Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 22 - Chapter 21

Chapter 22 - Chapter 21

Isinubsob ko ang ulo ko sa study table at malakas na nagbuntong hininga.

Kanina ko pa tinititigan yung assignment ko sa chemistry pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin. Kung bakit ang hina ko pa naman sa math lalo na at tulala ako kanina habang nagtuturo ang teacher namin.

"Kasalanan mo ito Ice Vincent Guison" sambit ko at ginulo ang buhok ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung may message ba akong natanggap mula sa kanya. Mas lalo kong isinubsob ang sarili nang ni isang text ay wala.

Iniangat ko ang ulo ko ng makarinig ako ng katok kaya ibinaling ko ang tingin at nakitang naka silip si Kuya sa pinto.

"Coligne kakain na bumaba kana dyan"

Agad din akong tumayo at sumunod sa kanya. Nakita ko si mama at papa na nakaupo na sa lamesa, sabay silang napatingin sa amin ni kuya habang pababa.

Nang makaupo na kami ay tumikhim si papa at ibinaba ang hawak nyang dyaryo, napabaling naman kami ni kuya sa kanya.

"How's your study hija?" Tanong ni Papa gamit ang striktong boses nya.

" I'm still doing good papa " mahinahon kong sagot saka pilit na ngumiti.

"Doing good is not enough, study hard would be better " segunda naman ni mama , masunurin naman akong tumango at hindi na sumagot .

Ito ang dahilan kung bakit mas pipiliin kong mag-aral kesa mag-gala sa mall kasama ang mga kaibigan. Gusto kong lagi akong nakakakuha ng mataas na grades. Dahil gusto kong mapabilib ang magulang ko sa akin , gusto kong lagi nila akong napapansin at pinupuri.

Pero kahit na top 1 pa ako sa klase ay parang normal na bagay lang iyon sa kanila at mas pinipilit pa akong mag-aral ng mabuti. Kahit na hirap na hirap na ako ay nagsisikap parin akong mag-aral.

Pagkatapos naming kumain ay umalis narin kaagad sila mama at papa para magtrabaho kahit na Sabado ngayon.

Bumalik din agad ako sa kwarto para gumayak dahil ngayon kami pupunta sa bahay ni Faustin.

High waist na shorts ang sinuot ko at tinernuhan ng itim na halter top at sandals. Nagbaon din ako ng pamalit dahil alam kong may ilog sa kanila at maliligo kami nila Jona. Nagmamadaling bumaba na ako ng marinig ang malakas na boses ni Jona at Marie.

"Good morning Kuya Cole " masiglang bati ng dalawa kay kuya habang si Diary ay tahimik lang na umupo sa sofa at sinulyapan saglit si kuya.

" Good Morning din" bati nya habang nakakunot ang noong tumayo at mariin na sinuri ang suot ng mga kaibigan ko.

Huminto ang mata nya kay Diary na mas lalong nakapagpakunot ng noo nya.

Naka summer dress na kulay pink si Marie at si Jona ay naka jump short na off shoulder habang si Diary naman ay fitted black sando at naka maikling short katulad ko.

" Kuya aalis na kami " pag-agaw ko ng pansin sa kanya , ngayon ay sa akin naman ito nakakunot at bumaba ang tingin sa suot ko.

"Where are you going?" Halata sa boses nya ang pagka-inis, ngumuso ako para mag-isip kung sasabihin ko ang totoo baka kasi hindi ako payagan.

"Meron po kaming group project sa bahay ng classmate namin " singit ni Jona mabilis din akong tumango para makumbinsi sya.

Pero mukhang hindi ito naniniwala at humalukipkip sabay sandal sa counter table namin.

"And wearing clothes like that ?" Puna nya tumaas ang kilay nya kay Jona sabay turo sa mga suot namin.

"Malapit sa ilog ang bahay ng classmate namin na si Dianne may balak din kaming maligo pagkatapos " napabaling kaming lahat kay Diary na ngayon ay tumayo na pagkatapos magsalita.

