I know for a fact that I'm a bit tipsy when I entered the house. Tipsy lang. Hindi drunk. Sinigurado ko talagang matino pa ako at makakauwi nang maayos. Baka kasi kapag naglasing na naman ako may hindi na naman magandang mangyari. I've learned my lessons.
"Bakit ngayon ka lang?" Madilim ang mukha nito at tiim ang bagang.
Ngumisi lang ako at hindi pinansin ang tanong niya. Dirediretso lang ako sa kwarto at ibinagsak 'yung katawan ko sa kama. Hindi ko na kaya. Medyo umiikot na naman 'yung paningin ko.
"Bree, saan ka galing? Gabing-gabi na nasa labas ka pa. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin." Rinig ko ang pagkairita sa paraan niya ng pagsasalita.
Hindi ko sinasadyang tumawa sa sinabi niya. "Ba't ako magpapaalam sayo?" Gumulong ako sa kama para makaharap sa kaniya. "Sino ka ba? Ano ba kita?" pabalang kong tanong sa kaniya.
Napansin ko ang pagbaba ng kaniyang mga balikat at pagyuko niya ng ulo nang kaunti. Lumapit siya sa akin at umupo sa may paanan ng kama.
"Uminom ka ba?" pangbabaliwala niya sa sinabi ko.
Hindi ko alam kung bakit tinatanong niya pa. Halata naman sa kilos ko at alam ko ring amoy alak na ako at ang damit ko.
Kahit nahihirapan ay umupo ako at humarap sa kaniya. Hindi ko alam pero parang tinakasan ako ng boses ko nang makita ko ang mga mata niya. May lungkot doon; sakit at pagod.
Parepareho lang naman kami. Nasasaktan at napapagod na sa sitwasyon namin.
Inangat ko ang aking kamay at masuyong idinampi sa kaniyang pisngi. "Pagod ka na ba? Pagod ka na bang masaktan?"
Nagpilit ako sa kaniya ng ngiti. "Piliin mo na siya."
May kumawalang luha sa mata ko. Alam ko naman kasi kung sinong pipiliin niya. Kung sino ang dapat na piliin niya.
Lumamlam ang mga mata niya. "Hush. Wag kang umiyak. Ayokong umiiyak ka," sabi niya saka pinunasan 'yung luha ko.
"Alam ko namang ganito 'yung mangyayri e. Alam ko namang darating 'yung araw na 'to. Pero hindi namang masamang pasayahin ko muna 'yung sarili ko kahit sandali lang di ba? Maranasan ko man lang makapiling ng isang Eiffel Buenaventura kahit sandali. Ayoko kasing mag-regret balang araw. At least naranasan kong sumaya kahit papaano. Naranasan kong alagaan at asikasuhin mo. Naranasan kong sumaya sa taong tinanggap ako ng buo ng hindi ko kinailangan magpapansin. At least we tried."
Napatingala ako para sana huminto 'yung pag-agos ng luha ko kaso bali wala. Tumingin ako sa kaniya saka ngumiti kahit na basang-basa na 'yung mukha ko ng mga luha. "Ibinabalik na kita sa nararapat na nagmamay-ari sa 'yo."
Iniharang ko 'yung dalawang kamay ko sa mukha ko at nagpatuloy sa pag-iyak. Naramdaman ko na lang 'yung pagyakap niya sa akin. Tuluyan na akong napahagulgol. Wala na akong paki kung mabasa yung damit niya o kung tumutulo na 'yung sipon ko. Gusto ko lang ilabas 'to dahil baka kung anong mangyari sa akin kung hindi ko to gagawin.
Umiyak ako nang umiyak buong magdamag. Ni hindi ko nga namalayan na nakatulog na ako dahil sa sobrang pag-iyak.
🍷🗼🍷
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa kung anong humahaplos sa buhok ko. Nang imulat ko ng aking mata at iikot ang aking paningin, doon ko lang nalaman na nasa kwarto ko pala si Eiffel. Halos kalahati yata ng katawan ko ay nakapatong sa kaniya. Sa may bandang dibdib niya.
"Morning. Nagising ba kita?"
Agad akong napatayo at napalayo sa kaniya.
"S-si Keina..."
"Wala akong pake."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
A-anong ibig sabihin niya? I-ibig sabihin ba...?
Napailing ako. No. Hindi pwede. Si Keina dapat. Kahit masakit, si Keina dapat. Magkaka-baby na sila.
"U-umalis ka na. Bumalik ka na sa kwarto mo. Baka hinahanap ka na ni Keina."
"Bree, I don't care! Gusto ko rito kaya dito ako!" pasigaw na sabi niya na ikinagulat ko pero hindi ko pinahalata.
"Ayaw mo umalis? Edi ako ang aalis."
Bubuksan ko na sana yung pinto kaso bigla na lang akong nakaramdam ng mga bisig na nagkulong sa akin. Napagat na lang ako sa aking labi.
"Eiffel." banta ko sa kaniya.
