Chereads / Is It Us? (FILIPINO) / Chapter 20 - Quinze

Chapter 20 - Quinze

I walked my way in a fabric store. The cream color of the store make the colorful fabrics shine. Hundreds of fabric roll are on the divider in which they vary in color, texture, and the material used.

I heard a bell, a sign that someone enter the store. Humarap ako sa likod at nakita ang kadadating pa lamang na sina Bella. Hindi ko sila pinansin at naghanap lang ng tela na kakailanganin ko.

Lumapit ako sa isang rolyo ng tela na siverish-blue ang kulay. Hinaplos ko ang tela nito kung malambot ba at kung makapal ba ang tela para sa nalalapit na taglamig. The fabric have the exact color I want but then, It's not thick enough.

"Bree." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hindi ko na lang pinansin si Eiffel at bumalik sa paghahanap ng tela na kakailanganin ko para sa damit.

"Bree," Muling tawag niya habang tinitingnan ko ang bagong telang nakita ko. "'yung kanina--"

"I'm busy, Eiffel. 'Di ba sabi ko mag-behave ka?" paalala ko ng sinabi ko habang nasa taxi kami kanina. Napakamot na lang siya sa ulo niya at walang nagawa.

Nakita ko sa peripheral vision ko na abala rin sila Bella sa paghahanap ng tela. Mayroon ring iilan pang costumer na sa tingin ko ay katulad ng sa amin ang propesyon. Bumalik ako sa paghahanap ng siverish-blue na kulay ng tela na makapal at malambot habang si Eiffel naman ay nasa likuran ko at nakasunod.

After few more minutes, I found the fabric I'm looking for. I searched for other materials, checking everything to satisfy my desire. Minutes turned into hours until I found everything I'll be needing.

"I can't find my fabric!" I looked at Monnet who's looking so frustrated her brows in curve. She messed her hair and sighed in defeat.

"Don't worry. We might find it in the next store. Shall we?" I said then when she nodded,we look for the others.

Eiffel still followingme but i didn't talk to him.

Binayaran namin yung mga telang kinuha namin bago kami lumipat sa susunod na tindahan ng mga tela.

Umubos pa kami ng ilang oras bago namin mahanap lahat ng kakailanganin naming tela at mga accessories. Agad kaming bumalik sa aming pinagtatrabahuan pagkatapos namin mamili before we called it a day.

"Bye, Bree! take care," I wave my hands on them as they made there way on the West of the road. I watched their figure faded in the crowd before turning and making my way in the East.

"So, can you talk to me now?"

Nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko. Pero mas nagulat ako sa tono ng pananalita niya. Nambibintang ang mga ito tulad na lamang ng kaniyang mga mata. Agad akong nag-iwas ng tingin.

May mga taong mabait pero maski sila, nakakaramdam ng inis. At damang-dama ko kung gaano ka-intense ang tingin sa akin ni Eiffel.

"What's wrong with you, Bree?"

"Nothing. I'm just busy," sagot ko at naglakad na. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.

"Bree, I'm talking to you," I heard but act as if I'm deaf. May otoridad sa boses niya na ngayon ko lang narinig.

"Bree,"Hindi ko pa rin siya inintinde at naglakad na lang nang mabilis pero bigla na lang may mahigpit na kamay ang kumapit sa kamay ko. "What's wrong?"

"I'm..." for a few moments, I don't know what to say.

Anong nga bang problema sa akin? Ba't ba ako umaakto nang ganito? They say that we have instinct but is it still instinct that's working in me?

"I'm," I sighed. "I'm just tired. Can we go home already?"

Napansin ko na nagbago bigla yung tingin niya. 'Yung mata niya, parang may dilubyo sa loob. bakas sa mga ito ang sakit, pagsisisi at... galit?

"Home... You're planing to leave me too?"he said almost whispering.

Too? is he talking about Keina? Did he thought that I'm referring to the Philippines?

"What?! No! What I mean is our house here—in Paris."

Para siyang natauhan sa sinabi ko. Umamo ang mukha niya at kumalma. "You considered it as a home?"

"Yeah." I looked at him worriedly. "Is there something wrong with that?"

He blinked once. Twice. Thrice. "N-none."

Hinawakan ko siya sa braso.  "Eiffel, okay ka lang?"

