The day that's suppose to be lovely specially for couples and everyone who's in love happened to be my most miserable day. Wala na ata akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak dito sa plane. Akala siguro ng mga nakakakita sa akin ay inaway ako ng katabi kong si Landon.
'Yung flight ko na dapat sa susunod na araw pa ay napaaga ng hindi oras. Hindi ko na kasi kaya. I felt betrayed. Sa tingin ko pinaglaruan lang ako.
Nakakagago si Eiffel. Kung alam ko lang na ganto rin pala 'yung mangyayari, sana hindi na ako sumama sa kaniya. Sana hindi na ako tumakas. Edi sana hindi ako nasasaktan.
Napaisip tuloy ako kung may malaking kasalanan ba akong nagawa noon. Kinakarma ba ako? Wala naman akong inapi ha. Naging masunuring anak naman ako. Wala naman akong ginawang masama pero bakit ganito? Ba't naging miserable ako simula ng makilala ko silang tatlo?
Marahan kong pinunasan ang aking mga mata. Masakit na kasi ito kahit kaunting sanggi lang dahil nga namamaga na. Mabuti pa 'tong katabi ko, tulog na tulog. Walang pinoproblema. Ang sarap tuloy sipain para magkaproblema.
Sinubukan kong libangin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin sa tanawin sa labas. Napabuga ako ng hangin. Uuwi na talaga ako. Makikita ko na ulit yung pamilya ko. Makakalanghap na ulit ako ng polusyon sa Pilipinas. Malalasahan ko na ulit 'yung mga lutong bahay na na-miss ko na sobra at maririnig ko na naman ang mga taong nakapaligid sa akin na Pilipino ang wikang gamit sa pagsasalita. Maiintindihan ko na sila.
Hindi ko alam kung gaano pa katagal akong nakatulala sa bintana hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
🍷🗼🍷
Nang magising ako ay nakalapag na ang eroplano. Agad kaming lumabas ni Landon kasabay ang iba pang pasahero ng wala man lang imikan. Kagabi pa yan. Mukhang binigyan ako ng space na hiningi ko.
Dala ang kaniya-kaniya naming bagahe ay naglakad kami palabas ng airport kung saan agad akong sinalubong ng aking pamilya. Philip and my parents are there. They're holding a cardboard welcoming me.
Bigla ko na lang nabitawan 'yung maleta ko at napatakbo sa kanila saka sila inambahan ng yakap. My eyes started to well in tears. I missed them so much. I've been away from them for months but they're here now. Caging me in with their hugs. Saying things that I don't even heard because I'm overwhelmed that, I'm finally home. I knew where not really like this but knowing the situation of my mom, I can't help it but show all my emotions.
Pagkalipas ng ilan pang minuto ay humiwalay na ako sa kanila. Nakita ko si Landon dala ang maletang naiwanan ko pala. Lumapit sa kaniya sila papa upang makipagkamay habang si mama naman ay humalik sa kaniyang pisngi.
"Doing good so far?" he asked Philip.
Napakunot ang noo ko. Anong pinag-uusapan nila?
"Yup," he answered showing a smile with an overflowing confidence.
"Good." Landon messed with Philip's hair but he moved away immediately.
"Tara na? Kailangan nyo munang magpahinga dahil kadadating n'yo lang."
We made our way out of the airport. Sa labas ay nag-iintay ang isang van na minamaneho ng isa sa mga driver nila mama. Lumabas ang driver at kinuha ang mga hawak naming gamit at inilagay sa likod. Sumakay si Philip sa unahan sa tabi ng driver. Pinauna naman nila ako sumakay sa likod kasunod si Landon bago nila ibaba 'yung upuan na nakaharang at umupo sila mama sa unahan namin.
Tahimik lang ako sa biyahe. Tumitingin-tingin sa labas kung may ipinagbago na ba Ang Pilipinas ng mga buwang wala ako. Sa gilid ko ay si Landon na natutulog habang may eye mask pang suot. Sila mama ay paminsan-minsang nag-uusap at minan ay tinatanong ako. Si Philip naman ay nagpipipindot sa cellphone niya. Mukhang may ka-text ang kapatid ko a. Mukhang may nililigawan na.