"Bree, 'wag namang ganito," sabi niya habang nakapatong ang baba sa aking balikat. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa akin. Napapikit na lang ako.
Ayoko rin naman ng ganito, e. Kaso hindi talaga. Hindi talaga pwede. I realized that kailangan siya ni Keina. Kailangan siya ng magiging anak nila. Ayokong mahiwalay yung bata sa tatay niya. Ako nga lang na magkasama yung mga magulang, kinulang pa rin sa aruga at pagmamahal, paano pa siya kung magkahiwalay yung magulang niya?
Kahit labag sa loob ko ay kinalas ko yung braso niya sa akin. Hinigpitan niya lang yung yakap sa akin pero hindi ako nagpatalo. Sa huli, binitawan rin niya ako. Gusto kong umiyak ng bitawan niya ako pero hindi ko ginawa. Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng CR.
Pagkasarang-pagkasara ko pa lang ng pinto ay nagpakawala na agad ako ng hikbi na kanina ko pa pinipigilan.
🍷🗼🍷
I thought after few days, the pain will subside. That it will hurt less. But it didn't. It's actually the opposite. Because everyday the pain becomes less bearable. So I decided to go out for a while. To think and be distracted.
Pero mukhang mali 'yung disisyon kong iyon. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa nahahanap yung kaparaho ng gloves ko. Yung isang kamay ko tuloy naninigas na sa lamig kaya inilagay ko na lang sa bulsa ng coat ko para kahit papaano ay mainitan.
Masaya rin pa lang maglakad ng ganitong season kahit na malamig. Ang ganda kasi ng snow na bumabalot sa buong city ng Paris. Mula sa mga puno hanggang sa mga bubong. Pati mga kotse na nakaparada lang ay nabalot na rin ng snow.
Gusto ko nga sanang gamitin yung bike ko kaso kapag ganitong panahon kasi madulas ang daan. Baka maaksidente pa ako. Saka hindi 'ata akmang gawin 'yon ng ganitong season.
Nang may madaanan akong boutique at pumasok ako at naghanap ng gloves na sinuot ko agad pagkabayad ko.
Nang makaramdam ako ng gutom ay dumiresto ako sa isang cafe. The ambiance inside were warm and calming, together with the song being played. Habang kumakain ay napatingin ako sa labas. Even the famous tower was covered by snow.
I sighed and saw my reflection on the glass wall. Inayos ko ng kaunti 'yung suot kong beanie dahil medyo tabingi. Then I looked back to the tower again.
A lot of memories suddenly played on my mind in a flash. I will surely miss this city... And I'll promise to be back.
I smiled. And for the first time in days, it's a genuine one.
Tinapos ko ang pagkain ko at lumabas. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa pinagtatrabahuan ko. Pagkababa pa lang sa tapat ng building ay kinakabahan na ako. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba pero nandito na ako. Hindi na pwedeng mag-back out.
Hindi na ako nagtagal doon at ginawa na ang dahilan kung bakit ako nandoon. Hindi na rin ako nagpakita sa mga katrabaho ko. I grab the letter in my bag and gave it to the secretary.
"Thanks."
Pagkaabot sa kaniya ay nagpaalam na ako. Bago ako umalis sa tapat ng building ay pinagmasdan ko ito sa huling pagkakataon saka napangiti.
"Salamat sa experience."
Tumalikod na ako at muling sumakay sa taxi.
I just gave my resignation letter. Ayoko naman na basta-basta na lang umalis sa trabaho.
Bumaba ako sa tapat ng isang malaking simbahan. Sa tapat ng Notre Dame Cathedral.
Nakakatuwa sa loob. Ang warm ng atmosphere. Mayroon mga stained glass at chandelier. May mataas na ceiling at malalaking poste. Pakiramdan ko tuloy nakapasok ako sa isang kaharian at hindi sa isang simbahan.
I take some pictures and walk more making sure to witness everything.
I spend the whole day going to places I've never been before. Like Musee d'Orsay, once a rail road station and now showcasing art collections; Pont des Arts where love locks was placed before but now covered by different street arts; A Shakespearean shop where books of Shakespeare was being sold together with different merchandise; and a lot more.
Gusto ko rin sanang puntahan 'yung mga sikat na garden rito kaso parang balewala rin kasi nga winter season. Hindi ko makikita yung mga halaman na namumulaklak. Baka puro tangkay lang ang makita ko.
Madilim na nang makauwi ako sa bahay. Dirediretso na rin ako sa kwarto dahil wala namang tao na sa sala at kusina. Nakakain na rin ako bago umuwi kaya hindi ko na rin kailangang lumabas pa sa kwarto dahil busog pa ako.
Nagbihis ako ng pantulog pagkapasok at humarap sa aking laptop at ginawa ang dapat gawin.
Nagdadalawang isip pa ako kung pipindutin ko yung left click ng mouse na connected sa laptop ko pero sa bandang huli, pinindot ko rin.
