Chereads / Is It Us? (FILIPINO) / Chapter 27 - Vingt-Deux

Chapter 27 - Vingt-Deux

The next few days passed like a flash of lights. Hindi ko nga napansin na tatlong araw na lang pala, Pasko na. Nung mga nakaraang araw ay medyo naging busy si Eiffel dahil may mga problema raw na biglang lumitaw sa business nila. Akalain mo 'yon, kahit nandito lang at wala masyadong ginagawa ay alam pala ang nangyayari sa business nila. Samantalang ako, heto. Wala man lamang balita maski sa pamilya ko.

December 22 na pero wala man lang kaming panghanda para sa pasko. Ni wala pa nga akong panregalo sa kaniya.

"Done," I heard him say saka tumabi sa akin sa sofa. "Tara na?"

"Okay ka na ba? Hindi ka muna magpapahinga?" tanong ko. Kakagaling lang kasi niya ng kwarto niya at nakita kong ang daming papeles at folders sa table doon. Mukhang nira-rush niya 'yung mga bagay-bagay para makapagpahinga rin sa araw ng pasko.

"Okay lang ako. Tara na." Bakas sa mukha niya ang pagod pero alam kong hindi ito magpapatalo kung makikipag-argumento pa ako na magpahinga na lang siya.

Tumayo na lang ako at ganoon rin siya. Gagamitin sana namin 'yung bike na binili namin kaso baka maging sagabal lang kaya sumakay na lang kami ng taxi. We go to the nearest market para makabili na ng panghanda sa pasko.

Nakakatawa. Kahit kasi may kaniya-kaniya kaming gawain ay nakapagkabit pa kami ng Christmas decor. Pero nakakalungkot rin. Ito kasi 'yung unang Pasko na hindi ko makakasama 'yung pamilya ko at ganoon rin siya. Noong nag-usap nga kami nakaraan about his parents, sabi niya tinawagan raw siya ng mama niya at sinabing nami-miss na siya nito.

"I'll take a nap," sabi niya pagpasok namin sa taxi.

I offered him my shoulder that he didn't decline. Pagod talaga siguro 'to. Ang laki nga ng eyebags kanina. Mukhang hindi natulog magdamag.

"Gusto ko Filipino food," biglang sabi niya habang nakapikit.

"Ako rin. 'yung laging handa sa bahay."

"Yeah."

Tapos noon ay natahimik na kami at hinayaan ko muna siyang umidlip sa biyahe kahit sandali lang.

Ginising ko siya pagkarating namin sa tapat ng isang public market. Bumili kami ng mga karne at gulay. Bumili rin kami ng mga prutas lalo na 'yung mga bilog. Kasabihan kasi na swerte raw iyon. We also bought ham and cheese. Few bottles of wine and some Parisian treats.

Pagkatapos naming mamili ay umuwi rin kami agad. Inayos namin 'yung mga pinamili at gumawa ng mga pwede nang simulang handa para sa pasko tulad ng mga desserts.

I'm arranging graham crackers in a container while Eiffel's making the fruit salad when he spoke.

"Hindi ka ba uuwi sa Pinas?" Napahinto ako saka napatingin sa kaniya.

"Hindi ko alam." Nilagyan ko ng mixture ng gatas yung lalagyan tapos ay naggawa ulit ng panibagong layer ng graham crackers. "Hindi. Ikaw?"

"Wala kang kasama."

"What?!" Inilapag ko ang ginagawa ko. "No. You can go if you want. I can manage."

Kaya lang naman ayaw ko pang umuwi dahil hindi pa ako handang harapin sila. I knew my parents. Siguro pinabayaan nila ako noong pumunta ako rito pero alam ko na may kapalit 'yon. Baka pagkarating ko ron, hindi na ako makatakas at iba na ang status ko.

Napakagat-labi ako. Hindi pa pala namin napag-uusapan ni Eiffel 'yung tungkol roon. Ni hindi ko pa nga nasasabi sa kaniya 'yung tungkol kay Keina at saka kay Landon. At saka--

Naputol ang pag-iisip ko nang tawagin niya ang pangalan ko.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.

'Marami.' nais kong isagot pero ngumiti lang ako sa kaniya saka ipinagpatuloy 'yung ginagawa ko.

Natahimik ako buong araw na 'yon.  I was overthinking about things. I also gave distance between Eiffel and I.

Being with him, It felt so wrong but right at the same time. It feels good being with him. I felt secure and everything's lighter. But then it feels wrong knowing that I still have problems back in the Philippines. That there's someone who's waiting and need to marry me. And Eiffel also have problems. He's don't even end things with Keina. Wala man lang silang break up. Tapos 'yung mga kinikilos pa ni Keina dati. Para siyang buntis. Baka si Eiffel pa ang ama...

Just thinking of those shit makes my mind hurts and my heart. Eiffel and I, we have mutual feelings now that might grow. And I don't even know when this Paris escape will end. Soon, I know that my parents will be here. I just know. There are my parents.