Tiningnan ko silang lahat. Mukha naman silang okay. Parang wala ngang sakit si Mama e. So ano 'yung sinasabi ni Landon nakaraan?
Pagkarating sa bahay ay dumiretso ako ng kwarto pagkatapos ng maikling pag-uusap namin. May jetlag pa ako kaya kailangan ko talagang magpahinga.
Mahimbing akong natutulog. Maayos ang lahat bago ko ipikit ang aking mga mata ngunit bakit nabaligtad lahat ng muli akong dumilat?
Nagising ako dahil sa malakas na pag-alog sa braso ko. Si Philip ang bumungad sa akin pero ang mas nagpagising sa diwa ko ay ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga pisngi.
"Hey, What happened?"
"Ate, si mama..." sumisigok-sigok pa na sabi niya. And that's enough for me to know that something bad happened. Agad akong bumango at niyakap siya habang hinahagod ang kaniyang likod. Iniisip ko pa lang na baka may nangyaring hindi maganda kay mama gusto ko nang umiyak. Pero kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko. Para kay Philip. para sa pamilya ko.
Nang makalabas kami ng bahay ay madilim na. Ilang oras kaya akong nakatulog?
May kotse sa harap ng bahay na agad naming sinakyan upang dalin kami sa ospital kung saan nandoroon raw si mama.
Pagkarating namin sa ospital ay nakita agad namin si Papa kausap ang isang doctor. Agad kaming lumapit sa kaniya.
"...She needs to undergo operation as soon as possible."
"How's the chance for her to survive?"
The doctor looked hesitant. "Didiretsohin na namin kayo Mr. Madrigal. Maliit lang nag tyansa niya pero gagawin namin ang lahat ng makakaya namin." Parang tinakasan ako ng hininga ng marilig ang sinabi niya. nanginig bigla 'yung mga tuhod ko mabuti na lang at may upuan sa gilid namin kaya napaupo na lang ako at napatulala. "Ililipat na lang po mamaya si Mrs. Madrigal sa private room niya."
"Sige. salamat."
Pagkaalis ng doktor ay hindi ko napigilan ang pagluha. Paano na? Kailangan niya ng operasyon pero walang kasiguraduhan. Maliit lang ang posibilidad pero kailangan. Napahilamos na lang ako.
Bakit ba 'to nangyayari? Dahil ba umalis ako? Dahil ba ayaw ko sa gusto nila? Dahil ba nagsinungaling ako kay Eiifel tungkol kay Keina at Landon? Dahil ba lagi kong tinatakasan 'yung mga problema ko?
Niyakap na lang ako ni papa at hinayaan akong umiyak nang umiyak sa bisig niya.
Nang mailipat na sa private room niya si mama ay tulog pa siya. Tutal ay nakatulog naman ako kanina pagkadating ko, sinabi ko na lang kila papa na ako na lang muna ng magbabantay kay mama at umuwi na muna sila para makapagpahinga. Kailangan pang pumasok ni papa sa kompanya. Hindi naman porke may sakit si mama titigil na ang kompanya. Si Philip naman ay kailangan pang bumangon nang maaga bukas dahil may pasok pa siya.
Habang nakaupo ako sa upuang malapit kay mama ay nakita kong gumalaw siya. Unti-unti'y binuksan niya ang kaniyang mga mata at umikot sa silid ang kaniyang mga mata bago huminto sa akin.
Nagbigay siya ng maliit na ngiti. Napakagat ako sa labi upang pigilan ang mga luha kong nagbabadya.
Kailangan niyang operahan sa utak. Maliit lang ang tiyansa niyang makasurvive sa operasyon pero kailangan niya na iyon sa lalong madaling panahon. Kaso ayaw niya kaya pinapakunsinte siya sa amin nila papa.
"Kamuta ka na ma?"
"Ayos lang. Sobrang natutuwa ako kasi andito ka na."
