ni Kobe ang sa akin.

"Well karma is a bitch " nakangisi kong sabi sa kanya sabay pakita ng cellphone ko nagsitawanan naman sila Diary at Marie sa reaksyon ni Jona

"I'll add him too" Seryosong sabi ni Diary habang inilalabas ang cellphone nya. Marahas na napa-angat ang ulo ni Jona mula sa pagkakadukdok sa lamesa.

"Don't you dare!" Sigaw nya kay Diary at matalim itong tinitigan mas lalo tuloy kaming natawa.

" Pwede bang makitabi ako sa inyo , wala na kasi akong mapwestuhan " sabay sabay kaming napahinto sa pagtawa at nilingon ang pinanggagalingan ng malalim na boses na iyon.

"S-sure !" Nauutal pang sabi ni Marie at binigyan sya ng space para maka-upo si Faustin. Napatikom ang bibig ko at inilibot ang paningin sa loob ng cafeteria.

Of course hindi nya sinasadya na tumabi sa amin nagkataon lang na wala na syang mapupwestuhan.

Tahimik namin syang pinapanood habang kumakain. Parang wala syang pakialam kung may kasama ba sya sa table dahil seryoso lang itong kumakain. Tumikhim si Jona dahil sa katahimikan namin.

" Hello Faustin " Maarteng sabi nya sabay hawi sa buhok nyang bahagyang nakatabing sa mukha. Napairap na lang ako sa ginawa nyang iyon.

Nag-angat naman ng tingin si Faustin sa kanya at ginantihan sya ng ngiti.

"Hi" tipid nitong sabi gamit ang baritonong boses ,muntikan na akong mabilaukan sa kinakain ko dahil sa hindi inaasahang pagsagot nya. Akala ko ay hindi ito sasagot dahil matagal ito bago nagsalita.

Impit na napatili si Jona dahil sa pagtugon nito .

" Oh my ,ang hot !" Sabi pa nito sabay paypay ng kamay sa sarili.

Hindi ko na natiis kaya sinipa ko sya sa ilalim ng lamesa para tumigil.

"I mean ang hot ng ulam ko " makahulugan nitong sabi sabay kindat pa kay Faustin na nakatingin sa kanya at parang walang papuring narinig.

Habang kumakain kami ay hindi mapakali ang dalawa kong kaibigan at kung anu-ano ang itinatanong kay Faustin ,sasagutin naman nya ito ng tipid at saka ngingiti.

Napa-irap ako dahil mukhang natutuwa naman sya sa mga kautuan na sinasabi ni Jona at Marie.

May tinatago din palang kalandian sa katawan ang lalaking ito.

" Milk Tea or me?" Tanong ni Marie kay Faustin sabay pa-cute pa nito.

"Milk tea " sagot naman nya sabay sulyap sa akin.

"So gaano kahaba? " nakangising tanong naman ni Jona ,napakunot ang noo ni Faustin sa random na tanong na iyon

Binawal naman ni Diary si Jona dahil alam nyang may ibang kahulugan iyon. Bigla namang pinamulahan si Faustin ng ma-realize kung ano ang ibig sabihin non. Malutong na tawa ang pinakawalan ni Jona at Marie dahil sa bigla nitong pagtahimik.

"I mean gaano kahaba ang pasensya mo , 5 ? 6? Or 9 ?" Pagpapaliwanag nya pa kay Faustin ,pero hindi maalis ang ngisi nya sa labi.

Agad namang nakabawi si Faustin at parang tumalab naman ang pekeng paliwanag ni Jona sa kanya.

" I'll rate it as 9 " saka walang kaalam alam na ipinagpatuloy ang pagkain, samantalang ang mga kaibigan ko at pati ako ay di mapigilan ang malaswang imahe sa isipan. Bigla akong namula dahil sa naiimagine ko.

" Oh my gosh masyadong mahaba !" Gulat na sabi ni Jona at napatakip pa sa bibig nito " I mean yung pasensya mo , ganyan ang mga tipo ko sa lalaki eh " pagpapatuloy pa nya sabay ngumisi.

"Oo nga pala Faustin baka gusto mong sumama sa amin manonood kami ng basketball game sa NEUST gusto mong sumama?"

Aya ni Marie sa kanya napabaling ako kay Faustin habang hinihintay ang sagot nya.

"Sige sasama ako " sagot nya sabay sulyap sa akin .