I just think about things until night came. Nung nag-dinner kami, alam kong naramdaman ni Eiffel na nag-iba ang pakikitungo ko sa kaniya. Alam kong nararamdaman niyang dumidistanya ako sa kaniya kaya makailang ulit siyang tumitingin sa akin habang kumakain. Naiilang man ako ay hindi ko na pinanasin. Mabuti na lang rin at hindi naman siya nagtatanong.

Tinanghali ako ng gising nang sumunod na araw. Dumiresto lang ako sa kusina para sana kumain pero may nakahanda na sa lamesang may takip. Mayroon ring note na nakadikit sa mesa.

Morning, Bree! Umalis ako at may pupuntahan lang sandali. Ang tagal mong gumising kaya hindi na kita hinintay. Ipinaghanda kita ng pagkain. Eat well!

Eiffel

I should be smiling. But I'm not. Instead, I find myself tearing up.

I know where this all ends. And it hurts knowing that we're just starting this thing between us. What we felt for each other grow every single day and in the end we might just hurt each other.

I think of the possibilities. Soon, magiging may bahay na ako at magkakaroon na rin ng sariling pamilya. Soon, pwedeng magiging tatay na siya. It's like our future are already set. Ipaglaban ko man sa mga magulang ko 'yung arranged marriage, hindi mawawala 'yung posibilidad na may anak siya. At ayaw ko naman na pagkaitan ng kompletong pamilya 'yung bata kung siya nga.

Pinunasan ko ang mga luhang naglalandas sa mga pisngi ko.

Kailangan na rin siguro naming tumigil. We need space. We need to cut strings.  Sabi nga nila, prevention is better than cure. Para maiwasan ang mas malaki pang pinsala, dapat tigilan na namin 'yung kahibangan namin na 'to habang maaga.

Naalala ko 'yung hugot ng math teacher namin dati tungkol sa asymptote-- Pinagtagpo, pero hindi itinadhana. I smiled bitterly. Siguro ganoon kami ni Eiffel.

I cried for almost an hour. Nang tumingin ako sa salamin, maga na 'yung mata ko. Namumula na rin 'yung ilong ko. Siguradong kapag nakita ako ni Eiffel, magtatanong 'yon.

Naisipan kong maligo muna. Lalabas na lang siguro muna ako.

Pumuta ako sa mall pagkatapos ko maligo at magbihis. Naisipan kong mamili ng mga panregalo sa mga kaibigan at pamilya ko sa Pilipinas. Siguro kapag nakabalik na ako, saka ko na lang ibibigay sa kanila.

Umuwi ako ng bahay pero wala pa si Eiffel. Habang nasa mall, hindi ko malaman kung anong bibilin ko para kay Eiffel. Naisipan kong ipagpabukas na lang tutal naman may bukas pa.

That day, hindi ko nakitang umuwi sa bahay si Eiffel. Nakatulog na ako sa sofa pero wala pa rin siya.

🍷🗼🍷

Nang sumunod na araw, nagising ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung paano dahil ang alam ko sa sofa ako natulog kagabi. Pero sa tingin ko ay si Eiffel ang bumuhat sa akin. Dalawa lang naman kami sa bahay. Isa pa hindi naman uso sa akin ang sleep walking.

"Bree," tawag niya habang nagtitimpla ako ng kape. Hindi ko siya pinansin at nilagyan lang ng creamer 'yung kape ko.

Ipinalibot ko 'yung mga kamay ko sa tasa para mainitan ang mga kamay ko saka nilanghap ang amoy ng kape.

"Bree," tawag niya muli pero nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga saka narinig ko ang yabag ng mga paa niya palapit sa akin.

"Galit ka ba kasi gabi na ako nakauwi? Sorry na."

Narinig ko ang lungkot sa tono ng pagsasalita niya. Gusto ko man siyang harapin at tanungin, hindi ko ginawa. Kailangan ko nang dumistansya 'di ba? Siguro pwede ko na lang gawin itong dahilan para malayuan siya.

Even though I have the urge to hug him, I stopped myself. Instead, I passed through him and act like he doesn't exist.

Christmas eve na mamaya pero nagkulong lang ako sa kwarto ko. Nakalimutan ko na nga rin 'yung pagbili ko sana ng regalo para kay Eiffel. Kaya naisipan ko na lang na gumawa ng regalo para sa kaniya.

I busied myself doing his gift na hindi ko namalayan 'yung oras. Nakarinig lang ako ng ilang fireworks kaya lumabas ako. Nang tingnan ko 'yung orasan, 12:00 AM na pala. It's alredy Christmas. Nang madako ang paningin ko sa kusina, nagulat ako kasi ang daming handa. Hinanda ba 'to ni Eiffel lahat? I felt guilty. Hindi ko man lang siya natulungan.

I looked for him but I can't find him. Wala siya sa kwarto niya. Nung tatawagan ko naman siya, nasa room niya 'yung phone niya. Bigla akong kinabahan.

For a short time, nakilala ko si Eiffel. And if there's one thing that's very similar in us, it was escaping. Pareho kaming duwag. We always choose to runaway rather than face the problems. And every time we do that, there's only one place we love to go— in the bar.

The thought that something like what happened to him and Alicia might happen again already hurts. Alam kong ako 'yung may kasalanan dahil hindi ko siya pinapansin,  but still!

