Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Lumipas ang ilang araw ay ganon parin ang pakikitungo sa akin ni Vincent, tuwing lalapitan ko siya o magtatangkang kausapin sya ay bigla nalang syang lalayo.

Nawawalan na ako ng pag-asa , napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa pagkabalisa. Naapektuhan na ng masyado ang academics ko kanina ay pangalawa lang ako sa pinakamataas na nakuha sa quiz , katulad ng dati ay si Faustin ang nakakuha ng perfect score.

"Hey girl , are you listening?" Nakapamewang na tanong sa akin ni Jona, bumuntong hininga lang ako sa kanya at nilagpasan sya.

" May problema ka ba Coligne?" curious na tanong ni Marie sa akin

" Napansin ko nitong mga nakaraang araw ay palagi kang tulala " pahayag naman ni Diary, nag-iwas lang ako ng tingin at itinuon sa harapan.

Ganoon na ba ako kalala para mapansin narin ni Diary?

Napatikom nalang ako ng bibig ng makita ko sa dulo ng hallway si Faustin, nakasandal sya sa haligi habang nakapamulsa at nakayuko.

" Guys mauna na kayo may nakalimutan pa pala ako sa classroom " paalam ko sakanila at nagmadali akong tumakbo pabalik, nagtago lang ako sa likod ng isang puno hinintay kong makalayo sila Jona, mula sa malayo ay nakita ko ang pag-angat ng ulo ni Faustin ng dumaan ang mga ito sa harapan nya.

Nakita ko ang pagkunot ng noo nya nang hindi ako nakita kasama ang mga kaibigan pero nanatili pa rin sya sa kinatatayuan.

Saka lang ako umalis sa pagkakatago ng tuluyan na silang nakaalis.

Palapit palang ako ay nag-angat na ng tingin si Faustin sa akin, napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko ng magtama ang paningin naming dalawa. Ang kulay abo nyang mata na walang makitang kahit na anong emosyon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko habang tumatagal ay parang nagiging pamilyar na sa akin ang mga mata nya. Napakunot ako ng noo ng may sumagi sa isip ko.

"Pwede mo naman akong itext kung gusto mong mag-usap tayo" sabi ko ,umayos lang sya ng tayo at inalis ang pagkakapamulsa ng kamay nya. Umangat ang gilid ng labi nya bago nagsalita.

" Dapat pala tinext kita para alam mong ihahatid kita sa inyo " sagot nya sa baritonong boses.

"A-anong sabi mo?" Nauutal kong tanong sa halip na sumagot sya ay nagsimula na syang maglakad kaya wala na akong nagawa kundi sundan sya.

Napalingon ako sa paligid baka may makakita sa amin at iba ang isipin, nang makasiguradong wala naman ay binilisan ko ang paglakad ko at sinabayan na sya ,muli ko syang tinignan para malaman kung ano ang nasa isip nya .

"Bakit mo ako ihahatid? " nagtatakang tanong ko

" May susundo ba sayo ngayon?" Tanong nya ng hindi ako sinasagot at nililingon .

" Oo , si kuya kaya kahit hindi mo na ako ihatid, ok lang " nadadaanan lang kasi ni kuya ang school namin kapag pauwi sya galing sa university nila kaya isinasabay na nya ako sa pag-uwi tutal ay parehas lang ang oras ng dismissal ng klase namin.

Hindi ko namalayan na nasa labas na kami ng gate kung hindi pa sya umupo sa waiting shed, tinapik nya ang upuan sa tabi nya sumunod naman ako at umupo na rin.

" Kung ganoon hintayin nalang natin ang sundo mo " sabi nya at hinagod ang kanyang buhok pataas pinagmasdan ko syang ginagawa iyon. Mas higit na nadepina ang panga nya dahil sa nakatagilid nyang anggulo. Hindi ko napigilan na suriin ang kabuuan nya kung pagmamasdan ay gwapo, tahimik at matalino tugma sa mga katangian na gusto ko para sa isang lalaki. Hindi ko maiwasang mapangiwi kapag naiisip ang arogante nyang ugali.

" May sundo ka rin ba ?" Pagputol ko sa katahimikan, lumingon sya sa akin at umiling.

"Kung ganon may sarili kang sasakyan?" Bahagya akong namangha pero napabusangot ako ng umiling ulit sya.

Ganon ba ako kawalang kwentang kausap? Bakit ba parang tipid na tipid syang magsalita? Bad breath ba sya?

At saka ba't ang lakas ng loob nyang mag-alok na ihahatid nya ako kung wala naman pala syang sasakyan.

"Wala akong kotse nagcocommute lang ako " mahabang katahimikan muna ang lumipas bago nya sinabi iyon.

Marahan akong napatango sa sinabi nya kaya pala ayaw nyang magsalita kanina. Hindi naman sya mukhang mahirap ah. Nilingon ko ulit sya at tahimik na sinuri ang itsura nya.

