"Tapos na trabaho mo rito diba? So pwede ka nang umuwi any moment?" I asked him while we're walking hand in hand on the busy street of Paris. The cold wind blows making me tuck some of my hair strands behind my ear
"Hmm."
"Ba't 'di ka pa umuuwi?"
"Syempre. Sabi nga sa kanta," Tumikhim siya saka nagsimulang kumanta. 'If we go down, then we go down together...'
Napangiti na lang ako saka nagpatuloy kami sa paglalakad.
"S'an ba tayo pupunta?" I asked him. medyo malayo na kasi ang nalalakad namin.
"Montmartre."
"E? Doon ulit?"
"Basta may gusto akong ipakita sayo na hindi mo pa nakikita roon."
I shrugged. "Okay."
Tahimik lang kami habang naglalakad. Paminsan ay tumitingin-tingin sa paligid nang biglang may makita kaming kulay puting kung ano na bumabagsak.
I open my hand and when that thing land on my palm, it turns into liquid probably because of my hand's temperature. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong sumasalamin sa kaniyang mga mata ang nararamdaman ko. Amazement dance in his eyes which broaden our smile.
"Nag-i-snow," I said in amazement and look into the sky.
"Yeah," he replied and try to catched snow with his hand.
I look around and saw people with the same delight in their eyes. Just like us, they're catching snow with their palms.
We're busied ourselves playing under the snow when suddenly, Eiffel's phone rang.
Napatingin ako sa kaniya habang sinasagot niya ang tawag. Bigla kasing nag-iba 'yung mukha niya.
He faced me when the call ended. And I felt air leaving my lungs as words came out of his mouth.
"Bree," alangan itong tumingin sa akin. "Keina's here."
And I know at that point that the blissful moments started to end.
🍷🗼🍷
I saw a woman standing few meters away on our house. She's wearing a beanie and a fur coat. Her hair was cutted short. A pixie cut specifically. I step aback and tighten my gripped on Eiffel's hand.
Ano nang mangyayari?
Nang humarap siya sa amin, nakita kong may umbok na sa tiyan niya. She's really pregnant, e?
But what surprised me most is when Eiffel's hands slipped from me.
I felt millions of needle spiked my heart. I have the urge to ran anywhere and let this fuckin' tears that's pooling in my eyes to flow.
Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa kalangitan para pigilan ang luha ko. May snow pa rin na bumabagsak.
Nang tumingin ako kay Eiffel, lalo lang nabasag 'yung puso ko. Nagtititigan sila ni Keina na parang hindi man lang nila alam na nandito lang ako sa tabi niya. Parang biglang nawala 'yung existence ko sa paningin niya dahil lang dumating si Keina.
Napatawa ako ng pagak sa isip ko pero hindi ko namalayang nagawa ko pala talaga dahilan kaya napunta sa akin ang kanilang atensyon.
When I looked at Eiffel's face, I cannot see my Eiffel. The one that always care. The one who told me he likes me. The one who give me attention.
Instead, I saw an Eiffel that's confused. I saw an Eiffel who looks at me in the eyes with pity.
What? Ba't siya naaawa?
I cleared my throat. "Mauuna na kong pumasok."
Nagsimula akong maglakad pero may biglang humatak sa braso ko.
"Bree..." I tried to smile at him but failed.
Mabilis akong tumalikod sa kaniya dahil lumandas na sa pisngi ko ang aking mga luha.
Stupid tears. Ibubuking pa ako.
Lumapit ako sa pinto at saka hinanap 'yung susi sa bag ko. Nasan na ba kasi 'yon?
Hindi ako magkanda-ugaga dahil mukhang nawawala pa. I felt frustrated knowing that Keina and Eiffel are just behind me, maybe watching me while my tears are falling. I wiped my tears using the back of my hand before finding my keys again.
My sight become blurry. Nakakainis. Sumabay pa, nakita na ngang may hinahanap ako e! Sa sobrang frustrated ko ay itinaob ko na ang bag ko at itinaktak ang laman. That's when I felt someone approached me.
"Bree... "
"Hindi ko mahanap 'yung susi ko," parang batang sumbong ko.
Nakalimutan ko na na dapat na itago ko sa kaniya yung luha ko. Pinunasan ko 'yung luha ko saka isa-sang inilagay yung mga gamit ko ng makita ko sa lapag yung susi. Kinuha ko ito at nanginginig ang kamay na isinuksok yung susi sa lock.
"Ako na." Inagaw sa akin ni Eiffel yung susi at siya na yung nagbukas ng pinto.
Dirediretso ako ng pasok sa bahay papunta sa kwarto ko habang dirediretso rin ang tulo ng luha ko.
