I don't know if I'm just imagining things but I am certain that someone was lying on my side. Someone was stroking my hair and it was a warm breathe that I'm feeling on my neck. But when I woke up, It's a pillow that's lying on my side. It was the morning breeze that I'm feeling and the wind was the one that makes my hair moves.
I faced my phone only to find that the second Monday of February came--February 13 to be exact. Isang araw na lang pala, Valentines na. Mukhang isa ako sa mga hindi magiging masaya sa araw na yon.
Tiningnan ko rin ang mga social media accounts ko at nag-stalk pa ng kaunti sa mga kakilala at kapatid ko para kahit papaano ay medyo updated naman ako kila Philip pero wala akong nakitang recent post mula sa kaniya. Yung messages ko hanggang ngayon hindi man lang na-seen.
Aw, inboxzoned kay kapatid.
Bumangon na ako at ginawa ang daily routine ko bago pumuntang kusina. May pagkain na sa lamesa pero ang pinagtaka ko ay si Eiffel na nakaupo lang sa upuan at nakatingin sa kawalan.
Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya sa may balikat. Doon lang siya natauhan at napansin ang presensya ko.
"May problema ba?"
Tumingin siya sa akin at parang naglalaban ang sarili niya kung sasabihin ba niya sa akin o hindi. Sa huli ay napabuntong hiningana lang siya at nagsalita.
"Wala na si Keina."
That's my cue to be shock. "What?!"
May inabot siya sa aking dilaw na sticky note.
Choose: That girl or your baby.
Sa likod ng sticky note ay may address na nakasulat.
"Nakita ko 'yan pagkapasok ko ng kwarto ko. Nasa ibabaw ng kama. Noong tingnan ko yung mga gamit niya, wala na rin." Napabuntong hininga siya.
"Hindi mo napansing umalis siya habang tulog ka?" takang tanong ko sa kaniya.
Napakamot siya sa batok. "Ano...um... S-sa kwarto mo ako natulog," pagkasalita niya noon ay yumuko siya.
Sabi na, e! May tao sa kwarto kagabi at hindi ko yon imagination!
Napahilot na lang ako sa sintido ko. Umalis na naman si Keina. Pasaway rin talaga. Hindi man lang nagpapaalam kung aalis. Hindi man lang inisip na baka may mangyari sa baby niya.
"Puntahan mo na," walang ganang sabi ko.
"Ha?"
"Puntahan mo na siya. Mas kailangan ka niya."
Umiling lang siya na parang bata.
Tsk. Pasaway talaga.
"Eiffel," babala ko sa kaniya.
He heave a sigh. " Kumain muna tayo. Tapos mag-usap tayo."
"Si Keina," paalala ko.
"Bukas na lang."
"Eiffel!" suway ko.
"Kailangan niya ng space. Baka ayaw niya pa ko makita. Tayo muna."
Tinaasan ko siya ng kilay. Paano kung may mangyari kay Keina pati sa baby tapos wala siya?
Ngiti lang ang tinugon ni Eiffel sa akin bago tumayo at pagsilbihan ako. Nilagyan niya ng sinangag ang aking plato at hotdog. Nagtimpla rin siya ng kape.
Napailing na lang ako. Para-paraan din nito e 'no?
Kumain lang kami ng tahimik. Paminsan ay napapatingin ako sa kaniya at nahuhuling tumutingin rin siya sa akin kaya bigla niya na lang iniiwas ang tingin at lilingon sa ibang direksyon.
Naalala ko yung kiss namin sa kitchen. Napakagat labi ako.
Confirm. Nakita nga ni Keina na magkayakap kami. Ang masama baka pati 'yung kiss nakita niya.
Pinilit ko si Eiffel na puntahan niya si Keina pero pinilit niya na dapat raw ay sumama ako. Kapag hindi raw ako sumama, hindi niya pupuntahan si Keina. Napakatigas talaga ng ulo.
Sinamahan ko siya hanggang sa makapasok kami sa hotel na tinutuluyan ni Keina ngayon.
"Dito na lang ako," sabi ko habang tumitingin ng pwedeng upuan ko rito sa lobby ng hotel. Kakatanong lang namin kung anong room number ni Keina.
"Sumama ka na sa akin," sabi iya saka biglang hinatak ako papasok ng elevator kaya hindi na ako nakapalag.
Napabuntong hininga na lang ako ng huminto ng elevator sa floor kung saan matatagpuan ang room number ni Keina.
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Alam ko naman kasi na hindi na dapat ako sumama sa pagpunta ni Eifel rito pero ang kulit kasi niya.
Bago katukin ay tumingin muna sa akin si Eiffel, parang nanghihingi ng permiso. Tumango na lang ako sa kaniya para matapos na rin 'to.
Nakakatatlong katok pa lang si Eifel ng bumungad na sa amin si Keina.
"France! Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis, e!"