Iniangat niya ang kamay niya palapit sa pisngi ko pero hindi niya maabot masyado kaya ako na lang ang naglapit sa kaniya ng mukha ko. "You grow beautifully, Bree. A very beautiful woman you are."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tinitigan ko lang siya at ganoon rin siya sa akin. Naging tahimik ang paligid maliban sa ibang aparatong nakakabit sa kaniya. "Ma, magpaopera ka na," basag ko sa katahimikan.
"Pero gusto pa kitang makitang ikasal, anak."
Napangiti ako kahit medyo nag-aalala. "Pwede naman ma, pagkatapos ng opera mo di ba?"
Umiling lang siya. "Magpakasal na kayo ni Landon, anak. Mabuti siyang tao. Masipag, matalino at gwapo pa. Sigurado akong aalagaan at iingatan ka niya para sa akin."
"Ma, naman." Nagsimulang magtubig ang mga mata ko. Bakit ganoon ang mga sinasabi niya?
"Pasensya ka na anak ha. Hindi 'ata ako naging magaling na magulang. Patawad sa lahat ng naging pagkukulang ko." Inabot niya ang mga kamay ko at ikinulong iyon sa sarili niyang mga kamay. "Alam mo, sa maikling panahon nakilala ko si Landon. Mabait talaga siya anak. Gusto kong siya ang mapangasawa mo kasi sa tingin ko, magagawa niya 'yung mga bagay na hindi ko magawa para sa'yo. Mapupunan niya 'yung pagkukulang ko..."
Nag-usap pa kami ni mama ng tungkol sa kung saan-saan ng gabing 'yon. Kinuwento ko sa kaniya ang mga ginawa ko sa Paris at sinabing may mga pasalubong ako sa kanila. Nagkwento rin siya kaso nagulat ako sa mga kinukwento niya. Noong wala pala kasi ako, inasikaso niya lahat ng tungkol sa kasal ko. Nagulat ako pero hindi ko na pinahalata. Medyo nainis rin ako kasi nagpaplano na naman siya ng walang opinyon ko. Pero nakinig lang ako sa kaniya lalo na at mukhang natutuwa siyang mag-ayos ng kasal. Matagal-tagal na rin kasi ng makapag-usap kami ng ganito katagal. Kadalasan ay mag-uusap lang kami pag may tinatanong siya at may gustong malaman.
Nang lumalim na ang gabi ay sinabihan ko siyang matulog na dahil kailangan niya ng pahinga. Baka makasama pa sa kalagayan niya ang pagpupuyat.
"Good night, ma." inayos ko ang kumot niya.
"Good night, Bree."
Pinatay ko ang ilaw pero kahit papaano ay may liwanag pa rin na pumapasok sa loob dahil sa bitana. Humiga ako sa couch sa may gilid at ginawang kumot 'yung jacket na suot ko kanina. Pumikit ako kahit na hindi pa ako inaantok dahil narandaman kong nakatingin sa akin si mama.
Nang maramdaman kong wala ng nakatingin sa akin ay napadilat ako. Umupo ako at tumingin sa gawi ni mama.
Naisip ko kung ano 'yung gusto niya. She wants me to get married before her operation. She arranged the wedding because she thought that will make me happy; that being with Landon—the man that I've been searching for— will make me contented; that that's what I want and she want the best for me.
I sighed and think until I didn't notice that it's already dawn.
🍷🗼🍷
Let's meet.
I texted the address to Landon before I put my phone back to may bag. I need to talk to him. After thinking for few days, I've already made my decision.
He replied OK and after 20 minutes of waiting, he entered in the fast food chain i'm in.
We don't talk much. But the highlight of the whole thing we've talk is the first statement that leaves my mouth.
"Let's get married."
🍷🗼🍷
"Ms. Bree, may naghahanap po sa inyo."
Napakunot ang noo ko. Hapon na at wala naman kasi akong inaasahang bisita ng ganitong oras.
"Sino po, manang?"
"Hindi po nagpakilala, e. Pero kilala n'yo raw po."
