"Bakit hindi mo naman sinabi agad na si Ice pala ang susundo sa atin , edi sana hindi ko na inaya si Faustin para ako ang naka-upo ngayon sa harapan "
Bulong sa akin ni Jona binigyan ko lang sya ng hilaw na ngiti at itinuon ang mata ko kay Vincent na seryosong nagmamaneho.
Paminsan-minsan ay sumusulyap sya sa katabing si Faustin saka mag-iigting ang mga panga. Tahimik lang ang byahe hanggang sa makarating kami sa University nila.
Naunang bumaba sila Jona, Marie at Diary pati na rin si Faustin. Nakagitna ako kaya nahuli ako sa pagbaba.
Napapitlag ako ng may bisig na pumalupot sa baywang ko.
Buti na lang ay nahuhuli kami sa paglalakad at nangunguna ang mga kaibigan ko. Pilit kong iniaalis ang malapad nyang kamay pero mas lalo pa nyang hinihigpitan ang pagkakahawak doon.
" Baka may makakita sa atin " mahina kong sabi sa kanya, yumuko lang sya at itinapat ang bibig sa tainga ko
" Sit beside me " bulong nya at inignora ang una kong sinabi.
Maingay na ang loob ng gym halatang kanina pa nagsisimula ang laro. Agad na nakahanap ng mauupuan sila Diary pero nasa bandang likod na kami napwesto dahil halos mapuno na ang buong gym.
" Dito kana maupo Coligne " alok ni Faustin sa akin sabay turo sa bakanteng upuan katabi nila Jona at ng upuan nya. Agad kong inalis ang kamay ni Vincent na nakapalupot parin sa baywang ko dahil sa pagkataranta.
Kumunot naman ang noo ni Vincent sa ginawa ko at sinamaan ako ng tingin.
"S-sige salamat " alanganin kong sabi, napahinto ako sa pag hakbang ng hawakan ni Vincent ang kamay ko sa harapan ni Faustin.
Awtomatikong nanlaki ang mata ko sa ginawa nya, nalipat naman ang mata ni Faustin sa kamay namin.
"Sa akin sya tatabi " pahayag ni Vincent, napatikom ang bibig ko dahil sa lamig ng boses nya. Bumalik ang mga mata ni Faustin sa akin saka sya ngumiti ng tipid sa akin at tinanguan lang nya si Vincent.
Bakit nga ba kinakabahan akong makita ni Faustin eh sya nga pala ang may plano nito.
Napalakas yata ang pagbuntong hininga ko dahil napatingin sa akin si Vincent.
" Naiinitan kaba? Gusto mong lumabas nalang muna?" Nag-aalalang tanong nya sa akin, umiling lang ako at itinuon na ang atensyon sa laro.
Hindi ako mahilig sa basketball kaya medyo naiinip ako, napapatili naman sila Jona at Marie tuwing nakaka-shoot ang team nila Bench habang si Diary naman ay busy sa cellphone nya. Kailangan ko talagang malibang dahil hindi ako makapag-concentrate sa panonood.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa kamay naming dalawa na kanina pa magkahawak , tuwing magtatangka akong alisin iyon mas lalo pa nyang hinihigpitan ang pagkakahawak pagkatapos ay marahang hahaplusin iyon.
"Mas-magaling ako magbola kesa kay Bench " mayabang na sabi nya ng mapasigaw si Jona at Marie dahil naka 3-points si Bench.
Hindi ko nalang sya pinansin at pilit na itinuon ang atensyon sa pinapanood.
" Go! BENCH kahit na galit ako sayo ang hot mo pa rin!" Sigaw ni Jona kahit na medyo malayo kami ay narinig pa rin iyon ng mga naglalaro , napatingin tuloy sa amin ang mga teammates ni Bench , natawa nalang ako dahil kinawayan pa kami.
" Tss!.. Wala ngang abs yan eh, sa utak lang may muscle yan"
Napailing nalang ako sa pagkontra nya sa sinabi ni Jona buti nalang ay hindi sya nito naririnig.
Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa kanya dahil bigla nalang nyang iaangat yung kamay ko na hawak nya at panggigigilan iyong kagatin.
Sa halip na masaktan ako ay kinikilabutan lang ako sa ginagawa nya. Kapag naman inililihis ko ang kamay ko sa bibig nya ay marahan nya itong pipisilin at uulitin ulit ang pagkagat.
"Ouch, masakit " pagkukunwari ko dahil hindi ko na matiis ang ginagawa nya kulang nalang ay gawin nyang lollipop ang kamay ko.
"Sorry " simpleng paghingi nya ng tawad saka ako nginisihan , ang akala ko ay titigil na sya ay nagkakamali ako dahil pinaliguan nya ng halik ang likod ng palad ko lalo na ang daliring kinagat nya kanina.
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko para mapigilan ang sarili sa sensasyong dinudulot nya sa akin. Naramdamn ko ang biglaang panlalamig ng sikmura ko , pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malamig.
" Vincent.. " mahina kong usal sa pangalan nya para bawalin sya sa ginagawa pero tila isang ungol lang ang kinalabasan nito para sa kanya dahil mas pinagbuti nya ang paghalik sa likod ng palad ko na para bang labi talaga ang hinahalikan nya.
"Hmmm.. why? " sagot nya sa akin ng hindi humihinto sa ginagawa, naramdaman ko ang mainit nyang labi at ang ang senswal na pag sipsip nya sa aking balat tila ba mas lalo pang nagiging sensitibo ang balat ko sa ginagawa nya.
Napapikit ako ng mariin ng dalin nya ang hintuturo ko sa labi nya at iginalaw ito paikot para ipadama sa akin ang lambot non.
Bumibilis ang paghinga ko habang nagtatagal iyon sa mga labi nya at nang maramdaman kong marahan nya na itong ipinapasok sa bibig nya ay doon na ako napadilat.
'Oh shit!'
Napamura ako sa isip ko marahas kong hinablot ang kamay ko mula sa kanya at tinignan ang mga katabi kung may nakakita ba sa ginagawa nyang iyon. Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa kahihiyan buti nalang ay busy ang lahat sa panonood ng naglalaro. Agad ko naman syang binalingan ng masamang tingin.
Mariin kong pinaglapat ang labi ko para pigilan ang sariling pagsalitaan sya ng masasakit. Kalmado lang sya sa pagkakaupo at nakatukod ang kanan na siko sa arm chair habang nakatingin din sa akin at nagawa pa akong ngitian na parang walang ginawang kalokohan.
'Shut up Coligne, nasarapan ka nga sa ginawa nya eh ' kontra ng isipan ko, nag-iwas na lang ako ng tingin at ibinalik sa panonood.
Muli nyang pinagsalikop ang mga kamay namin at narinig ko pa syang tumawa ng mahina.