Pagkababa ko pa lang sa taxi ay nakita ko agad ang isang binata na nakatayo sa tapat ng tinutuluyan naming bahay. Naksuot siya ng makapal na jacket na itim at pantalon. Itim na combat boots naman ang nakasuot sa paa niya. Sa gilid niya ay may maliit na maleta. Ang kaniyang kanang kamay ay may hawak na telepono na tinitingnan nito mayamaya.
Nang mabaling ang tingin niya sa akin ay agad na gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. Bigla na lang kumabog ang dibdib ko kaya napahawak ako sa tapat ng puso ko.
Ano 'to? Ba't ganito?
Hindi ko namalayan na naglakad na pala ako palapit sa kaniya. Hindi ko alam kung anong itsura ko. Dapat ay gagantihan ko ang ngiting binigay niya pero hindi ko magawa.
Huminto ako sa harap niya.
"Hi," he greeted.
Akala ko ay ganoon lang 'yon. Pero bigla na lang niyang nilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa lumapat ang kaniyang mga labi sa aking pisngi bago muling lumayo at ngumiti ulit.
My heart thumped faster. I felt blood rushing to my cheeks making me bow my head a little.
What's this? Why am I feeling this?
I looked at him. Ngayon ko lang napansin ang itsura niya dahil malapit ako. Humaba na ang buhok niya. May mga bigote at balbas na rin at halatang hindi naahit ng ilang araw. Ang ilalim na parte ng mata niya ay medyo maitim, halatang kinukulang na sa tulog. At... mukha siyang problemado at stress pero pinipilit na itago ito ng isang ngiti.
I heard a fake cough behind me so I turn around only to see Eiffel with a frown. I almost forgot that his with me. Hindi ko man lang nalaman na lumabas na rin pala siya ng taxi at umalis na rin pala ang sinakyan namin.
Nabingi ba ako ng ilang minuto?
I looked at Eiffel. Nakatingin siya kay Landon at masama ang tingin niya rito kaya naman napakunot ang noo ko.
Problema nito? tanong ko sa sarili pero naalala ko 'yung paghalik ni Landon sa pisngi ko. Napakagat ako sa labi. Nakita niya? Nagseselos ba siya?
But then I shook the thought away. Mas may dapat akong malaman.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Landon na nakatingin sa akin kaya siguro hindi niya makikita 'yung pamatay na pagtitig sa kaniya ni Eiffel.
"'Yan agad ang tanong? Hindi mo man lang ako binati o kinamusta? Saka sino pala 'tong pinapatay na ako sa titig," Landon said motioning his head to Eiffel's direction.
"U-um, ano..."
Hindi ko alam kung dapat ko ba sila ipakilala. Konektado sila dahil sa amin ni Keina pero hindi nila alam. I suddenly felt my guilt rose. Hanggang ngayon wala silang alam sa ginawa ni Keina. Wala silang alam at ni hindi ko man lang sinubukang ipaalam sa kanila.
Nakaramdam ako ng takot. Paano kapag nalaman nila? Paano ko sasabihin na alam ko pero sinekreto ko sa kanila? Baka kamuhian nila ako. Mabilis na pumintig ang puso ko.
"S-si Eiffel," sabi ko habang tinuturo si Eiffel. "Si--"
Naputol ang pagsaalita ko ng magsalita si Eiffel. "Landon," may diin niyang sabi.
I immediately felt the atmosphere become heavier. I felt the tension as they both give each other their dagger look.
But knowing that Eiffel knew Landon makes me smell trouble.
Paano nakilala ni Eiffel si Landon? Kilala ba nila ang isa't isa? Ibig ba sabihin may alam si Eiffel? ibig ba sabihin...?
Bigla akong kinilabutan sa naisip ko. Hindi. Hindi niya 'yon magagawa. Di 'ba?
Napailing na lang ako. "Bree, ayos ka lang?" napatigil ako sa pag-iisip nang magtanong si Eiffel. Hindi. Hindi niya 'yon magagawa. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya.
"Ayos lang ako. Pumasok na muna tayo, maginaw na."
