Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

"Miss President heto pa ang sa akin"

Sabay abot ni Nica sa akin ng test paper nya, agad ko namang inayos ang mga papel dahil ako ang magdadala sa teacher's office.

Nilapitan ko si Jona na kanina pa nagsasagot ng papel at nakakunot ang noo.

"Times up na, baka mapagalitan pa ako akin na yan" inilahad ko ang palad ko sa harap nya pero hindi nya ako pinansin at seryoso paring nakatitig sa papel nya.

"Dalian mo Jona nagugutom na kami " pangungulit naman ni Marie at kinakagat na ang hawak nyang ballpen, umangat ang ulo ni Jona sa amin at nagmamakaawa ang kanyang mga mata.

"Tulungan nyo naman ako, akala ko ba ay sabay-sabay tayong gagraduate ? Walang iwanan di ba?" Sabay kaming napairap ni Diary sa sinabi nya, kapag tinulungan ko sya ay mamimihasa na ito kaya hindi namin pinansin ang paghingi nya ng tulong.

Mas lalo lang akong napairap ng lapitan sya ni Faustin at para turuan.

"Hulog ka talaga ng langit Faustin, isa kang anghel na walang pakpak tapos bumagsak ka dito sa lupa para tulungan ako" pang-uuto sa kanya ni Jona habang isinusulat ang formula sa papel.

"Hayaan mo syang magsagot mag-isa Faustin mamimihasa yan" kontra ko dahil mukhang sya narin ang nagsasagot nito pero parang walang narinig at pinagpatuloy lang ang pagsusulat.

" No, let me rephrase it isa kang Greek God na napadpad dito sa Pilipinas upang tulungan ang mga magagandang katulad ko, salamat Eros "

Masayang sabi nya at kumindat pa dahil tinapos na lahat ni Faustin ang mga hindi nya pa nasasagutan. Tinanguan lang sya nito at umayos na ng tayo.

Napabuntong hininga nalang ako, simula noong nakasabay namin sya sa pagkain sa cafeteria ay lagi na syang inaaya nila Marie para sumabay ulit sa amin at ang nakakapagtaka doon ay hindi sya tumatanggi, halos lagi narin syang sumasama sa amin kapag may outdoor activities kami.

Simula din noong nakita nyang nakahawak ang kamay ni Vincent sa akin ay hindi nya na ako tinatanong tungkol doon kaya ako na ang nagkusang nagsabi sa kanya na kami na at hindi na ako nagpakipot pa, tumango lang sya at sinabing 'Mabuti naman' . Nang tangkain kong magtanong kung bakit nya gustong mangyari iyon ay iniiba nya ang usapan.

From: Ice Vincent

Good morning.Take care babe 😉😘

What are you doing babye

Babe

I'll fetch you later 😘

Napanguso ako dahil sa mga text nya, kaya ayokong nirereplayan sya dahil hindi na ito titigil sa pangungulit kaya kapag nasa school ako ay naka vibrate ang cellphone ko.

" See you tomorrow girls " paalam sa amin ni Marie at saka tumakbo papunta sa itim na kotse.

" Mauuna na din ako " paalam ni Diary sa amin, kaya kaming tatlo nalang nila Jona at Faustin ang naiwang naghihintay sa waiting shed.

" Malayo ba dito ang bahay mo Faustin ?" Curious na tanong ni Jona habang nakahawak sa lace ng shoulder bag nya, napalingon ako kay Faustin para hintayin ang isasagot nya.

Nag-angat sya ng tingin sa aming dalawa at itinago ang hawak nyang cellphone.

" Oo medyo malayo sa baryo pa ang sa amin " simpleng sagot nya at agad na nag-iwas ng tingin .

"Talaga ? Malapit ba kayo sa ilog? Pwede ba kaming pumunta sa inyo sa weekend? "  sunod sunod na tanong ni Jona, hindi ko maiwasang ma-excite sa ideyang iyon .

" Medyo malapit lang pero hindi ko alam kung kailan ako pwede dahil sumasama ako sa bukid para umani" sagot nya kay Jona, nawala ang ngiti sa labi ni Jona dahil sa narinig.

"Ganon ba ? Gusto ko pa namang mag-relax dahil nai-stress na ako sa school " pagpaparinig nya kay Faustin , kahit ako ay diko napigilan ang sarili ko na sumali sa usapan.

"Ako din gusto kong magpicnic sa ilog" mahinahon kong sabi, tinatantya ko kung ano ang magiging reaksyon nya.

Nagbuntong hininga lang sya at saka inilagay ang dalawang kamay sa bulsa bago kami sinagot.

" Sige itetext na lang kita Coligne kung kailan pwede " tila napipilitang sabi nya, napangiti nalang ako dahil pumayag na sya.

" Ayy kaharot bakit sya lang itetext mo?" Pang-aasar nya kay Faustin hindi nalang sya nito pinansin at ako naman ang kinulit ni Jona.