" O-opo summer na po kasi Kuya Cole kaya gusto din namin mag-bonding !"  Pagpapaliwanag ni Marie sabay siko sa akin tumango naman ako at pinagmasdan ang reaksyon ni kuya.

Ako naman ngayon ang napakunot ang noo ng makitang nakatingin pa rin ito kay Diary at hindi man lang natitinag.

"Alis na kami kuya maaga din kaming uuwi magco-commute lang kasi kami" pagpapaalam ko kaya tumingin na sya sa akin at malalim na napabuntong hininga saka tumango.

"Ok,just text if you want me to fecth you" napabuga kami ng hininga  pagkalabas sa gate ng bahay namin.

"Grabe Coligne ah hindi mo sinabing ganoon pala kahirap magpaalam sa kuya mong gwapo" reklamo sa akin ni Jona

"Sorry ngayon ko lang din nalaman na concern din pala sya kung saan ako nagpupunta hindi naman yon ganon kahigpit dati kapag mag-isa akong aalis" paliwanag ko

" So dapat pala di ka na namin sinundo?" Maarte nyang sabi sabay paypay ng kamay nya dahil sobrang init.

" Oo nga dapat pala dito kanalang namin hinintay para di na namin nakita yung mukha ng kuya mo " si Marie sabay tawa napatingin naman sa kanya yung mga kasakay namin sa jeep

"True, nakakainsulto ang mukha ng kuya mo Coligne feeling ko ay isa ako sa mga malas na tao dito sa earth dahil nung umulan ng kagandahan ay takip lang ng red horse ang dala kong pang sahod" natatawang sabi nya

"Edi paano pa ako ?! Naka water proof mode yata ako noon kahit isang patak ay wala akong naabsorb !" Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Marie, sa sobrang aliw sa pinag-uusapan ay hindi na namin napansin na malapit na pala kami sa pagbababaan.

"Para po Manong!" Sigaw ko saka inabot ang bayad, hindi pa kami nakakababa ay natanaw na namin agad si Faustin na nakaupo sa isang tricycle at nakatutok sa cellphone nya.

"Faustin !"  Sigaw ni Marie sabay kaway agad namang napa-angat ang ulo nya inilibot nya ang mata at huminto iyon ng magtama ang tingin naming dalawa.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng ngitian nya ako. Hinintay namin ang paglapit ng tricycle sa amin ng paandarin nya iyon.

"Uhuy! May pa three wheels si Fafa" sabi ni Jona sabay takbo sa likod ni Faustin at doon umupo sa angkasan.

Napabusangot ako dahil sa inasta nya at kinikilig pa ang bruha.

Sa loob kaming tatlo nila Marie at Diary pero sa maliit na bangkito lang ako nakaupo dahil hindi kami kasyang tatlo sa pinaka upuan.

"Ok kalang dyan Coligne?" Nag-aalalang tanong ni Faustin isang hilaw na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

"Mag-top load ka nalang Jona dyan uupo si Coligne" seryosong sabi nya, napaawang ang bibig ni Jona at halos kami ay nanlaki ang mata sa pagkagulat sa sinabi nya.

Walang kumibo sa amin at tila pinoproseso ang sinabi nya nang bigla syang humalakhak ng malakas.

"Joke" pahabol nya pagkatapos tumawa at pinaandar na ang tricycle.

Nakita ko ang pag-asim ng mukha ni Jona sa biro nyang iyon.

Alanganin namang tumawa si Marie at Diary.

"Ano ba tumawa ka naman, bihira lang mag joke si Faustin " bulong ni Marie sa akin kaya wala sa sariling tumawa na rin ako.

"Sa totoo lang ay mas gusto ko ang joke mo Faustin kesa kay Jona" kalmadong sabi ni Diary nginitian lang sya ni Faustin.

Napatikom ang bibig ko dahil sa pagkakaparehas ng ugali nila ni Diary.

Hindi malabong magkagustuhan silang dalawa. Napangiwi ako sa ideyang iyon.

Bakit parang ayoko?