"O-oo."

"Sure?" Hindi agad siya nagsalita at parang pinakiramdaman pa niya ang sarili.

"Yes. Let's eat somewhere."

"Gusto ko ng pizza," I said out of the blue.

"Tara bili tayo."

Lumakad kami papunta sa isang fastfood na nagtitinda ng pizza. We enter the restaurant then go straight to the counter to order.

"Anong sa' yo? Hawaiian akin."

Tumingin ako sa pagpipilian."'yung Marinara na lang."

"Sige."

Naghintay kame hanggang turn na namin para magsabi ng order. Napakunot ang noo ko nang sabihin ni Eiffel na take out daw kaya itinali nila 'yung dalawang box ng pizza at saka nakasara na mga drinks.

"Sa bahay na lang ba tayo kakain?"

"Hindi."

"E, saan?"

"Basta. Tara."

Nagbayad siya saka kinuha yung dalawang box habang inabot naman niya 'yung drinks sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko saka ako hinatak palabas ng fast food restaurant.

Tahimik lang kami habang naglalakad habang hatak niya ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa mga kamay namin hanggang sa huminto kami sa isang park. Mayroong mga benches sa paligid at mga lamppost na nagbibigay ng liwanag sa park. Mayroong ring makulay na dancing fountain sa gitna. May iilang stalls ng pagkain at mga halaman na nagsisilbing boundary ng park.

Huminto kami sandali. Napatingin kami sa paligid upang maghanap ng pwedeng upuan pero halos lahat 'ata ay occupied ng—err—lovers. Some of them are watching the colorful water dancing on the center. Some are holding each others hand, leaning to their partner's shoulder and talking.

I felt my cheeks heated as I realized that Eiffel is still holding my hands.

"Doon tayo," sabi niya sabay turo sa upuan na nasa bandang sulok sa kaliwa. Napakagat ako sa labi ko. Ba't parang hindi niya napapansing hawak niya pa rin yung kamay ko?

I faked a coughed. "Um, Eiffel, yung kamay ko..."

Napatingin siya sa akin bago ibinaba ang tingin niya sa kamay naming magkahawak. Bigla niya akong binitawan at saka nahihiyang tumingin sa paligid.

I chuckled before sitting down. Tinanggal ko ang mga drinks sa lagyanan at nilagyan ng straw. Tinanggal naman ni Eiffel ang tali ng box at saka ito inilapag sa gitna namin at binuksan.

Kumuha ako ng isang slice at ganoon rin siya. Pareho kaming napatingin sa mga taong magkasintahan.

"Hindi ba dapat wala tayo rito?"

"Hmm?"

"Kasi... tingnan mo 'yung paligid."

"Kasi hindi tayo mag-boyfriend-girlfriend?"

Nanlaki ang mata ko ngunit agad ring nakabawi mula sa pagkabigla.

Naramdaman kong tumingin siya sa akin.

"Loko, hindi. Kasi...um, di mo ba naaalala si Keina?"

"Naaalala. Palagi naman."

Napatango na lang ako.

"Na-inlove ka naman na, 'di ba?"

"Oo. Dalawang beses na," sagot ko bago kumagat sa pizza ko.

"Nagka-boyfriend ka na?"

"Oo. Si Jake the dog."

Napakunot ang noo niya. Kinuha ko muna ang inumin ko at sumipsip roon bago nagsalita. "'Yung sa adventure time."

"'Yung dilaw na aso?"

"Uh-huh."

Napakamot siya sa kaniyang batok. "Edi wala pa?"

"Meron na nga!"

"Sino nga?"

"Jake nga!"

He laughed, "Akala ko nag-jojoke ka lang."

"Nah. Ayon lang tawag ko kasi paborito ko 'yung adventure time."

"Yeah, kaya nga blue and yellow kadalasan ng gamit mo."

Napatingin ako sa kaniya. Napapansin pala niya 'yung mga gamit ko...

Simula kasi ng dumating si Keina, parang hindi na ako nag-e-exist sa mundo niya. Palagi na lang naman si Keina e.

I suddenly thought of the things happened before. Ngayon ko lang napansin na hindi pala. He's actually asking my consent on everything. Nu'ng titira si Keina sa bahay; Kapag aalis sila; Nung nawala ako nag-aalala siya...