I breathe out. Everything will end soon. I already make a decision. I stared at my laptop and saw a confirmation. It'll pain me, but maybe in right time, everything will fall in right place.
A bittersweet smile formed onto my lips.
In five days time, I'm leaving Paris.
🍷🗼🍷
Maaga akong nagising kinabukasan. Actually, maaga akong bumangon dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Pabalik-balik sa utak ko yung mga tanong kung anong mangyayari pagkabalik ko sa Pilipinas. Anong reaksyon ng mga magulang ko pagbalik ko. May arrange marriage pa ba. Magagalit ba si Eiffel. Anong mangyayari.
Naghanda ako ng agahan para sa aming tatlo. Tanga na kung tanga pero kailangan ko rin talagang isipin si Keina. Ipinagtimpla ko pa nga siya ng gatas niya na nakita ko sa cabinet. Pang buntis kasi yung gatas para maging malusog rin yung baby.
Lumapit ako sa may lababo para hugasan yung mga ginamit ko. Hinuhugasan ko na yung sangkalan nang bigla akong makarandam ng presensya sa likod ko kasabay ang pagpalupot ng mga braso mula sa likod ko.
"Morning," bulong niya sa tenga ko. Nagulat ako nang dumampi ang mga labi niya sa leeg ko. Madali ko inilayo ang katawan ko sa kaniya.
"Eiffel!" mahina pero may diin kong tawag sa kaniya. "Baka makita ka ni Keina."
"Do you think I still care?"
Iniharap niya ako sa kaniya. Sobrang dikit ng katawan namin sa isa't isa. Naaamoy ko yung pagka-menthol ng toothpaste na ginamit niya. Nararamdaman ko yung init ng katawan niya at yung mga braso niyang nagkukulong at nagpapanatili ng balanse ko.
Nakasandal na nga ako sa may lababo para suportahan yung sali ko. Yung puso ko kasi, walang hiya. Wala ng ginawa kung hindi tumibok nang tumibok kapag andyan si Eiffel. Kulang na lang magkasakit ako sa puso dahil sa kaabnormalan.
He said something na hindi ko maintindihan. Yung buong atensyon ko kasi nasa labi niya na mamula-mula. Dahil ba yon sa lamig?
"Bree, it's you that I care. It's you that I lo--"
Hindi ko na namanlayan yung ginawa ko. Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa balikat niya at pinag-cross ang pulsuan ko dahil basa pa yung kamay ko. Ayoko naman siyang mabasa. Hinila ko siya palapit sa akin hanggang magdikit ang mga labi namin.
Nakalimutan ko na yung sinasabi niya. Nakalimutan ko na si Keina. Nakalimutan ko na yung ginagawa ko. Nakalimutan ko na na bukas pa pala yung gripo kaya umaagos pa rin yung tubig pero wala akong paki.
Magpaparaya rin naman ako pagkatapos nito 'di ba? Pwede naman sigurong maging selfish muna kahit ngayon lang? Kahit sa huling pagkakataon na lang.
I kissed him like there's no tomorrow. I kissed him confessing all the feelings I felt for him. I kissed him memorizing how warm his body is against mine; How slow and gentle the movement of his lips; How sweet his lips is. I kissed him bidding my farewell. Letting him know that I'm leaving Paris. That I'm leaving him. That this might be our last kiss.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Nakakagago kasi. Ramdam ko naman na pareho naming mahal yung isa't isa pero pareho rin kaming may responsibilidad. Nakakaloko lang.
Nang maubusan kami ng hangin ay lumayo ako ng kaunti para makahinga. Isinandal niya ang noo niya sa noo ko. Ganoon na lang ang sakit na naramdaman ko ng buksan ko ang aking mga matang makitang lumuluha rin siya.
Siguro mukha kaming timang tingnan. Nag-kiss kami pero todo iyak naman kami. Pero masakit kasi.
He moved his head and kissed me again, tears still flowing on both of our cheeks. Then after few moments, he pulled away.
Niyakap ko na lang siya saka umiyak nang umiyak sa dibdib niya. Alam kong ganoon rin siya. Nababasa kasi yung balikat ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap habang umiiyak. Paminsan ay nararamdaman ko rin na hinahalikan niya yung gilid ng ulo ko. Minsan humihigpit bigla yung yakap niya.
Humilig siya ng kaunti sa direksyon ko. Dahil magkaykap kami ay gumalaw rin ako. Parang may inaabot siya dahil nawala ang pagkakayakap ng isang kamay niya sa akin. Akala ko kung ano. 'Yun pala pinatay niya yung gripo. Nawala na kasi yung paglagaslas ng tubig na naririnig ko.
Ilang minuto pa kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa makarinig kami ng malakas na kabog galing sa pagsara ng pinto. Nagkatinginan kami. Nag-uusap ang mga mata.
Si Keina... Nakita niya kaya kami?
Muli akong sumandal kay Eiffel. Hayaan mo na... Huli naman na 'to.