"Are you playing with me Coligne?"
Tanong nya sa malamig na boses salungat sa ipinapakita ng kanyang mga mata, napahinto ako sa tanong nya, mariin akong napapikit bago sya harapin.
"No, I'm not"
Depensa ko, mariin kong itinikom ang labi ko at seryoso syang tinitigan.
"Then why are you so busy entertaining someone else even though you told me that you like me !"
Pahiyaw nyang sabi , kumuyom ang kamao nya at kitang-kita kong mas lalong pumula ang mukha nya hanggang sa leeg.
Marahas akong napalunok dahil sa ipinakita nyang galit. Hindi ba dapat ako ang magalit sa kanya dahil sa pag-iwas nya sa akin simula ng sinabi ko sa kanyang gusto ko sya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, lasing kana " mahinahon kong sabi sabay iwas ng tingin sa kanya nakita ko ang paggalaw ng panga nya.
"Then make me sober " sabi nya sa malamig na tono, hindi ko inaasahan ang paglapit nya sa akin kaya napa-atras ako ng ilang beses maiwasan lang ang pagdikit ng katawan nya sa akin.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, para akong tuyong dahon na madikitan lang ng konting apoy ay magliliyab na.
Hindi maalis ang tingin ko sa mga mata nyang kulay abo. Nang wala na akong maatrasan ay ikinulong nya ako gamit ang isa nyang kamay at ang isa naman ay iniangat nya para hawakan ang aking pisngi.
" I tried to avoid you, because I knew you were out of my league "
Marahan nyang sabi at inilapit pang lalo ang mukha nya sa akin.
Ramdam ko ang init ng hininga nya, maingat akong lumunok ayokong marinig nya ang kalabog ng aking dibdib. Nahihirapan akong huminga dahil sa ginagawa nya hindi ko maiangat ang mga kamay ko para pigilan sya , parang kapag susubukan kong iangat iyon ay pagtaksilan ako ng sarili kong mga kamay.
"L-lasing kana ." Halos ayaw lumabas ng mga salitang iyon sa labi ko dahil sa intensidad na nararamdaman ko ngayon.
Hindi sya sumagot sa halip ay lumambot ang kanyang ekspresyon, kung kanina ay galit sya ngayon naman ay para syang maamong tuta.
Napabuntong hininga sya at saglit na ipinikit ang mga mata pero agad din syang dumilat para salubungin ang akin.
Awtomatikong napapikit ako ng inilapit nya pang lalo ang kanyang mukha, ang akala ko ay hahalikan nya ako sa labi ngunit hindi iyon nangyari.
Nainis ako sa sarili dahil bakit naghahangad ako ng mas higit pa sa paghalik nya sa aking noo. Wala sa sariling napadilat ako at sinalubong sya ng tingin.
Bumaba ang tingin ko sa mapupula nyang labi habang binasa nya ito gamit ang dila nya, napasinghap ako sa ginawa nyang iyon.
"Let's give it a try, please date me Coligne Manuel "
Hiniplos ng hinlalaki nya ang kaliwang pisngi ko,habang ang namumungay nyang mga mata ay seryosong nakatitig sa akin. Wala sa sariling napatango ako , walang salita ang gustong kumawala sa mga labi ko.
Oh come on Coligne what happened to your smart mouth.