Napatango na lang ako. Sinabi sa akin ni manang na nasa sala raw 'yung bisita ko kaya agad ko namang pinuntahan.
Bumaba ako sa sala pero nagtaka ako kasi wala namang tao roon. Inilibot ko pa ang aking paningin upang masigurado kung wala ba talagang tao. Nang wala talaga ay aakyat na sana ako ngunit biglang may tumawag sa akin.
"Bree..."
Bilang nanginig ang aking tuhod. 'Yong boses na 'yon. Kilalang-kilala ko kung kanino 'yon. Agad na pumintig ang puso ko. Sa ngayon, isang tao lang naman ang nakakapagparamdam sa akin ng ganito. Agad akong humarap sa kaniya at tama nga ang hinala ko.
Teka, anong ginagwa niya rito?
"Bree, magusap tayo." nang tingnan ko siya sa mata, kulang na lang ay lumuhod siya dahil sa pagmamakaawang nakita ko. Ano pa nga ba? Kailangan talaga naming mag-usap muli; sa huling pagkakataon. At sigurado akong ito na ang huli.
Inaya ko siya sa bandang likod ng bahay kung saan may mini garden. May upuan doon at lamesa na parehong gawa sa bakal at pininturahan ng puti.
Umupo ako sa upuan at ganoon rin siya sa tapat ko. Tahimik lang kami hanggang sa dumating 'yung miryendang pinagawa ko para sa akin at sa kaniya.
Kinuha ko 'yung orange juice sa lamesa at ininom.
"Hindi ko alam," kuha niya sa atensyon ko. Tumingin siya sa akin at nagbigay ng malungkot na ngiti bago muling tumungo. "Nung araw na nagkakilala tayo, nag-inom ako noon kasi nainis talaga ako sa mga magulang ko dahil ipapadala nila ako sa ibang lugar. Ginamit pa nila kunyari 'yung kompanya. Totoo na inaya lang talaga kita sa Paris dahil lasing ako. Hindi ko naman alam na sasama ka. It's the drunken Eiffel talking at hindi nga kita kilala noon.
"Nasa Paris na tayo ng malaman ko na may Landon pala. Ramdam ko naman na may iba si Keina e. Pero nagbulagbulagan ako. Minahal ko, e.
"'Yung sa inyo ni Landon, nalaman ko noong mga panahong nakilala ko si Alicia. Kaya pumayag rin ako sa gusto niya na magpanggap para nga ma-distract. Kaso wala e. Nakatadhana 'ata ako sayo." He raised his head and smile sadly. "Ikaw pa rin kasi, e."
Napakunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito?
"Akala ko wala na. Pero bumalik ulit lahat ng nararamdaman ko sa yo. Bree, maha--"
"Don't."
"What?"
"Don't feed me with your lies."
"But I'm not!" nagtaas siya ng boses at kulang na lang ay tumayo siya sa pagkakaupo niya.
I tried to stare at him without showing any emotion. Gustong-gusto kong marinig 'yung saabihin niya. Kahit isang pagkakataon lang gusto kong sabihin niya sa akin 'yung mga pinapangarap kong salita lalo na't ramdam na ramdam ko ang ibig sabihin noon. Pero hindi pwede. Baka kasi pagsinabi niya iyon at narinig ko, iwanan ko lahat at sumama sa kaniya. Baka makalinutan ko na may mga responsibilidad pala kami na dapat naming gampanan.
Biglang tumunog 'yung cellphone ko na nakalapag sa table na kumuha sa atensyon naming dalawa. Nakita ko sa caller ID ang pangalan ni Philip. Agad ko itong kinuha at tumayo upang lumayo ng kaunti kay Eiffel.
"Philip?"
"Ate, si mama hinimatay."
Parang nagmalfunction na naman 'yung utak ko. Ilang segundo rin akong napahinto. Agad kong sinabi na susunod na lang ako sa ospital, may gagawin lang ako. Pinahid ko ang luhang nagbabadya bago ibaba ang tawag.
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at hindi pinansin ang mga nagtatanong na tingin ni Eiffel.
