Marahan kong ginagalaw ang mga binti ko habang nakalubog sa malamig na tubig. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa bandang likod at itiningala ang ulo.
Simula nang tumuntong ako ng highschool ay itinuon kona ang buong atensyon ko sa pag-aaral, bihira akong sumama sa mga gantong party maliban na lang kung may kinalaman ito sa mga quiz bee contest na sinasalihan ko. Mas pipiliin kong magkulong sa kwarto at magkabisado ng mga formula kesa sumama sa mga gala nila Marie at Jona, pero kahit na anong gawin ko ay hindi ko parin maagaw ang atensyon ng magulang ko. Uuwi lang sila ng bahay kapag gabi na at iiwanan lang kami ng pera ni kuya.
"Ako ba ang iniisip mo?"
Ibinaba ko ang tingin ko kay Vincent na ngayon ay nakalubog na sa tubig at curious na nakatingin sa akin.
Hinagod nya pataas ang buhok nyang nakabagsak at halos natatakpan na ang mga mata nya. Naningkit ang mga mata nya at ang dalawa nyang kamay ay itinukod sa magkabilang gilid ng hita ko.
" Hindi kaba nilalamig ?" Pag-iiba ko ng usapan , nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi nya
" Giniginaw nga ako eh , kailangan ko ng body heat "
Biro nya sa akin at lalo pang lumapit , idinikit nya ang malapad nyang dibdib at bahagyang ibinuka ang hita ko para makapwesto sya sa gitna.
" Vincent baka kung ano ang isipin nila lumayo ka nga"
medyo natataranta kong sabi at pilit na itinutulak sya, mas lalo lang nyang inilapit ang sarili at ipinaikot ang mga bisig nya sa baywang ko habang ang binti ko naman ay nasa magkabilang tagiliran nya.
" Don't worry busy sila " malambing nyang sabi at kinagat ang pang ibabang labi nya halatang nagpipigil sya ng ngiti. Inilibot ko ang paningin ko at tinignan ang paligid kung totoo ang sinasabi nya. Medyo madilim sa pwesto namin dahil nasa bandang dulo kami ng malaking pool at ang halos karamihan ay nasa bungad dahil maraming ilaw doon at malapit sa mga pagkain.
" Pero kahit na " mahinang sagot ko sa kanya sa totoo lang ay gusto ko ang pakiramdam ng balat nyang nakalapat sa akin. Kahit na malamig ang simoy ng hangin at ang tubig ay mas nangingibabaw ang init ng katawan nya.
" 5 minutes lang Coligne , I just want to be alone with you. " malambing ang tono ng boses nya na tila nagmamakaawa, hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sa perpekto nyang mukha. Sobrang namumula ang labi nya at mas lalong nadepina ang panga nya, idagdag mo pa ang kaunting tubig na tumutulo mula sa basa nyang buhok padaan sa pisngi nya pababa sa leeg.
Bagay sa kanya ang wet look. Bahagya akong napangisi dahil sa term na ginamit. Ano ba yan nahahawa na ako sa kaibigan ko.
Napapitlag ako ng hawakan nya ang kamay ko na nakahawak na pala sa pisngi nya. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero hindi sya pumayag at ipinirmi iyon sa mukha nya.
Kumislap ang kulay abo nyang mata at umigting ang panga nya habang seryosong nakatitig sa akin.
"It's ok ,you can touch or hold me whenever you want" malalim ang tono ng boses nya , marahan nyang pinisil ang nanlalamig kong kamay at ako naman itong tanga dahil para akong batang pinagsabihan at masunuring tumango.
" You can touch this.."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng inilagay nya kamay ko sa sentido nya at iginaya ito pahaplos hanggang sa panga nya.
"This.." ngayon naman ay sa ilong nya at huminto sa mapupula nyang labi.
"and this " hanggang sa malalapad nyang dibdib ay nakarating ang kamay ko ,agad akong pinamulahan dahil sa sobrang pagkasabik.
" This is all yours baby , I'm all yours now " pagpapatuloy nya sa sinasabi at matamis akong nginitian.
Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil sa sobrang sinseridad ng pagkakasabi nya. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya, should I say 'thank you' ? Or 'no, thanks' ?
Napakagat labi ako dahil sa naiisip ko ganoon na siguro ako ka-selfish dahil sarili ko lang ang iniisip ko, ang alam ko lang ay mas mahalaga ang nararamdaman ko kesa sa kahit kanino pa man.
Babae lang ako at nagkakamali, nasasaktan at natutukso. Walang masama kung ipagdadamot ko sya sa iba at gagamitin para sa pansariling kapakanan. Walang wala ito kumpara sa mga babaeng napaikot at nasaktan nya.
"Dapat lang dahil boyfriend na kita" wala sa sariling tugon ko naramdaman ko ang pag-angat baba ng balikat nya at ang mabilis na paghinga dahil sa sinabi ko.
Namumungay ang mata nyang nakatitig sa akin.
"Yieee pinapakilig ako ng girlfriend ko " parang bata nyang pang-aasar, napabusangot ako sa biglang pagbabago nya ng mood.
Kinalas ko ang pagkakahawak nya sa akin at sinabuyan sya ng tubig.
Natatawa syang lumayo sa akin at sinabuyan din ako ng tubig gamit ang palad nya.
"Vincent mababasa ako !" Saway ko sa kanya tumigil naman ito at lumapit na ulit sa akin.
Akala ko ay lulubayan na nya ako ay dun ako nagkakamali dahil bigla nalang nya akong hinila palubog sa swimming pool. Napatili ako dahil sa pagkagulat at sobrang lamig ng tubig, buti na lang ay naka denim shorts lang ako kung nagkataong nakapalda ako ay makikitaan ako.
Naramdaman ko ang pagpalupot ng braso nya sa maliit kong bewang para alalayan ako paangat napakapit nalang ako sa balikat nya dahil malalim pala ang pwesto namin.
Nang maka-angat na ang ulo namin sa tubig ay hinihingal na ako. Lintek na lalaking ito papatayin yata ako.
"I'll make you wet then.." bulong nya sa akin habang ako ay nahihirapan ng huminga.
Sarkastiko akong napatawa sa isipan ko. Bakit ba ako nagpadala sa drama nya kanina nakalimutan kong hindi pala marunong magseryoso ang gagong to.