" Hoy Coligne, at bakit may number ka  sakanya ? Care to share? " naniningkit ang bilugan nyang mata habang sinisiko ako. Pilit ko syang binalewala hanggang sa dumating na ang sundo ko.

Ibinaba ni kuya ang bintana ng sasakyan at sinulyapan ang mga kasama ko.

"Hi Kuya Cole ingat po sa pag-uwi " agaw ni Jona sa atensyon ni Kuya ngiti lang isinagot nya at huminto ang mata nya kay Faustin.

" Ingat po" awkward na sabi ni Faustin tila nagulat sa pagtitig sa kanya ni Kuya.

"Salamat, kayo rin mag-iingat halika  na Coligne" tumango ako at nagpaalam na sa kanila bago ako makapasok sa loob ng sasakyan ay napansin ko ang pamilyar na kotse na nakasunod kay Kuya.

" Sino yung isa nyong kasama? "

Napabaling ako kay kuya ng magtanong sya habang diretso ang tingin sa daan.

"Classmate ko kuya " simpleng sagot ko, saglit syang sumulyap sa akin at umangat ang kanang kilay na para bang may hinihintay pa syang marinig saka ibinalik ang tingin sa harapan.

" Full name?" Napalabi ako dahil bihira lang ma-curious si kuya sa mga kaklase ko kahit babae pa iyon.

" Faustin Laurente kuya " nakita ko ang pagtagilid ng ulo nya para tignan ang side mirror.

" Faustin Laurente .." narinig kong pag-ulit nya sa pangalan pero mahina lang iyon dahil tila may iniisip sya, ilang sandali lang ay nakita ko ang paniningkit ng mata nya at kumunot ang noo, marahas syang napabaling sa akin .

"Boyfriend mo ba iyon?!" Halos pasigaw nyang tanong sa akin agad naman nyang ibinalik ang tingin sa harapan. Nabigla ako sa tono ng boses ni kuya kaya nagtataka ko syang binalingan bago umiling.

Napaayos ako ng pagkaka-upo at mariin syang pinagmasdan.

Kung alam mo lang kuya kung sino ang boyfriend ko ngayon , baka kanina kapa nakabangga ng ibang sasakyan.

Bahagya akong napangiti dahil sa iniisip.

" Coligne ! Anong nginingiti-ngiti mo dyan tinatanong kita!" Halatang nauubusan na nang pasensya ang kuya ko kaya napa tikhim ako at natigil ang pag-iisip

" Hindi Kuya, kaibigan at classmate ko lang iyon " kalmado kong sabi agad naman syang huminahon dahil mukhang naniwala naman sya sa sinasabi ko.

Nang makarating kami sa bahay ay tumulong ako sa pagbubuhat ng mga pinamiling groceries ni kuya. Napahinto ako sa ginagawa ng makita kong lumabas si Vincent mula sa sasakyan nya.

Nakaputing V-neck t-shirt nalang sya at hindi na naka-uniform ng katulad kay Kuya pero naka- navy-blue na slack pants pa rin sya at black shoes.

Mas lalo syang gumwapo dahil bumagay ang school uniform sa kanya.

Ibinalik ko ang atensyon sa pagkuha ng mga naka-supot ng makitang papalapit sya sa akin.

"Ako na dyan, pumasok kana sa loob " matigas ang boses nya nang sabihin iyon sa akin at walang kaingat -ingat na inagaw ang mga hawak ko.

Isang tango lang ang isinagot ko sa kanya dahil mukhang badtrip sya. Mabilis ang paglakad at malalaking hakbang ang ginawa nya.

Sinundan ko sya at nagtatakang pinagmasdan ang bawat kilos nya, kahit na nakatalikod ay nakikita ko ang pag-igting ng panga nya.

"Anong problema mo ?" Pinaningkitan ko sya ng mata at hinarap sya habang nakahalukipkip.

Hindi nya ako sinagot at ibinaba nya lang ang mga dala sa lamesa. Naglakad sya papuntang kusina at binuksan ang refrigerator namin, agad ko naman iyong isinara bago pa sya makakuha ng kung anumang kukuhanin nya.

Nakita ko ang makapal nyang kilay na nagsalubong dahil sa ginawa ko.

Umiling lang sya na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ko at binuksan ulit ang refrigerator para kumuha ng tubig, nagsalin sya sa baso at walang kagatol-gatol na tinalikuran ako.

Mariin akong napapikit at humugot muna ng malalim na hininga bago sya  sundan. Padabog akong naglakad habang nakatikom ang mga kamao ko.

Napa-irap nalang ako sa inakto nya na para bang kailangan ko syang suyuin bago sabihin ang problema nya sa akin.

Marahas kong idiniin sa bunganga nya ang iniinom nyang tubig dahilan para masamid at magkanda-ubo sya. Halos bumuhos lahat ng laman na tubig sa mukha nya.

" Fuck!" Mura nya sa pagitan ng pag-ubo nya habang ang daliri nya ay nakapisil sa ilong.

Buti nga sayo, lumabas sana lahat ng organs mo kakaubo!