Nauna akong pumasok ng bahay at sumunod naman sa akin si Landon at si Eiffel. Dumireto ako sa kusina para magtimpla ng kape para sa aming tatlo. Kanina pa nangangati ang dila ko na tanungin muli kung bakit nandito si Landon pero parang ang rude nga naman kung ganoon agad ang bungad ko sa kaniya.
Inilagay ko sa isang tray ang tatlong tasa ng kape at dinala sa sala. Naabutan ko silang nagpapalitan ng masasamang tingin kaya agad kong nilapag sa lamesang nasa gitna 'yung tray at ibinigay 'yung kape nila.
Parang may anghel na dumaan dahil ang tahimik naming tatlo. Ramdam ko pa rin ang tensyon sa kanilang dalawa pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Umupo ako sa mahabang sofa sa gitna habang 'yung dalawa ay sa pang-isahang sofa na magkaharap.
Kung hindi lang mabigat ang athmosphere, matatawa sana ako. Past meets present ang tema e. I mean, 'yung gusto ko dati at gusto ko ngayon.
Kinuha ko ang aking tasa at humigop roon nang biglang magsalita si Landon.
"Bree," alangang tawag niya sa akin. "May kailangan kang malaman."
Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. Ang seryoso kasi sobra ng mukha niya. Mukhang hindi niya rin alam ang saabihin niya.
Tumingin siya kay Eiffel. "Kung pwede lang, mag-uusap sana kami," kaswal na sabi niya kay Eiffel.
"Pwede kayong mag-usap nang nandito ako."
"Pasensya na pero sa amin na lang sana ni Bree 'yung pag-uusapan namin."
Tumingin sa akin si Eiffel na parang sinasabi na kampihan ko siya pero baka importante 'yung sasabihin ni Landon.
Umiling na lang ako dahilan kaya bumagsak 'yung dalawang balikat niya. Akala ko ay aalis na siya ng tumayo siya pero huminto lang siya sa tapat ko. Bigla na lang niyang iniangat ang baba ko at yumuko. Huli na nang mapagtanto ko ang gagawin niya dahil dumikit na ang labi niya sa labi ko.
I don't know how long his lips are on mine but it's enough to make me forget that Landon's there.
"Just a reminder." Tumingin siya ng matalim kay Landon sa huling pagkakataon—nagbabanta—bago umalis at pumasok sa kwarto niya.
***
Pagkawala niya sa paningin ko ay wala sa sariling napahawak ako sa mga labi ko. His kisses still lingered. I still felt his lips against mine even though he's far away.
"So he's the reason you're staying here, huh?"
Napatingin ako sa kaniya. Napayuko ako. Nakakahiya, nakalimutan kong nandito nga pala siya.
Narinig ko ang paghugot niya ng hininga bago nagsalita. "Ayoko sanang sabihin 'to pero," he sighed. Parang hirap na hirap siyang sabihin ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. "May sakit ang mama mo. Kailangan niyang operahan..."
Hindi ko na naintindihan 'yung iba pa niyang sinabi. Bigla na lang akong napatingin sa kawalan. Pinaliwanag niya ang sakit ni mama, pero ang
naintindihan ko lang ay ang salitang opera at kasal.
Napakunot ang noo ko. Kasal?
Pero hindi ko na lang muna inisip 'yon. Inukopa na kasi ng salitang opera 'yung utak ko. Agad na nag-unahan sa pagbagsak ang aking mga luha.
Si mama. May nangyari kay mama at kailangan niya ng opera. May nangyari sa kaniya pero wala akong alam. May nangyari sa kaniya pero wala ako sa tabi niya. Anong klase akong anak?! Wala akong kaalam-alam sa nanay ko. Iniwan ko sila ng walang pasabi. Wala akong kwenta!
Kahit naman nagalit ako sa kanila ay hindi maaalis na sila pa rin 'yung bumuhay sa akin. Na kahit ilang ulit ko pang balik-baliktarin ang mundo, Nanay ko pa rin siya at pamilya ko pa rin sila. Pakiramdam ko wala akong kwentang anak. Bakit wala akong alam?