Nakita ko naman na mangyayari 'to, e. Pero hindi ganito kaaga. Alam ko naman na babalik si Keina at dadating yung araw na kailangang pumili ni Eiffel pero hindi ko alam na ganito pala kasakit na hindi mapili.
Yung pagbitaw niya sa kamay ko, pakiramdam ko pinapili siya at halatang hindi naman ako ang pinili niya. Ang sakit pala. Parang pinipiga 'yung puso ko sa sakit.
Ba't ganoon? Parang nagamit na naman ako.
Ang tanga ko rin kasi. Ba't kasi hinayaan ko pang mahulog ako sa lalaking ito? Bakit pa kasi hindi ko pinigilan gayong alam ko naman kung anong magiging resulta nito sa huli.
Sinara ko ang pinto ng kwarto ko at ini-lock ito. Dumapa ako sa aking kama saka umiyak—pinabayang lunurin ang sarili ko sa aking mga luha.
It's the end of us. He should choose Keina and I should go back to the Philippines. We should now face our responsibilities.
🍷🗼🍷
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dahil sa sobrang iyak. Nang magising ako ay madilim na. Hatinggabi na pala.
Lumabas ako sa kwarto at naglakad ng nakahawak pa sa pader. Ang singkit na kasi ng mata ko dahil sa pag-iyak. Pwede ko na nga rin 'atang palitan si Rudolf ni Santa Claus dahil sa pula ng ilong ko.
Pupunta pa lang dapat ako sa kusina para kumain dahil kumakalam na yung tiyan ko pero hindi pa ako nakakapunta roon ay gusto ko na agad bumalik sa kwarto. Kakikita ko lang kay Keina na pumasok sa kwarto ni Eiffel.
Parang may mabigat na namang kung ano ang pumatong sa dibdib ko.
Nasa loob rin ba si Eiffel? Tabi ba silang matutulog? Did Eiffel hold her the way he held me? Mahal pa ba siya ni Eiffel?
Ilan lang 'yan sa mga tanong na umiikot sa utak ko.
"E ako? Paano naman ako?" Agad kong pinunasan ang aking pisngi nang may tumulong luha sa mga mata ko. Akala ko nalabas ko na lahat ng luha ko, hindi pa pala.
Napabuntong hininga na lang ako saka pumunta sa kusina. Dumiretso ako sa may ref at nagtingin ng pwedeng kainin roon. Ang kaso wala akong nakita. Lumapit na lang ako sa isang cabinet at doon nakakuha ng cup noodles.
I sighed. Parang nawalan kasi ako bigla ng gana kumain; at mabuhay.
🍷🗼🍷
Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog pa ata si Eiffel at Keina. Mabuti naman dahil ayaw ko rin silang makita. Sana pala nag-hotel na lang ulit ako.
May narining akong yabag ng mga paa kaya napalingon ako.
Ayoko sana siyang kausapin o pansinin kaso masyado namang halata kung ganoon ang gagawin ko. Baka kung ano pang isipin nito.
"Morning," bati ko na lang.
Parang doon niya lang nalaman na nandito pala ako sa kusina. Parang aligaga kasi siya sa pagsusuot ng coat. "G-good morning."
Tumango na lang ako sa kaniya saka nagtimpla ng kape. Habang nilalagyan ng creamer ang kape ko at naramdaman kong parang may nagmamatyag sa ginagawa ko. Hinalo ko ang aking kape at tumalikod.
Si Eiffel pala 'yon. Nakatitig lang sa akin. Ni hindi siya kumukurap. Umismid ako kaya naman napakurap siya. Gusto ko sanang ngumiti sa kaniya. Kahit peke lang sana, pero ayaw sumunod ng labi ko. Saka para saan pa ba ang pagtatago ng sakit, e sigurado namang halatang-halata pa rin yon sa mata kong namamaga at ilong na namumula.
Lalagpasan ko sana siya at iinumin na lang 'yung kape sa kwarto ko kaya lang ay hinawakan niya ako sa braso.
I waited for him to hug me. To say that he still likes me or he still feel something for me. To say that things will be fine and that he will choose me over Keina but who am I to him? He just liked me. He loves her. Talo ako.
"Bree..."
I was expecting that he'll asked me if I'm fine. I was expecting the things he used to do but that didn't came. Instead, he asked something that makes my brows furrow.
"Marunong kang magluto ng Sushi?"
"H-ha? Hindi, bakit?"
"A. Si Keina kasi gusto ng Sushi. Sige. Maghahanap na lang ako sa labas." Pagkasabi niya noon ay dirediretso na siyang lumabas ng bahay. Naiwan ako roon sa kinatatayuan ko.