Agad niyang niyakap si Eiffel na halatang ikinagulat ng huli. Palibhasa ay nasa gilid ako kaya hindi niya agad napansin ang presensya ko pero nawala ang ngiti sa mukha niya nang makita ako.
Humiwalay siya sa pagkakayakap at kunot nuong tumingin kay Eiffel. "Bakit kasama mo 'to?"
Nainis ako sa tono ng pagsasalita niya. Akala mo kung sino. Nako! Pasalamat siya at buntis siya dahil kung hindi matagal ko na siyang pinatulan!
"Keina--"
"Hmmp!" Kasabay noon ay ang pagbalibag niya ng pinto na muntik nang magpatalon sa akin dahil sa gulat. Napabuntong hininga na lang si Eiffel.
Humarap siya sa akin saka nagpilit ng ngiti. "Tara na?"
Napakunot ang noo ko. "'Yun na 'yon? hindi mo man lang siya susuyuin? Pipilitin, ganon?"
"Ikaw lang naman ang nagpumilit na puntahan ko siya ngayon. Tara na. Ayaan mo bukas babalikan ko siya." Inilahad niya 'yung kamay niya sa akin.
Babalikan ko siya. Ewan pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa linyang 'yon. Iniling ko na lang ang 'yon saka hinawakan yung kamay niya. Pagkalabas namin ay pumara siya ng taxi.
Akala ko nu'ng una ay uuwi na kami pero napansin kong ibang ruta yung tinatahak ng sinasakyan namin. Napalingon ako sa kaniya para sana magtanong pero busy siya sa paglalaro ng kamay ko.
"Tama ba 'yung dinaraanan natin?" Tumango lang siya at hindi man lang ako tinitingnan.
"Iba 'yung dinaraanan natin. Tumingin ka kaya sa labas."
"Tama lang. May pupuntahan tayo." Ngumiti siya sa akin kaya napanatag na ang loob ko at tumango.
Habang nakatingin sa labas ay naalala kong ilang araw na lang pala ay aalis na ako. Hindi ko pa nga pala nasasabi kay Eiffel. Napabuntong hininga ako. Ano ba yan, ilang beses na 'ata akong bumubuntong hininga ngayong araw.
Nag-isip ako ng paraan kung paano ko sasabihin kay Eiffel na aalis na ako. Na iiwan ko na siya at baka hindi na kami magkitang muli. Masakit man sa damdamin at isipin' ngunit ito na talaga 'to. Magtatapos na talaga kami ng hindi man lang nagsisimula.
Nakakatawa. Hindi man lang naging kami. Hindi man lang naging official. Ni walang label. Pero mas nakakatawa pala na hanggang ngayon pala hindi pa namin naaammin kung ano na ba ang nararamdman namin sa isa't isa. Basta ang sigurado lang ako, gusto namin ang isa't isa. Alam ko na ayoko nang makasal kay Landon at mas gustong sumama sa akin ni Eiffel kaysa kay Keina. Our feelings are obviously mutual. But the world doesn't revolve around us. We're living in reality and our responsibilities are our reminder.
Naging abala ako masyado sa pag-iisip kung pano sasabihin kay Eiffel na may flight na ako pabalik ng Pilipinas. Hindi ko na napansin na huminto na pala yung sinasakyan namin. Mabuti na lang at kinuha ni Eiffel ang atensyon ko.
Nang makababa sa taxi ay napangiti ako. Nasa Montmartre pala kami. Katulad pa rin ng dati ay maraming makikita rito sa mga gilid-gilid.
"Kain muna tayo."
Doon ko lang namalayan kung anong oras na pala. Magtatanghalian na pero mukha pa ring umaga dahil winter season nga.
Hindi na ako nagreklamo ng hatakin niya ako sa kung saan. Busy pa rin kasi ako sa pag-iisip kung paano sasabihin kay Eiffel ang pag-alis ko. May pumapasok sa isip kong paraan pero so far, iyon siguro 'yung huling gagawin ko kung sakali... Ayaw ko siyang saktan.
Hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami sa isang fastfood resturant. Pinabayaan ko na siya mag-order dahil occupy pa rin ang utak ko.
"Bree, ayos ka lang ba?" tanong niya kaya binigyan ko na lang siya ng tipid na ngiti.
Hindi naman kasi ayos. At parang isang paraan lang ang nakikita ko para maayos ang lahat...
Kumain kami ng tahimik habang nakikinig sa mga tumutugtog ng instrumento. May nagba-violin at piano kasi sa loob. Feel ko tuloy nasa pangmayaman kaming resto.
"Papanagutan ko yung bata pero wala akong responsibilidad kay Keina, kung 'yon ang iniisip mo," pagbasag niya sa katahimikan.
Naibaba ko na lang ang kutsara at tinidor ko sa sinabi niya. Humugot muna ako ng hininga bago humarap sa kaniya at umiling.
