Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

"Congrats! Golden Eagle!" Malakas na sigaw ng mga cheerleader sa grupo nila Bench .

Hinintay naming matapos ang seremonyas nila bago namin tuluyang lapitan si Bench para batiin.

" Congrats Bench " masayang bati ko , ibinaba nya ang hawak na bimpo at nilingon kami.

" Salamat Coligne " nakangiting sabi nya sa akin, tumikhim naman si Jona sa tabi ko kaya napabaling si Bench sa kanya.

" Congrats gurang ang galing mong mag-dunk " naiilang na sabi ni Jona at tinawanan lang sya ni Bench

" Syempre naman " mayabang na tugon nito sa kanya at kinindatan pa nya ito.

" Habang pinapanood kitang nagbobola parang nagiging kahawig mo ung anime sa Slum Dunk , ano na nga palang pangalan non? " napahinto pa saglit si Jona na parang nag-iisip.

Pati tuloy ako ay napa-isip narin. Si Sakuragi ba ang tinutukoy nya?

" Ah si Rukawa ba ?" Hula naman ni Bench, umiling lang si Jona at biglang nagliwanag ang mukha nya ng maalala nya ang pangalan .

" Oh ! I remember na, si Gori yung kahawig mo kapag nagda-dunk ka " biro ni Jona at humagikgik ng malakas pati kami ay napatawa sa biro nya, inismiran lang sya ni Bench.

Nilingon ko ang likod ko pero hindi ko na makita si Vincent doon , inilibot ko ang paningin ko sa buong gym. Bago pa man dumapo ang mata ko kay Vincent ay nauna ko nang nakita si Johnson na papalapit sa banda namin habang may kaakbay na babae, sa gilid naman nya ay si Kobe na nakapamulsa at seryoso ang mukha,habang nasa tabi nya si Vincent.

" Iba ka talaga Bench tirador kana pala ngayon ng high school "

Pang-aasar sa kanya ni Johnsson ng makalapit sa amin sabay tawa ng malakas.

Hindi ko mapigilan ang pagka-inis ko sa sinabi nya, sinulyapan ko ang mga kaibigan ko at ganon din ang reaksyon nila sa sinabi ni Johnson.

Napatingin ako kay Faustin ng abutan nya ako ng mineral bottle, agad ko naman iyong tinanggap dahil nauuhaw na din ako idagdag mo pa ang nakaka-asar na biro ni Johnson.

"Salamat" nginitian nya lang ako ng pasalamatan ko sya, habang umiinom ako ng tubig ay hindi ko maiwasang pagmasdan sya habang nagpupunas ng pawis siguro ay init na init na din ito katulad ko.

Marahas nyang ipinunas ang panyo sa leeg nyang basang basa ng pawis pero kahit na mukang haggard sya ay hindi iyon sagabal sa pagiging gwapo nya. Simula noong sinamahan nya akong maghintay ng sundo sa waiting shed ay nagbago na ang tingin ko sa kanya, hindi katulad ng dati na mayabang at masama ang ugali ngayon ay nababaitan na ako sa kanya, sa totoo lang ay napaka- gentleman nya.

Napakurap ako ng napatingin din sya sa akin biglang nag-init ang pisngi ko ,nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Nagkunwari akong medyo nasamid at iniwas ko agad ang paningin ko sa kanya.

"Ayos ka lang ba Coligne?" Tanong nya sa akin sabay hagod sa likod ko.

At dahil sa ginawa nya ay nagkatotoo na ang pagsamid ko. Tumango lang ako at nag-ok sign dahil hindi na ako makapagsalita. Pumasok ata lahat ng tubig sa ilong ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Vincent habang papalapit sa amin kaya tumuwid ako ng tayo at inalis naman na ni Faustin ang kamay nya sa likod ko.

" What happened?" Nakakunot ang noo nyang tanong sa akin, halata ang pag-aalala nya sa akin sabay lipat ng tingin sa katabi ko, hindi nakalagpas sa mata ko ang pag-igting ng panga nya at ang masamang titig nya kay Faustin kahit wala naman itong ginagawang masama. Nagkibit balikat lang ito sa kanya.

Noon ko lang napansin, bakit nga ba ako inutusan ni Faustin na paibigin si Vincent? Malamang ay magkakilala sila at may nagawang masama ito sa kanya kaya gusto nyang gumanti.

Nawala ang pag-iisip ko kung ano nga ba ang posibleng ginawa nito sa kanya ng hilahin na ako ni Vincent palayo.

Ang akala ko ay uuwi na kami pero nagkamali ako dahil huminto ang sasakyan ni Vincent sa hindi pamilyar na bahay. Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Naunang pumasok ang sasakyan nila Bench at ang iba pa bago ang sa amin. Ganon ba ka okupado ang isip ko kanina kaya hindi ko man lang napansin na sa ibang bahay pala kami pupunta?

Nang tuluyan na kaming makapasok ay saka ko pa lang nalaman na bahay pala ito ni Bench at mayroong victory party na magaganap.

" Feel at home guys , maraming foods at beer sa loob " sabi sa amin ni Bench bago kami talikuran.

Napalingon ako kay Diary na bumuntong hininga.

"I hate pool party " malamig na tono nyang sabi bago umupo at marahang hinilot ang sentido.