Napatawa ako ng mapakla. What am I thinking? Natural buntis si Keina. Naglilihi 'yon kaya naghahanap ng kung ano-anong pagkain.
"It's okay. For the baby. It's okay," I said but my heart contradicts.
Because my heart says it hurts. And no. It's not okay.
I smiled bitterly as a tear fell on my cheeks even before I get back to my room.
🍷🗼🍷
The next day was a torture. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Keina dahil ang clingy niya bigla kay Eiffel. Bumalik na rin siya sa dating pagtrato niya sa akin noong unang dating niya rito—cold and distant.
"France, luto na ba 'yung sopas ko?" sabi niya saka niyakap si Eiffel mula sa likod.
"Malapit na." Hinalo ni Eiffel 'yung niluluto niya. Tumingin naman si Keina sa akin tapos ay sumandal pa sa likod ni Eiffel. Nakakainis. Parang nang-iinggit pa siya.
I rolled my eyes at padabog na umalis sa kusina. Pumasok ako ng kwarto ko at naghanap ng pwedeng gawin. Kaso wala akong makita.
Binuksan ko na lang ang laptop ko at tiningnan kung may mga emails at messeges ako sa aking mga social media accounts. Tiningnan ko rin kung may message ba mula sa pamilya ko pero wala. Maski si Philip na madalas online sa Facebook ay hindi man lang na-seen ang message ko.
Bakit kaya? Sobrang busy naman nila.
Then something about the word busy came in my mind. Hindi naman siguro sila busy dahil pinaghahandaan nila 'yung kasal ko di ba? No. it can't be. Nung nakausap ko naman si Landon, ayos pa ang lahat. Wala naman daw na problema.
🍷🗼🍷
It's a Saturday morning and when this day camr, Eiffel and I usually go to the market to buy our stocks for a whole week. But then, he's too busy accommodating Keina that I think he already forgot about it.
Nang makita ko siya sa sofa ay lumapit ako para sana ayain siyang mamili ng mga pagkain.
"Um, pwede mo ba akong samahan bumili ng stocks?" Tumingin siya sa akin na parang binabasa ang nasa isip ko."Ano... um, kung gusto mo lang naman." dagdag ko pa. Baka kasi may gagawin siya.
"Si--"
Napatigil siya ng biglang may tumawag sa kaniya na umagaw sa atensyon namin.
"France! Sasamahan mo kong bumili ng mga kailangan ko di ba?" sabi ni Keina na nakatingin sa akin at umupo sa tabi ni Eiffel bago kinawit ang kaniyang kamay sa braso nito.
Napatingin si Eiffel sa akin at pabalik kay Keina.
"A-ano..." sabi niya. Bakas sa kaniyang mukha na nahihirapan siyang magdesisyon. Alam ko naman na nahihirapan siya. Ako rin naman. Nakaramdam na naman ako ng inis kay Keina. Palagi na lang niya kasing inilalagay si Eiffel sa sitwasyon na kailangan nitong pumili. Nakakainis pa na ginagamit niya ang pagbubuntis niya kaya nagpapaubaya na lang rin ako.
"Sabay-sabay na lang tayong pumunta-"
"Ay, mauna na pala ako. May dadaanan pa pala ako. Sige." Agad akong umalis sa harap nila at bumalik sa kwarto para kunin ang pera at cellphone ko.
Dirediretso akong lumabas ng hindi sila tinitingnan. Nakakainis kasi. Nananadya na si Keina. Kaunti na lang papatulan ko na siya kaso pinapaalala ko sa sarili ko na buntis siya. Pasalamat siya dahil kung hindi, baka matagal na siyang umalis rito.
Wala sa sarili akong naglakad sa labas kahit malamig na. Nakakatuwa. Nakikita ko kasi na parang may usok kapag humihinga ako. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa hindi ko namalayang huminto na pala ako sa tapat ng isang cafe.
I ordered hot chocolate and some macaroons. Hindi pa rin kasi ako nag-aalmusal. Habang tumitingin sa paligid ay may nakita akong couple na sobrang sweet. I rolled my eyes.
Maghihiwalay rin kayo! Walang forever!
Napabutong hininga na lang ako. Ba't ba kasi nalagay ako sa sitwasyong 'to? Nakakainis. Kung hindi sana dahil sa pesteng arranged marriage na 'yan edi sana nasa Pilipinas pa ko. Sana wala ako sa Paris at sana hindi ako nakigulo sa gulo nila Landon, Keina at Eifffel.
Walang buhay na napasandal ako sa upuan. Then a question entered my head.
Bumalik na kaya ako sa Pilipinas?