Sinapo ko ang aking mukha gamit ang mga kamay ko at umiyak. Hindi ko pa nakakausap si mama. Natatakot ako kasi paano kung may mangyari habang inooperahan siya? Paano kung...?
Napahagulgol na lang ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si mama. Hindi ko kakayanin. iniisip ko pa lang, masakit na paano pa kung...
Napatigil na lang ako sa pagiyak ng may marinig akong kung ano. Pagkaalis ng kamay ko sa mukha ko ay nakita kong nakaupo si Landon sa lapag habang nakahawak sa pisngi niya. Sa harap niya ay nakatayo si Eiffel. Masama ang tingin nito sa isa at nakakuyom ang mga kamao.
"What the fuck did you do?!" galit na tanong nito.
Agad ko siyang hinawakan sa braso at hinatak palayo kay Landon pero pumapalag siya.
"Ano? Pupunta ka rito tapos papaiyakin mo lang 'to?"
Niyakap niya ako kaya naman napasubsob ako sa dibdib niya. "Umalis ka rito. Ayaw ko ng makita 'yang pagmumuka mo rito. Baka kung anong magawa ko sayo," sabi niya habang dinuduro si Landon.
Nanatili lang na nakaupo si Landon sa lapag habang sapo-sapo ang kaniyang pisngi. Nakatingin lang siya sa amin. Pinagmamasdan kami ni Eiffel.
Hinatak niya ako papasok sa kwarto niya. Pagkasara pa lang ng pinto ay niyakap na niya agad ako nang mahigpit.
"Shh, tahan na," pang-aalo niya sa akin.
Iniangat niya ang mukha ko at pinunasan 'yung mga luhang lumaladas pababa sa mukha ko. "Anong ginawa niya sa'yo ha? Sinaktan ka ba niya?"
Nang tingnan ko siya sa mg mata, kalma na ulit siya. Hindi kagaya kanina. Aaminin ko natakot ako sa kaniya. Unang beses ko siyang makitang ganito. Unang beses kong nakita na magalit siya nang sobra at nakakatakot. Parang hindi ko siya kakilala. Ibang-iba siya sa Eiffel na kilala ko na medyo isip at kilos bata. Pero ngayon, bumalik na siya na parang walang nangyari. Bumalik na yung Eiffel ko.
Agad na bumalik sa akin 'yung kay mama. Napaluha na lang ako. "Eiffel... si mama..." pilit kong iusal kahit na lumalabo na ang paningin ko.
Niyakap lang ako ni Eiffel ay inalalayan paupo sa kama niya. Hinayaan niya akong umiyak habang nakaakulong sa mga bisig niya.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon pero wala akong paki. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Kung may shutdown button lang siguro ang utak, kanina ko pa pinindot. Kaso wala naman, e.
Iniisip ko na kailangan ko na talagang umiwi sa Pinas. Bago sumabak sa operasyon si mama, gusto ko siyang makausap. Gusto kong humingi ng tawad kasi bigla-bigla an lang akong umalis ng walang sabi sa kanila. Gusto kong tanungin 'yung mga gumugulo pa sa isip ko. Gusto ko siyang makita, mahawakan, mahagkan... kahit pa hindi naman kami ganoon ka-close.
Naisip ko na aalis na pala talaga ako. Iiwan ko na pala talaga si Eiffel hindi lang dahil kay Keina kung hindi dahil may kailangan rin akong balikan sa Pilipinas. Siguro paraan na 'to ni tadhana para sabihing hindi talaga kami pwede. Siguro hindi talaga kami. Siguro ito na talaga ang huli.
Napahigpit ang yakap ko kay Eiffel.
Kailangan ko ng bumalik. Siguro tama na 'yung pagtakbo sa mga problema. Siguro ora na para harapin ko ang mga ito at wakasan.
Pero bago ang lahat, may gusto muna akong malaman kay Eiffel.
"Paano mo nakilala si Landon?"
Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. "Eiffel?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya. Nag-iwas siya ng tingin.
Umalis ako sa pagkakayakap niya at lumayo sa kaniya. "Ba't kilalala mo siya?"