If there's one thing I know about how a relationship should end, it is that, every relationship needs a closure for a good ending, and a better start.
You need to know the reason why the relationship ends, so next time you enter a relationship, it won't be like the previous one. So that the disaster won't happen again.
Pero napaisip ako. Hindi naman naging kami di ba? Bakit kailangan namin ng closure? Napailing na lang ako sa mga tanong sa utak ko.
"Eiffel, I really need to go. Pero tapusin na muna natin 'to. "Yung nangyari sa Paris..." Gusto kong kagatin 'yung labi ko para hindi ako maiyak pero pinigilan ko ang aking sarili. "Wala lang 'yon."
Nang tingnan ko siya, kitang-kita ko kung paano bumagsak ang mga balikat niya. Kung paano lumalim ang hininga niya. Kung paano mamuo ang luha sa paligid ng mata niya at kung paano sinasalamin ng mga mata niya ang sakit na nararamdaman.
"Eiffel, you need to understand that Paris is a beautiful city. There are lots of lovers there. There are lot of sweet things there. We're in Paris. It's just the two of us on the same roof. We became independent in each other. It's just that..."
"Anong sinasabi mo?"
"Eiffel, I'm," Humugot ako ng hininga dahil nararamdaman ko na ang unti-unting pagbigat ng pakiramdam ko. "I'm so in love at the thought of being in love. Eiffel, it's the atmosphere of the place we're in. It's the people around us... It's the thought... It's... It's not us."
Nakita ko ang paulit-ulit niyang pag-iling. "No. Sinasabi mo lang 'yan. Naramdaman ko, Bree."
"Naramdaman mo kasi iyon ang iniisip mo. Eiffel kung wala ako roon, siguro si Alicia o Keina ang kausap mo ngayon. Pero ako 'yung nandoon e. Siguro sobrang magical lang sa Paris na kaya nitong isiksik sa utak ng tao na mahal niya ang isang tao kahit hindi naman talaga.
"Did you know that when I saw Landon that day before I leave, my heart keeps on beating?
"Landon and I are getting married. Sa ilang araw na magkasama kami, na-realized ko lang na... na mahal ko pa rin pala siya." Gusto kong kagatin 'yung dila ko dahil sa pagsisinungaling. Pinipigilan kong magpakita ng emosyon sa gayon ay hindi niya makita ang tunay kong nararamdaman. . Pero ang totoo gusto kong umiyak at magpakulong sa mga bisig niya upang maramdaman kong ayos ang lahat.
Pero ito 'yung dapat e. Kung hindi ko 'to saabihin sa kaniya, aasa pa siya. Masasaktan lang siya lalo. Naalaala ko tuloy 'yung usapan namin tungkol sa mga taong minahal namin.
"Napapagod na ko Bree. Napapagod na kong magmahal..."
Gusto ko sanang maging dahilan niya para hindi siya magsawa sa pagmamahal pero parang dumagdag lang ako sa mga rason kung bakit balang aral ay baka hindi na siya magmahal.
Bakit ba ang unfair ng mundo? Bakit lagi na lang siyang nasasaktan e nagmamahal lang naman siya. Wala naman siyang ginawang masama. Pero bakit parang ang daya. Hindi man lang siya bigyan ng isang babae na ipaglalaban siya.
"Hindi ako makapaniwalang natalo ako ng dalawang beses sa isang lalaki." Napakagat ako sa aking labi.
Nagsimula nang magbagsakan yung mga luha niya. Agad akong tumayo. "I
have to go." My voice broke. "Bye Eiffel."
Pagkatalikod na pagkatalikod ko sa kaniya ay nagbagsakan agad ang mga luha ko.Bago tuluyang makaalis ay ginusto ko siyang sulyapan para sa huling pagkakataon.
Nakayukyok siya sa harap ng lamesa. Tumataas-baba ng kaniyang mga balikat at tila isang masakit na tunog ang mga hikbi niya sa aking pandinig.
I think, the last memory of Eiffel for me, will forever be heartbreaking.