"Sorry .." mahinahon nyang sabi at sa wakas ay inalis na ang mga matang nakatitig sa akin, bumuntong hininga sya na parang labag iyon sa kalooban nya.
Wala sa sariling binasa ko ang aking labi at mariin ko itong itinikom.
Muli syang tumingin sa akin at tila hinihintay ang sasabihin ko.
Mas pinili kong wag nalang magsalita.
Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong hilahin palapit sa kanya at ipinalupot ang mga bisig nya sa baywang ko. Dahil nakaupo sya at ako naman ay nakatayo, isinubsob nya ang mukha nya sa bandang dibdib ko.
Akmang ilalayo ko ang ulo nya ng bigla syang magsalita.
"Sorry kanina, kasi ikaw eh hindi mo manlang ako nireplayan tapos makikita pa kitang kasama ang Faustin na yon" may halong pagtatampo ang tono ng pagsasalita nya saka humigpit ang pagkakayakap sa akin.
Bumigat ang paghinga ko, idagdag mo pa ang ulo nyang madiin na nakasubsob sa akin. Pakiramdam ko ay naririnig nya ang tibok ng puso ko.
Pilit kong pinakalma ang nararamdaman ko kahit na sa totoo lang ay nanginginig na ang tuhod ko.
"N-nawala sa isip ko madami kasi kaming ginawa kanina at saka Kaibigan ko lang si Faustin at kasama rin namin si Jona kanina" hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya kahit pwede namang hindi.
Kumalas sya sa pagkakasubsob sa akin habang mariin na magkalapat ang mga labi nya. Hindi ko mapigilan ang sariling hawakan ang magkabila nyang pisngi tuwing ganito ang ipinapakita nyang ekspresyon. Para syang bata na kailangan kong patahanin.
"I'm easy to get jealous." napakurap ako sa ginawa nyang pag-amin. Napatitig ako sa kanya at ganon din sya sa akin, kung hindi lang tumunog ang oven ay hindi kami matitigil sa pagtitigan.
Akala ko ay bibitaw na sya sa pagkakayakap pero hindi. Ibinalik lang nya ang mukha sa pagkakasubsob sa akin.
" Vincent yung pinapainit mo " pagpapaalala ko sa kanya at baka nakalimutan nya na
"Mainit na " simpleng sagot nya kaya ako na ang kumuha sa oven.
"Baka makita tayo ni Kuya " mahina kong sabi habang ibinaba ang isang mangkok ng carbonara.
"Hindi yan, nasa kwarto sila busy sa panonood " walang gana nyang sabi, bigla ko tuloy naalala yung panonood nila ng porn sa kwarto ni kuya parang gusto ko tuloy tanungin kung ano na naman ang pinapanood nila ngayon.
Napapitlag ako ng inikot nya ako patalikod at hilahin paupo sa kandungan nya. Ngayon ay nasa batok ko na ang mukha nya at ang mga kamay nya ay nakayakap parin sa aking baywang. Ramdam ko ang mainit na hininga at ang labi nyang nakalapat doon.
Nanlambot bigla ang mga tuhod ko at hinayaan ko na lang ang sariling maging kumportable sa posisyon namin ngayon. Ini-angat ko ang dalawang kamay ko at inilapat iyon sa magkabila nyang braso na nakapalupot sa akin.
Ganito pala ang pakiramdam nang may yumayakap sayo. Ni minsan ay hindi ko iyon naranasan sa mga naging kasintahan ko noon, hanggang hawak lang nang kamay at isang halik lang sa pisngi ang karanasan ko.
Marahil ay bata pa ako noon at sa text lang nagkaligawan. Hindi ko alam kung tama pa ba ang nararamdaman ko tuwing hahawakan ako ni Vincent. Wala pa ako sa legal na edad pero nakakaramdam na ako ng hindi pamilyar na init sa katawan.
"Baka hinahanap ka na nila kuya baka magtaka na iyon."
Halos pabulong kong sabi ng mapansin kong masyado ng matagal ang pagyakap na ginagawa nya.
H
indi ko alam pero parang tutol ang katawan ko sa mga sinabi.
Hindi lang nya ako basta yakap kundi sinisinghot pa nya ang leeg ko. Bigla tuloy akong na-conscious kahit na bagong ligo ako.
"Sasabihin ko nagyakapan pa tayong dalawa sa kusina " bulong nya sa akin agad ko namang iwinaksi ang katawan ko para harapin at masama ang ipinukol kong tingin sa kanya. Mahinang tawa lang ang pinakawalan nya at muling hinigpitan ang pagkakayakap sa baywang ko saka ipinatong nya ang baba sa balikat ko.
"Huwag mo nang kakalimutan magreply sa akin" malambing nyang sabi saka pinagsalikop ang mga kamay namin, isang tango lang ang isinagot ko sa kanya. Kumalas na sya sa pag kakayakap at inalalayan ako patayo.
Pinagmasdan ko sya habang kinukuha nya ang isang mangkok ng carbonara, ang akala ko ay aalis na sya pero nagulat ako ng halikan nya ako sa pisngi. Saglit lang iyon at agad nyang binawi saka ako nginitian.
"Saka na kita hahalikan sa labi kapag nag- eighteen kana " sabi nya bago ako iwan sa kusina, wala sa sariling napahawak ako sa pisngi kung saan sya humalik. Pinamulahan agad ako dahil sa huli nyang sinabi.
"Saka na kita hahalikan sa labi kapag nag- eighteen kana"
Paulit -ulit ko iyong iniisip hanggang sa makarating ako sa kwarto. Gumulong gulong ako sa kama at mukang tangang naka-ngiti.
Napa-upo ako bigla ng biglang ma-proseso ang sinabi nya sa isip ko.
Teka! Eighteen ?? Eh Fifteen palang ako.
So three years pa ?! Agad akong nakaramdam ng panghihinayang dahil imposible iyong mangyari.
Imposible talaga dahil una sa lahat ay hindi kami magtatagal ng ganoon at baka isang buwan lang ay wala na kami.
Napailing nalang ako at ipinikit ang mga mata nang maalalang misyon lang pala ang lahat ng ito kaya dapat ay hindi ko masyadong iniisip.
Kailangan ko pang mag-review para sa recitation bukas.