Natahimik kami pareho saka bumalik sa panonood ng mga tao habang kumakain.

"Ba't kayo nag-break?"

Nasamid ako bigla dahil sa sinabi niya. Naubo ako dahil may parang kung ano sa lalamunan ko.

"Sorry," sabi niya saka marahang tinapik ang likod ko.

"Dahan-dahan ka naman kasi!" reklamo ko.

"Pasensya na nga e," He smiled apoogetically. "Pero bakit nga?"

Napabuntong hininga ako. "Magkaibigan kami dati. Tapos isang araw naabutan kong umiiyak siya. Kinomfort ko siya kasi kawawa. Nalaman ko na break na pala sila ng girlfriend niya nu'ng mga panahon na 'yon. Kaso sa tuwing sumasama ako sa kaniya, nahuhulog 'yung loob ko. May soft-spot kasi ako pagdating sa mga lalaking umiiyak lalo na sa mga rebound. Then ayon, naging kami. But then rebound niya lang ako, at na-realize ko na awa lang pala 'yung nararamdaman ko."

"'ata," habol ko.

I laughed. "Pero ayos naman kami nung nag-hiwalay. 'Yung pangalawa, kilala mo na, yung groom ko," tumingin ako sa kalangitan—ang daming stars.

"Ikaw?" tanong ko.

Naramdaman ko na sumandal siya at umayos ng upo.

"Tatlo. 'yung una, 'yung nailigtas ko. Kaso hindi ko na siya makita. ilang taon rin 'yon. Pinaimbestigahan ko na nga, 'di pa rin nakita. Nakalimutan ko na rin kasi. Siguro kung mas maaga ko siyang hinanap, malaman ko pa kung sino siya. Tapos sumuko na rin ako. 'Yung panalawa, mas pinili yung career niya kaysa sa akin. Then si Keina—First girlfriend ko."

"Really?"

"Yeah, nakakatawa nga e," sabi nito saka mahinang natawa.

"Masakit pa rin?" natanong ko na lang bigla.

Tumingin siya sa akin bago tumingin muli sa mga bituin. Saka ngumiti.

"Ewan."

"Ha? Anong ewan?"

Tumingin siya sa akin saka tinanggal ang box sa gitna namin at inilapag sa pwesto niya kanina. 

Nagulat ako ng humilig siya bigla sa balikat ko.

"U-uy..."

"Napapagod na ko Bree. Napapagod na kong magmahal..."

Sinubukan kong silipin ang mukha niya pero nakapikit ang mga mata niya upang wala akong emosyon na makita doon.

"Can I hug you?"

Wala sa sariling napatango na lang ako.

Naramdaman ko ang init ng katawan niya ipalibot niya sa aking ang kaniyang mga braso. Nakayakap siya mula sa gilid ko at isiniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg. 

Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti nang tumama ang hininga niya sa aking leeg ngunit hindi ko naman siya magawang itulak.  Napakagat na lang ako ng labi.

"Sa tatlong minahal ko, nasaktan lang ako.  Sinaktan nila ako... We'll technically, hindi nu'ng pang-una. Hindi naman niya alam 'yung nararamdaman ko sa kaniya, e." Humikpit ang yakap nito sa akin at kasabay ng pagkabasa ng balikat ko ng kung anong mainit na likido at siya ring pagsakit ng puso ko dahil sa parang may pumiga nito.

"Bree, hindi ko na 'ata gustong magmahal."

🍷🗼🍷

"Nasaan na kaya 'yon?"

Nahiga ako sa aking kama habang isa-isang binubuksan 'yung mga folder ng pictures sa phone ko. Ewan ko kung ano 'yung natripan ko pero hinanap ko yung huling picture namin ni Jake bago kami maghiwalay.

Makalipas ang ilan pang minuto ay napangiti ako. In the picture is a guy wearing a checkered polo with white shirt underneath. His arm was on the shoulder of the girl beside her having short hair with the bangs, wearing a blue cocktail dress with a star necklace having a heart shape inside. I smiled. It's been four years. Magkikita pa kaya kami?

I shook the thought away. The talked earlier makes me wanna go back to the old days. "Hay, makatulog na nga."

***