Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 18 - Chapter 17

Chapter 18 - Chapter 17

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, kakatapos ko lang maligo at basang-basa pa ang buhok ko kaya kailangan ko pa itong i-blower. Isang simpleng oversize t-shirt na kulay pink at denim shorts lang ang sinuot ko.

Napahinto ako sa pagbo-blower dahil sumagi sa isip ko ang inasta ni Vincent kanina.

Ano na naman ba ang problema nya?

Hindi kaya nagalit sya dahil hindi ko man lang sya nireplyan kanina? Pero kahit na, hindi dahilan iyon para umasta sya ng ganoon.

Kahit kailan talaga ay hindi ko nagustuhan ang ugali nyang iyon. Naalala ko tuloy nung unang beses syang dinala ni kuya sa bahay, 12 years old sya noon at ako naman ay 8 years old. Unang kita ko palang sa kanya ay nagwapuhan na ako. Simula noon ay lagi na syang nagpupunta ng bahay para sunduin si kuya.

--------------

"Psst.. " napalingon ako sa tumawag sa akin, ibinaba ko ang hawak kong ballpen at hindi na ako nagdalawang isip pang lumapit sa kanya dahil ito ang unang beses na tinawag nya ako.

"Bakit po kuya Vincent?" Mahinhin kong tanong, inikot nya muna ang paningin sa sala namin bago inilapit ang ulo sa akin.

"Gusto mo ba neto?" Tanong nya sabay labas ng Junk food sa bag nya, sunod sunod ang ginawa kong tango dahil hindi ko pa natitikman iyon at mukha namang masarap. Puro sandwich at juice ang lagi kong baon sa school at hindi ako hinahayaan nila mommy na kumain ng mga junk foods kaya nasabik ako sa huli nyang sinabi.

"Sige bibigyan kita nito kung ibibigay mo sakin yung nilalaro mo kahapon" bahagya akong nagulat dahil doon, paborito ko ang laruang hinihingi nya dahil niregalo pa iyon ng lola ko noong nanalo ako sa poster making contest.

"Gusto mo din ng doll house?" Nagtataka kong tanong sa kanya na parang hindi makapaniwala. Agad syang umiling at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

"Hindi ko kukunin yung doll house mo, ang gusto ko lang ay yung maliliit na hayop sa bakuran non" mahabang paliwanag nya agad naman akong natuwa dahil yun lang pala ang hihingin nya.

" Sige ibibigay ko sayo yung isang aso dalawa naman iyon meron pang maiiwan sa akin" masaya kong sabi, kumunot ang noo nya at nagsalubong ang dalawa nyang kilay.

" Hindi, gusto ko lahat ibigay mo sa akin" halata ang pagkairita sa boses nya,napatingin naman ako sa isang pirasong sitsiryang hawak nya at maliit pa iyon. Napasimangot ako dahil sa panghihinayang ,papayag ako kung madami syang ibibigay bilang kapalit.

" Dadagdagan ko pa ito pag balik ko bibili ako ng isang pack " pahabol nya at mukang nabasa nya ang iniisip ko, nagliwanag ang mukha ko at agad na pumayag. Patakbo akong umakyat sa kwarto ko at sa magandang kahon ko pa nilagay ang animal miniature ko.

Nakangiti kong inabot sa kanya iyon, mabilis nyang tinago iyon sa bag nya at inabot sa akin ang sitsiryang nakabalot sa kulay orange na plastic na may nakasulat na Lumpiang Shanghai.

Lumipas ang isang linggo ay hindi ko sya nakita sa bahay, kapag tinatanong ko si kuya ay ang palagi nitong sagot ay 'busy sa project' . Hanggang isang araw ay nakita ko ulit syang sinusundo si kuya kaya agad ko syang nilapitan at hinanap ang pinangako nya.

"Ayy ,oo nga pala nakalimutan ko bukas nalang " paulit ulit nyang litanya kapag tinatanong ko sya kaya hindi na ako umasa pa.

Isang araw ay galit na pumasok si kuya sa kwarto ko at sinira ang nilalaro kong manika hindi ko napigilan ang pag-iyak ko.

" Kaya pala ayaw mong ibigay sa akin yung animal miniature mo na nakalagay sa doll house kasi kay Vincent mo pala ibibigay ! Kaya sya tuloy ang mataas ang marka sa Science subject namin!" Sigaw ni kuya sa akin at ibinalibag ang doll house ko, iyak ako ng iyak noon dahil ilang araw akong hindi pinapansin ni kuya at isinumbong nya pa ako non kay lola. Simula noon ay nagalit na ako sa kanya, tuwing nakikita ko si Vincent na pumupunta sa bahay namin ay sinusungitan ko sya. Pero hindi lang iyon ang huling beses na ginawan nya ako ng mga bagay na ikakaasar ko. Tumatak sa isipan ko lahat ng pang-aasar nya sa akin pati ang hindi nya tinupad na pangako.

-------------

Nang tumunog ang cellphone ko ay agad ko tinignan kung sino ang nagtext.

From : Ice Vincent

Let's talk Coligne..

Agad akong nagtype ng irereply sa kanya.

To:Ice Vincent

Talk to your face !!

From: Ice Vincent

Baby..

Ice Vincent is calling...

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng biglang mag-ring ng malakas ang cellphone ko agad ko syang pinatayan at mabilis na nag-type.

To: Ice Vincent

Don't call !

asshole!

Agad kong ni-lock ang cellphone ko at ibinagsak ang katawan sa kama. Hindi ko mapigilan ang sariling mapatingin nang tumunog ulit ang cellphone ko.

From: Ice Vincent

GO OUTSIDE AND LET'S TALK

Natawa ako sa text nya dahil all capslock na iyon halatang galit na sya.

" Neknek mo "

Usal ko at matagal na tinitigan ang message nya ,naka-receive na naman ako ng text mula sa kanya.

From: Ice Vincent

If you don't go outside, I'll make my way to go inside you.

I mean inside your room..

I'm serious Coligne.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga at nagmamadaling tumakbo palabas . Diretso ang lakad ko patungo sa kusina, agad ko naman syang natanaw sa loob na nakaupo at nakapalumbaba sa harap ng oven.

Tumikhim ako para agawin ang atensyon nya agad naman syang lumingon sa gawi ko at umayos ng pagkakaupo. Mariin syang nakatitig sa akin hanggang sa makalapit ako sa kanya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Ilang minuto ang lumipas bago sya nagsalita.

"Sorry .." mahinahon nyang sabi at sa wakas ay inalis na ang mga matang nakatitig sa akin , bumuntong hininga sya na parang labag iyon sa kalooban nya.