"Ayaw ko na..." sabi ko habang hinihingal.
"C'mon, Britany. Kaunti na lang o. Saka ang O.A. mo ha. 'yung matandang nakasabayan nga natin nauna na at ang lakas pa, ikaw hinihingal na agad." Gumilid siya dahil medyo nakaharang siya sa daan.
"Malay ba natin kung sanay siya umakyat sa ganoon karaming hagdan? Hindi ako sanay sa ganito at lalong hindi mo kami dapat ipagkumpara dahil magka-iba kami," saad ko saka umupo sa isang baitang ng hagdan habang hinihingal.
"Okay, okay. 'Wag kaagad magalit."
Umupo siya sa sa baitang na sumunod sa harap ko.
"Ang weak mo."
Tiningnan ko siya ng masama kaya naman tumawa siya. Inirapan ko lang siya saka tumingin sa gilid kung saan dumadaan ang ibang tao. Umakyat kami sa Arc De Triophe dahil gusto niya raw makita ang Paris hanggang sa kaya ng mata niya. I sighed.
After few years, at last, we made it to the top. The view was spectacular that we don't regret it because it's all worth it. Marami pa ring turista ang kumukuha ng litrato lalo na at kita mula dito ang iba't ibang lugar sa Paris. Makikita ang ibat't ibang daan na napupuno unti-unti ng ilaw ng mga sasakyan at streetlamps dahil nagdidilim na. pati na rin ang mga ilaw sa iba't ibang struktura.
"Hey, let's take some pictures!"
Hindi na niya ako hinayaang makapagsalita pa dahil bigla na lang niya akong hinila palapit sa kanya saka niya inangat ang camera para kumuha ng litrato naming dalawa. Dahil nabigla ako ay hindi agad ako naka-pose kaya naman ang epic ng mukha ko sa picture kaya tumawa na naman siya.
"Sige, mabilaukan ka sana sa katatawa mo," inis na sabi ko saka umirap.
He laughed again and I can't help it but to stare at him seeing that he's genuinely having fun with me. I can't see that he's doing this because he needs to. He laughed wholeheartedly that he needed to caught his breathe after. And all of it happen as I stared at him.
"It's rude to stare," he said making me look away. I felt my cheeks heat up.
Gosh! He caught me staring!
"Britany."
"O-o," nauutal na sabi ko. Humarap ako sa kaniya.
"Ang gwapo ko, 'no?"
Inirapan ko na lang siya saka ko narinig ang kanyang pagtawa. Pinabayaan ko na lang siya saka kinuha ang phone ko sa bag pagkatapos ay kumuha rin ng litrato ng lugar.
We stay there for a while until we decided to go down to find 'pasalubongs' for our family.
We enter some boutique with ladies and men clothes. We also buy accessories and perfumes that will surely be love by the women. Our last stop is in a pastry shop that have products that can last for months so that Landon can bring it home in the
Philippines.
"8:00 PM na," sabi habang nakatingin sa aking relo.
"Tara, balik na tayo," pagsang-ayon niya.
"Sige. Kailangan mo pa magpahinga bago 'yung biyahe."
Agad kaming nakabalik sa hotel kung saan siya may reservation. He ordered some food for us and while waiting, I help him organized his luggage and the things that we bought.
Nang dumating 'yung pagkain ay agad kaming kumain pagkatapos ay nagpahinga siya. Nang alas-dose na ay hinatid ko na siya sa airport. Sumakay lang kami ng taxi at walang umiimik sa amin.
Pinapauwi niya ako noong magpahinga siya pero sabi ko ihahatid ko na siya sa airport. Pagod talaga 'ata siya kaya hindi na nakipagtalo. Pagkarating sa airport ay umupo kami sa upuan para maghintay ng kaniyang flight pabalik ng Pinas. Ilang sandali pa ay narinig na naming tinawag ang flight niya. Nagpaalam kami sa isa't isa bago siya magsimulang maglakad dala ang gamit niya.
Patalikod na siya nang magsalita ako.
"Landon?"
"Yes?"
"Can I have a favor?"
"Ano 'yon?"
"Please tell my parents I'm fine. Pakisabi sa kanila na pasensya na." Napayuko ako.
"Tell them I... I still need time to think," I said hesitantly.
Even though I'm looking at the floor I sense that a smile is formed on his lips.
Lumapit siya sa akin saka binitawan ang luggage niya saka hinawakan ang baba ko para iangat ang aking ulo.
"Thank you."
Nagulat ako nang bigla niyang ikinulong ang mukha ko sa kaniyang mga palad.
The next thing I knew was his lips touching mine.
"Bye, Britany. 'Til the next time." Then he walked away.
I was left there, standing. Hands on my lips, looking stupid with a heart beating so fast.