Sa tingin ko kailangan kong bitawan yung desisyon ko ngayon. Kanina ko pa 'to pinag-iisipan pero kahit anong paikot ko sa ulo ko bumabalik lang sa isang punto lahat. Kailangan ng matigil 'to. Masaktan na ang masasaktan. Tutal nasimulan na rin naman 'di ba?
Nabitawan niya na lang ang mga hawak niyang kutsara at tinidor saka napahilamos sa mukha bago hagurin paangat ang kaniyang buhok. Napabuga siya ng hangin. He looks frustrated. Halatang nasaktan siya pero agad rin niyang tinago ang emosyon na iyon. Pero muli itong nagpakita.
"Bree, 'wag namang ganito..." Tumayo siya sa kinauupuan at nagpunta sa gilid ko. Kinuha niya ang kamay kong kanina lang ay nakalapag sa aking hita. Hinila ko pabalik ang aking mga kamay ngunit malakas ang pagkakahawak niya sa akin. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. Napatingin ako sa paligid at pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Bree, naman," nagmamakaawang sabi niya. "Kakausapin ko si Keina. Sasabihin ko na susupurtahan ko yung bata. Susustentohan ko sila. Tapos ako na bahala sa gastusin hanggang magkolehiyo yung bata. Ibibigay ko lahat ng pangangailangan niya pero wag mo naman sana akong ipagtulakan kay Keina."
Pinigilan ko ang saril kong magpakita ng emosyon.
'Bree, kailangan nang matapos 'to,' paalala ko sa sarili ko.
Tinitigan ko siya sa mata. "Aalis na ako sa isang Linggo," basag ko ng balita sa kaniya.
Pagkasabi ko noon ay parang gusto ko na agad bawiin 'yung sinabi ko. Gusto kong sabihin na joke lang, na hindi 'yon totoo. Pero hindi, e. Kasi aalis talaga ako. Iiwan ko na talaga siya. Huli na talaga 'to.
Kitang-kita ko sa mata niya ang halo-halong emosyon: pagkabigla, takot, sakit, lungkot, taranta.
"no. no, no, no. Bree may sasabihin pa ako. Hindi ka pwedeng umalis. Hindi mo 'ko pwedeng iwan."
Bigla siyang tumayo; palingon-lingon sa paligid. Para siyang batang naliligaw sa isang mall. And it broke me.
He's lost because of me. Nandito pa nga ako, ganiyan na siya. Paano pa kapag wala na ako?
Gusto ko siyang yakapin. Sabihin na magiging ayos lang lahat pagkatapos. Na nandito ako para sa kaniya pero hindi pwede. Kasi kailangan na naming maglayo para maayos ang lahat.
Iniwan niya ako ay lumapit sa isang waiter. Nag-usap sila at halata ang pagmamadali niya. Agad siyang naglabas ng pera para bayaran ang bill namin at bumalik sa akin.
Agad niya akong hinatak.
"Eiffel, ano ba?!" kulang na lang ay kaladkarin niya ako dahil sa bilis niyang maglakad. Mga limang minuto rin ata niya akong hinatak hanggang sa huminto kami sa parang park. May bahay o apartment 'ata to.
Lumiko kami hanggang sa huminto kami sa gilid ng gusali. May bench sa
paligid at mga puno.
Sa pader ay may parang blue tiles at mayroong mga red sa kung saan-saan. There are scripts that's written white on tiles. I started scanning the scripts when he called me.
"Bree, hindi ko alam na makikita ulit kita. Na mahahanap ulit kita. Kasi sumuko na ako 'di ba? Tumigil na ako. Kaso natagpuan kita ng hindi sinasadya."
Napakunot ng noo ko. Anong pinagsasabi niya?
"Kaya hindi na kita papakawalan. Akala ko, wala na. Sinubukan ko ngang humanap ng iba pero hinatak ako ulit pabalik sa 'yo. You're like my home. Gaano man kaganda 'tong Paris, 'yung London at kung anu-ano mang bansa na nabisita ko na, bablik at babalik ako sa'yo. Kasi doon ako unang nahumaling. Doon ako komportable. Doon ako laging welcome at alam ko na palagi akong tatangapin."
"Anong pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko. Huminga muna siya ng malalim parang humuhugot ng lakas ng loob.
"These," Tinuro niya yung pader na may blue tiles na may mga scripts. "It's not enough to say and show what I feel towards you. But all of these, only says one thing... Britany, I--"
His speech was cut by my phone. I look at him before fishing my phone in my bag. I Immediately pressed the answer button without looking at the caller's ID.
"Hello?"
"Bree, I'm here."
I felt my face running out of blood. My hand felt cold. I look at the caller's ID just to make sure that I'm really hearing his voice.
My hands trembled.
Confirmed.
It's him...
Landon Parker is here.
But why?