Branded naman ang mga gamit nya at mukhang kutis mayaman sya. Wala rin syang kalyo sa kamay at mukhang nakakakain naman sya ng apat na beses sa loob ng isang araw.

"Coligne let's go " napalingon kaming parehas sa pinagmulan ng malalim at matigas na boses na iyon

Bahagya pa akong nagulat dahil hindi ko inaasahang sya ang susundo sa akin dito.

"Vincent asan si kuya?" Tanong ko at sinilip ang likuran nya pero agad ko ding binalik sa kanya ang tingin ng hindi ko makita si kuya.

"Maaga kaming umuwi kanina pinapasundo ka lang nya sa akin" malamig nyang sabi at walang emosyon ang kanyang mukha, tumango lang ako at tumayo na .

"Andito na pala ang sundo mo , bukas nalang ulit " tumayo na din si Faustin at hindi ko inaasahan ang pagngiti nya sa akin na para bang close na close kami. Sa saglit na segundo ay napahinto ang paghinga ko, kung sana ay lagi nalang syang nakangiti. Pati ako ay nahawa sa pagngiti nya kaya kahit na nagtataka sa pinakita nyang ekspresyon ay tumungo lang ako.

Teka anong bukas nalang ulit?

Bago pa man ako makapagsalita ay may humablot na sa kamay ko at hinila ako papunta sa kotse.

" Teka lang Vincent " pigil ko sa kanya at inalis ang pagkakahawak nya.

"Faustin halika na sumabay kana sa amin " sigaw ko at kinaway ko pa ang kamay ko, nakakahiya naman kung hindi ko sya isasabay sinamahan pa naman nya akong maghintay

" Hindi na baka magkaiba ng direksyon ang bahay namin sa inyo " sagot nya at lumapit sa amin, lumingon muna sya kay Vincent at binalik rin sa akin ang tingin.

" Mag-ingat ka nalang sa pag-uwi, i-text mo ko kapag nasa bahay kana" makahulugan nyang sabi saka muli akong nginitian, sa pagkagulo ng isip ko ay napatango nalang ulit ako sa mga kinikilos nya.

" Ah sige ikaw din ingat ka, saka salamat " pumasok na ako sa kotse at napabuntong hininga nalang ako ng makalayo na kami.

" Sino yon? "

Tanong nya sa malamig na boses habang diretso parin ang tingin sa daan.

"Classmate ko " tipid na sagot ko nilingon ko sya saglit upang makita ang reaksyon nya ,nakakunot lang ang noo nya at seryosong nagmamaneho. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi sya sumagot.

"Thanks Ice " bungad ni kuya sa amin ,tumango lang si Vincent sabay hagis ng susi agad naman iyong nasalo ni kuya.

"Next time Coleman ako naman ang susundo kay Coligne " biro ni Bench,napalingon ako sa garden at nakita kong nandon ang barkada ni kuya.

Si Johnson ay nagiihaw ng barbecue, nakatalikod ito sa amin habang si Bench ay naglalagay ng yelo sa mga baso.

"In your dreams Buenaventura "

Sagot ni kuya ,si Vincent naman ay umupo na sa tabi ni Kobe na tahimik na naglalaptop. Sabay-sabay silang nagtawanan sa sinabi ng kuya ko maliban kay Vincent na hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin.

Dumiretso na lang ako sa kwarto at agad na nagbihis pagkatapos ay bumaba na ko para kumuha ng meryenda.

Napabusangot ako ng wala akong makitang kahit na anong makakain sa refrigerator namin.

Si Kuya talaga hinakot na lahat ng pagkain, napahawak ako sa tyan ko ng marinig ko ang pag tunog non.

"Oh shit !" Pigil ang hininga ko ng humarap ako at muka agad ni Vincent ang nakita ko ,matiim syang nakatitig sa akin na parang kinakabosado nya ang bawat paggalaw ko.

Tumaas lang ang kanang kilay nya at kumuha ng platito.

" Nasa labas lahat ng meryenda "

Marahan nyan sabi at huminto ng bahagya

" lumabas ka nalang kung gusto mo " walang sabing iniwan nya ako mag - isa napa ismid nalang ako sa ugali nya.

Kaya wala na akong nagawa kundi lumabas nalang, kumuha ako ng barbecue at isang canned soft drinks, saka umupo sa tabi nila kuya.

Nag-uusap lang sila tungkol sa darating na laro nila Bench at Johnson ,pinipilit nila na manood si kuya at Vincent ng laro pero may gagawin daw si Kuya at si Vincent naman ay tinatamad.

"I'm sure Coligne won't ditch me , right?" Ako naman ang kinukulit nyang manood sabay kindat pa sa akin nito.

"Sige ,pero isasama ko ang mga kaibigan ko " sabi ko sa kanya nakita ko ang paglawak ng ngiti nya sabay mayabang na tinignan ang kapatid ko at sila Vincent.

" I told you , malakas ako kay Coligne kaya crush kita eh" pagmamayabang pa nya, bahagya akong pinamulahan sa bulgar na pag amin nya.