" Me too " segunda ko sa sinabi nya, nasa isang table lang kami nila Faustin , Marie , Diary at Jona.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bakuran nila Bench, mayroon malaking pool sa gitna at maraming magagandang halaman sa paligid, namangha ako dahil puno ng Christmas light ang paligid.

" What do you want to eat ? " muntik na akong mapamura dahil bigla bigla nalang may bumubulong sa tainga ko, mabilis kong inilayo ang sarili ko sa kanya.

Nasa tabi ko pa pala sya ang akala ko ay sumama sya doon sa mga babaeng kanina pa tawag ng tawag sa kanya.

" Busog pa ako " sagot ko sa kanya napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo nya.

"Let's just swim then " pag-aalok pa nya , pinagdaop nya ang dalawang kamay nya at saka ngumuso.

Napairap ako sa ginawa nyang pagpapacute.

" Hindi tatalab yang pagpapacute mo kay Coligne , maybe showing some hard muscles will do " sabat ni Jona sabay taas baba pa ng dalawa nyang kilay.

Sa totoo lang ay hindi talaga ako pwede dahil wala naman akong dalang pamalit.

Malutong na tawa naman ang pinakawalan ni Vincent napasimangot ako ng hinubad nya ang t-shirt nya. Nakita ko ang lantad na pag sulyap ng mga babae sa katawan nyang nakabalandra.

" Oh shit! Parang gusto kong mag pandesal kahit na tanghaling tapat" exaggerated na sabi ni Jona sabay paypay ng kamay nya sa sarili pati si Marie ay di maiwasang maglaway kay Vincent.

Ako naman ay todo ang iwas wag lang mapatingin sa katawan nya. Napapatikom ng mariin ang labi ko kapag hindi sinasadyang sumasalat ang braso nya sa akin.

Malalim na napabuga ako ng hininga ng hindi ko na matiis ang sarili.

Walang mali sa pagtitig sa katawan nya lalo na at boyfriend ko naman na sya. Bakit hindi ko na lubos-lubusin?

Pasimple akong uminom ng tubig at sumusulyap sa kanya ng hindi ginagalaw ang ulo ko as in yung eyeballs ko lang ang gumagalaw.

At dahil nasa gilid ko sya ay nahihirapan ako sa ginagawa. Hinihintay kong kausapin nya ulit ako para mapagmasdan ko sya pero busy sya sa pakikipagbiruan kay Jona.

"Gusto mo ba ng juice o softdrinks?" Tanong ni Faustin sa akin bigla namang napahinto sa pagtawa si Vincent at Jona.

" Juice nalang " nahihiya kong sabi , tatayo na sana sya nang biglang unahan sya ni Vincent at padabog na tumayo.

Lahat kami ay napa-angat ang tingin sa kanya.

" Ako na " matigas na pagkakasabi nya at mabilis na umalis.

" What's with you and Vincent? " naniningkit ang mata ni Diary at mataman akong tinitigan .

" Wait , ano nga bang meron?" Nagtatakang tanong ni Jona nagkatinginan kami ni Faustin napansin ko ang pag-igting ng panga nya at ang pag-iwas ng malalim nyang mata sa akin.

" Wala naman " kalamado kong tanggi hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago sa kanila ang relasyon namin ni Vincent , pero hangga't kaya ko pang itago ay gagawin ko.

Nang bumalik si Vincent ay hindi lang ako ang dinalan nya pati rin ang mga kaibigan ko. Mag-iisang oras na akong nakatanga dito ,naiinip na talaga ako samantalang sila Jona at Marie ay naglalangoy aso na sa swimming pool.

Si Faustin naman ay nasa ibang table na at nakikipagkwentuhan sa mga kakilala nya. Si Diary naman ay inaabala ang sarili sa kanyang cellphone.

" Vincent pwede namang pumunta ka muna sa mga kaibigan mo maiinip ka lang dito" ibinaling nya ang tingin sa akin mula sa mga kaibigan nyang nag-iinuman na.

" Ok lang ako dito sa tabi mo " nakangiti nyang sabi sa akin ,palihim nyang hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mga hita ko.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na sumunod naman sya sa akin.

"Akala ko ba ayaw mong magswimming? " nakangising tanong nya sabay akbay sa akin.

" Ilulubog ko lang ang paa ko sa tubig naiinip na kasi ako doon" sagot ko sa kanya ,napanguso ako dahil nakikita ko kung gaano ka perpekto ang katawan nya, sakto lang ang laki pero may hugis naman ito.

Halos sumakit na ang mata ko dahil sa palihim kong pagsulyap sa kanya.

" A-anong ginagawa mo? " napahinto ako dahil bigla nalang nya akong hinarangan at nakapamaywang pa sa harap ko.

Umangat ang gilid ng labi nya at iniangat ang kanang kamay ko saka inilapat sa bandang pusod nya.

" Ano ba?!" histerikal kong sabi agad akong pinamulahan at marahas na napalunok. Ganto ba katigas ang katawan nya ? Humalakhak lang sya at mas lalo pang idiniin ang kamay ko pati ang isa kong kamay ay inilapat na din nya.

"I'm just giving you a nice view babe, kanina kapa sulyap ng sulyap baka mamaya nakaluwa na ang eyeballs mo " pang-aasar nya at hindi parin maalis ang tawa , marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya at inirapan sya.

" Gusto mong yang balls mo sa baba ang paluwain ko ?!" Iniwan ko syang tawa ng tawa at mabilis na naglakad palapit sa pool .

Pervert!