Don't he dare!

Kumuha ako ng coat dahil malamig sa labas. Hahanaapin ko si Eiffel. It's should be our first Christmas together. At hindi ko hahayaang masira lang ito ng impluwensya ng alak.

Pagkabukas ko ng pinto, parang nabunutan ako kaagad ng tinik sa dibdib. He's there. Sitting in one of the monoblock chair we have inside.  He's looking unto the sky. That's when I realize that there are fireworks display. I smiled and walk near him.

But my smile faded away when I saw his face. I thought he's just watching the fireworks. But he's not. Tears are slowly making it's way to his cheeks  and I felt a pang in my chest.

He's crying. Just like the first time I saw him when Keina left.

I move in front of him and lean forward. I cupped his face and wipe the tears on his cheeks using my thumbs.

Doon niya lang ata napansin na nandoon ako. he even blink twice before moving his head down. Pero inangat ko ito saka nagsalita.

"Ba't ka umiiyak?"

Bigla na namang tumulo 'yung luha niya. Napatawa ako ng mahina.

"Uy, tahan na."

"Galit ka sa akin."

Napangiti ako. Nakalimutan kong medyo may pagkaiyakin nga pala 'tong lalaking 'to. Naalala ko pa noong umiyak siya kasi umalis si Keina. Araw araw 'ata siyang umiiyak noon. But now, he's crying because of me.

My smile widen. "Hindi, a! Tumahan ka na."

"Bumili lang naman ako ng panregalo sa inyo kaya hindi ako nakauwi agad. 'Yung sayo naman hindi ko makita 'yung gusto kong ipangregalo kaya naghanap pa ako pero wala akong nakita. Buti na lang may nakita akong nagtatatak." Para siyang batang nagsusumbong sa akin.

Kaya siya hindi nakauwi agad dahil naghanap siya ng pangregalo sa akin? I felt  my heart melt. I sat on his lap and I don't care anymore about the our position . I just want to hug this man who makes me feel so special, secure and loved.

For the first time, I don't need to do anything just to be noticed. I don't need to beg for someone's attention and care for me. For the first time, someone notice me even though I don't do anything. That I am enough. He made me feel enough.

He cared for what I feel. He ask for my opinion and what I think about things. And that's enough to make me fall.

He hugged me the way I hugged him. His face was on the crook of my neck. still sobbing.

"Hush." Inalo ko siya hanggang sa tumigil siya sa pag-iyak.

"Okay ka na?" Tumango lang siya bilang tugon. "Tara, kumain na tayo. Baka lumamig 'yung niluto mo."

Tumayo ako saka hinatak siya patayo. Hila-hila ko siya habang ang isang kamay niya ay buhat-buhat yung monoblock chair.

Nasa tapat na kami ng pintuan ng bigla siyang huminto. Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Tumuro siya sa taas ng pinto kaya tiningnan ko 'yung tinuturo niya. Hanging at the top of our door, is a mistletoe.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Really, Eiffel?"

He smiled at me sheepishly. Namumula pa ng kaunti ang ilong at mata niya at halatang galing sa iyak pero may kalokohan na agad 'tong lalaking 'to!

He lean forward while looking on my lips. Then his stared at me in the eyes as if asking for permission.

I don't answer him, instead, I wrap my arm in his nape and pull him closer to me. Then I close my eyes.

What I felt was just like those fireworks outside when our lips met. My hearts keep on beating in a fast paced and that I thought it might explode. But then, the feeling is so overwhelming. Just as beautiful as the view above.

Ibinaba ko ang isang kamay ko sa tagiliran ni Effel saka siya kinurot.

"Naughty," I whispered between our kisses. I heard him chuckled then bit my upper lip making me moan.

We decided to enter the kitchen before that kiss bring us somewhere else. Our hands are intertwined all the time. Si Eiffel kasi, ayaw na bitawan 'yung kamay ko. Sinabi ko na ngang nahihirapan akong kumain pero sabi niya susubuan niya na lang raw ako. Buong oras 'ata namin sa pagkain, namumula ako. Bwiset na Eiffel kasi 'to, walang ibang ginawa kung hindi 'yung magpapaabnormal sa puso ko.

That night, we shared the same bed. Ewan ko. Ang clingy bigla ni Eiffel noong gabing 'yon simula ng kausapin ko siya. Kahit ilang beses ko nang sinabi na hindi siya pwedeng tumabi sa akin ay nagpumilit pa rin ang loko. Sinaraduhan ko na nga ng pinto at nag-lock pero mautak ang loko. Kinuha 'yung spare key ng kwarto ko at binuksan. Pero humingi pa rin naman siya ng permiso kung pwedeng tumabi sa akin. Sa huli, nauto rin ako.

But no. Nothing happened that night. We just cuddle until we drifted to sleep.

***

Hello, my dear readers!

I'm happy to inform you na may draft na ang last chapter ng storyang ito. We're almost in the end. Sana suportahan n'yo tong storya 'to hanggang sa huli!

You can show your support by giving me stars (vote) if you like the chapter and a lot of comments/feedbacks.  Thanks!