Sakto naman na nakatingin din si Vincent sa akin pero iniwas nya din kaagad ang tingin nya at padabog na binaba ang hawak na beer.

" Oh shut up Bench!" inis na sabi ni Kuya hinagisan pa nya ito ng fish crackers tumawa lang ito at lumihis.

" Just give me a ring if you're really going " pahabol pa nya sa akin napatingin ako sa kanya dahil tumayo sya at inabot ang cellphone nya sa akin.

" Save your number here" nakangisi nyang inabot sa akin ang cellphone kaya wala na akong nagawa kundi i-save nalang ang number ko.

Wala pang isang minuto ng tumunog agad ang cellphone ko ,kinuha ko naman iyon at tinignan para i-save din ang number nya.

Habang nagtitipa ako sa cellphone ay agad kong naalala ang sinabi sa akin ni Faustin . Nalimutan ko syang itext, kaya nagtype agad ako .

To : Faustin

Hi , nakauwi na ako.

Pagkatapos nun ay bumaling agad ako sa kanila na busy na sa pinag-uusapan, pinagpatuloy ko ang pagkain ko pero hindi pa man ako nakakasubo ay tumunog agad ang cellphone ko.

From: Faustin

Mabuti naman, ano nang ginagawa mo?

Napakunot ang noo ko sa reply nya , I mean sa second phrase. Hindi ko inaasahan ang tanong nya. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na tatanunging nya ako kung ano ang ginagawa ko.

To : Faustin

Nagmemereyenda lang kasama sila kuya saka yung barkada nya, Ikaw ?

From: Faustin

Nagluluto.

Napasimangot ako sa simpleng sagot nya.

To:Faustin

Ah, ng ano?

From: Faustin

Kaldereta

To: Faustin

Wow

T

ipid na din ang reply ko sa kanya,dahil mukhang napipilitan lang  syang makipag-text.

From : Faustin

Hmm, kung gusto mo ipagluluto kita ng kaldereta

Hindi ko inakala na aalukin ako nito ng ganoon kaya napangiti ako. Hindi ko namalayan na matagal-tagal ko din syang nakatext. Nag-angat ako ng tingin at ganon nalang ang pagkagulat ko ng seryosong nakatingin sa akin si Vincent, tinaasan ko lang sya ng kilay at tinitigan din sya sa mata.

Marahan nyang pinaikot ang hawak nyang baso na may alak habang hindi inaalis ang mata sa akin.

Lasing naba sya ? Napatingin ako sa cellphone kong tumunog, inabot ko iyon at nireplayan si Faustin.

" Are you seeing someone huh?"

Nawala ang atensyon ko sa cellphone at napabaling sa nagtanong na iyon .

Nakita ko ang magkasalubong na kilay ni Vincent, halos lahat sila ay napabaling ang atensyon sa akin.

Napakunot ang noo ko sa tanong nya. Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero agad ko ding tinikom dahil may ideyang pumasok sa isip ko.

"Yes and why?"

Proud na pagkakasabi ko sa kanya at nagawa ko pa syang ngitian.

Inisang lagok nya ang hawak nyang alak pagka-ubos nya sa inumin ay tinagilid nya ang ulo, kahit madilim ay nakita ko ang sarkastikong pagngisi nya na para bang may iniisip na hindi maganda

" And who's the unlucky guy ?" Curious na tanong ni Kuya saglit pa itong sumulyap kay Vincent.

" Hindi ko sasabihin sayo kuya, baka takutin mo pa " pabiro kong sabi, napatawa lang sila sa sinabi ko at ipinagpatuloy na nila ang kaninang pinag-uusapan.

Nagpaalam muna ako para mag-cr at babalik rin.

Paglabas ko ng cr ay si Vincent agad ang bumungad sa akin bahagya pa akong napaatras dahil sa pagkagulat.

Nakasandal sya sa pader habang nakapamulsa naman ang dalawa nyang kamay. Hindi maitago ang pamumula ng tenga nya hanggang sa leeg, siguro ay pati ang kanyang mukha pero hindi ko iyon maaninag dahil nakayuko sya.

Tumikhim ako para malaman nyang nakalabas na ako. Umangat ang ulo nya mula sa pagkakayuko, mapungay ang kanyang mata halatang lasing na ito.

Lalagpasan ko na sana sya nang bigla syang nagsalita.

"Are you playing with me Coligne?"

Tanong nya sa malamig na boses, napahinto ako sa tanong nya, mariin akong napapikit bago sya harapin.

Ang sama nang loob ko sa kanya dahil sa pag-iwas nya sa akin nitong mga nakaraang araw ay biglang nawala.

Pinilit kong maging blangko ang ekspresyon bago sya hinarap. Ang naniningkit nyan mga mata ang unang umagaw sa atensyon ko. Bakas ang sakit na nararamdaman nya sa kulay abong mata.

I'm sorry Vincent , I have to do this.