Halata ang pakikipagdebate niya sa sarili kung sasabihin ba niya sa akin pero sinabi niya rin.
"I have Keina... under investigated."
My body went still by the fact that he spill. He have Keina under investigated. It means he know what's between Keina and Landon. That they grow in an orphanage. That they have relationship. So all along he knew? Pero bakit wala siyang ginawa? Bakit pinabayaan niya lang? Naalala ko 'yung mga panahong naglalasing siya dahil kay Keina.
'Kasalanan ko bang hinayaan kong mahulog ako sa kaniya kahit hindi tama?'
"She's cheating with me, behind his back. I never thought I'll be an instrument of such thing. Kung alam ko lang..."
Napansin niya ang paninigas ng katawan ko. Mapanghusgang tumingin siya sa akin."Hindi ka nagulat. So alam mo na may ibang lalaki si Keina pero hindi mo sinabi sa akin?"
I don't mind him as another thought came to my mind. Does he know? That Landon and I was engaged?
"Pinaimbistigahan mo rin ba si Landon?" I thought loudly. Huli na nang napigilan ko ang bunganga ko.
Marahan siyang yumuko bago tumango.
Malakas akong napabuga ng hangin. Napatayo ako. Tumingin ako sa kisame bago bumalik ang tingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa naglalarong ideya sa isip ko. Pero kailangan kong itanong. Gusto ko nang mabawasan yung tanong sa utak ko dahil kung hindi, sa tingin ko sasabog na ito.
"So alam mong ikakasal kami."
Marahan ulit siyang tumango.
Nagpakawala ako ng pagak na tawa. Naramdaman ko na parang pinipiga 'yung puso ko. Ayoko sana itanong sa kanya 'to dahil baka masira na ako ng tuluyan pero hindi pwede. Kailangan kong malaman. Kailangan ko ng sagot.
"Did you... plan these? All of these?"
Kumunot ang noo niya. Hindi maintindihan 'yung gusto kong ipahiwatig. Hindi ko napigilang magtaas ng boses.
"Tangina! Plinano mo ba 'to?! Kaya mo ba ako inaya rito? Plinano mo ba na magkakilala kami ni Keina? Plinano mo bang gamitin ako dahil inaakala mong masasaktan mo si Landon? Dahil gusto mong maghiganti sa kanya kasi hindi matanggap ng ego mo mas pinili siya ni Keina?"
Biglang nanginig ang boses ko."P-plinano mo lang ba n-na p-paibigin ako?" Halos hindi ko na marinig 'yung huling sinabi ko at halos bumagsak na 'yung tuhod ko dahil sa panginginig pero pinilit kong tumayo ng maayos.
Hindi agad siya nakasagot. Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil lumabas na agad ako ng kwarto niya. Ayokong umiyak pa sa harap niya. Pakiramdam ko ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko.
Napangiti ako ng mapait. Tangina, naloko ako. Nagamit ako. Nagpagamit na naman ako.
Nakita ko pa si Landon sa may sala at feeling at home pa. Napatingin siya sa akin at akmang lalapit pero tumalikod na ako agad at dumiretso sa aking kwarto.
Mabuti na lang pala at nag-impake na ako. Hindi na ako mahihirapang umalis.
Sinukbit ko ang aking bag sa aking braso at hinatak ang isang malaking maleta. Pagkalabas ko ay siya ring paglabas ni Eiffel sa kwarto niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga bagaheng dala ko. Sinubukan niyang lumapit pero hindi ko siya pinansin.
"Bree..."
"Bree." Hinawakan niya ako sa braso nang dumaan ako sa harap niya.
"Bitawan mo ko," malamig kong sabi sa kaniya. Mabuti na lang at binitawan niya ako.
"Bree, naman."
"Pumunta ka kay Keina. Kailangan ka niya."
Napansin kong natingilan siya at napatingin naman sa gawi namin si Landon. Marahil ay nagtataka kung paano nadawit ang pangalan ng ex niya.
Tumingin ako kay Landon bago magsalita. "Let's leave."